• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 NAAKTONG NAGSA-SHABU SA LOOB NG KARITON SA NAVOTAS

WALANG kawala ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, Pasig City at Robel Pring, 32, garbage scavenger ng Banyera St., NFPC Brgy., NBBS, Navotas City.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni PCMS Richard Denopol, dakong alas-2 ng hapon, nagsasagawa ng patrol operation ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovic sa pamamagitan ng pamumuno ni P/Col. Oliver Tanseco sa Navotas Fish Port Complex, Brgy., NBBN.

 

 

Dito, naaktuhan nila ang mga suspek na abala umano sa pagsinghot ng hinihinalang shabu sa loob ng isang nakabukas na kariton na naging dahilan upang lapitan nila ang mga ito sabay nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang dalawa.

 

 

Inaresto nina Pat Ecequil Fabillar at Pat Samboy Pandi ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P500 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra

    BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.     Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]

  • BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”

    FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael […]

  • ‘Sign of love’ sa kapatid na pumanaw: ELIJAH, nagpa-tattoo para ‘di nila makalimutan si JM

    PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM.      Pati raw ang isa nilang kapatid na si Jerom ay nagpalagay din ng tattoo.     Sign of love daw nila ito para […]