• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 28th, 2020

Sharapova nagretiro, goodbye tennis na

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“PLEASE forgive me. Tennis—I’m saying goodbye.”

 

Ito ang maramdaming pamamaalam ni Maria Sharapova sa sport na minahal sa kanyang kolum sa Vogue at Vanity Fair.

 

Tuluyan nang bibitawan ni tennis superstar ang paghawak sa raketa nang ianunsyo nito ang kanyang pagreretiro.
Nabuhay sa mundo ng tennis si Sharapova. Pero sa kabila ng 28-taong pamamayagpag at pagsungkit ng limang Grand Slam title, ibang kabanata naman ang gustong harapin ngayon ng 32-anyos na tennis star.

 

“Tennis showed me the world—and it showed me what I was made of. It’s how I tested myself and how I measured my growth,” may ngiti sa labing pagsiwalat ni Sharapova.

 

Anuman daw ngayon ang tatahakin o haharaping bundok handa niya itong akyatin.

 

“And so in whatever I might choose for my next chapter, my next mountain, I’ll still be pushing. I’ll still be climbing. I’ll still be growing,” paniniyak nito sa publiko.

 

Nasa ranked 373 na ngayon ang dating Russian world number 1 makaraang bumaba na rin ang kanyang performance sa nakaraang malalaking torneyo.

 

Gumawa ng sariling pangalan si Sharapova nang maabot nito ang Wimbledon title taong 2004 sa edad 17. Taong 2005, naging world’s No. 1 ito.

 

Pero nabura ang pagiging dating Russian world number 1 nito nang lumamya ang performance nito sa malalaking torneyo hanggang sa umabot na lang sa ranked 373.

 

Nadungisan din ang mabango niyang pangalan nang masangkot siya at magpositibo sa drug test sa Australian Open taong 2016 at mapatawan ng 15-month ban.

Manila Bay Cleanup Compliance, nasungkit ng Navotas

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 94.2% na marka sa 2019 Assessment of Compliance of Local Government Units to Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

 

Kasama ang Navotas sa top five na mga LGU na nagtaguyod ng Supreme Court mandamus na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na linisin, ayusin at ipreserba ang Manila Bay at ibalik ang water quality nito para pwede ng paglanguyan o gamitin sa contact recreation.

 

Hinikayat ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño at opisyal ng barangay na ipagpatuloy ang pagsisikap na manatiling malinis ang mga katubigan sa lungsod.

 

“Ang pangingisda ang ating pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at bilang fishing community, dapat binibigyan natin ng lubos na pagpapahalaga ang kalusugan at kondisyon ng ating mga dagat at ilog,” ani Mayor. “May mga polisiya at programa tayo para mapanatiling malinis ang ating mga dagat at ilog at ibalik ang water quality nito sa swimming level. Ngunit, kailangan natin ang suporta at pakikilahok ng lahat para magtagumpay ang mga polisiya at programang ito.”

 

Ipinapatupad ng Navotas ang mga ordinansa ukol sa anti-littering, maayos na sewage at septage sa mga kabahayan, opisina at establisimiyento, at iba pa.

 

Aktibo rin itong nakikilahok sa Battle for Manila Bay clean-up drive at nakakolekta ito ng 2,267,087 kilo ng basura noong Enero hanggang Disyembre 2019.

 

Dagdag pa rito, patuloy na nagsisikap ang lungsod na makapagbigay ng bagong tahanan sa mga informal settler families na nakatira sa tabing-dagat o ilog.

 

Ang Department of Environment and Natural Resources at San Miguel Corp., sa kabilang banda, ay nagsimula ng magsagawa ng sustainable dredging program para sa Tullahan-Tinajeros river system.

 

Maliban sa pagtanggal ng silt, debris at basura sa ilalim ng ilog, inaasahang makatutulong ang dredging program para maiwasan ang pagbaha sa Bulacan. (Richard Mesa)

Sanggol itinapon sa basurahan

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw.

