• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 3rd, 2020

DoH Sec. Duque at ex-PhilHealth chief Morales, iba pa, pinakakasuhan

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas na ng Senado ang kanilang committee report ukol sa isinagawang mga pagdinig ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth.

 

Batay sa 57 pahinang ulat na inilabas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinasasampahan nila ng criminal charges sina Health Sec. Francisco Duque III, dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at iba pa.

 

Bunsod umano ito ng malversation of public funds, kabiguang maiproseso ang buwis para sa bayarin sa mga ospital.

 

Habang iminungkahi ring sampahan ng administrative cases sina senior vice president for legal sector, Atty. Rodolfo del Rosario at iba pang opisyal na nasa Protest and Appeal Review Department dahil sa kawalan ng aksyon sa mga nakabinbing reklamo laban sa iba pang tauhan ng government corporation na may kinasasangkutang usapin.

 

Magbibigay umano ng kopya ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman at sa DoJ panel para sa karagdagang aksyon.

 

Narito ang bahagi ng rekomendasyon ng komite:

  • File administrative case against BGen. Morales and SVP Dennis S. Mas, implementing the Management Board Service Resolutions Sector on for not courtesy resignations, which is clearly a neglect of duty and insubordination.
    • File administrative case against BGen. Morales, Executive Vice President and COO Arnel F. De Jesus, and Mr. Arnel F. De Jesus, Executive Vice President and Chief Operating Officer for violating the COA Rules on the period of liquidation in issuing Memorandum Circular 2020-032
    • File administrative case against Atty. Rodolfo Del Rosario, SVP for Legal Sector, and all the other officers and employees of the Protest and Appeal Review Department of PhilHealth for their failure to act and gross neglect of duties relative to the cases pending in their department.
    • Ensure that administrative and criminal cases are timely filed against responsible individuals, health care institutions, and corporations. Filing charges against responsible individuals, health care institutions, and corporations
    will prove PhilHealth’s and the government’s commitment to ensure that government funds are not mismanaged and that 52corruption is not tolerated. Further, cases and subsequent convictions will serve as a deterrence for others with corrupt intentions.
    • Given the observation on the B. Braun Avitum Philippines, Inc., evidence for ghost patients must be sought after. The report recommended that this can be done by retroactively matching the latest death data from the Philippine Statistics Authority.” (Daris Jose)

Ayos may liga na ang mga eba

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADONG malaki ang maitutulong ng Women’s National Basketball League (WNBL) para umangat  sport na ito sa bansa.

 

Binindisyunan na ng Games and Amusement Board (GAB) ang WNBL pati ang National Basketball League (NBL) para maging mga propesyonal na mga liga na rin gaya ng Philippine Basketball Association (PBA).

 

“Basically the reason why we seek the GAB’s approval is because number one, it’s long overdue to have a women’s professional league. That’s number one, it’s long overdue,” ani NBL executive vice president Rhose Montreal sa isang podcast.

 

“Second, you just see women ballers everytime there’s an international competition like the SEA Games and then later on after the SEA Games, again we go back to that word continuity. There’s no continuity either,” hirit ng opisyal.

 

Makakaagapay rin aniya ang GAB upang maprotektahan ang mga women cager at team owner sa pananamantala ng ilan.

 

“So what will GAB bring to WNBL, there’s already a regulatory body, there will be protection both for the team owner and for the players especially that, this is my personal opinion though, that majority of the women ballers are being exploited. Exploited meaning there will be like a manager thing and then financing the ladies, financing the players but basically it’s not really the way you operate as a team,” salaysay ni Montreal.

 

Dinugtong niyang hindi lang allowances at ‘per game’ o ‘per practice’ payment ang ipaiiralain sa WNBL.

 

“Everybody, all the players will be getting a contract, they will be protected by a contract, they have to be paid a salary. Because once you say professional, you have to get a salary already, it cannot be a per game payment or a per practice thing anymore or allowances. Basically, it’s really professionalizing the league management and professionalizing running the team. So basically that’s GAB will bring in to WNBL as we become a pro league,” pagtatapos niya.

 

Sana nga makapagsimula na agad ang bagong liga para magkaroon din ng hanap buhay ang mga manlalaro natin kapag wala na sila sa kanilang mga eskuwelahan o sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) o University Athletic Association of the Philippines (UAAP). (REC)

TAUHAN NG MTPB 2 PA, TIMBOG SA P806-K HALAGA NG DROGA

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. ang buy-bust operation kontra kay Alex Clemente alyas “Buboy”, 42, (watchlisted) sa kanyang bahay sa 124 Magtanggol St. Brgy. 29, ng lungsod.

