• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.

 

 

Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga “internet poor” residents.

 

 

Bukod dito ay ipinakita rin sa naturang pag-aaral na ang mga internet users sa bansa ay nagbabayad ng hindi bababa sa P650 kada buwan para sa internet connectivity — mas mababa sa P1,400 rate na naitatala sa US.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging tugon ang Department of Information and Communication Technology ukol dito ngunit kung maaalala, noong 2018, kinontrata ng DICT ang ilang internet service providers para magbigay ng libreng internet connection sa 11,000 sites sa bansa.

Other News
  • Kobe Paras pass sa 3rd window

    Habang nag-commit na si Kai Sotto sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers, hindi naman masisilayan sa aksyon si Gilas Cadets member Kobe Paras.     Walang darating na Paras sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil nagpasya itong lumiban sa third window dahil sa personal na kadahilanan.     Ayon sa ulat, […]

  • Sulo, hindi na kasama sa BARMM

    IBINASURA ng Korte Suprema ang mosyon na humihiling na huwag ibukod ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Hindi pinaboran ng Korte Suprema ang mga motion for partial reconsideration na inihain ng BARMM government, Office of the Solicitor General, at iba pa noong September 9, 2024.   Pero […]

  • ‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases

    Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.     Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.     Ayon kay […]