 

Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 ng umaga.

 

aAad itong sinagip ng mga opisyal ng barangay at ng mga kawani ng cwsd ng biñan city.

 

Nakita sa cctv ng barangay ang pag-iwan dito ng isang middle aged na babae na nakasuot ng puting long sleeve dakong alas-4:30 ng madaling araw.

 

Iniwan ng babae ang eco bag sa pagitan ng nakaparadang suv at tambakan na basura.

 

Pagkaraan, hinubad ng babae ang suot na long sleeve bago itinali sa beywang at saka naglakad papalayo.

 

Ayon sa mga barangay official ng poblacion, hindi taga -oon sa kanilang barangay ang babae at posibleng nagmula ito sa kalapit nilang barangay ng Dela Paz at San Jose. Nasa kustodiya na ng DSWD ang sanggol na nasa ligtas nang kalagayan.

23K riders sa Angkas, naitala sa Metro Manila

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ng Angkas ang may pinakamaraming allotted riders dahil sa pagkabigo ng ibang motorcycle taxi companies na magdagdag para sa expanded rider cap kung kaya’t mayroon ng kabuoang 23,000 riders ang Angkas sa Metro Manila.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr’s) interagency technical working committee na nag-aaral ng legality at viability ng operasyon ng motorcycle taxis na pinayagan nila ang Angkas na mag-deploy ng 23,264 na riders sa Metro Manila sa loob ng pilot testing na matatapos sa Marso 23.

 

Ang ride-hailing company na Move It ay hindi nakapag-deploy ng 15,000 para sa kanilang rider cap na binigay sa bawat isa para sa tatlong ride-hailing companies ng TWG at mayroon lamang itong 6,836 riders na narehistro nang dumating ang kanilang deadline noong Pebrero 12.

 

Bago pa lang, binigyan na rin ng Move It ang Angkas ng 5,000 slots. Habang ang JoyRide ay nanatiling mayroong 15,000 na registered riders sa kanilang operasyon.

 

Mula sa dating 13,000 (10,000 sa Metro Manila at 3,000 sa Cebu) na rider cap bawat ride-hailing companies ito ay itinataas sa 21,000 (15,000 sa Metro Manila; 3,000 sa Cebu at 3,000 sa Cagayan de Oro).

 

“Given the number of registered riders from the three ride-hailing companies based on their submitted lists, there are still 3,164 rider slots that can still be filled for Metro Manila operations as of Feb. 13, 2020,” wika ng TWG.

 

Ayon din sa TWG, ang Move It ay binigay na rin ang kanilang allotted slots para sa Cebu sa Angkas at JoyRide kung saan binigyan ng 4,500 rider cap ang bawat isa.

 

Sa ngayon, ang Angkas ay mayroong 4,500 registered riders sa Cebu habang ang JoyRide naman ay may 4,488. Sa Cagayan de Oro, ang Angkas ay may 925 na riders at ang JoyRide ay mayroong 198 na riders habang ang Move It ay walang rider sa dalawang testing sites.

 

Ang pilot run ay inilunsad noong 2019 habang ang mga mambabatas ng House of Representatives ay gumagawa ng paraan upang ma-regulate at magkaroon ng tamang batas para sa motorcycle taxis na maging isang alternative public utility vehicle.

 

Sinabi ni Metro Manila development panel chair and Manila District 1 Rep. Manny Lopez na may plano sila na maipasa ang legislative measure at malagdaan ang nasabing batas bago ang pagtatapos ng pilot study ng technical working group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) para sa operasyon ng Angkas, JoyRide, at Move It.

 

“The committee on Metro Manila development and transportation have committed to complete deliberations on bills seeking to amend Republic Act 4136 (LandTransportation and Traffic Code) to make motorcycle taxi services legal in two months,” ayon sa Mababang Kapulungan. (LASACMAR)

Ayuda ng PCSO pinatitigil na

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REREBYUHIN ng Kamara ang ilang bilyong mandatory contributions na binibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga ahensya ng pamahalaan na nagiging dahilan upang maubos ang pondo nito at hindi na mapaglaanan ang para sa medical assistance.

