• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2020

8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na kanilang binutas simula pa nung Lunes gamit ang pako at bato subalit, agad namang naaresto ang dalawa sa kanila habang magkakasunod naman nadakip ng Trackers Team ang anim pa na sina Arnel Buccat, 19, (leader), Reymark Delos Reyes, 27, Harris Danacao, 23, Mark Oliver Gamutia, 21, Aldwin Jhoe Espila, 25, at Reynaldo Bantiling, 35.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, kinilala ni Col. Menor ang iba pang PUPC na pinaghahanap ng kanyang mga tauhan na pumuga sa custodial extension facility na matatagpuan malapit sa bagong Caloocan City Hall bilang sina Martin Mama, 46, Gerrymar Petilla, 21, Hudson Jeng, 42, Norbert Alvarez, 35, Jovel Toledo, Jr. 27, Raymond Balasa, 35 at Justine Tejeros, 22 na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.

 

Ani Col. Menor, ang kanilang custodial extension facility ay inilaan pa sa PUPC na naibigay na ang commitment order ng korte para sa kanilang paglipat sa Caloocan City Jail (CCJ) subalit dahil may banayad silang sintomas ng coronavirus disease (COVID) 19, habang ang iba ay nagpositibo sa isinagawang rapid test ay kinailangan silang i-quarantined ng 21-days sa kanilang extension facility.

 

Kinumpirma din ng city police chief na dalawa sa mga nakatakas ay nagpositibo sa isinagawang rapid test noong October 2 subalit, nagnegatibo naman aniya sa swab test habang ang 10 iba pa ay hindi pinayagan ng mga health officers ng CCJ na ilipat sa kanilang facility dahil sa kanilang health reason.

 

Napagalaman sa imbestigasyon na sinimulan butasin ng mga detainess ang pader ng facility noong Lunes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan habang ang iba pang PUPCs ay nagsimulang gumawa ng ingay.

 

Ipinag-utos na ni Col. Menor ang pagsibak sa dalawang naka- duty na pulis nang maganap ang insidente. (Richard Mesa)

Ang National Public Transportation Coalition (NPTC)

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC). Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa kanilang sektor.

 

Common denominator ay ang issue ng pangkabuhayan at ang kapakanan ng mga mananakay. Sa isang nilagdaang manifesto ay pinuna ng grupo ang kaagarang privatization ng mga Motor Vehicle Inspection System kung saan mas prayoridad ang pagiging compliant ng mga sasakyan sa euro 4 kaysa sa roadworthiness ng sasakyan.

 

Niliinaw din ng grupo ang pagsangayon nila sa modernization ng public transport ngunit imbes na isubo sa kanila ang imported na mga sasakyan ay mas mainam na tulungan ng pamahalaan ang mga gawang pinoy na compliant din naman sa department order ng DOTR.

 

Susuportahan din ng grupo ang bawat laban ng mga kasamang sektor halimbawa ay ang pag – regulate sa motorcycles-for-hire, roadworthiness ng mga trucks, ruta ng mga tricycles, ang pagtutol sa pagwalis ng mga indibidwal franchise para ang kooperatiba at korporasyon ang mag-may- ari ng franchise, pagtutol sa mga sobrang mahal na mga imported jeepneys at pagsulong sa mga locally-made jeeps, atbp.

 

Nilinaw ng coalition na hindi sasawsaw sa pulitika ang grupo at hindi laban sa pamahalaan ang kanilang stand. Maaaring punahin ang mga polisiya ngunit idadaan sa mga dialogues o pag-uusap muna at mga ligal na paraan.

 

Sa kabilang banda ay pupurihin din at susuporta ang coalition sa mga pro-public transport at commuter-friendly policies ng pamahalaan at mga public officials. Welcome din ang coalition sa pagsapi ng lahat ng transport groups na kaisa sa nga paniwala at adhikain ng grupo.

 

Umaasa ang coalition na ang pagtatag ng NPTC ay tutugon sa mga problema ng transportasyon patungo sa mas maalwan at ligtas na public transport sa bansa at sa pangangalaga ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa public transport. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Election gawing hybrid electoral system

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IMINUNGKAHI ng isang abogado na gumamit ng hybrid electoral system para sa 2022 national election upang matuldukan na ang nangyayaring dayaan sa halalan.

