2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at Christopher Reyes, 44, pedicab driver, kapwa ng Celia 2 St. Brgy. Bayan-Bayanan.
Sa report ni Col. Tamayao kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad na may kaugnayan sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLT Robert Kodiamat sa kahabaan ng Celia 2 Brgy. Bayan- Bayanan nang makita nila ang mga suspek na lumabag sa curfew at walang suot na face mask.
Inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanila ang 41 piraso plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P346,800 ang halaga, dalawang weighing scale, isang kulay asul na medi- cine kit at P3,300 cash.
Pinuri naman ni Gen. Ylagan ang Malabon Police sa pamumuno ni Col. Tamayao dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang drug suspects na nagresulta sa pagkakumpiska ng naturang illegal na droga. (Richard Mesa)
-
Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM
NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril. Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector. […]
-
Hero’s welcome para kay Diaz
Maituturing si national weightlifter Hidilyn Diaz na isang buhay na bayani matapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kanyang tagumpay sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games. Dahil sa kanyang kabayanihan ay ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 30-anyos na si Diaz ang Gold Medal of Valor sa nakatakda […]
-
Hinihintay ng netizens at fans ang first photo at name… DENNIS at JENNYLYN, wala pang binibigay na details tungkol kay ‘BABY D’
WALA pa ring ibinibigay ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang ibig sabihin ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang na baby girl, kaya naghihintay pa rin ang mga fans nila. Maikli lamang kasi ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chicka Minute ng “24 Oras: “Everything went […]