• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 17th, 2020

Buwanang pensiyon sa mga PWDs lusot na

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lusot na sa Special Committee on Persons With Disabilities ang panukala na magkakaloob ng buwanang pensiyon sa mga kababayang may kapansanan o persons with disablity (PWDs). 

 

Sa ilalim ng House Bill 7571 na inihain ni Bohol Rep. Alexie Tutor, layon dito na magtatag ng Social Pension Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at matulungan ang mga may kapansanan na lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Sa programang ito, ginagarantiya na ang lahat ng mga rehistradong PWDs ay mabibigyan ng social pension na P1,000 kada buwan.

 

Maaaring ipamahagi ang pensyon ng mga PWDs ng quarterly, semiannually o annually.

 

Isinusulong din ng panukala ang pagbuo ng National Registry for PWDs na magiging basehan para sa special PWD classification ng Philippine Identification System.

 

Isasama rin ang mga PWDs bilang benepisyaryo ng microfinance, microinsurance at microenterprise programs at projects ng pamahalaan nang sa gayon ay mabigyan ng hanapbuhay ang nasabing sektor. (ARA ROMERO)

Navotas nagkaloob ng tax refund

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis.

 

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng  lokal na buwis at bayarin na due at na-assess noong Setyembre September 14, 2020 hanggang sa petsa ng pagiging epektibo ng ordinansa.

 

“Most of our constituents are still reeling from the economic impact of the COVID-19 pandemic. We want to ease their burden and help them in every possible way,” ani Tiangco.

 

Ang mga taxpayers na may makukuhang tax refund ay maaaring makipag-ugnayan sa City Treasurer’s Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall.

 

Ang City Ordinance 2020-45 ay alinsunod sa Department of Finance Circular No. 003-2020, kung saan nakasaad na “payment of all local taxes, fees and charges falling on or after September 14, 2020 shall be extended until December 19, 2020 without interest, surcharge or penalty.

 

Nauna rito, ipinasa sa Navotas ang City Ordinance No. 2020-25 at 2020-35 na nagpapaliban sa pagbabayad ng real property tax, business tax, at transfer tax. (Richard Mesa)

Pakiusap ng malakanyang sa publiko, hintayin ang guidelines sa pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lang muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr)  at  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbabalik ng provincial buses na  point-to-point routes bago pa mag-isip na bumiyahe.

 

“Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,”ayon kay  Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Nauna rito, inaprubahan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang gabinete ang pagbabalik ng  provincial buses na  point-to-point routes.

 

Layon kasi ng pamahalaan na mas palawakin pa ang muling pagbubukas ng ekonomiya  matapos na manamlay dahil sa   COVID-19 pandemic.

 

Nagpulong kasi sina Pangulong Duterte at ang mga miyembro ng gabinete, araw ng Lunes kung saan napagkayarian na payagan na ang  “provincial buses in point-to-point routes na inaprubahan ng LTFRB at  local government unit ng destinasyon kabilang na ang  stop-over/transit terminals,” na magbalik operasyon, ayon sa inter-agency task force against COVID-19.

 

“Point-to-point provincial buses shall be allowed unhampered passage through the different LGUs en route to the LGU of destination,” ang nakasaad sa kalatas ng  task force.

 

Matatandaang, sinuspinde ng mga awtoridad noong Marso  ang lahat ng mode ng public transport.

 

Kamakailan ay pinaluwag naman ng mga miyembro ng gabinete ang   transport restrictions, bilang paghahanda sa pagbubukas  ng ekonomiya matapos ang ilang buwan na naka-lockdown ang iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa pandemiya. (Daris Jose)

Pagsusuot ng face mask at face shield, required na

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REQUIRED na ngayon ang mga mamamayang Filipino na magsuot ng face masks at face shields kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay.

 

Layon kasi ng pamahalaan na pabagalin ang pagkalat ng  COVID-19 ngayong holiday season.

 

Ang anunsyong ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos magpulong ang  policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF  ang “mandatory” na pagsuot ng full-coverage face shield at face mask sa publiko sa tuwing lalabas ng kanilang mga bahay. Ito’y para maiwasan ang hawaan ng Covid-19.

 

Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shields sa loob ng establisimyento.

 

Samantala, hinikayat ng  OCTA Research  ang  national at local governments na magtulungan  para malimitahan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas ng “testing, contact tracing, isolation and quarantine,”  at implementasyon ng  “small, targeted lockdowns para ma contain ang  “super-spreading events” sa komunidad.

 

Umapela rin ito sa publiko na iwasan ang matatao at  enclosed areas at umiwas sa pagsali o pag-organisa ng   social gatherings ngayong Christmas season. (Daris Jose)

Claro, 60 na iba pa pasiklab sa 1st WNBL Draft Combine

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY 61 aspirante, sa pamumuno ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player Camille Claro ng De La Salle University Lady Archers, ang mga nagladlad ng gilas sa unang araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 maghapon nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

 

Nakasa niya sina former UAAP MVP Marichu Bacaro ng dating University of Santos Tomas Golden Tigresses, at Kat Araja na mga asam makasama sa iba’t ibang team na mga lalahok sa 1st WNBL 2021 na planong magsimula sa Enero o Marso.

