2 MIYEMBRO NG COAST GUARD, KAKASUHAN SA PAGGAMIT NG DROGA
- Published on May 18, 2021
- by @peoplesbalita
SASAMPAHAN ng kasong administratibo ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) atapos mahuling gumagamit ng iligal an droga sa Zamboanga City nitong May 15.
Tuligsa ni Commandant, Admiral George V Ursabia Jr anghindi magandang Gawain ng mga public servants ng mga organisasyon lalo na kapag drug-related offenses.
“I have been repeatedly urging our men and women to live up the ideals of genuine PCG – patriotism, compassion, and fear of God. I compel fellow senior PCG officers and personnel to shepherd their subordinates towards serving with humility and compassion, and evidently, two of our senior PCG personnel’s alleged involvement in illegal drug activities is a clear dereliction of duty,” ani Ursabia.
Sa buy bust-operation, ang mga suspek na sina Petty Officer First Class (PO1) at Petty Officer Second Class (PO2), kasama ang isang guro ay nahulihan ng apat na sachet ng methamphetamine hydrochloride, o shabu na may estimate market value na P200,000.
Sinabi ni Ursabia na kapag napatunayang guilty ang pagkakasangkot ng kanilang tauhan ay kanilang patatalsikin mula sa kanyang serbisyo.
“The PCG must be a drug-free humanitarian armed service in support of President Rodrigo Roa Duterte’s war on drugs. I enjoin fellow Filipinos to report PCG personnel and other public servants who are involved in this felonious act. We strongly condemn drug-related offenses and assure you that offenders in the organization will face the consequences of their actions,” anang opisyal. (GENE ADSUARA)
-
First time lang sumali, title holder agad: CRISTINA, kinoronahan bilang ‘Noble Queen of the Universe 2022’
BONGGA ang naging salubong ng eventologist na si Tim Yap sa New Year dahil kinasal siya ulit sa kanyang partner na si Javi Martinez. Sa Instagram ay pinost ni Tim ang photo nila ni Javi na magka-holding hands habang nasa Amapulo beach sila at may caption na “married… again.” Kinasal si Tim at ang events […]
-
Panalo ni BBM tiniyak ng political families
NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo. Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang […]
-
Direk ROMAN, aminadong nagulat sa pagiging palaban ng dalawa: VINCE at CHRISTINE, may kakaibang ginawa sa ‘Siklo’ na ‘di kakayanin nina AJ at SEAN
PASABOG agad ang unang Vivamax Original movie ng 2022, ang Siklo ay isang sexy-action-thriller na unang pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas. Kwento ito ni Ringo (Vince), isang delivery rider na mahuhulog sa pinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara (Christine). Si Samara ay isa ring […]