2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemenf Unit (SDEU) na kinabibilangan nina PSSg Gabby Migano, PSSg Alvin Olpido at PCpl Ed Shalom Abiertas sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria sa Santolan Service Road, Brgy. Gen. Te De Leon kontra kay Shaun Paul Jayme, 37.
Habang nagaganap ang buy bust, ipinakita ng suspek sa pulis na nagpaggap na buyer ang baril na kalaunan ay napagalamang isang gun replica na nakasukbit sa kanyang baywang sabay sabi “Pre galing na ako sa loob, wag ka magkakamali na ituro ako sa mga pulis papatayin kita ha”.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga ay agad nagbigay ang pulis ng signal sa back up na mga operatiba na mabilis namang lumapit at dinamba ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 130 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P884,000.00 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay P500 bill at 31 pirasong P500 boodle money, gun replica at motorsiklo.
Dakong 8:20 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Bengson Radam, 40, tricycle driver matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa T. Conception St. Brgy. Marulas.
Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, narekober sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, buy bust money, P600 cash, cellphone, 2 ID at sling bag. (Richard Mesa)
-
Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang Nat’l IDs, may ilan ang nakakuha ng 2 o higit pa
HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang nagrereklamo sa printout ng ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”, 74.2 milyong Filipino […]
-
PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang tax measures sa ilalim ng Medium-Term […]
-
Valenzuela pinasinayaan ang pangatlong WES events space
SA layuning makapagbigay ng accessible at abot-kayang mga event space para sa Pamilyang Valenzuelano, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang isa pang WES Events Space sa Brgy., Canumay West. Ang pasilidad ay nagsisilbing ikatlong WES Events Space sa lungsod, kasunod ng matagumpay na pagbubukas sa […]