 

Nagawang makabili sa suspek ng P15,000 halaga ng shabu ni PCpl Brian Emilson Celeste na nagpanggap na poseur buyer at nang tanggapin ni Clemente ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam kay Clemente ang aabot sa 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga, P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 14 pcs boodle money, cellphone at sling bag.

 

Alas-4 naman ng hapon nang madamba din ng mga tauhan ni P/Capt. Aquiatan sa buy-bust operation sa Samson Road, harap ng Puregold Supermarket, Brgy. 76, Caloocan si Johnver Cleofas, 21, at Ryan Sean Cleofas, 38, MTPB employee sa Manila at residente ng 821 Deodato St. Brgy. 53, Tondo Manila.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 1 kilo at 50 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P126,000 ang halaga, 2 pcs P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 30 pcs 1,000 booblde money na ginamit bilang buy-bust money, backpack at kulay violet na NMAX motorsiklo. (Richard Mesa)

 

BARANGAY NA WALANG COVID CASE NG 2 MONTHS, MAY P100K KAY YORME ISKO

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BIBIGYAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng P100,000 insentibo ang barangay na hindi magkakaroon ng COVID19 sa loob ng susunod na 2 buwan.

 

Ayon kay Moreno, ito ay kung mapapanatili nilang COVID19 free ang kani-kanilang barangay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31,2020.

 

Sinabi ni Moreno na naglaan sila ng P89.6 milyong budget para dito, dahil inaasahan niyang mapagtatagumpayan ng lahat ng 896 barangays sa lungsod ang kanyang hamon sa mga ito.

 

“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” ayon kay Moreno, sa kanyang Facebook Live.

 

“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang.So anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” dagdag pa ni Moreno.

 

Malaki ang tiwala ni Moreno na malaki ang maitutulong ng naturang proyekto, hindi lamang sa city government, kundi maging sa national government, at sa pagsugpo ng pagkalat ng virus sa bansa.

 

Bukod naman sa karagdagang pondo, tatanggap din ang mga opisyal ng barangay ng

plaque of appreciation mula sa lokal na pamahalaan, bilang pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.

 

Sa pinakahuling datos ng.lokal na pamahalaan ,may 8,110 kaso ng COVID-19 ang naitala at may 6,911,ang nakarekober.

 

Kaugnay nito,inaanusiyo ni Moreno na ipinatutupad ang curfew sa lungsod, mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw.

(GENE ADSUARA)

COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.

 

Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical administrative works, at manufacturing.

 

Pinaka-apektado ang mga galing sa hotel dahil walang masyadong nagpupunta sa mga ito bunsod ng pandemya.

 

Ayon kay Secretary Bello, marami rin ang naapektuhan sa sektor ng transportasyon lalo na ang mga provincial buses na humihiling na sila ay payagan nang mamamasada.

 

Gayunman, tulad ng pagtulong ng DOLE sa mga bus driver na nawalan ng trabaho, makakaasa rin daw ang iba pang mga naging unemployed sa pamamagitan ng COVID Adjustment Measures Program o DOLE-CAMP.

 

Bibigyan ng DOLE ang mga manggagawa ng P5,000 na cash aid at maaari namang livelihood sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na gustong magsimula ng sariling negosyo kaysa umasa sa mga maibibigay na trabaho sa kanila.

 

Tiniyak ng kalihim na kapag nailabas na ang pondo ay bibigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho pero minsan lamang ito.

Mikey Garcia, napupusuan ni Pacquiao bilang susunod na katunggali – Roach

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ibinunyag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na napipisil umano ni Sen. Manny Pacquiao na makatunggali sa susunod nitong laban ang dating world champion na si Mikey Garcia.

 

Ayon kay Roach, may posibilidad din daw na mangyari ang nasabing laban sa Estados Unidos o sa Saudi Arabia.

 

“He will fight again, I feel, and from when I’ve talked to him, he wants to fight once or twice more,” wika ni Roach. “But the thing is, it could be anywhere from the U.S. to Saudi Arabia, anywhere. They were talking about Mikey Garcia and I said, ‘Yeah, that’s the perfect fight for Manny.’ But I don’t think we’ll really know until this [pandemic] is over.”

 

Una nang sinabi ni Roach na wala pa raw itinatakdang timeline ang kampo ng Fighting Senator sa kung kailan ito makakabalik sa ibabaw ng ring.

 

Masyado aniyang focus si Pacquiao sa kanyang trabaho bilang senador lalo pa’t humaharap din ang Pilipinas sa COVID-19 crisis.

 

Samantala, bagama’t pabor si Roach sa harapang Pacquiao-Garcia, malaki rin daw ang tsansa na harapin din ng Pinoy ring icon ang mga top welterweights gaya nina Shawn Porter at WBO welterweight champion Terence Crawford.

KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.

 

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.

