• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 piloto na nasawi sa bumagsak na fighter jet, ginawaran na ng arrival honors at parangal ng PAF

LUMAPAG ang C-130 aircraft sa Villamor Airbase, Sabado, March 8, sakay nito ang labi ng mga nasawing piloto ng FA-50 fighter jet na sina Major Jude Salang-Oy at First Lt. April John Dadulla.
Nang maibaba na ang labi ng mga ito sa aircraft agad naman itong ginawaran ng arrival honors at parangal ng Philippine Air Force (PAF).
Pinangunahan ito nila DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., at ilan pang matataas na opisyal ng PAF.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Consuelo Castillo, ang natanggap na parangal ng dalawang nasawing piloto ay Distinguish Aviation Cross. Ito raw ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa miyebro ng PAF na nagsagawa ng natatanging serbisyo at nagpakita ng katapangan, dedikasyon, at husay sa kanilang tungkulin.
Ayon pa kay Col. Castillo magkakaroon ng vigil sa Villamor Airbase. Hindi pa raw tiyak kung hanggang kailan mananatili ang labi ng mga piloto dito sa Pasay pero plano raw itong ilipat sa Basa Air Base sa Pampanga para makasama ng kapwa nila fighter pilots hanggang Martes ng gabi.
Sa Miyerkules, iuuwi na raw ang labi ng mga piloto sa kani-kanilang bayan.
Samantala, kabilang din sa mga nag-abang kanina ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng mga nasawing piloto.
Tumanggi ang pamilya na magpaunlak ng panayam, at ayon pa kay Col. Castillo, nakiusap din ang pamilya na igalang ang kanilang privacy sa isasagawang vigil sa Villamor Airbase. (Daris Jose)
Other News
  • IATF niluwagan ang panuntunan sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng PH

    Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated person kabilang na ang mga senior citizens.     Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na base sa IATF Resolution 124-B na ang mga interzonal travelers na fully vaccinated laban sa […]

  • Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform 

    Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform  para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)

  • Kahit tahimik lang sa mga pamumuna o panlalait: BEA, magiging ipokrita kung sasabihing hindi siya nasasaktan

    TAHIMIK lang si Bea Alonzo sa mga ibinabatong pamumuna o panlalait o kritisismo sa kanya.   Pero inamin nito sa naging solo presscon niya para sa GMA Telebabad na “Start-Up PH” na magiging ipokrita raw siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan.   Sabi nga ni Bea, “Siyempre hindi ako magiging ipokrita, sometimes, nasasaktan ako. […]