• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 30th, 2020

DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.

 

Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang kaanak na namatay nang hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test.

 

”Most of the time the patient will come in the facility nang medyo malubha na ang kanilang sakit. Hindi sila nakakarating sa facility ng mas maaga, para magamot ng mas maaga.”

 

“Testing post-mortem hindi namin ina-advice kasi wala pa tayong sapat na ebidensya that even in cadavers na mataas pa rin ang load ng virus.”

 

Paliwanag ng opisyal, wala pang ebidensya na mataas pa rin ang “viral load” kahit sa mga namatay nang confirmed case. Kailangan daw kasi ng virus ng “host” o aktibong katawan para kumalat at makapanghawa.

 

Ayon kay Vergeire, protocol ng mga doktor ngayon na ituring bilang confirmed case ang mga darating na indibidwal sa ospital na may sintomas ng pandemic virus.

 

Pati sa mga mamamatay na pasyente nang hindi pa nate-test pero nakitaan ng sintomas, ay maaari na rin daw ituring na positibo sa COVID-19.

 

“Hindi natin dine-delay ang panggagamot kung sakaling wala pang test.. ang ating protocol kasi, kapag ang ating mga doktor ay na-assess nila na ang isang tao ay may COVID-related symptoms maaari silang makonsidera na suspect or probable kahit wala pang test.”

 

“Kung siya ay namatay because he/she is a suspect based on clinical assessment, kailangan kung paano tratuhin ang bangkay ng isang confirmed case pareho rin sa suspect/probable.”

 

Dagdag ng opisyal, tulad ng sa confirmed cases, inirerekomenda rin ang agarang cremation sa mga probable at suspect cases na babawian ng buhay.

2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North at Jayson Esguera, 40 ng Silahis St. Brgy. Tanza 1.

 

Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.

 

Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa M. Domingo St. alas-8 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 101 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P686,000.00 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Tokyo Olympic organizers magtatayo ng sariling disease control centers

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Plano ngayon ng Tokyo Olympics organizers at mga Japanese officials na maglagay ng infectious disease control center para matiyak na hindi magkakaroong n hawaan ng COVID-19.

 

Papangalanang ito bilang Organizing Committee Infectious Disease Control Center.

 

Magiging trabaho nito ay magkaroon ng testing at tracing ng mga nadadapuan at magsagawa rin ng mga isolation at paggamot sa mga posibleng nadapuan ng virus.

 

Sinabi ni Tokyo 2020 chief executive Toshiro Muto, na may mga nakatalagang mga doktor at mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng mga health protocols sa mga athletes village.

 

Ilan sa mga ipapatupad ay ang paglimita ng mga galaw ng atleta at paglalagay ng mga ruta ng mga sasakyan para hindi dumami ang contacts at exposures.

 

Maaari pa aniyang magbago ang nasabing plano hanggang sa mga darating na pagpupulong.

VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade.

 

Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference.

Pumayag naman ang alkalde at sinabing bukas sila sa pagsasagawa ng parade basta pag-ibayuhin lang ang pag-iingat para hindi kumalat ang coronavirus.

Matatandaang kinansela ng Lakers at Dodgers ang kanilang championship parade dahil sa matinding banta ng COVID-19 kaya nagdesisyon noon ang dalawang koponan na isagawa na lamang ang parada kapag normal na ang lahat at wala na ang banta ng pandemic.

Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove Delivery ng Manalo Compd. Dalandanan.

 

Ayon kay Col. Ortega, alas- 12:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos ang buy-bust op- eration kontra sa mga suspek sa bahay ni Gonzalez sa No. 6-A T. De Gula St., Brgy. Marulas.

 

Habang nagaganap ang buy- bust, nilabas ni Gonzalez mula sa kanyang sling bag ang isang cal. 45 “replica” saka pinagbantaan ang police poseur- buyer na si PCpl Mario Martin ng “Pre baka asset ka ha pag tinimbre mo ako babarilin kita dati akong NPA commander”.

 

Nang matapos ang transaksyon, agad nagbigay ng signal si PCpl Martin sa kanyang mga kasama kaya’t mabilis lumapit ang back up na si PSMS Roberto Santillan at PCpl Francis Cuaresma saka inaresto si Gonzalez at Modejar.

 

Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiap, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 40 gramo ng shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga, P300 buy- bust money, P700 bills, 2 cellphones, stainless box, digital weighing scale at cal. 45 replica.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearm (gun replica). (Richard Mesa)

Melanie Griffith, may asim pa sa edad na 63 sa suot ng pink lingerie

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINASAL na ba sina Lovely Abella at ang kanyang fiance na si Benj Manalo?

 

Sa recent guesting nila Lovely at Benj sa programang Tunay na Buhay, may mga pagbabago na raw sa wedding plans nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Na-engage ang dalawa noong June 2019. Original plan nilang magpakasal sa January 2021. Pero dahil sa mga nagaganap sa mundo ngayon, nag-decide silang agahan ang pagpapakasal.

 

Ayon kay Lovely, nakaplano na ang civil wedding nila ni Benj ngayong October.

 

“Nung dahil din po sa experience ko po doon sa aking COVID journey, ‘yun po ‘yung na-realize ko, at saka siya (Benj) po ‘yung nagsabi na, ‘Tara, babe. Magpakasal na tayo, kahit civil lang.’ Kaya baka po this October po namin itutuloy,” sey ni Lovely.

