• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga

SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 na nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang 39-anyos na pintor na si alyas “Ef-Ef”, ng Bagong Silang habang nakaupo at naninigarilyo sa pampublikong lugar sa bangketa ng Bicol Area St. Brgy. 175 na isang paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang pinatayo siya ni P/Capt. Joel Pinon, team leader ng SS11, napansin nila ang nakasukbit na kalibre .38 revolver sa baywang ng suspek na walang kaukulang dokumento na dahilan ng kanyang pagkakadakip.

 

 

Dakong alas-11:35 naman nang sitahin ng pulisya ang tambay na si alyas “Angelito” 18, ng Bagong Silang, nang matiyempuhang umiihi sa pampublikong lugar sa Phase 4, Robis, Brgy. 176, na isa ring paglabag sa umiiral na ordinansa.

 

 

Nang hanapan ng identification card (ID) ng mga tauhan ni Col. Lacuesta ang binata para sa pagi-isyu sa kanya ng OVR, napansin ng pulisya ang nakasukbit sa kanyang baywang na isang paltik na pen gun na may bala ng kalibre .38.

 

 

Ang dalawang pasaway na lumabag sa umiiral na ordinansa ay kapuwa sinampahan ng mas mabigat na kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Muling naging aktibo sa social media account: KRIS, tuloy ang laban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY

    NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.     Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition.     September huling nag-post […]

  • PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at  Land Transportation Office (LTO).     Sa katunayan, sa  Facebook post, araw ng Lunes,  inanunsyo ng DOTr  ang pagtatalaga kina  Horatio Enrico Bona bilang  LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang  DOTr Assistant Secretary for Planning and […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]