• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, NAPIGIL

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa  Singapore.

 

 

Sa ulat ng  BI  travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang  sumakay sa Scoot Airlines  sa Clark International Airport (CIA) na nagpanggap na mga turista.

 

 

Itinanggi ng dalawa na magkakilala sila  at sinabing bibiyehe sila upang magbakasyon pero sa beripikasyon nalaman na may active work permits na magtrabaho sa Singapore bilang mga entertainers.

 

 

Pero inamin sa bandang huli, inamin nila  na nag-aplay sila sa pamamagitan ng online at sinabihan na mag turista sila para mapagtakpan ang totoong pakay nilang magtrabaho. Nagbayad sila ng P30,000 at P15,000 para sap ag-proseso ng kanilang dokumento.

 

 

“In many cases, these victims are made to believe that they will be working as entertainers, but many end up forced to work in sex trade,” ayon  kay Tansingco.  “This is a clear case of human trafficking, wherein the victims are instructed to pretend to be tourists,” dagdag pa nito.

 

 

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng CIA Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng demanda ng kanilang recruiters. GENE ADSUARA

Other News
  • Patuloy na pinupuri sa mahusay na pag-arte: BARBIE, grateful na part ng important milestone sa GMA Primetime

    MARAMING natuwa nang si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang naging cover ng Cosmopolitan PH magazine this month.      May caption ito na: “Independent, passionate and fearless. – Barbie Forteza is a Modern Filipina that the next generation can relate.     “Barbie earned her star the old school way for 13 years – […]

  • Ads December 13, 2022

  • House-to-house na pagbabakuna sa seniors

    Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs).     Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na […]