• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 nalambat sa buy-bust sa Navotas, Valenzuela

DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang natimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Apahap St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Matapos tanggapin ni Dennis Alvarez alyas “Dinay”, 50, (pusher/listed) ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska kay Alvarez ang humigit-kumulang sa 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) Php 57,800.00 at buy-bust money.

Sa Valenzuela, alas-9:45 ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo si Jerome Alonde, 29 ng Purok 4, Orosco St., Brgy. Mapulang Lupa matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl Maverick Jake Perez na nagpanggap na poseur-buyer sa buy-bust operation sa Sapa St. Bisalao, Brgy. Bagbaguin.

Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla , nasamsam kay Alonde ang humigit-kumulang sa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 20,400.00, buy-bust money, P200 cash at coin purse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • NBI pinakikilos vs international fraud syndicate na nambibiktima ng OFWs

    KINALAMPAG  ng isang consumer group ang National Bureau of Investigation (NBI) para maaksyunan ang pambibiktima ng mga internasyunal na sindikato sa bank fraud na bumibiktima ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging mga lokal na empleyado sa bansa. Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB), target umano ng sindikato na […]

  • Dahil sa sunod-sunod na bagyo: Pinas, aangkat ng 4.5-M tonelada ng bigas dahil sa pinsala sa agrikultura

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.     Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino.   Sinabi ito ng Pangulo sa […]

  • GLOBAL SPOTLIGHT ON DIRECTOR RYOO SEUNG-WAN’S ACTION CRIME THRILLER “I, THE EXECUTIONER,” AN OFFICIAL SELECTION AT THIS YEAR’S FESTIVAL DE CANNES AND TORONTO INTERNATIONAL FILM FESTIVALS

    DIRECTOR Ryoo Seung-wan’s new action crime movie “I, the Executioner,” starring Hwang Jung-min and Jung Hae-in, has garnered global attention by receiving consecutive invitations to the Cannes Film Festival in May, and the Toronto International Film Festival this month.     Officially selected for the Midnight Screening section of the 77th Festival de Cannes, “I, […]