20-anyos na wanted sa sexual offenses, nabitag sa Valenzuela
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
TIMBOG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa manhunt operation ang isang kelot na wanted sa kasong sexual offenses sa Valenzuela City.
Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa kinaroroonan ng 20-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person ng lungsod.
Agad bumuo ng team si P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng DDEU saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-4:40 ng hapon sa Northville 1, Barangay Bignay.
Ani Capt. Pobadora, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrants of arrest were na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City, noong December 12, 2024, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610, and Sexual Assault under Article 266-A(2) of the RPC in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang dedikasyong pagsisikap ng mga opisyal ng DDEU na sangkot sa operasyon kung saan binigyang-diin niya na ang pagtutulungan at propesyonalismo ay nananatiling pundasyon ng misyon ng NPD na maghatid ng hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa CAMANAVA area.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DDEU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
Makakasama si John bilang ama niya: PAOLO, gaganap na gay martial arts fighter sa ‘Fuchsia Libre’
MAY bagong pelikulang gagawin ang Kapuso TV host-actor na si Paolo Contis, kasama ang batikang aktor na si John Arcilla. Sa Chika Minute report sa GMA News “24 Oras”nitong Lunes, sinabing isang gay martial arts fighter ang magiging role ni Paolo sa pelikulang may pamagat na ‘Fuchsia Libre’. Wala pang ibang […]
-
Star-Studded New York City Red Carpet Screening of Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever”
DIRECTOR Ryan Coogler and stars Letitia Wright, Lupita Nyong’o, Danai Gurira, Winston Duke and Tenoch Huerta Mejía attended a star-studded red-carpet event at AMC in New York City. Images from the event are now available. In Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever,” Queen Ramonda (Angela Bassett), Shuri (Letitia Wright), M’Baku (Winston […]
-
Ads December 28, 2021