 

Pumunta sa pagtitipon si WNBL ambassador Kiefer Isaac Ravena sa kung saan ipinakita ng mga kalahok ang  husay sa iba’t-ibang kalakasan, bilis, at liksi na pinamahalaan ng professional trainers sa pagtatangka agad na magpakilala para sa gaganaping draft ngayon ding Disyembre. (REC)

Ravena papasiklab sa B.League All-Star Game

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAPABILANG para maging reserbang parte ng B.League All-Star Game 2021 na nakatakda sa darating na Enero 15-16 sa Adasutria Mito Arena, sa Mito, Japan ang Asian import na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.

 

Sokpa para sa B.White team ang 23-taong-gulang, may taas na 6-2 Pinoy nang makalikom ng 27,593 votes at pumuwesto na pang-siyam sa guard position.

 

Ang Pinoy cager ay may average siya na 9.3 points, 4.0 rebounds at 1.44 assists para sa San-En NeoPhoenix squad sa kasalukuyang 5th B.League 2020-21 kung saan may 4-17 win-loss record ang koponan.

 

Nasa starting five ng B.White ni coach Kenji Sato sina Yuki Togashi ng Chiba Jets, Ryusei Shinoyama ng Kawasaki Brave Thunders, Kosuke Kanamaru ng Seahorses Mikawa, Sebastian Saiz ng Chiba Jets at Nick Fazekas Kawasaki ng Brave Thunders.

 

Swak naman para sa first five ng B.Black team sina Makoto Hiejima, Yuta Tabuse, Ryan Rossiter at Jeff Gibbs ng Utsunomiya Brex at Julian Mavunga ng Toyama Grouses  na ang coach ay si Luka Pavicevic. (REC)

 

P 1.5 SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Phililippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang  P1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa baybayin ng Bangas Island at Jolo Island sa Sulu.

 

Ayon sa PCG, inaresto rin ang tatlong crew na sakay ng “junkong” type motorbanca nang magsagawa ng regular na coastal security  patrol ang Coast Guard Station  Sulu.

 

Hindi umano nakapagpakita ng dokumento ang mga crew  kaya kinumpiska ang kahon-kahon ng mga puslit na sigarilyo at itinurn over sa Bureau of Customs (BOC)  sa Jolo para sa tamang imbentaryo at kaukulang imbestigasyon.

 

Magkatuwang ang PCG at BOC sa pagbabantay sa mga baybayin sa bansa upang mapigilan ang iligal na aktibidad gaya ng smuggling, at human trafficking. (GENE ADSUARA)

Ads December 17, 2020

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mga atleta uunahin ng PSC sa bakuna

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA radar ng Philippine Sports Commission (PSC) na mapabilang din ang mga national athlete sa unang mga mababakunahan ng panlaban sa Covid-19 sakaling makakuha na ang bansa nang inaasam na iniksiyon sa hinaharap.

 

Ipinahayag kahapon ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na nakahanda na silang makipagpulong sa pamahalaan upang mapabilang sa mga mauuna ang mga manlalaro, lalo na ang mga naghahabol mag-qualify sa 32nd Summer  Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang Hulyo 2021.

 

“Iisa lang naman ang policy namin, kapag may pera ay ibibigay, kapag wala ay we will ask the government. But on this vaccine, sana nga maiprayoridad sila. We might also ask Healthj Secretary Francisco Duque III on this,” pagtatapos ng opisyal. (REC)

Higit 70K lata ng sardinas ipinamahagi sa Valenzuelanos ngayong Pasko

Posted on: December 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipamamahagi sa mga pamilyang Valenzuelano ang higit 70K ng sardinas na ginamit sa Mega Christmas tree ng Mega Global Corporation na kinilalang Tallest Tin Can Structure ng Guinness World Records kamakailan.

 

Ang mga nasabing pamilya ay mapapabilang sa mga benepisyaryo ng corporate social responsibility (CSR) project ng Mega Global Corporation na naglalayong mapakain ang 100,000 pamilya sa buong bansa hangggang sa pagtatapos ng of 2020.

 

Sa ilalim ng nasabing proyekto, ang mga pamilyang pinakamatinding  tinamaan ng COVID-19 pandemic ang bibiyayaan ng Mega Sardines products.

 

Ang mga nasabing ipamamahaging regalo ay manggagaling sa 5.905-metro o higit 19 talampakang “Chrristmas tree” na itinayo sa Mega Global Distribution Center sa Barangay Viente Reales, ng lungsod na gawa sa 70,638 pula at berdeng lata ng Mega Sardines na sinimulang buuin noong  Nobyembre 18 at natapos eksakto para sa National Sardines Day noong Nobyembre 24.

 

Inilunsad din sa nasabing araw  ang “Mega Bigay Sustansya sa Pasko” . Binalak ng Mega Global Corporation na magbigay ng mainit na pagkain sa mga pamilyang apektado ng COVID outbreak ngunit nagbago ang plano para matulungan din ang mga pamilyang tinamaan naman ng magkakasunod na mga bagyo.

 

Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Rex Gatchalian ang Mega Global Corporation. “Proud ang Valenzuela City sa Mega Sardines at mas proud kami na maging partner ng Mega Sardines, para makatulong sa ating mga kapwa Valenzuelano,” aniya.

 

Ipagkakaloob ang mga sardines products sa  Pamahalaang Lungsod sa Disyembre 20, 2020. (Richard Mesa)