• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2021 All-Star Game: Giannis top pick sa Team LeBron; Durant, kinuha si Irving

Buo na ang Team LeBron James at Team Kevin Durant para sa 2021 NBA All-Star Game.

 

 

Nasa lineup ni James ang kanyang first overall pick na si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, maging ang dati nitong karibal na si Golden State Warriors star Stephen Curry.

 

 

Kabilang din sa koponan ni LeBron sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, at Denver Nuggets big man Nikola Jokic.

 

 

Sa koponan naman ni Durant, babandera ang teammate nito sa Nets na si Kyrie Irving, Joel Embiid ng Sixers, Kawhi Leonard ng Clippers, Bradley Beal ng Wizards at Jayson Tatum ng Celtics.

 

 

Si Durant ay magiging non-playing team captain.

 

 

Kumumpleto naman sa mga reserba ang dalawang players ng Jazz na sina Rudy Gobert na napunta kay James; at si Donovan Mitchell na kinuha ni Durant.

 

 

Ang mga reserves sa Team LeBron ay sina Damian Lillard, Ben Simmons, Chris Paul, Jaylen Brown, Paul George, Domantas Sabonis, at Gobert.

 

 

Reserves naman sa Team Durant sina James Harden, Devin Booker, Zion Williamson, Zach LaVine, Julius Randle, Nikola Vucevic, at Mitchell.

 

 

Gaganapin ang 2021 NBA All-Star game sa Atlanta sa Marso 8, araw sa Pilipinas.

Other News
  • Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

    PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.     Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]

  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]

  • SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19

    Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.   Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.   Sa naturang numero, 77% ang […]