2 ‘tulak’ tiklo sa Malabon, Valenzuela drug bust
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.
Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon ang hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas ‘Tokwa’, 37, kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation kontra sa suspek.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, dakong alas-9:30 ng Martes ng gabi sa Ilang-Ilang Street corner Ilang- Ilang III St., Brgy. Baritan.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P34,000.00 at buy bust money.
Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa buy bust operation sa Ka Melanio St. corner Rincon Road, Brgy. Rincon dakong alas-2:45 ng Miyerkules ng madaling araw si alyas ‘Robert’, 53.
Nakuha ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600.00, buy bust money na isang P500 bill at apat pirasong P1,000 boodle money, 100 rerecovered money at itim na coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1965 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC
PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa. Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila […]
-
ALEX, inamin na rin na kinasal na sila ni MIKEE noong November 2020
SA latest YT vlog ni Alex Gonzaga, inamin niya na kinasal na sila ni Mikee Morada. Kasabay nga ng 33rd birthday ng TV actress/host noong Sabado, January 16, 2021, ibinahagi ni Alex na naganap ang civil wedding ceremony sa family room ng bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal noong November 2020. Sa […]
-
Bureau of Quarantine tiniyak na wala nang delay sa paglalabas ng COVID-19 test results
TINIYAK ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi na magkakaroon pa ng delay sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 RT-PCR test ng mga kababayan pauwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., sa loob lamang ng 24 oras ay nakapagsumite na ng mga resulta […]