 

Ang aksyon ng Kamara ay resulta ng naganap na pagdinig kahapon ng House Committee on Games and Amusement kung saan kinuwestiyon ni Surigao del Norte Rep Prospero Pichay ang masyado nang maliit na medical assistance na binibigay ng PCSO sa mga nangangailangan.

 

Inamin ni PCSO General Manager Royina Garma na totoong pinaliit nila ang pondo sa Individual Medical Assistance dahil na rin sa Universal Health Care Law at bulto ng kanilang pondo ay napupunta sa mandatory contributions.

 

“Our charity fund is totally exhausted, we cannot give what we do not have,” paliwanag ni Garma. Aniya, sa 30% revenue allocation para sa charity fund ay malaking bulto ang napupunta sa taxation, nasa 4% sa pondo ay direktang mapupunta sa UHC at 6% naman sa mandatory contribution sa mga ahensya na nakapaloob sa mga Republic Act at Executive Order, 3% ang napupunta sa pagpopondo sa Malasakit Program at donasyon sa ambulansya sa mga Local Government Unit at nasa 2 hanggang 3% na lamang ang natitirang pondo na maaaring mailaan sa medical assistance sa mga nangangailangan.

 

Sa kasalukuyan ay P5,000 hanggang P10,000 na lamang ang kayang ibigay ng PCSO.

 

Ilan sa mga ahensya na may mandatory contribution sa kita ng PCSO ay ang CHED na may P280M kada taon; P1B Standby Fund para sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS); P250M standby fund sa Avian Influenza; P250M Museum Endowment Fund; Philippine Sports Commission Program; Dangerous Drugs Board (DDB); Girls Scout at Boys Scout of the Philippies; Quezon Institute; Nutrition Foundation, OWWA, PDEA at iba pa.

 

Sinabi ni Pichay na kasalanan din ng mga mambabatas kung bakit nauubos ang pondo ng PCSO. Kalimitan aniya sa mga batas na ginagawa ng Kongreso ay nakasaad na ang pondo na gagamitin sa pagpapatupad ng programa ay kukunin sa PCSO.

 

“We have to rationalize the PCSO funds, hindi na dapat ang Kongreso ang makikialam kung saan gagamitin ang revenue nila dahil yung charity ang siyang naaapektuhan,” paliwanag ni Pichay.

 

Apela ni Pichay sa House Leadership na kung nais nitong mailaan sa medical assistance ang pondo ng PCSO at talagang makarating ito sa mga may sakit ay magkaroon ng pagbabago sa panig ng Kamara pagdating sa pagpasa ng funding sa PCSO.

 

Hiniling din nito na rebyuhin ang mga mandatory contribution na binibigay ng PCSO gaya sa CHED na maaaring hindi na kumuha sa PCSO dahil mayroon na itong nakukuhang sapat na pondo. (Daris Jose)

Bigtime rollback sa LPG, petrolyo asahan sa Marso

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahan sa Marso 1 (Linggo), ayon sa grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA).

 

Tinatayang maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 bawas sa karaniwang tig-11 kilong tangke.

 

Sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas, dagdag ng LPGMA.

 

Samantala, may namumuro ring rollback sa presyo ng iba pang mga produktong petrolyo kasunod ng oil price hike noong Martes. Sa unang 3 araw kasi ng bentahan sa world market, nagkaroon na ng mga bawas sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

 

Paliwanag ng industry sources, Coronavirus Disease 2019 (COVID-2019) pa rin ang dahilan ng muling pagbaba ng presyo ng langis.

 

Lalo raw bababa ang presyo kapag idineklara ng World Health Organization ang “pandemic level” sa COVID-2019.

57 qualifier, salang sa 2020 LGBA COTY

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA 57 qualifiers ang kakasa sa 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series na itutuloy sa Pasay City Cockpit ngayong araw (Biyernes) na may 114 na mga sultada.

