• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.

 

 

Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana dalawang checkpoints Ingress at egress ibig sabihin dalawang border control point.

 

 

” Yung boundaries ng NCR plus doon sa strategic areas kung san doon yung boundary po ilo-locate yung checkpoint. Now outside the boundary meron din po yung border control kung sino po yung papasok sa NCR plus. So kung sila po ay essential worker definitely po sila ay papayagan pero kapag non-essential workers sasabihan lang po yung papasok na bumalik na po,” paliwanag ni BGen. Usana.

 

 

Ang mga itinalagang quaratine control points ay ang mga sumusunod:

 

 

Sa Bulacan hanggang sa boundary ng Pampanga, inilatag ang checkpoint sa : 1. DRT Highway, Brgy. Bulualto, San Miguel Bulacan hanggang Gapan, Nueva Ecija 2. Brgy. San Roque Road, Baliuag hanggang Candaba, Pampanga Mac Arthur, Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan hanggang Apalit, Pampanga at Brgy  San Pascual, Hagonoy, Bulacan hanggang Sapang Kawayan, Masantol Pampanga.

 

 

Sa NLEX Southbound exit kasama ang may checkpoint ang: Pulilan ext; Sta Rita ext.; Bocaue ext; Philippine Arena ext; Meycauayan ext at Marilao ext.

 

 

Sa Cavite-Batangas boundaries naman: Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sapatang 1, Ternate, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sungay East at San Jose Tagaytay City hanggang Brgy. Guillermo, Talisay, Batangas

 

 

Sa Laguna-Batangas boundary: Brgy. Makiling, Calamba City hanggang Sto. Tomas, Batangas; Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna hanggang Sto. Tomas, Batangas

 

 

At sa Laguna-Quezon boundaries naman: Brgy. San Antonio 2, San Pablo City, Laguna hanggang Tiaong, Quezon City ; Brgy  san Antonio Luisana, Laguna hanggang Lucba, Quezon ; Brgy. Tunhac, Famy Laguna hanggang Real, Quezon At Brgy. San Isidro Majayjay Madlena Road hanggang Lucban, Quezon.

Other News
  • Synchronized ringing of bells at pagdarasal ng oration imperata, isasagawa

    TINIYAK ng Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa mananampalatayang apektado sa pagkansela ng mga malaking pagtitipon tulad ng Banal na Misa kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa upang makaiwas sa COVID-19.   Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong kanselado ang mga Banal na Misa […]

  • 2 Azkals stars sinusulot ng Thailand

    Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL).   Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan […]

  • DSWD, pinagtibay ang suporta sa mas pinalakas na Asean regional cooperation

    PINAGTIBAY ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo  ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang development policies  ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), tumutugon sa kakailanganing pagbabago para sa  marginalized at vulnerable sectors sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Sa isang kalatas, sinabi ng DSWD na […]