• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 23rd, 2020

MGA HEALTH PROFESSIONALS, PUWEDE ULIT MAGTRABAHO SA IBANG BANSA

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDE nang makaalis patungong ibang bansa ang mga health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”

 

Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque na pumayag na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professionals matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad.

 

Ani Sec.Roque, sa hanay pa lamang ng mga nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t ibang mga bansa.

 

Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.

 

Bagama’t pansamantala lang aniya ang pagbabawal na muli silang makapag- trabaho abroad ay maaaring mawala sa kanila ang oportunidad ng habang buhay dahil sa inimplementang travel ban.

 

Ang pasya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang mga health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na. (Daris Jose)

Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at magpakita ng patunay  ng  hotel reservation.

 

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng  precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .

“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

 

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang  local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o  Visitors Information and Tourist Assistance app  para ma- manage ang pagdating ng mga turista.

 

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito  sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang  tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.

 

Kailangan naman na isailalim  ng mga turista ang kanilang sarili  sa  swab test o antigen test.(Daris Jose)

Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año  na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob  ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa  lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

 

Pinagbasehan  ni Año ang  data mula sa Philippine National Police (PNP).

 

Sa nasabing data,16,879  ang napaulat na insidente  ng krimen mula  Marso 17 hanggang sa kasalukuyan.

 

“This is almost half of the crime incidents logged six months before the lockdown, or from September 2019 to the earlier half of March 2020, where 31,1661 incidents were reported.

From 172 cases a day to 92 cases per day,” ayon kay Año  sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Aniya pa, bumaba rin ng  61% ang insidente ng nakawan  habang ang  nakawan naman ng sasakyan ay  bumaba ng  66% at 61% naman ang ibinaba ng nakawan ng motorsiklo.

 

Bumaba rin daw ang kaso ng pagpatay ng 22%, habang bumaba naman ng 24% ang kaso ng panggagahasa o panghahalay.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbaba ng insidente ng krimen ay dahil na rin  sa police visibility at maayos na koordinasyon sa local government units. (Daris Jose)

Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa  “new normal” ngayong Oktubre.

 

Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.

 

Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre  “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Posible kasing bawiin ang virus restrictions sa ilang lugar.

 

Karamihan ng lugar sa Pilipinas ayon kay Sec. Roque ay nasa ilalim ng relaxed general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan  habang hangad ng pamahalaan na muling simulan ang economic activity.

“There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal,” ayon kay Sec. Roque.

 

“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, ang Pilipinas ay patuloy na nakapagtatala ng bagong  COVID-19 cases kada araw sa kabila nang ipinatutupad na pinakamahaba at pinakamahigpit na  lockdowns sa buong mundo.

 

Mayroon itong 4-step quarantine system, bago ang “new normal” na may ipinatutupad na  minimum health standards gaya ng pagsusuot ng  face masks, face shields at physical distancing.

 

Ang Metro Manila, coronavirus epicenter ng bansa ay nasa ilalim ng   GCQ sa ikatlong pagkakataon.

 

Ipinatupad ang virus lockdowns noong Marso, pinakamataas na enhanced community quarantine o ECQ, na sinundan ng  modified ECQ, GCQ, at MGCQ.

 

Ang MGCQ ang magsisilbing  transition point para sa new normal o lubos na pagpapagaan ng  virus restrictions. (Daris Jose)

KC, nagpasalamat sa video greeting ni Shakira

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni KC Concepcion sa kanyang IG account ang pasasalamat sa video greeting ni Shakira na kinunan ni Apl.de.ap.

 

Sabi ni KC, “Thank you for supporting my newfound quar- antine passion, my fitspiration, immortal powerhouse woman, @shakira! Omg her Super Bowl performance was = and can’t wait for her new single Girl Like Me to drop alongside my @bep bros.

 

“S/O to my good friend @apldeap for this surprise x.”

 

Nag-react naman ang netizens. sabi ni itsmehrubielyn, “Omg! Hoping tlga kayo na ni apledeap.”

 

Comment naman nina: @evangelineterrado, “Greetings from Shakira, to the highest level talaga ang aming princess KC, ano mga bashers to the highest level na din ba kayo?!”

 

@kristyna_veronica, “OMG.ikaw na talaga.. KCxSHAKIRA.”

 

@kaeyz718, “Wowc’c’c’þ # L u v S h a k i r a # L u v K i t c h e n C o l l a b s #LuvIdolKC.”

 

@ma.ryj, “if thats not love i dont know what it isd’.”

 

@kcpj21, “Wow iba talaga ang prinsesa ng teamkcpj.”

 

@marieapril, “Wow shakira!” 3d10 likesReply

 

@estipularwinnie, “iba ka talaga kristina …ikaw na talaga.’

