• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 2nd, 2021

DOTr: Malalaking rail projects magkakaron ng partial operations bago matapos ang Duterte Administration

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinahayag ng mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) na maraming malalaking proyekto ang matatapos o di kaya ay magkakaron ng partial na operasyon bago matapos ang termino ni President Duterte sa 2022.

 

 

Ang mga nasabing proyekto ay ang LRT 2 East (Masinag) Extension, MRT 3 Rehabilitation, Common Station, LRT 1 Cavite Extension, MRT 7, PNR Clark Phase 1, Mindanao Rail, at key facilities ng Metro Manila Subway.

 

 

Mayron ng 43 percent overall completion progress ang PNR Clark Phase 1 na naitala noong January 2021. Ang partial na operasyon ng mga pasilidad ay sa huling quarter ng taon samantalang ang buong operasyon ay nakatakda sa 2024.

 

 

Sa rehabilitation naman ng MRT 3, tinatayang ang buong proyekto ay matatapos sa December 2021. Ang mga rail replacements ay natapos noong December 2020 na mas nauna pa sa target na schedule nito.

 

 

Samantalang ang partial the operasyon ng LRT 1 Cavite Extension Phase 1 ay magsisimula sa fourth quarter ng taon. Ang proyektong ito ay ang magdudugtong sa LRT 1 galing Baclaran sa Paranaque papuntang Bacoor, Cavite.

 

 

Magkakaron naman ng inagurasyon sa April 2021 para sa pagbubukas ng partial na operasyon ng LRT 2 East (Masinag) Extension. Noong January 2021 ay may naitalang 96.49 percent na completion ang nasabing proyekto.

 

 

Magkakaron naman ng partial na operasyon ang Mindanao Railway Project Phase 1, ang Tagum-Davao-Digos segment sa March 2022.

 

 

Ang MRT 7 ay magkakaron ng partial na operasyon sa darating na December 2021 at full na operasyon sa December 2022.

 

 

“With all these railway projects, the government will lessen the annual direct economic cost of congestion in Metro Manila which stands at P1.277 trillion as of 2017,” saad ni DOTR undersecretary Batan.

 

 

Sa kabilang dako, para naman matugunan ang mga healthy at safety protocols sa mga pangunahing transportasyon lalo na sa mga railway systems upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19, muling pinaalalahan ng DOTr ang mga pasahero na sumunod sa 7 commandments tulad ng paggamit ng face masks, face shields, palagiang paghuhugas ng mga kamay, COVID 19 testing, contact tracing, at quarantine ng mga naapektuhan ng COVID 19.

 

 

Ayon kay Batan ay talagang binigyan nila ng todong pansin at tugon ang sektor ng transportasyon sa rail sapagkat sa lahat ng klase ng transportasyon ito ay ang may pinakamataas ng kapasidad na magsakay ng mg tao at magbigay ng ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis at komportableng paglalakbay kaya nagtrabaho ang DOTr sa utos ni Secretary Tugade at President Duterte na gawin ito ng hindi lamang doble kundi gawing pang quadruple at kahit na 24/7 pa upang matapos lamang ang mga nasabing proyekto. Ang mga nasabing proyekto ay bahagi ng Build, Build, Build na programa ng pamahalaan. (LASACMAR)

100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.

 

 

Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.

 

 

Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni Dr. Homer Co, ang in-charge sa micro planning, na sa palagay niya ay maraming tao ang darating para magpabakuna.

 

 

Ang 100 katao na babakunahan ay para lamang sa araw na ito, at sa mga susunod na araw ay mas papagandahin pa ng PGH ang kanilang sistema sa pagbakuna.

 

 

Tiwala naman si Legaspi na mas marami pang staff ng PGH ang magpapabakuna sa mga susunod na araw.

 

 

Ito ay kahit pa mababa ang bilang ng mga nagpatala sa kanila para tumanggap ng Sinovac COVID-19 vaccines.

 

 

Si Legaspi ang kauna-unahang indibidwal na naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

 

 

Sinundiyan siya ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan at mga eksperto sa larangan ng kalusugan at medisina kagaya na lamang nina FDA director general Eric Domingo, infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, MMDA chairman Benhur Abalos at vaccine czar Carlito Galvez.

 

 

Bukod sa PGH, dadalhin din ang mga dumating na bakuna kahapon sa Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center. (Daris Jose)

Newsome lider na sa Bolts

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9.

 

 

Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting  guard/forward ng Meralco.

 

 

“I think Newsome can be a good point guard since we always get the ball in his hands, plus he’s our leader in assist last conference,” bulalas kahapon ng Bolts coach.

 

 

Ang 30-year-old, 6-foot-2 Fil-Am dribbler  ang No. 1 scorer din ng team sa average na 14.45 points at  4.36 assists sa 45th PBA PH Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.

 

 

Aminado si Black na mahirap na desisyon ang pakawalan si Baser Amer na kasama ni Bryan Faundo na pinagpalit kay Rey Mark ‘Mac’ Belo sa Blackwater Bossing kamakailan.

 

 

Si Amer na starting point guard ng team sapul noong 2017-20 nang magretiro si Jimmy Alapag may apat na taon na ang nakararaan.

 

 

“We’ve been together for five years and we’ve made a good run together so it’s really an emotional moment for me trading him,” hirit ni Black. “On the other hand, we want to upgrade our front court and unload extra players in the backcourt because we have a lot of point guards in the team.”

 

 

Ang pinangalanang Outstanding Rookie ng bubble tournament na si Aaron Black, si Anjo Caram at si Nards Pinto ang bubuong back court ng Meralco.

 

 

Pinanapos ng mentor na aasa siya pagbabago ni Newsome upang maging isang combo guard, katulad ng papel ni Daniel Gabriel ‘Gabe’ Norwood sa Rain or Shine. (REC)

Papal nuncio: Pope Francis, posibleng magtalaga na ng bagong Manila archbishop

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila.

 

 

Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa.

 

 

Nang mag-umpisa ang tour of duty no Brown sa Pilipinas noong nakalipas na taon, sinabi nito na mas lalong bibilis ang proseso sa pagtatalaga ng bagong Manila archbishop.

 

 

Kung maaalala, kasalukuyang nasa “sede vacante” ang Archdiocese of Manila matapos italaga na si Tagle bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples noong Pebrero ng nakalipas na taon.

 

 

Kasalukuyang namumuno sa archdiocese si Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator.

 

 

Maliban sa Maynila, mayroon pang limang bakanteng archdiocese sa bansa na kinabibilangan ng San Jose de Mindoro, Taytay, Calapan, Alaminos at Malaybalay.

Ads March 2, 2021

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ilang mga players ng Raptors na-exposed sa may COVID-19

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang ginagawang paghihigpit ng NBA sa ipinapatupad nilang health and safety protocols para hindi na kumalat pa ang virus.

 

 

Pinakahuli ay ang pagkansela ng laro sa pagitan ng Toronto Raptors at Chicago Bulls.

 

 

Ito ay matapos na ang mismong coach ng Raptors na si Nick Nurse at forward Pascal Siakam ay mayroong nakasalamuha na positibo sa COVID-19.

 

 

Bilang protocols ay maraming mga players ang inilagay sa isolation ng ilang araw para matiyak na hindi sila dinapuan ng virus.

 

 

Sinabi ni Raptors general manager Bobby Webseter na hindi pa nila tiyak kung makakabalik na agad sila sa paglalaro bago ganapin ang NBA All-Star sa susunod na mga linggo.

CARMINA at ZOREN, pinag-iingat ang anak na si Cassy pagdating sa lovelife

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGDATING sa usapang lovelife, pinag-iingat nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi.

 

 

Nasa edad na raw si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advise ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love. Huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya.

 

 

“‘Yung number one, don’t rush into love kasi it will come. Love will come, just mag-relax-relax ka lang. And if you do fall in love, protect your heart,” sey ni Cassy.

 

 

Si Zoren daw ang strict pagdating sa ganyang usapan.

 

 

“Yung dad ko naman super strict naman siya sa love life ko. Hanggang ngayon siya naman, ‘take your time. Don’t rush, pero ngayon focus sa sarili mo lang. Love will come to you. If it’s meant to be, it’s meant to be’,” sey ni Cassy na lalabas na sa unang teleserye na First Yaya sa GMA-7.

 

 

***

 

 

SIMULA nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, marami ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda. 

 

 

Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).

 

 

Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”

 

 

Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

 

 

Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”

 

 

Patuloy na abangan ang painit nang painit na mga eksena sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!

 

 

***

 

 

ISANG Lav Diaz film ang magiging comeback movie ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng tatlong taong pamamahinga sa showbiz.

 

 

May titulong Servando Magdamag ang pelikula ni JLC at kasalukuyang nasa location na sila sa Sorsogon.

 

 

Pinag-quarantine nga raw muna si JLC pati na ang kasama sa cast at crew ng pelikula dahil gustong makasigurado ng local government ng Sorsogon na walang positive sa COVID-19 sa grupo nila.

 

 

Maingat ang mga taga-Sorsogon sa pagpapapasok ng mga tao sa kanilang probinsys dahil nagtala lang daw sila ng 20 positive COVID-19 cases since last year. At yung 20 raw na iyon ay hindi pa mga taga-Sorsogon.

 

 

Anyway, ito ang ikatlong pelikula ni JLC with Direk Lav. Magkatrabaho na sila sa Hele Sa Hiwagang Hapis at Ang Babaeng Humayo noong 2016.

 

 

Balitang walong oras ang itatakbo ng Servando Magdamag tulad ng ibang mga pelikula ni Direk Lav.

 

 

Mas mae-excite daw ang fans ni JLC kung isang romantic-comedy ang gagawin nito tulad ng mga ginawa niya with Bea Alonzo and Sarah Geronimo. Kung art film daw na 8 hours ang haba, wala raw makakatiyaga rito sa panahon ngayon. (RUEL J. MENDOZA)

PALENGKE, GROCERY SA NAVOTAS, ISASARA TUWING LUNES

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19, isasara tuwing Lunes ang mga public market, grocery, at talipapa sa Navotas para sa general cleaning at disinfection, base sa Executive Order No. TMT-016 na nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.

 

 

“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawaan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” paliwanag ni Mayor Tiangco.

 

 

Ayon pa sa alkalde, February 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, pinakamababa ngayong 2021 ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawaan.

 

 

Sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga kaso sa lungsod kung saan noong Biyernes February 26, ay naitala ang 99 nagpositibo ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso ngayong taon.

 

 

Nitong February 28, pumalo na sa 6,086 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 311 dito ang active cases, 5,582 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)

Disney-Pixar Reveals the Magical Teaser Trailer of ‘LUCA‘

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST year, Onward and Soul was released by Disney and Pixar and now the animation company is giving us something new in time for Summer 2021.

 

 

Watch the magical teaser trailer of Luca, their latest offering below: https://www.youtube.com/watch?v=YdAIBlPVe9s&feature=emb_logo

 

 

The coming-of-age animation is directed by Enrico Casarosa, director of Pixar’s 2011 Oscar®-nominated short “La Luna” and produced by Andrea Warren (Lava, Cars 3).

 

 

Luca is set in the Italian Riviera in a seaside town. It follows the story of a young boy’s adventures with his newfound best friend. The waters hold a secret that may threaten their summer: they are actually sea monsters from another world!

 

 

Luca features a voice cast that includes Jacob Tremblay (“Room,” “Wonder”) as 13-year old Luca, the titular character. It also has Jack Dylan Grazer (“We Are Who We Are,” “Shazam”), Emma Berman, Maya Rudolph (“Bridesmaids”), Marco Barricelli, and Jim Gaffigan (“The Pale Tourist,” “Troop Zero”).

 

 

The film will release this summer of 2021. For more updates, follow @pixarluca on Facebook, Instagram, and Twitter.

 

 

Also follow Disney Philippines on FacebookTwitter, and Instagram#PixarLucaPH (ROHN ROMULO)

Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

Posted on: March 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.

 

 

Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula naman sa Abril 9.

 

 

“A lot of people want to score, do things like this, like that, but honestly I love guarding the best guys. If you pay me or recruit me just to play defense and guard the best guy, g (go) ako, as in super go ako,” bulalas kahapon ng Fil-Am cager.

 

 

Idinugtong ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Makati Super Crunch at University Athletic Association of the Philippies (UAAP)De La Salle University Green Archers,  “There’s a lot of studs, a lot of people that could score but you gotta have those players that could bridge the gap to get a championship, to get the w (win). And I already took pride on that. Coach Juno (Sauler) told me ‘you have a good size, kaya mo naman, you can guard.”

 

 

Nagbalik siya ng Estados Unidos noong 2016 at doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

 

 

At sa kanyang pagbabalik-‘Pinas, nagpasiklab si Torralba para sa Makati na inihatid niya sa North Division Finals ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 kung saan nag-average siya ng 10.7 points, 2.7 rebounds at 1.1 steals.

 

 

“I’m not just a defensive player but I’m also an offensive player,” panapos na wika ng basketbolista sa Opensa Depensa. (REC)