2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar, kanselado dahil sa pandemya – SBP
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kanselado na ang pagsasagawa ng ikatlo at huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa loob ng isang bubble set-up sa Doha, Qatar.
Sa isang pahayag, sinabi ni SBP President Al Panlilio na batay sa liham na kanilang natanggap mula kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian, kinansela ang mga events na iho-host ng Qatar dahil sa sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.
“The SBP is saddened by the development especially because we know the kind of work that our Gilas Pilipinas Men’s pool has done in Calamba,” SBP President Al Panlilio said.
“Although we are saddened by the situation, we also understand the predicament faced by the Qatar Basketball Federation as they had no choice but to follow the mandate of their government,” dagdag nito.
Kabilang sa mga apektado ng kanselasyon ang mga bansang nasa ilalim ng Group A na kinabibilangan ng Pilipinas, Korea, at Thailand, maging sa Group B (China, Japan, Chinese Taipei, Malaysia) at E (Iran, Syria, Saudi Arabia, Qatar).
Nakatakda sanang umalis sa mga susunod na araw ang Gilas, na kasalukuyang nagsasanay sa Calamba, Laguna.
Noong Huwebes nang ianunsyo ng FIBA na kinansela rin ang laban sa pagitan ng Hong Kong at Guam, na idaraos sana sa loob ng isang bubble sa Manama, dahil sa travel restriction na ipinatupad ng Bahrain.
Gayunman, ang laro sa Group C sa pagitan ng Australia at New Zealand ay tuloy pa rin sa Pebrero 20 sa Cairns, Australia.
-
PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso
IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso. Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino” kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]
-
PCG at counterpart, nag-usap sa pagpapatrolya sa labas ng EEZ
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’. Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La […]
-
Ads May 21, 2024