 

Sa virtual media forum ng National Press Club, sinabi ni Atty. Glen Chong na ang “hybrid electoral system” ay hindi kagaya ng sa Smartmatic na automated.

 

Sa hybrid aniya ay mano- mano pa rin dahil walang makina sa loob ng precint.

 

Ito ay manual voting, manual counting pero ang transmission ng mga balota ay automated.

 

Paliwanag ni Chong, tao pa rin ang magbibilang ng mano-mano ngunit kapag ita-transmit na ang bilang ng mga boto at balota ay automated.

 

Binigyan diin ni Chong na hindi na maaring makapandaya o mamanipula dahil nabilang na ng mano-mano ang balota o boto bago pa man ito ipadala o itransmit.

 

Hindi na rin aniya maaring gamitin ang mga makina ng Smartmatic sa 2022 dahil baka aniya babagsak lahat.

 

Tatlong Board Election Inspectors o BEI aniya ang magbabantay sa mga presinto kabilang ang Chairperson, poll clerk at member.

 

Ang mungkahing hybrid election ni Chong at kahalintulad din aniya nang panukala ni Senator Vicente Sotto na inihain sa Kongreso sa ilalim pa ni House Speaker Rep. Allan Cayetano ngunit hindi aniya ito inaksyunan o na-hearing.

 

Si Senator Imee Marcos lamang aniya ang nagsimulang nag-hearing ng panukala ngunit kapag wala aniyang counterpart measures mula sa Kongreso ay wala rin umanong mangyayari sa hybrid election system bill.

 

Ayon pa kay Chong dapat na aniyang gawin ang hybrid election para sa isang malinis, makatotohanan at credible na halalan.

 

Umaasa rin si Chong na i-certify ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas dahil kaya pa naman aniya itong ihabol dahil dati na itong ginagawa sa mga naunang mga halalan sa bansa at wala nang parallel shift na kinakailangan. (Gene Adsuara)

Ads October 28, 2020

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.

 

Aabot sa 900 ang inisyal na bilang ng bisikleta nanakatakdang ipamigay ng DOLE sa mga beneficiaries na sasailalim sa training hinggil traffic regulations at financial literacy pati na rin sa occupational safety at health standards.

 

Sinabi ni Trayvilla na makakatanggap din ang mga beneficiaries ng insulation bag, protective helmet, reflective vst, bike rack, cellphone at load wallet.

 

Mayroon na rin aniyang partner ang DOLE na mga delivery service providers para sa programang ito.

 

Ang mga interisado sa programang ito ay maari lamang aniyang mag-apply sa DOLE field offices.

 

Ang lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa at Manila ang unang makakatanggap ng libreng bisekleta ng DOLE. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Super Tekla at Michelle, nagkaayos na pagkatapos ng matinding kontrobersya

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAAYOS na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Lhor Bana-ag base na rin sa kuwento ng nanay ng anak ng komedyante sa programa ni Raffy Tulfo.

 

Bago nangyari ang pagbabati ay nakatakdang sumalang sa drug at lie detector test si Michelle para malaman kung nagsasabi siya ng totoo bago niya sampahan ng kaso si Tekla dahil sa umano’y hindi sila binibigyan ng pambili ng pagkain kung hindi siya sisiping.

 

May ipinakitang video rin ang dating kinakasama ng komedyante na inamin nitong nagma-masturbate siya sa harap mismo niya at ng anak.

 

Sa nasabing programa ay nabanggit ng Easy DNA na kakailanganin ng 100 strand ng buhok para sa drug test dahil hanggang 90 days ay kaya itong i- trace hindi katulad ng urine o blood test ay madali itong mawala kapag ininuman ng gatas o maraming tubig, base na rin sa paliwanag ng staff ng nasabing kumpanya.

 

At dahil nagkabati na sina Michelle at Tekla ay tinanong ni Raffy kung itutuloy pa ni Michelle ang lie detector at drug test since wala na rin naman itong saysay at pinatutuloy ito ng huli dahil gusto niyang patunayan sa lahat na nagsasabi siya ng totoo.