 

@ahteh_chi, “OMG I love Shakira! That’s awesome!”

 

Comment pa ng netizens:

 

“Sila ba?

 

“Malay natin baka ang ending kay Apl pala bumagsak si KC. Mukha naman mabait si Apl kaya go ka na ate KC!

 

“true, mukang mabait at humble si apl, sana sila nga.

 

“Hindi niyo ba nabasa? Pinagsigawan na FRIEND Z0NE si Apl hahahahaha!

 

“Kinilig naman ako! Bonggang effort ito for Apl, ha?!

 

“Ayaw pang umamin ni KC. A for effort si Apl dito.

 

“Tita Shawie like this. Antabay lang po sa 500 words essay writing contestant. Paki heart po agad pagkabasa.

 

“Sana si Apl ng maging Mr. Right ni KC. Yes he doesn’t have the looks of KC’s exes, yet Apl, is really in love with KC and respects her too much.

 

“Mukang inlove talaga si Apl pero si Kc mukang friendzone nya. Aww. Sana mahanap na nila destiny nila.

 

“na friendzoned na si Apl. May certain type kasi talaga si KC.

 

“Nakoooo. Friendzoned. Kung special friend nilagay baka possible pa kaso good friend ihh. Ekis ata talaga kay kc yan eh. Di mo bet sis no?

 

“KC will rather be single than have a relationship with Apple 🙂 Sorry but that is just reality.

 

“Sana all may friend like apl. 🙂

 

“Bagay sila ni Apl parang Kim kardashian And kanye.

 

“Friend wag na. Nagkakaproblema nga si Kim kay Kanye ngayon….

 

“Di sila bagay ni Apl masyadong maganda si KC para kay Apl.

 

“KC looks typical without make up, filter, and photoshop. So pleaseeee hindi sya dyosa.

 

“Apl is a great guy napaka bait nyan kung san sya pinanganak every Christmas nag bibigay yan ng groceries.

 

“Haters will always make up silly stories just to shade the person they dislike. Such sad creatures. Bato bato sa langit, tamaan sobrang pangit.

 

“mahilig kasi sa typical gwapo si KC na standard sa Pilipinas. If I were her, I’d go with Apl mukhang aalagaan siya. Masyado yang affected sa sasabihin ng iba lol.

 

“Mashado kasing laitero mga Pilipino lol. Sa totoo lang, Apl with his stature can get a younger, prettier, more accom- plished girl than KC. The dude is famous, talented, and the most important thing – he’s a good person.

 

“I agree. Gusto ni KC yung instagrammable na jowa, she cares what people think.

 

“Kinikilig ang iba liwanag pa sa sikat ng araw “good friend” sabi ni KC hu hu hu.

 

“Are they together? Why not go na gurl sikat have his own

 

“Ayaw pang umamin ni KC. A for effort si Apl dito.

 

“Tita Shawie like this. Antabay lang po sa 500 words essay writing contestant. Paki heart po agad pagkabasa.

 

“Sana si Apl ng maging Mr. Right ni KC. Yes he doesn’t have the looks of KC’s exes, yet Apl, is really in love with KC and respects her too much.

 

“Mukang inlove talaga si Apl pero si Kc mukang friendzone nya. Aww. Sana mahanap na nila destiny nila.

 

“na friendzoned na si Apl. May certain type kasi talaga si KC.

 

“Nakoooo. Friendzoned. Kung special friend nilagay baka possible pa kaso good friend ihh. Ekis ata talaga kay kc yan eh. Di mo bet sis no?

 

“KC will rather be single than have a relationship with Apple 🙂 Sorry but that is just reality.

 

“Sana all may friend like apl. 🙂

 

“Bagay sila ni Apl parang Kim kardashian And kanye.

 

“Friend wag na. Nagkakaproblema nga si Kim kay Kanye ngayon….

 

“Di sila bagay ni Apl masyadong maganda si KC para kay Apl.

 

“KC looks typical without make up, filter, and photoshop. So pleaseeee hindi sya dyosa.

 

“Apl is a great guy napaka bait nyan kung san sya pinanganak every Christmas nag bibigay yan ng groceries.

 

“Haters will always make up silly stories just to shade the person they dislike. Such sad creatures. Bato bato sa langit, tamaan sobrang pangit.

 

“mahilig kasi sa typical gwapo si KC na standard sa Pilipinas. If I were her, I’d go with Apl mukhang aalagaan siya. Masyado yang affected sa sasabihin ng iba lol.

 

“Mashado kasing laitero mga Pilipino lol. Sa totoo lang, Apl with his stature can get a younger, prettier, more accomplished girl than KC. The dude is famous, talented, and the most important thing – he’s a good person.

 

“I agree. Gusto ni KC yung instagrammable na jowa, she cares what people think.

 

“Kinikilig ang iba liwanag pa sa sikat ng araw “good friend” sabi ni KC hu hu hu.

 

“Are they together? Why not go na gurl sikat have his own name in music wag na mag hangad ng fairy tale.

 

“Good friends sila at promo dn sa song nla… meron music collab sina Shakira at black eyed peas na Girl in me kasi..

 

“Ang sweet ni Apl. Kahit friendzoned, magtyaga ka lang.

 

“Parang di naman friendzoned si Apl, may nagstolen pic sa kanila, they’re dating kumakain sa resto sila lng dalawa. Baka gusto lng muna I private whatever man they have.” name in music wag na mag hangad ng fairy tale.

 

“Good friends sila at promo dn sa song nla… meron music collab sina Shakira at black eyed peas na Girl in me kasi..

 

“Ang sweet ni Apl. Kahit friendzoned, magtyaga ka lang.

 

“Parang di naman friendzoned si Apl, may nagstolen pic sa kanila, they’re dating kumakain sa resto sila lng dalawa. Baka gusto lng muna I private what- ever man they have.”

 

Sabi ni KC, “Thank you for supporting my newfound quar- antine passion, my fitspiration, immortal powerhouse woman, @shakira! Omg her Super Bowl performance was = and can’t wait for her new single Girl Like Me to drop alongside my @bep bros. “S/O to my good friend @apldeap for this surprise x.”

 

Nag-react naman ang netizens. sabi ni itsmehrubielyn, “Omg! Hoping tlga kayo na ni apledeap.” Comment naman nina:

 

@evangelineterrado, “Greetings from Shakira, to the highest level talaga ang aming princess KC, ano mga bashers to the highest level na din ba kayo?!”

 

@kristyna_veronica, “OMG.ikaw na talaga.. KCxSHAKIRA.”

 

@kaeyz718, “Wowc’c’c’þ # L u v S h a k i r a # L u v K i t c h e n C o l l a b s #LuvIdolKC.”

 

@ma.ryj, “if thats not love i dont know what it isd’.”

 

@kcpj21, “Wow iba talaga ang prinsesa ng teamkcpj.”

 

@marieapril, “Wow shakira!” 3d10 likesReply

 

@estipularwinnie, “iba ka talaga kristina …ikaw na talaga.’

 

@ahteh_chi, “OMG I love Shakira! That’s awesome!” Comment pa ng netizens: “Sila ba? “Malay natin baka ang end- ing kay Apl pala bumagsak si KC. Mukha naman mabait si Apl kaya go ka na ate KC! “true, mukang mabait at humble si apl, sana sila nga. “Hindi niyo ba nabasa? Pinagsigawan na FRIEND Z0NE si Apl hahahahaha! “Kinilig naman ako! Bonggang effort ito for Apl, ha?! (ROHN ROMULO)

IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon  ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses.

 

Kaugnay nito, suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses.

 

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pabor silang payagan nang muling bumiyahe ang mga provincial bus basta’t  mailatag lamang ang mga kondisyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Aniya, dapat ay kontrolado ang pagbiyahe ng mga ito at matiyak na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health standard sa lahat ng oras.

 

Dapat din umanong ma-monitor ang ruta ng mga biyahe nito lalo na ang mga mula sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine hanggang modified GCQ areas kung saan dapat na maging mas mahigpit ang ipinatutupad na health protocols.

 

Napag-alaman na noong Miyerkules, inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board Chairperson Martin Delgra na posible nang buksan ang mga ruta ng mga bus mula Metro Manila patungo sa mga kalapit na lalawigan. (Daris Jose)

Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

 

Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal na mga pampasaherong jeep.

 

Kapag nangyari ito, aniya malaking tulong ito sa mga tsuper na natigil sa pamamasada dahil sa coronavirus pandemic.

 

Dagdag pa nito, hindi pa napapanahon na magbawas ng distansiya dahil andiyan pa ang pangamba ng nasabing coronavirus.

 

Magkakaroon lamang ng kalituhan din sa mga tao dahil kapag nasa pampublikong lugar ay dapat panatilihin ang isang metro na layo habang kapag nasa loob ng pampublikong sasakyan ay mababawasan ang distansya ng bawat isa.

 

Ibinunyag pa nito na hindi sila nakonsulta ng DOTR nang ilabas ang nasabing kautusan sa pagbabawas ng distancing sa mga pampublikong sasakyan.

 

Nauna rito nagkaroon ng magkasalungat na paniniwala sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano sa nasabing usapin kung saan pagdidisisyunan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing kontrobersiyal na isyu

PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NIRESBAKAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.

