2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaking wanted sa kasong murder matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, 29, mangingisda ng Blk 29 Lot 8 Squatter Area, Palengke St. Brgy. NBBN.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng MARPSTA ng impormasyon na nakita ang suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) kaya’t agad bumuo ng team ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovice, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police sa pangunguna ni PSMS Normito Tapon.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsamang mga tauhan ng MARPSTA at WSS sa Palengke St., NFPC na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Zaldy B Docena ng RTC Branch 170 ng Malabon city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, natimbog din ng pinagsamang team ng MARPSTA, WSS ng Navotas Police at Special Operation Unit 3 sa hiwalay na operation dakong alas-6:30 ng gabi sa Riversside St., Unit 3, Brgy. Commonwealth, Quezon city si Alger Cervantes alyas “Tricks”, 25, electrician.
Si Cervantes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Madonna Echiverri, Presiding Judge, RTC Branch 80 ng Quezon City para sa paglabag sa Article 248 (Murder) na walang inirekomendang piyansa. (Richard Mesa)
-
RURU, naglalakihan na ang braso at dibdib dahil sa ‘intense workout’; paghahanda para sa ‘Lolong’
BORTANG-BORTA ang pangangatawan ni Ruru Madrid sa isang video post nito sa Instangram kunsaan nagwu-workout ito bilang paghahanda sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Lolong. Naglalakihan ang mga muscles sa braso ni Ruru habang nagbubuhat ito ng weights. Kitang-kita rin ang malaking dibdib ng aktor na kinasasabikan na ng nga beking makita […]
-
15 patay sa lunod sa Semana Santa — PNP
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 30 insidente ng pagkalunod, banggaan ng mga sasakyan at iba pang mga sakuna sa gitna na paggunita ng Semana Santa sa bansa.nnAyon sa PNP, hanggang nitong Sabado de Gloria (Abril 19), sa 18 kaso ng pagkalunod na naitala, 15 ang nasawi, 2 ang nasugatan, at 1 ang naiulat […]
-
Ads December 13, 2021