 

“Isa rin po sa dahilan kung bakit nakipag-ayos na po ako ay dahil sobrang stress na po ako at para na rin po sa anak ko kasi ayaw ko namang malaman niya paglaki kung anong nangyari sa amin ng tatay niya.

 

“Ang daming netizens po na galit na galit sa akin, sa pamilya ko, sa mga pamangkin ko at may pagbabanta pa. Totoong nagkamali po ako rati, nagka-bisyo pero inaayos ko naman na ang buhay ko. Sana po huwag idamay ang mga pamangkin ko kasi pati pag- aaral nila nadadamay,” pakiusap ni Michelle sa publiko.

 

Ang kapatid daw ni Michelle ang tumawag kay Tekla para magkita at magkaayos sila na ayon sa rating partner ni Tekla ay nagkapirmahan sila ng kasulatan na ginawa ng manager ng komedyante na si Rose Conde at saka ito ipapa-notaryo.

 

Ang hiling daw ni Tekla ay magbalikan sila ni Michelle pero hindi na nito kargo ang mga pamangkin pero tinanggihan ito ng huli at gusto na lang nitong maghiwalay sila at sustentuhan na lang ang anak nila.

 

Ang payo ni Raffy ay dapat abogado ang gagawa ng kasulatan at dapat may amount kung magkano ang ibibigay ni Tekla kada buwan para malinaw at hindi puwedeng wala.

 

Anyway, itinuloy ang lie detector test ni Michelle ni Atty. Garret Tungol na napanood ng publiko sa YT channel ng RTIA.

 

At dito napatunayan namang nagsasabi ng totoo si Michelle kaya lang nasilip ng abogado na walang lakas ang kaso kung itutuloy niya dahil unang-una nung nagpaligaya sa sarili si Tekla ay may dahilan naman para umiwas ang ina ng anak para hindi sila matalsikan ng likido dahil hindi naman siya itinali o iginapos para hindi makaalis ng kuwarto.

 

Hindi rin daw siya pinupuwersang makipagtalik para sana puwedeng kasuhan ng marital rape. At higit sa lahat, hindi rin tatayo sa korte ang katwirang hindi sila pinapakain o hindi bibigyan ng pambili ng pagkain sa loob ng isang araw o dalawa kapag hindi siya pumayag na sumiping.

 

Kaya tama lang daw na nagkaayos na sina Tekla at Michelle para makaiwas na rin sa gulo at para sa ikatatahimik na rin nilang lahat. At bago nagtapos ay humiling si Michelle ng tulong kay Raffy para sa upa ng tinutuluyan nilang bahay na 3 buwan ng hindi bayad at pangkain.

 

Sa tanong kung bakit hindi maghanap ng trabaho si Michelle, “hindi pa po ngayon kasi ipapayos ko pa po itong ngipin ko kasi hindi naman po ako tatanggapin pag sira.”

 

At dito na nagsabing sasagutin ng radio host ang ngipin ni Michelle, ang apat na buwang renta ng bahay at grocery.

 

Samantala, sa part 2 naman ng paglilinis ng condo ni Tekla na iniwan nina Michelle na sobrang dumi at iniipis ay malinis na at matatawag ng bahay talaga.

 

Ayon kay Donita Nose na kaibigan ng komedyante, “hayan makakatulog ka na ng maayos kasi malinis na lahat. Sa nagbigay po ng pambili ni Tekla ng mga bagong gamit (unan, bedsheet, gamit sa kusina at iba pa), maraming salamat po at ayaw niyang ipabanggit ang pangalan niya.”

 

Nagpasalamat din si Tekla sa lahat ng magpakita ng suporta at nagparamdam at least hindi niya naramdamang nag-iisa siya dahil kamuntikan na raw siyang tumalon. Sa ngayon ay tanggap na niya ang lahat at move on na siya.

 

Pinasalamatan naman ni Donita Nose si Raffy Tulfo dahil malaking tulong na naibigay nito at naging daan para magka-ayos sina Tekla at Michelle. (REGGEE BONOAN)

RABIYA MATEO, deserving maging Miss U PH kaya ipinagtatanggol ng kapwa kandidata

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTANGGOL ang hinirang na Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng kapwa candidate niya na si Miss Davao City Alaiza Malinao.

