• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 snatcher arestado sa shabu

SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa R.A 9165 ang naarestong mga suspek na si Rafael Damian, 21, ng 117 KKK St. Brgy. 150 at Richard Martinez, 31, ng Milagrosa Ext. Brgy. 154, kapwa ng lungsod.

 

Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Caloocan Police na si P/Col. Dario Menor, alas-11:40 ng gabi, minamaneho ng Lalamove driver na si Elizalde Manansala, 47, ng 161 Ramenad St. Brgy. 154, ang kanyang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng North Diversion Road (NDR), Brgy. 154 nang pansa-mantala itong huminto upang tingnan ang kanyang cellphone.

 

Gayunman, bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ang mga suspek at hinablot ang kanyang cellphone saka mabilis na tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga barangay opisyal.

 

Dahil sa mabilis na pagresponde ni Brgy. 154 Ex-O Eliver Apilado at Kagawad Rowah Latagan, agad naaresto ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang isang cellphone at dalawang plastic sachets na naglalaman ng 3.04 gramo ng shabu na nasa P20,672 standard drug value ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

    SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.   Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.   Importante ayon kay […]

  • Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

    MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.     Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.     Sinabi […]

  • Carly abala sa gym

    KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers.   Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang […]