2 nasita sa pagyoyosi sa Caloocan, laglag sa P100K droga
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
SA halip na titiketan lang, sa kulungan binitbit ng pulisya ang dalawang durugista nang mabisto ang dala nilang mahigit P100k halaga ng shabu sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.
Sa report ng Tuna Police Sub-Station (SS1) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Kawal St., Brgy., 28, nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), pumalag ang mga suspek at kumaripas ng takbo para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang makorner at maaresto.
Nang kapkapan ang 27-anyos na mason at 32-anyos na electrician na kapwa residente ng lungsod, nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachets na naglalaman ng 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000.
Kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) isinampa ng mga tauhan ni Col. Canals laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang Caloocan police sa kanilang mabilis at estratehikong pagsasagawa ng operasyon.
Aniya, ang NPD ay nanatiling nakatuon sa misyon nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga operasyon laban sa droga at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad. (Richard Mesa)
-
Bakit natatakot sa katotohanan?- Tingog Party-list Rep. Jude Acidre
ITO ang pagtatanong ni Deputy Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa ginawang hakbang ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hadlangan ang pagsasagawa ng impeachment trial. “Transparency is fundamental in any democratic government. If Vice President Duterte has done nothing wrong, why is she so afraid of the truth? Blocking […]
-
8 aplikante sa inisyal na listahan ng kandidato para sa Maharlika Investment Corp.-DBM
MAY walong aplikante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging bahagi ng board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC). Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na “Yung info na nabigay sakin nung una, but this was two weeks ago when we started, parang there’s already seven to eight… Private mostly, walang government.” Ang MIC […]
-
Obiena may tiket na sa World meet
PASOK na si Olympian Ernest John Obiena sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships. Ito ang inihayag ni Obiena matapos ang kanyang gold medal performance sa Orlen Cup na siyang naging tiket nito para makahirit ng puwesto sa dalawang malaking world level competitions. “Last night in Lodz, Poland I […]