 

Umabot sa Top 16 si Malinao at to the rescue siya ni Mateo sa nag-akusa rito na siya ay nandaya. Pinost ni Malinao ang pagtatanggol niya kay Mateo sa kanyang Instagram Stories.

 

In her first post, nagpaabot siya ng congratulations kay Mateo at sinabing “so deserving” ito sa title na Miss Universe Philippines.

 

In another post, Malinao shared a video kunssan gandang-ganda siya sa “small, beautiful face” ni Mateo.

 

Dinagdag pa ni Malinao na si Mateo ang mag-makeup sa sarili nito at wala itong glam team tulad ng akusasyon ng isang talunang kandidata.

 

“Siya lang po nagme-makeup sa sarili niya. She worked hard! She’s fair! She did not cheat. She is a deserving winner! Congratulations, Rabiya Mateo, our Miss Universe Philippines 2020. She is our queen!” caption ni Malinao na isa sa early favorites ng pageant. (RUEL J. MENDOZA)

Skyway 3 bubuksan na sa December

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGDARAOS ng soft oftening ang San Miguel Corp. (SMC) para sa pagbubukas ng bagong Skyway 3 expressway sa darating na December.

 

Ayon kay San Miguel Corp. president at chief operating officer Ramon Ang na siya ay kumpyansa na ang SMC ay matatapos at magbubukas ang Skyway 3 kahit na maulan na siyang nakakaabala sa pagtatapos ng mga trabaho dito. May ginagawa pa rin na laying at proper curing ng asphalt dito.

 

Magbibigay naman ang SMC ng libreng toll fee sa mga motorists sa loob ng isang buwan sa ginagawang 18-kilometer expressway na mula sa Gil Puyat Avenue hanggang North Luzon Expressway (NLEX).

 

“We’re very proud and excited about this project because it will truly make a big difference to so many people’s lives especially with our economy slowly opening up and with more vehicles coming back to our roads,” wika ni Ang.

 

Samantalang habang ginagawa pa ang finishing works, sinabi ni Ang na gusto niyang magamit na ng mga motorists ang Skyway 3 at mabigyan ng benipisyo ang publiko sa pagkakaron ng isang maginhawang at komportableng paglalakbay na ibibigay nito.

 

“We have all waited long for this project, so this is the best way we can welcome everyone, by making Skyway 3 free for one month,” dagdag ni Ang.

 

Sinabi din ng SMC na natapos nila ang project sa loob ng anim (6) na taon dahil sa maraming problema sa pagtatayo nito kasama na ang right-of-way issues at iba pang major changes dahil sa design at alignment nito. Nakikita rin ng SMC na talagang magkakaron ng malaking pagbabago sa travel time at traffic conditions sa Metro Manila at karatig lugar nito.

 

Dahil magdudugtong ang South Luzon Expressway (SLEX) sa North Luzon Expressway (NLEX), magkakaron na ng alternatibong daan ang EDSA, na babagtas sa walong (8) access points tulad ng Makati, Manila, San Juan at Quezon City.

 

Kasama dito ang access point sa Gil Puyat Avenue, Plaza Dilao, Nagtahan, Aurora Boulevard, Quezon Avenue, Sgt. Rivera Street, Balintawak at NLEX.

 

“With Skyway 3, we will improve the daily commutes and lives of so many Filipinos. We will lessen their time spent in traffic on the road, we can increase both their productivity and time spent with their families. Apart from this, the transportation of goods from north and south Luzon will also be so much easier, faster and more efficient. This will be a big boost to our economy and support growth throughout the regions,” sabi pa rin Ang.

 

Target din ng SMC na pagdugtungin ang northbound ng Skyway extension project na siyang nagdudugtong sa SLEX diretso sa Skyway mula Susan Heights sa Muntinlupa sa darating na December.

