2 riding-in-tandem na nang-agaw ng motorsiklo, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
TIMBOG ang dalawang riding-in-tandem na mga suspek na nanutok ng baril sa isang estudyante at tumangay ng kanyang motorsiklo nang masabat ng pulisya sa Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang mga suspek sina alyas ‘Macmac’, 30, ng Caloocan City, alyas “Tat”, 21, alyas “Gab”, 49, at alyas “Leo”, 47, pawang residente ng Valenzuela City.
Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alyas “Jan”, 22, estudyante, ng Brgy., Maysan, habang sakay siya ng kanyang motorsiklo nang mapansin niya na sinusundan siya ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa West Service Road, Brgy. Parada dakong alas-4:32 ng hapon hanggang tutukan siya ng baril at inagawa ang motorsiklo niya.
Nakapagsumbong naman kaagad ang biktima sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) kaya agad ini-report ng mga ito ang insidente sa Station Tactical Operation Center (STOC) ng Valenzuela police.
Kaagad niradyuhan ng STOC ang kapulisan para sa magsagawa ng dragnet operation saka inilarawan ang suot ng mga suspek at deskripsiyon ng gamit nilang mga motorsiklo.
Ayon kay P/Capt. Doddie Aguirre, hepe ng Police Sub-Station (SS6), habang nagsasagawa sila ng Oplan Sita sa Snake Road, Barangay Lingunan, nang marinig nila ang ulat tungkol sa nasabing insidente.
Makalipas ang ilang minuto, namataan nila Capt. Aguirre ang apat na lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo at tugma sa iniulat na nang-agaw ng motorsiklo ng estudyante kaya pinara nila ang mga ito.
Nang hanapan ng driver’s license at mga papeles ng motor ay nagtangka umanong tumakas ang mga suspek kaya inaresto na sila ng mga pulis kung saan nakuha kay alyas Macmac ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng limang bala at apat na plastic sachets ng hinihinalaang shabu.
Nakuha rin kina ‘Gab’ at ‘Leo’ ang dalawang plastic sachets ng umano’y shabu na tumitimbang lahat ng 3.82 gramo at nagkakahalaga ng P25, 976.00, habang positibo namang kinilala ng biktima ang mga suspek nang iharap sa kanya, pati na ang kanyang motorsiklo.
Kasong paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016, Article 151 of Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Their Agents), R.A. 10591 in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code) at Section 11 of R.A. 9165 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa piskalya ng Valenzuela City. (Richard Mesa)
-
Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon
Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. […]
-
Steven Spielberg’s ‘West Side Story’ Drops Official Teaser Trailer
WALT Disney has finally dropped the first official teaser to Steven Spielberg’s upcoming reimagination of West Side Story during the 93rd Academy Awards. The movie stars Ansel Elgort and Rachel Zegler and will premiere in Philippine cinemas soon. Watch it below: https://www.youtube.com/watch?v=0k2OdEzq-dc West Side Story stars Ansel Elgort and Rachel […]
-
Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa
MAGIGING punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo. Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula […]