• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 26th, 2020

Hindi kasarian ang susi sa tagumpay – Magno

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDANG inspirasyon para sa kababaihan ang HUGOT ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno.

 

Sinalaysay nitong isang araw lang ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi aniya ang kasarian ng isang tao upang maabot ang mga pangarap o tagumpay.

 

“Ang importante kung may pangarap ka, maaabot mo ‘yan basta meron kang – ‘yung sinasabi sa amin ni coach na disiplina, sipag, tiyaga, determinasyon at higit sa lahat tiwala sa Maykapal. Matutupad mo lahat ‘yun,” giit ng 29 taong-gulang, 5- 2 na taas na dalagang Ilongga.

 

Hinirit pa niya sa social media account niya, “Wala ‘yon sa kasarian. Yung sinasabi namin, kung ano man ‘yung kaya ng lalaki, kaya din naming mga babae.” (REC)

Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon, ay mayroon nang ma-aprubahang Covid19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na sya makakapaghintay pa ng hanggang April 2021 bago makakuha ang bansa ng bakuna.

 

Ito aniya ang dahilan kung bakit minamadali na nila ang pagrepaso sa timeline alinsunod sa nais ni Pangulong Duterte na makakuha agad ng madidiskubreng vaccine sakali’t may makapasa na sa FDA abroad.

 

Ani pa ni Sec.Roque na kapag may nakapasa na kasing vaccine sa ibayong dagat ay maaari ng ma-simplify o mapadali ang proseso nito pagdating sa local FDA ng bansa.

Fuentes handa nang pumalo

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMASOK na bilang Lady Spiker ang Fil-Am volleybelle na si Jade Fuentes nang mag-umpisa na sa online class sa De La Salle University nitong Miyerkoles.

 

Masaya sa kanyang unang salang bilang kolehiyala ang 17- anyos na atleta at ipinaskil pa sa kanyang Twitter account ang saloobin.

 

“Finally starting my first day of college woohooo, #DLSU,” tweet ng 5-foot-11 na dalagita.

 

Siya ang bagong hiyas ng Taft- based women’s women’s indoor volleyball na ni-recruit buhat pa sa Tate.

 

Binigyan ang outside hitter ng full scholarship sa La Salla at malamang pumalo sa 83 rd University Athletic Association of the Philippine (UAAP) Season 2021. (REC)

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program para maibigay ng mga employers ang 13th month pay ng mga empleyado.

 

Sa House Resolution 1310 na inihain ng kongresista, hinihiling nito sa pamahalaan partikular sa DOLE ang pagkakaroon ng subsidy program upang pondohan at tulungan ang mga distressed businesses at employers lalo na ang mga microsmall and medium enterprises (MSMEs) na maibigay sa mga empleyado ang bonus bago mag Pasko. Nakasaad sa resolusyon ang pag-aatas sa DOLE na maglaan ng P13.7 Billion para maibigay ang 13th month pay ng lahat ng mga empleyado at manggagawa.

 

Batay sa record ng DOLE, aabot sa 1.5 million workers ang apektado ang mga trabaho ng pandemya habang 5.1 million displaced at distressed workers naman ang tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Bunsod ng mahigpit na community quarantine na nauwi sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo ay maraming employers ang wala nang pondo para sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado kahit pa gusto nilang maibigay ito.

 

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mangangailangan ng P5 Billion hanggang P13.7 Billion para ma- subsidize ang 13th month pay ng mga empleyado mula sa MSMEs. (Ara Romero)

VILLAR SA KORAPSYON SA DPWH: MAY MGA CASE SA LOOB

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na may nagaganap na mga iregularidad sa loob ng naturang ahensya.

 

“In many cases, marami na kaming na-float,” punto ni Villar.

 

“In fact, dahil sa ginawa naming reforms, about 30 contractors na ang na-blacklist. Ito po ay malalaking contractors. Ito ‘yung pinakamarami in any administration.”

 

Naunang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na ang korapsyon ay ‘open secret’ sa public works projects kung saan iginiit din na “involving not only some corrupt officials of the department but some legislators as well.”

 

“Officials from the executive and legislative branches who ask for ‘only’ 10 percent are ‘mabait, maginoong kausap’ and those who demand 20 to 30 percent are ‘matakaw,’” panig ni Lacson.

 

“While those who demand advance payments and renege on their word as ‘balasubas’ and ‘mandurugas’.”

 

Samantala, binigyang linaw naman ito ni Villar.

 

“’Di ko naman sinasabi na 100%—definitely merong mga cases sa loob ng DPWH. (Daris Jose)

MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).

 

Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional sport sa bansa na GAB at sa amateur na Philippine Sports Commiossion (PSC) sa pangunguna ni chairman William Ramirez.

 

Maigsing lang ang paliwanag ni GAB chairman Abraham Kahlil Mitra, na kapag binabayaran ang atleta para maglaro, ang liga ay malinaw na pro. (REC)

Unti- unting pagbubukas ng domestic tourism

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang unti- unti nang pagbubukas ng domestic tourism sa bansa.

 

Ayon kay Sec. Andanar, isa sa mga makikinabang sa nasabing hakbang na ito ng gobyerno ay walang iba kundi ang mga manggagawa na naapektuhan ng mga ikinasang lockdown.

 

Sinabi pa ni Sec. Andanar na kasabay ng pagbabalik trabaho ng mga manggagawa ay ang pagbabalik din ng kanilang pinagkakakitaan o source of income.

 

Malaking tulong din aniya sa ginagawang economic recovery ng pamahalaan ang pagbubukas ng turismo gayung isa ito sa pinakapangunahing nakakapag- ambag sa economic development ng bansa.

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang Kalihim na sa mga susunod na araw ay unti- unti na ding magbubukas ang turismo sa Region 10 na naghahanda na ngayon ng tourism bubble na kagaya ng ipinatutupad sa Baguio. (Daris Jose)

Sa pag kuha ng student driver’s license – huwag negosyo ang ipairal!

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng April, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay dadaan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.

 

Sa plano din ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang isang applicant. Pagkatapos makakuha ng student’s permit additional na 8-hours practical driving sa supervision ng LTO personnel. Sa bagong program ng LTO – ang vision nito ay mabigyan lamang ng driver’s license yung mga karapat-dapat at sagot na rin ito upang maalis na, o kung hindi man ay mabawasan man lang ang mga road accidents.

 

Sa report na nakuha natin at ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), bukod 15-hour theoretical driving lesson at additional 8-hour practical driving, mga nasa libo rin ang halaga ng enrolment na ibabayad sa mga accredited driving schools ng LTO. Ang tanong ngayon sa dami kada araw ang kumukuha ng driver’s license sa LTO sa buong bansa, maging ang mga kababayan nating mga OFW na rin, sapat kaya ang mga accredited driving school?

 

Ang sinasabi ko, bilang pinuno ng LCSP, matagal nang isinulong ng (LCSP) ang mas comprehensive, bukod pa ay libre, isama na sa primary at secondary school ang pag-aaral ng road safety pati na ang Republic Act 4136 ang batas at mga rules and regulations sa traffic at land transportation ng bansa.

 

Nariyan din ang TESDA na siyang authorized agency ng gobyerno at recognized din worldwide na magturo ng mga tamang batas sa road safety at ng mga rules and regulations sa traffic.

 

Iginigiit ko lang na tingnan natin ang practice sa mga world class countries na isinasama sa mga school curriculum sa primary at secondary education, upang maipamulat agad sa murang edad ng mga bata, ang importance ng road safety upang maiwasan ang mga aksidente at para laging isaisip ang safety sa lahat ng oras lalo na sa kalsada. Sa experienced at records tiyak na tiyak ang advantage ng TESDA sa kasanayan sa theoretical man o practical driving kaysa sa mga sinasabing mga accredited driving school.

 

Eh ang alam namin itong mga instructors ng mga accredited driving school ay pasado at may mga certification issued ng TESDA bilang patunay ng kasanayan ng mga driving instructors.

 

Nagtatanong ang ating mga kababayan ano ang mas dapat ang mga expensive accreditation ng mga driving school ng LTO o ang authorized government’s agency (TESDA)? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Liza, pinaniniwalaan ni Herbert sa mga adbokasiya niya

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT ang dating Mayor ng Quezon City at actor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red tagging kay Liza Soberano.

 

Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari.

 

Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya.

 

Ayon dito, “My take on Liza’s advocacies:

There are a lot of instances nagkaka-kwentuhan kami ni Liza sa set ng ‘Make It With You.’ Mabait ang “anak” ko na yan. Maganda ang prinsipyo at disiplina sa buhay.

 

“I believe in Liza’s advocacies (VAWC, environment, animal rights, etc.). She is aware of her rights and responsibilities in our country and as a global citizen.”

 

Maging si Ogie ay nilinaw kung bakit nasa webinar ng Gabriela si Liza. Hindi siya kasapi o miyembro kung hindi bilang isang guest.

 

Aniya, “Nag-guest lang po sa webinar ng Gabriela Youth si Liza Soberano. Hindi po siya miyembro ng Gabriela o ng kahit anong partido o partylist.

 

“Nagsasalita lang po siya bilang babae at kabataan, dahil kilala siya sa kanyang advocacy. Wala naman pong masamang sinabi si Liza patungkol sa mga karapatan ng kababaihan at ng kabataan sa webinar na ‘yon.

 

“Saan pong organisasyon dapat magsalita si Liza na bagay pag-usapan ang tungkol sa women’s and children’s rights na kikilalanin at paiigtingin ang karapatan ng mga babae at mga bata na hindi po siya mare- redtag?” (ROSE GARCIA)

Makati City gov’t kinontra ang naging findings na mataas ang kaso ng hawaan ng COVID-19

Posted on: October 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINONTRA ng lungsod ng Makati ang inilabas na findings ng ilang eksperto na mataas ang kaso ng hawaan ng coronavirus sa nasabing lungsod.

 

Sinabi ni Atty. Michael “Don” Camina ang tagapagsalita ng lungsod ng Makati, nagulat sila kung bakit nakasama sila sa OCTA Research Team na isa sila sa areas of concern.

 

Base kasi sa ulat ng Department of Health (DOH) na mababa ang kanilang attack rate.

 

Mayroon lamang kasi aniya sila na 6.21 na attack rate na base sa category ng DOH ay “Low Risk” ito. Hihingi aniya sila ng kopya ng research ng OCTA sa nasabing usaping.

 

Umaabot na kasi sa 561 na aktibong kaso sa Makati at mayroong 6,793 ang gumaling na at 284 na ang nasawi. (Ara Romero)