 

Puntirya ng mga kalahok ang maagang pangunguna sa COTY race gayundin ang kampeonato ng first leg event 7–cock derby na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Pinahayag kahapon (Huwebes) kay LGBA president Nick Crisostomo, nasa P1.6M ang papremyo rito. Nangunguna ang 12 entries na may three points, pito ang may 2.5 pts, 29 ang may 2 pts. at siyam ang may 1.5 markers.

 

May 40-50 entries naman ang inaasahan sa “Jerald’s Cup 4–Cock Derby” ni Jerald Picazo sa PCC sa Marso 6.
Sa PCC din ang pasabong ni Ronald Barandino ng Basilan at solo champion sa National Cockers Alliance (NCA) 6–Cock Derby nitong Martes, na RCB Basilan 4–Cock Derby sa Mar. 13.

 

Makipagtawagan o teks kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750 para sa iba pang mga impormasyon. (REC)

Velasco nasa likod ng “ouster plot” – Cayetano

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tahasang ibinuking ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Chairmanship sa ilang Committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa kanyang pamumuno.

 

Ayon kay Cayetano, “verified” umano ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco at makapagpapatunay dito ang may 20 mambabatas na lumapit sa kanya.

 

“I don’t think mang-i-intriga ang 20 congressmen, but don’t worry I don’t take it personally,” pahayag ni Cayetano ukol sa isyu ng kudeta.

 

Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition block ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanyang susundin ang napagkasunduan na term sharing kaya hindi na kailangan pa na magkudeta o mangako ng mga posisyon para matiyak lamang ang pwesto.

 

“He has nothing nothing to worry about. But yes it’s very divisive. ‘Wag nating guguluhin ang present na pagtrabaho ng ating Kongreso kasi naapektuhan ‘yung trabaho eh. But it’s verified, that talagang may mga nag-attempt. So ang advice ko sa mga nasa leadership din, mga chairman, chairpersons na hindi makapaghintay: If you cannot cooperate with the present leadership, umalis muna kayo sa committees n’yo, sa chairmanship n’yo, bumalik na lang kayo ‘pag Speaker na si Congressman Velasco” giit pa ni Cayetano.

 

Nagbanta rin si Cayetano sa mga kaalyado ni Velasco sa Kamara na patuloy na gagamitin ang isyu ng budget at ABS-CBN franchise at patuloy na mananabotahe na tumigil na ang mga ito.

 

“If you want work with me, walang personalan, kahit hindi ako ang gusto n’yong Speaker, let’s do it. Pero you want to sabotage or papabango n’yo ‘yung inyong manok o kandidato, umalis muna kayo bilang chairman, balik na lang kayo kapag nakaupo si Congressman Velasco”giit pa nito.

 

Dagdag pa ni Cayetano na kung tuloy tuloy pa rin ang gagawing pananabotahe sa kanyang termino ay mapipilitan na syang alisin ang mga ito.

 

SAMANTALA, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung mapapalitan man bilang House speaker si Cayetano, ito’y sa pamamagitan ng napag-usapang term sharing sa leadership ng House of Representative.

 

Ang umugong na usapin hinggil sa nasabing ouster plot ay tila paghamon lamang ni Cayetano sa mga kapwa mambabatas na kung sa tingin ng mga ito’y di siya epektibo bilang speaker ay malaya silang patalsikin sya sa pwesto.
Subalit, sinabi ni Sec. Panelo na base sa kanyang impormasyon, mayorya ng mga kongresista ay satisfied sa pamununo ni Cayetano.

 

Kaya nga walang katotohanan ang sinasabing ouster plot laban kay Cayetano lalo na’t karamihan sa mga mambabatas ay sang-ayon sa mga ginagawa ng House Speaker. (Daris Jose)

PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”

 

Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. 1086, na inaasahang “ensure an alternative and equitable admission process to enhance the access of indigenous peoples, persons with disabilities, and students from other marginalized groups” sa specialized school.

