2020 Thunderbird Challenge, ilalarga
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
ITATAMPOK ang mga matagumpay at bagong sumisikat na mananabong ng North Luzon at Metro Manila sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20.
Lahat ng maging regional qualifier ang mga hahamon sa Thunderbird National Endorser na kinabibilangan nina Abraham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Mayor Jesry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brothers (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy at iba pa.
May tatlong yugto ang North Luzon Qualifiers 5-Bullstag Derby sa Pangasinan Coliseum sa Marso 29; Jaycee Clay Sports Complex, Isabela sa Abril 08 at Porac Cockpit Arena sa Abril 13.
Magpapatuloy sa Mar. 6 sa Dasmariñas Coliseum, Cavite, Marso 17 sa Texas Cockpit, Antipolo, Marso 21 sa Tagaytay Cockpit, Marso 28 sa La Gallera De Tanza, Cavite, at Abril 2 sa Roligon Mega Cockpit, Paranaque.
Ang 3-cock final ay gaganapin sa RMC din sa Abr. 16. Ang registration fee para sa dalawang qualifier ay P3,500 plus empty pack ng Thunderbird Enertone at ang minimum bet ay P5,500. (REC)
-
Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches
Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo. “We would like […]
-
NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad
Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic. Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta. Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung […]
-
“Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police
NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto […]