2021 World Surfing Games: PH team, ‘galaw ng dagat’ ang sentro ng training sa El Salvador
- Published on May 24, 2021
- by @peoplesbalita
Dumating na sa Playa Tunco, El Salvador, ang six-man Philippine team para sa pagsabak sa International Surfing Association World Surfing Games 2021 Olympic Qualifiers.
Sa panayam ng coach ng Bicolano surfer na si Vea Estrellado, ginagamay na ng team ang galaw ng dagat sa magiging venue ng palaro na gaganapin mula sa darating na Mayo 29 hanggang Hunyo 6.
Sa walong taon na pag-ensayo ni Villaroya kay Vea sa Sorsogon, tinitingnang magiging dagdag na hamon sa 17-anyos na surfer ang malalaking alon sa El Salvador kompara sa kinasanayan.
Hindi man kasama sa event at tanging sa chat muna ang komunikasyon, mahigpit ang bilin nito kay Vea na alalahanin na “safety first” at suriing maigi ang galaw ng dagat bago ang kompetisyon.
Kahit pa kumpiyansa sa kakayahan ng pinakabatang surfer sa team, hindi rin naman aniya maaaring ipagwalang-bahala ni Vea na matindi rin ang paghahanda ng mga makakatunggali.
Magwagi man o hindi, naniniwala ang coach ng Bicolano surfer na malaking tulong ang pinakaunang international event nito sa “competitive maturity” ng dalaga.
-
Hindi babawiin ang Best Actor award para sa ‘King Richard’: WILL SMITH, tinanggap ang desisyon ng Academy na i-ban sa lahat ng events for ten years
TIYAK na maraming beki netizens ang aabangan sa underwear model-turned-actor na si Juan Carlos Galano sa Kapuso mini-series na Raya Sirena. Gaganap si Juan Carlos bilang si Bulan o Sun God na siyang may hawak ng katotohanan kung ano ba ang tunay na pagkatao ni Raya, played by teen actress Sofia Pablo. […]
-
LeBron James Steps Into the Warner Bros. Multiverse in the First Trailer for ’Space Jam: A New’
NBA star LeBron James steps into the Warner Bros. multiverse ang team-up with the Tunes Squad in the first trailer for Space Jam: A New Legacy! Fans hoping to keep basketball passions alive this summer will be pleased to learn that Warner Bros. just dropped the first trailer for the live action-animated sequel to […]
-
Kakulangan sa pagkain, presyo ng bilihin inaasahang tutugunan ni PBBM
INAASAHAN na ilalatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang solusyon para magkaroon ng sapat na pagkain at masawata ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25. Ayon kay House tax panel chairman, Albay Rep. Joey Salceda, ang pangako […]