• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

 

 

Inamin ni Vega na sa naturang numero, mahihirapang maabot ang target nila na makapagpabakuna ng 50% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.

 

 

Para maabot ang naturang target, kailangang mabakunahan ang average na 500,000 indibidwal kada araw. Ngunit magdedepende umano ito sa mga dumadating na suplay ng bakuna sa bansa.

 

 

Una nang humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabinbin ng delivery ng mga bakuna sa ilang lokal na pamahalaan.

 

 

Ipinayo ni Vega na mga brand na AstraZeneca, Sinovac at iba pang bakuna na hindi masyadong sensitibo sa temperatura ang dalhin sa mga malalayong lugar upang maserbisyuhan rin ang mga mamamayan sa mga kanayunan.

Other News
  • Hinihintay na ang pag-amin sa kanilang relasyon: JULIE ANNE, tanggap na tanggap din ng mga pinsan ni RAYVER

    TIYAK na na-excite ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kahapon, July 17, sa pagsi-celebrate ng actor-singer-dancer ng kanyang 32nd birthday sa “All-Out Sundays.”     Last May 17, ay nag-celebrate naman ng kanyang 28th birthday si Julie sa show. Naging special ang celebration dahil dumating para bumati kay Rayver ang […]

  • P.4M droga, nasamsam sa 2 high-value individuals sa Caloocan

    MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang high-value individuals (HVIs) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.           Nakatanggap ang mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities nina alyas “Pade”, 58, […]

  • Masaya sa tinatakbo ng career ni Dolly: JAKE, gumagawa na rin ng ingay sa Hollywood

    NAG-CELEBRATE ng kauna-unahang drag journey anniversary ang Drag Race Philippines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole.      Isang thanksgiving show ang hinandog ni Precious na may title na “Precious Journey-versary” sa Empty Stomach noong nakaraang linggo.     On Instagram, pinost ni Precious ang ilang unforgettable moments ng gabing iyon.     […]