2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH
- Published on May 14, 2021
- by @peoplesbalita
May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang E484Q at L452R ang mga mutation na mas nakakabahala.
Ang mutation L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao. Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.
Ang Mutation E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas malakas ang binding capacity nito sa tao at maaaring makai-was sa immune system.
Tinukoy na rin ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang Indian variant.
Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa ating bansa.
Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw, nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa at mataas pa rin ang average daily attack rate.
-
Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30
PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians. “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]
-
Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano
SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas. Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’ “Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” […]
-
Mag-amang top 5 at 6 most wanted ng Navotas, nasukol sa Masbate
NALAMBAT ng pinagsanib na puwersa ng Navotas police at Masbate Provincial Police Office ang mag-ama na kabilang sa Top 5 at Top 6 Most Wanted Person ng Navotas City makaraang matunton sa kanilang lugar sa lalawigan ng Masbate. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang nadakip na si Judy Arizala, 68, […]