• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20% diskuwento sa toll fee para sa seniors

NAIS  ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.

 

 

Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens sa pagbabayad ng toll fess sa pamamagitan ng radio frequency identification (RFID) o kahalintulad na device.

 

 

Para makakuha nito, dapat na iparehistro ang sasakyan na nakapangalan sa senior citizen, kung saanmagsusumite ito ng kopya ng kayang ID card sa expressway o skyway operator sa pag-apply ng RFID installation.

 

 

“Our measure seeks to give more meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the rights and welfare of the elderly,” ani Rillo.

 

 

Ang Toll Regulatory Board ng Department of Transportation at iba pang ahensiya ang siyang magpapatupad sa pagbibigay ng diskuwento.

 

 

Aamyendahan ng panukala ang Expanded Senior Citizens Law para sa karagdagang benepisyo sa mga pinoy na 60 anyos pataas.

 

 

Sa kasalukuyan, ang mga senior citizens ay binibigyan ng 20% discount at value-added tax exemption sa pasahe sa eroplano at barko maging sa tren at mga public utility vehicles, kabilang na ang shuttle at ride-hailing services.

 

 

Dagdag pa ang exemptions sa pagbabayad ng airport at seaport passenger terminal fees. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]

  • Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA

    Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa indepen­dent na OCTA Research Group.     Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng ­Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril […]

  • Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na gagawing plebisito

    SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao.     Inanunsiyo ng poll body na ang printing ng official ballots para sa September 17 plebiscite ay sinimulan na kahapon sa National Printing Office sa Quezon City.     Noong Hunyo nang nagtakda ang poll body ng […]