• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tricycle driver naaktuhan nag-aabutan ng droga sa Valenzuela

BAGSAK sa kalaboso ang dalawang tricycle driver na sangkot umano sa ilegal na droga matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Anthony Delupio “Tonet”, 36, tricycle driver ng No. 6111 Upper Tibagan Gen T De Leon, at Roger Ramos, 44, tricycle driver ng 1072 Ugong.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joel Madregalejo ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Santos Compound, Brgy  Gen. T De Leon.

 

 

Agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ng mga ito si Delupio na may iniabot na isang plastic sachet ng umano’y shabu kay Ramos dakong alas-2: 45 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 seized money, coin purse at cellphone.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Maraming natutulungan dahil sa tinayong comedy bar: VICE GANDA, pinasasalamatan ng mga komedyante tulad nina Petite at Divine Tetay

    SINGLE si Jean Garcia at kuntento na raw siya na wala siyang inaalagaan at walang problema pagdating sa topic ng pag-ibig.   Mas importante raw sa aktres ang kanyang pagmamahal sa mga anak, sa dalawang apo at sa kanyang sarili.   “Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. […]

  • Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque

    SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw […]

  • DOTr sinabing walang basehan ang ulat na aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization

    NILINAW  ngayon ng Department of Transportation na walang basehan ang umanoy aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization program ng gobyerno.     Ayon kay Office of Transprotation Cooperatives chairman Jesus Ferdinand Ortega na walang basehan ang palutang na posibleng umabot sa P50 ang pasahe sa modern jeepney.     Paliwanag ni Ortega, […]