 

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni  Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang pandemya nito.

 

“You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do? Ang problema kasi nitong… ‘yung magsabi na we are not doing enough. What can we do with the germ that’s flying around?” giit ng Pangulo.

 

Kamakailan ay sinopla na ng Malakanyang at nagpahayag na walang magandang sasabihin si VP Leni  tungkol sa administrasyong Duterte sa gitna ng patuloy nitong pagpuna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang panayam kasi, sinabi ng Bise Presidente na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at wala namang magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may karapatan naman ang pangalawang pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon, tanggap na ng Malacañang na wala itong magandang sasabihin sa pamahalaan.

 

Giit ng kalihim, pwedeng sabihin ng bise presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Napag-alaman na una nang kinontra ng Palasyo ang obserbasyon ni Robredo na walang malinaw na direksyon ang Duterte administration kung paano tugunan ang COVID-19 crisis.

 

Sinabi ni Roque na umaksyon ang gobyerno kaya mababa lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases. (Daris Jose)

LAGUSNILAD UNDERPASS MAKE-OVER SINIMULAN NA – ISKO

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sinisimulan na ang rehabilitasyon at make-over ng Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall, upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga motorista lalo na sa gabi.

 

Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno si City Engineering Department Head Engineer Armand Andres na simulan na ang rehabilitation na nasabing underpass na napakarumi, mabaho at madilim.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay isang vehicular underpass na patungo sa Southbound o Taft Ave. kung manggagaling sa Jones Bridge sa Binondo o Quezon Bridge sa Quiapo.

 

Nalaman kay Moreno na inalis na ang mga sira sirang tiles at papalitan na upang ang mga dumi na buhat sa mga dumadaang sasakyan ay hindi didikit sa pader na pangit sa paningin.

 

Sinabi ng alkalde na bahagi ng plano ay pinturahan ang underpass at pailawan ito para sa kapakanan ng mga motoristang dumadaan lalo na sa gabi.

 

Sinabi ni Andres na kasama rin sa plano ni Moreno na pintahan ng mural ang pader habang ang signage ay pipintahan ng kulay gold na may kumpletong maliwanag na mga ilaw para magabayan ang motorista.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Andres na ang suliranin sa pagbaha sa nasabing underpass ay naresolba na dahil nai-transfer na ang pump at electrical room sa itaas mula sa dati nitong puwesto nasa ilalim ng underpass. Sa dati nitong lugar, ang performance ng pump ay madalas na pumapalya kapag ito ay nababasa.

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Andres na sinusuri ang underpass sa posibleng tagas matapos na ito ay lagyan ng aspalto.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay para sa mga sasakyan patungong Taft o P. Burgos Avenue habang ang Manila City Hall Underpass na nagdudugtong sa City Hall saTaft at Intramuros na muling binuksan sa publiko matapos ang total make-over ay isa namang underground na daanan para sa mga pedestrian.

 

Nalaman rin kay Moreno na ang Lawton Underpass na nagdudugtong sa  Park ‘N Ride area sa Intramuros ay isasailalim din sa renovation upang higit na magamit ng publiko. (GENE ADSUARA)

DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

Posted on: September 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.

 

Ang mga active cases o nagpapagaling pang infected medical frontliners ay nasa 638, na binubuo ng 56% na mga mild, 39.3% na mga asymptomatic, 3.1% severe, at 1.6% na nasa kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa mula sa pitong kaso ng COVID-19 na inire-report sa kanila ang healthcare worker.

 

“Globally around 14% of COVID cases reported to the WHO are among health workers and in some countries it’s as much as 35%,” ani Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO.

 

Kaya naman apela ng international organization sa mga estado, palakasin ang kanilang mga polisiya na nagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers, lalo na sa usapin ng mental health.

 

Hindi rin umano dapat mawalan ng access sa mga personal protective equipment at training ang medical frontliners para matiyak ang kanilang kaligtasan sa trabaho.

 

“We all owe health workers an enormous debt, not just because they have cared for the sick, but because they risk their own lives in the line of duty.”

 

Nababahala ang WHO, dahil lumabas sa kanilang hiwalay na pag-aaral na isa mula sa apat na healthcare workers ang nakakaranas ng anxiety at depression. Habang isa mula sa tatlong healthcare workers ang may insomnia.

 

Ayon kay Ghebreyesus, may obligasyon ang bawat pamahalaan na siguruhing ligtas at maayos ang lagay ng kanilang mga health workers.

 

Una nang sinabi ng Health department ng Pilipinas na mas maraming benepisyo na ang aasahan ng healthcare workers sa ilalim ng pinirmahan na Bayanihan to Recover as One Act.