 

Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si Joseph Llona Jr., 18, ng NPC Sukaban, Caloocan City.

 

Ayon kay PLt Armando I Delima, hepe ng Valenzuela Police Station Investigation Unit (SIU), naganap ang insidente sa kanto ng P. Santiago at Miranda sts., Paso De Blas.

 

Napagalaman sa imbestigasyon ng puliya, galing sa inuman ang magkatrabahong suspek at girlfriend ng biktima na itinago sa pangalang “Ligaya” at matapos ang inuman ay tinawagan ang babae ng kanyang boyfriend.

 

Sa hindi malamang dahilan ay lalaki ang sumagot sa telepono ng bebot na ikinapraning umano ni Vicente saka sumugod sa bahay ng nobya.

 

Nagtalo umano ang magsing-irog at matapos ito ay sinundan ng biktima ang suspek na naglalakad papuntang Miranda St. at biglang sinakal si Llona dahilan upang dalawang beses siya nitong sinaksak sa katawan.

 

Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek ngunit natunton at dinakip siya ng mga pulis sa kanyang bahay makalipas ang ilang oras. (Richard Mesa)

Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal.

 

Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA).

 

Pinakabagong tumalon nitong Martes sina  National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, at University of Santo Tomas Growling Tiger Jun Asuncion  na pumasok sa Mapua University Cardinals.

 

Nagsabi na nitong linggo ang 5-foot-10 guard sa Bulldogs palisan ng Bustillos patungong Mendiola, habang mula España pa-Muralla na ang destinasyon ng 21-anyos, may taas na 6-2 gunner at incoming sophomore na si Asuncion.

 

Si Asuncion na na ikalimang manlalaro ni Tigers coach Aldin Ayo na kumalas sa pagkawasak ng koponan makaraan ang Sorsogon bubble. Unang tumawid sa University of the Philippines Fighting Maroons si Crispin John ‘CJ’ Cansino. Sumunodrin sina Rhenz Abando, Ira Batallet at Brent Paraiso. (REC)

Findings ng Task Force PHILHEALTH, hinihintay ng Malakanyang

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKASALALAY  sa kalalabasan ng imbestigasyon ng Task Force PHILHEALTH kung dapat bang managot at makasuhan si DOH Secretary Francisco Duque hinggil sa  naungkat na anomalya sa ahensiya.

 

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng findings ng Senado na dapat maisama si Duque sa mga nararapat na kasuhan kaugnay ng katiwalian sa PHILHEALTH.

 

Aniya, kung lalabas na may pagkakatulad sa findings ng Mataas na Kapulungan at ng Task Force, hayaan daw na maging gayun ang susunod na hakbang pero sa ngayon, ang mas maiging gawin na lang muna ay hintayin ang report ng Task Force.

 

Kumbinsido naman si Sec. Roque na mas in depth o mas may  malalim ang isinasagawang imbestigasyon ng TF PHILHEALTH hinggil sa nahalukay na anomalya.

 

Nandun na daw kasi ang halos lahat ng ahensiya na sumisiyasat sa accountability ng isa o mga indibidwal na dapat papanagutin sa kanilang mga ginawa gaya ng Civil Service Commission… DOJ … Ombudsman at iba pa.

Subalit ang hinihintay ani Sec.  Roque nila sa ngayon ay ang ilalabas na report ng Task Force na una ng binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30 araw para tapusin ang pagsisiyasat.

Sa Setyembre 14  magtatapos aniya ang imbestigasyon ng Task Force at sa loob ng buwang ito ayon kay Roque ay nais ng Pangulong Duterte na makita ang findings ng body sa pangunguna ng DOJ.

(Daris Jose)

PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito

Posted on: September 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni   incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa giyera sa ilegal na droga.

 

“We are confident that the incoming chief of the PNP would continue the significant strides made by his predecessors in making the PNP a professional organization worthy of our people’s trust,” ayon kay Sec. Roque.

 

Si Cascolan ang  mag-take over sa liderato ng  209,000-strong police organization mula sa retiradong  PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa.

 

Hindi naman malinaw kung dadalo si Pangulong Duterte sa  turnover ceremony mamya para kay Gamboa.

 

Si Cascolan ang  second-in-command bilang deputy chief for administration bago pa sa kanyang appointment sa  PNP top post

 

Siya ang co-author ng Oplan Double Barrel sa ilalim ng  war on drugs, na nagresulta ng pagkamatay ng libong  suspected drug users at peddlers simula nang maupo si Pangulong Duterte noong  2016 ayon sa  government data.

 

Mayroon lamang siyang maiksing termino bilang PNP chief  dahil mararating din nito ang kanyang  mandatory age na 56 sa November 10.

 

Samantala, prerogative naman ng Pangulo kung ie-extend nito ang termino ni Cascolan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)