 

Five years na nagsama ang dalawa bago sila na-engage.

 

“Siya yung naging balancing factor ng pagiging seryoso ko. Parang simula nang makilala ko siya I’ve been in the happiest ever sa buhay ko. So, knowing that I’m just really thankful and hindi ko siya kayang mawala sa’kin,” sey ni Benj.

 

Si Benj pala ay isa sa mga anak ng Eat Bulaga Dabarkads na si Jose Manalo. Noon pa man ay daddy na ang tawag ni Lovely kay Jose.

 

*****

 

NAG-POST ng throwback photo ang aktres na si Teresa Loyzaga sa kanyang Instagram noong nagtatrabaho pa siya bilang flight attendant.

 

“FA Life….and no matter how far or how wide I roam #flightieslife #throwback.”

 

Nagtrabaho bilang FA si Teresa for 14 years. Ito ay noong panahon na iniwan niya ang kanyang showbiz career at nag- migrate sa Australia noong taong 2000.

 

Dahil may dalawang anak na siya noon, nagtrabaho si Teresa sa Australia bilang call center agent at naging bank employee din siya hanggang sa makapasa siya bilang FA sa Qantas Airlines.

 

Bumalik sa pag-arte si Teresa after 17 years. Noong bumalik siya sa Pilipinas, gumawa siya ng mga teleserye sa ABS-CBN 2 at GMA-7. Huli siyang napanood sa I Can See You: High Rise Lovers.

 

*****

 

SA edad na 63, may asim pa rin ang Hollywood actress na si Melanie Griffith at pinagmalaki niya ang kanyang sexy body sa pagsuot ng pink lingerie in honor of Breast Cancer Awareness Month.

 

Tila mas sexy pa raw si Melanie kesa sa anak nito na nagbida sa 50 Shades of Gray film trilogy na si Dakota Johnson.

 

Suot ni Melanie ang Kit Un- dergarments na kabilang sa campaign for Breast Cancer Awareness na may hashtag na #kitstokickcancer.

 

Designed ang Kit Undergarments nila Jamie Mizrahi and Simone Harouche na magdo-donate ng 5% sa kanilang sales to the Women’s Cancer Research Fund. May additional $1 naman na donation sa bawat babae na bibili at ipo-post sa social media na suot nila ang undergarment with the hashtag at ita-tag sila sa @kitundergarments.

 

Bukod kay Melanie, nag-post din in their Kit Undergarments to raise funds sina Kate Hudson, January Jones, Zoe Saldana at marami pang iba. (RUEL J. MENDOZA)

SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.

 

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test.

 

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat na nakapasok sa airport ang ganitong uri ng pananamantala lalo’t isang pribelehiyo ang ibinibigay sa mga may kalakalan sa paliparan.

 

“Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila.

 

So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko lalo na sa mga nagbayad ng P20, 000 sa kada swab test sa airport ay mangyaring magbigay ng kanilang testimonya.

 

Sa ganitong paraan ayon kay Sec. Roque ay maaaring mapa- alis ang naturang swab testing company na grabe ang ginagawang paniningil sa kada salang sa COVID 19 testing.

 

“Kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipi- nos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport,” lahad nito. (Daris Jose)

‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

 

Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa mga laro.

 

Gayundin nasa $400 million ang nawala sa mga sponsorships at merchandise.

 

Lumutang din ang malaking pagkalugi ng NBA na umaabot sa $200 million nang i-ban ng China ang panonood ng laro sa kanilang mga telebisyon matapos na suportahan ng dating general manager ng Houston Rocket na si Daryl Morey ang Hong Kong freedom.

 

Samantala sa katatapos lamang na NBA bubble sa Orlando, Florida, sinasabing kahit papaano raw ay medyo nakabawi ang liga nang kumita na umaabot sa $1.5 billion sa revenue.

 

Kung hindi aniya natuloy ang NBA bubble ito rin ang dagdag na matinding kalugian na malaki ang epekto sa operasyon ng mga teams at sweldo ng mga players. (REC)

5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

 

Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways.

 

Sinabi ni Guevarra na una na siyang bumuo ng task force para imbestigahan ang korupsiyon sa PhilHealth at hindi pa tapos ang imbestigasyon.

 

”I think within the term ng President may ipapakita tayong resulta sa taumbayan ,” ayon kay Guevarra.

 

Sinabi ni Guevarra na naniniwala siya na hindi matatapos ang imbestigasyon kahit matapos pa ang termino ni Panguling Rodrigo Duterte pero tiniyak niya na mababawasan o mapipigilan ang korupsiyon.

 

Sinabi rin ni Guevarra na walang palalampasin ang imbestigasyon kahit pa miyembro ng Kongreso o executive agency.

 

”Sama-sama ‘yan because it’s a criminal act, the corrupt act na tinitingnan natin. Kung may ebidensiya ng kanilang involvement, direct o indirect, ay kasama sila,” ani Guevarra.

 

”I don’t think simply because he has expressed trust in a certain person eh babalewalain niya kung ang ebidensiya na nagpapakita ng involvement ay glaring ,” dagdag pa ni Guevarra.

 

Nalaman na magsasagawa rin nh lifestyle check ang DOJ at gagamiin ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net worth sa imbestigasyon. (Gene Adsuara)

Ads October 30, 2020

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments