Isinisi ng mga militanteng magsasaka ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga retiradong sundalong “walang kasanayan” sa nangyayaring katiwalian diumano sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), bagay na umani ng matinding batikos sa social media noong Martes.
Kahapon lang nang ibulgar ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, sa Senado na ibinulsa diumano ng “mafia” ng ahensya ang halagang aabot sa P15 bilyon.
“President Rodrigo Duterte appointed an incompetent retired AFP general to implement universal health coverage,” sabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) president Danilo Ramos, Miyerkules.
“We demand the immediate sacking of Ricardo Morales as Philhealth President and Chief Executive Officer. All other erring Philhealth officials must also resign.”
Kilala si Duterte sa pagtatalaga ng mga dating sundalo sa sari-saring top civilian posts sa Gabinete at ilang ahensya ng gobyerno — kahit walang kinalaman doon ang dati nilang trabaho — habang ipinagmamalaki ang militarisasyon ng pamahalaan.
Bukod pa riyan, sinabi rin ni Keith at Alejandro Cabading, miyembro ng PhilHealth board, ang diumano’y P2.2 bilyong overpriced information and commuynications technology (ICT) equipment at pekeng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Taong 2019 lang nang madawit sa “ghost dialysis scam” ang ahensya kaugnay ng Welmed Dialysis Center, na nakakuha ng P800 milyon sa pamamagitan ng patay nang pasyente para maghain ng kidney treatment claims. Inilipat naman ni Duterte si Roy Ferrer, dating hepe ng PhilHealth, bilang health assistant secretary matapos niyang mag-resign dahil sa kontrobersiya.
“Duterte’s appointees to the Philhealth have made a milking cow out of the health insurance corporation,” dagdag pa ni Ramos.
“Both Morales, Ferrer, and other unscrupulous Philhealth board members have unabashedly squandered and corrupted Philhealth funds that came from the blood, sweat, and toil of Philhealth members.”
Dahil diyan, hinihiling ng KMP na mapanagot din si Duterte, habang binabalaan ang Palasyo sa pag-aabsweldo kay Morales.
Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pananawagan ng health workers para sa maayos na personal protective equipments (PPE) kontra COVID-19, sapat na sahod, benepisyo at hazard pay.
Kamakailan lang nang humiling ng “timeout” at mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang mga frontliners sa medical facilities bunsod ng pagkapuno ng mga ospital bunsod ng pagtaas ng COVID-19 patients.
“Walang pera sa mass testing at dagdag na mga health workers pero may pera para sa korapsyon,” panapos ng KMP leader, habang nananawagan ang iba pang PhilHealth employees na isiwalat ang kanilang mga nalalaman.
Wala ng PhilHealth sa 2022?
Kasabay ng naturang pasabog, inamin ni PhilHealth acting senior Vice President Nerissa Santiago na posibleng ma-bankrupt ang ahensya sa susunod na taon dahil sa mababang koleksyon at mataas na payouts dahil sa COVID-19 expenses.
“Because of the decreased contributions and increased COVID-19 payouts, we are expecting by 2021, we will be in the red… We can only survive with additional contribution coming from the government,” ani Santiago.
Walang nagawa si Santiago kung hindi aminin kay Sen. Franklin Drilon na baka “gumuho” na ang Philhealth dahil sa P90 bilyong net operating losses. Kung nagpatuloy pa raw ang pandemya hanggang 2021, aabot na raw ito ng P147 bilyon.
Matapos ang mga nasabing paratang, sinabi naman ni Morales na gumaganti lang aniya si Keith kung kaya’t naglalabas ng mga “pasabog.”
Aniya, may mga sexual harassment complaints daw kay Keith at tinanggal sa Philippine Military Academy ilang taon na ang nakalilipas. Bitter lang daw si Keith dahil hindi naitalagang head executive assistant kay Morales. (Ara Romero)