 

Sa ilalim ng panukala, ang PHSS ay itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan ang mga estudyante “shall have access to existing sports facilities” sa lugar na ginamit bilang venue sa ilang palaro sa 30th Southeast Asian Games.

 

Nakapaloob naman sa taunang budget ng Department of Education ang pondo sa pagpapatayo ng PHSS, ayon pa sa panukala.

 

“All income and monetary donations” na ibingay sa academic institution ay ilalagak sa Sports High School Fund, na mahigpit na imo-monitor ng government budgeting, accounting at auditing rules, saad pa rito.

 

Nauna namang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na may akda at nag-isponsor sa panukala na maaring mabigyan ng full o partial scholarship sa secondary school na may “special emphasis on developing the athletic skills of the students.”

 

“Mama-maximize natin ‘yung mga pasilidad na ipinatayo na sa New Clark City. Kung ‘di natin gagamitin ‘yun, masasayang. If you want world-class athletes, let them experience world-class facilities,” ani Win.

 

Ang PHSS ay gagawing isang world-class educational at athletics facility na may international standards sa ilalim ng pamamahala ng DepEd.

 

Ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang mamamahala sa konstruksiyon ng mga silid-aralan, dormitoryo at iba pang mga sports facilities at amenities.

 

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Sports, mabibigyan ng nasabing batas ng pagkakataon ang isang mag-aaral na makatapos ng high school habang nag-i-excel sa kanyang career sa sports.
“With the (establishment) of the PHSS in very close proximity to world-class facilities, our student-athletes can enjoy a level of training which is at par with the best in the world,” pahayag ni Go.

 

“This type of training and education can catapult our student-athletes to illustrious careers in sports, whether as athletes, coaches, managers, or any other sports-related profession,” aniya. (Ara Romero)

Chua matigas kay Slaughter

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINUNYAG ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na si Gregory William Slaughter ang hindi kumausap sa kanila para sa contract extension sa Barangay Ginebra San Miguel.

 

Ayon sa BGSM governor at team manager din, hindi nagpakita si ‘Gregzilla’ sa kanilang opisina sa Manfaluyong isang linggo matapos magkampeon ang Gin Kings sa 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup 2019-2020 nitong Enero para mapag-usapan ang napaso niyang kontrata.

 

“Alam ninyo, sa basketball, PBA or sa corporate, kapag expired ang contract mo, ikaw ang lalapit sa team. You are going to ask, expired na ako, baka puwede akong mag-renew. Hindi kami ang lalapit para tanungin kung ire-renew ka namin. Sa dami ng players, hindi namin malalaman,” pagtatanggol nito sa sarili.

 

Dagdag pa ni Chua, “so I guess, si (Coach Earl Timothy) Tim (Cone) ang nakipag-usap. Nagsabi si Tim na gusto raw magpahinga so nasa sa kanya ‘yun. Gusto niya magpahinga.”

 

Pinasinungalingan din ng opisyal ang mga ulat na ipagpapalit si Slaughter para kay Christian Standhardinger kay NorthPort banger Christian Standhardinger para sa 45th PBA Philippine Cup 2020 na magbubukas sa darating na Marso 8.

 

“Kung may trade rumor, punta kayo ng PBA kung may sinubmit kami na trade form doon,” giit ni Chua
At hinirit niyang wala siyang planong si Chua aluin ang seven-foot slotman para irekonsidera nito ang desisyon magpahinga muna sa paglalaro.

 

“Hindi naman siguro kailangan kasi wala naman siyang ni-reach out kahit sino. Again, that’s his decision. He is old enough. No one or me to question him bakit niya ginawa, bakit ganito, kasi nasa hustong gulang na. Nasa tamang edad na siya para makapag-desisyon kung ano talaga ‘yung pakay niya or what he wants. So respetuhin na lang natin,” wakas na litanya ni Chua.