 

Dahil dito, ang travel time mula Susan Heights gamit ang Skyway system at Skyway 3 hanggang NLEX Balintawak toll plaza ay magiging 20 minutes na lamang. Samantalang ang travel time mula Magallanes papuntang Balintawak ay 15 minutes na lamang at Valenzuela papuntang Makati ay 10 minutes na lamang. (LASACMAR)

Solidarity trial sa COVID-19 vaccine, inuurong sa Disyembre

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INIURONG sa Disyembre ng Department of Health (DOH),ang solidarity trial ng COVID19- vaccine sa Disyembre, 2020.

 

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na unang nagpahayag na sa Nobyembre isasagawa ang solidarity trial sa mga vaccine.

 

Nalaman na tinanggal rin sa clinical trial ang Interferon, habang patuloy na gagamitin ang Remdesivir.

 

Gusto umano ng World Health Organization (WHO) na makakuha pa ng mas marami pang data para suportahan ang findings sa gamot.

 

Una nang tinanggal ng WHO ang hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir dahil hindi umano ito nakakatulong para mapababa ang mortality ng mga pasyente ng COVID-1 patients. (Gene Adsuara)

Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context

Posted on: October 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.

 

Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.

 

Ipinaliwanag ni Msgr. Quitorio, director ng Media office ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na binigyan diin lamang ng Santo papa ang pagbibigay tuon sa karapatan ng mga homosexual bilang bahagi ng pamilya at ng lipunan.

 

“It is not a change of dogma, or document ng simbahan. Walang binago. Ang sa kanya lang (Pope Francis), bigyan ng atensyon ng civil government kasi may mga problema ‘yang ganyan and they are our brothers and sisters,” ayon kay Msgr. Quitorio.

 

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Fr. Alfonso na ang lahat ay may karapatan na kalingain, igalang at mahalin na siya ring sinasaad sa mga dokumento ng simbahan.

 

“May karugtong daw yan. Tinanggal na ang ‘this doesn’t mean that I support homosexual act.’ Tinanggal yun. Ganun po talaga yan. Pangalawa, matagal nang turo ng simbahan at ito ang ang mahalaga na ang third sex na matagal na may mga dokumento na ang simbahan na ang people are differently orientated, dapat respetuhin pa rin natin. Respetuhin, kalingain, mahalin. So yun po ang context ng katuruan ng simbahan, hinihingi po na nagbigyan natin ng paggalang ang lahat ng tao anuman ang kanyang kasarian. Pangatlong punto nga natin iba po ang civil union sa mar- riage,” paliwanag pa ng pari.

 

Iginiit ng pari na ang ipinaliwanag ni Pope Francis ay ang pagkakaiba ng ‘civil union’ sa sakramento ng kasal na tinututlan ng simbahan sa magkapareho ng kasarian, subalit kinakailangan ng proteksyon sa ilalim ng civil law.

 

Ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa ay mula sa documentary film na ipinalabas sa Roma, Italya.

 

“Hindi yan bago, yan ay bahagi ng isang documentary film na nag-premiere nung isang araw sa Roma, Italya. Pinik-up nila ang mga kontrobersyal statement,” dagdag pa ni Fr. Alfonso.

 

Tiniyak din ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP- Permanent Committee on Public Affairs na hindi nababago ang turo ng simbahan sa usapin ng pag-aasawa.

 

Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na bukod tanging Santo Papa lamang ang makapagpaliwanag sa tunay na kahulugan ng “Una Ley de Convivencia Civil” na nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon.

 

“Church’s law and doctrine on marriage didn’t change anyway. They remain the same. Meaning, marriage is between a man and woman. Our Constitution and existing laws also provide the same; The best interpreter of that remark, however, is the Pope himself!” pahayag ni Fr. Secillano.

 

Iginiit ng opisyal na hindi madali ang pagbabago ng doktrina ng simbahan lalo’t nag-ugat lamang ito sa panayam ni Pope Francis sa isang film documentary.

 

“The Pope’s remark may be used by LGBT groups and their sup- porters to advance their agenda. But at the end of the day, it’s still the government that’s responsible for enacting laws on civil-union and the church is expected to remain firm in its support for the traditional definition and meaning of marriage. Having said that, the Church also respects the dignity and recognizes the rights of the LGBT as man- dated by present law legislations in our country’.