• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 26th, 2021

2 alamat sa ‘Apprentice’

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.

 

 

Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging  isa mga astig sa MMA sa lahat ng panahon.

 

 

Isang alamat na rin sa MMA si Gracie, 54 na taon na, at 5-10 ang taas, lalo na pagdating sa jiu-jitsu ng Brazil na gaya counterpart bisita sa reality show.

 

 

May dalawang pambato ang ‘Pinas sa The Apprentice: ONE Championship Edition” na may 13 episodes. Sila ay sina Lara Pearl Alvarez at Louie Sangalang.

 

 

Pinapalabas din ito sa bansa tuwing Huwebes ng alas-8:50 nang gabi sa AXN cable network, at kapag Lunes ng alas-9:00 nang gabi sa One Sport. (REC)

Misunderstanding ng Simbahan, plantsado na

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PLANTSADO na ang maliit na misunderstanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.

 

Tiniyak ng Kalihim na wala ng problema.

 

Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa mga religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang mass gathering kasama na ang alinmang religuous activity.

 

“Wala pong problema diyan kasi ang Simbahang Katolika nagsasalita po sa pamamagitan ng CBCP. Narinig ko po, tinanong po sa akin ng isang media, hindi ko naman nakita kung ano iyong pastoral letter na iyon na mayroong isang Bishop lang na nagsasabi na susuwayin at magti-ten percent daw sila,” anito.

 

Kung tutuusin aniya ay wala naman talagang dapat na maging problema gayung nakasulat naman aniya sa Biblia na kailangan ding magpasakop o sumunod sa mga napili ng Panginoon na mamuno na ang tinutukoy ay ang gobyerno.

 

Aniya, kung papahintulutan daw kasi kahit 10 percent lang ang laman ng simbahan ay lalabas din sa kabilang banda na ang pagkukumpol – kumpulan ay mangyayari sa labas kaya sumat- total ay parang bale wala rin.

 

“Pero kahapon, nakakuha po ako ng text galing kay Secretary Meynard Guevarra dahil siya po ang assigned na makipag-coordinate sa ating mga religious groups, eh sabi niya wala raw pong problema at nilinaw na, na ang stand ng Simbahang Katolika ay susunod sila sa IATF Resolution.

 

So, wala pong problema kasi talaga namang maski sa Bibliya nakasulat iyan ‘no na kinakailangan sumunod doon sa mga napili ng Panginoon na mamuno,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Paras at Nabong kinuha ng Blackwater

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakuha ng Blackwater sina Andre Paras at Kelly Nabong bilang bagong player sa pagsisimula ng bagong season ng PBA.

 

 

Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na pumirma ng dalawang taon na kontrata si Paras sa halagang P3-milyon sa koponan.

 

 

Nakita ni Sy ang talento ni Paras sa basketball at umaasa naman silang madadala niya sa kampeonato ang nasabing koponan.

 

 

Matapos naman na pakawalan ng NorthPort ang 32-anyos na si Kelly Nabong ay pumayag ito ng six-month contract sa Blackwater.

 

 

Magsisimula ang nasabing pagpirma ng 9-years veteran na sa buwan ng Abril.

 

 

Kasama ng dalawa na bubuo sa koponan ay ang second round picks na si Joshua Torralba at Rey Mark Acuno.

 

 

Mayroong 2-year deal na nagkakahalaga ng P120,000 kada buwan sa unang taon at P150,000 naman sa ikatlong taon habang si Acuno ay mayroong 1 taon na kontrata na pinirmahan na mayroong P100,000 sahod kada buwan.

PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

 

 

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong Barangay kung ang aktibong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 10 at higit pa.

 

 

 

“Within three (3) hours from its issuance, the Order placing the barangay, or portion thereof, under Critical Zone Containment shall be forwarded to the City Mayor for his confirmation,” saad sa kautusan.

 

 

 

“The Punong Barangay shall give a two-day prior notice to his constituents and businesses/other stakeholders operating in the barangay,” dagdag pa ng EO.

 

 

 

Magsasagawa ng beripikasyon ang mga tauhan ng Manila Health Department (MHD) ang pagkakaroon ng mga aktibong kaso ng COVID-19 bago pa magsimula ang lockdown ng barangay.

 

 

 

Ayon sa Alkalde, ang lahat ng residente sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kanilang bahay.

 

 

 

Gayunman, maaari lamang makalabas sa kanilang tahanan ang mga health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, at funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, at critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.

 

 

 

“Station Commanders of Police Stations covering the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” saad pa sa EO.

 

 

 

Matatandaan na nasa 29 barangay sa lungsod, isang kalsada, at isang cluster lockdown ang isinailalim sa apat na araw na lockdown ngayong linggo.

 

 

 

Sa pinakahuling datos ng MHD nitong Miyerkules, nasa 3,667 aktibong kaso na ng COVID-19 ang kanilang naitala na may kabuuang bilang naman na 31,383 ang nakarekober o gumaling sa nasabing sakit at may kabuuang 866 ang nasawi.  (GENE ADSUARA)

Ads March 26, 2021

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

2 binata timbog sa 3 kilong marijuana sa Caloocan

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang hinihinalang drug pushers ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jerich Frane Hernadez, 19, at Lloyd Paloyo, 21, kapwa ng Brgy. Buting, Pasig City.

 

 

Ayon kay PCpl Elouiza Andrea Dizon, dakong 7 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Northern Police District (NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PMAJ Jerry Garces sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Macario Loteyro ng buy-bust operation kontra sa mga suspek sa loob ng Victory Mall Parking Lot sa Brgy. 72.

 

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ni PCpl Ferdinand Azis Dansal na nagpanggap na buyar ng P19,500 halaga ng marijuana.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa tatlong kilong hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruting tops na may standard drug price P360,000.00, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 19 pirasong P1,000 boodle/money, asul na eco bag at cellphone.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Mga rail lines tigil operasyon ngayon mahal na araw

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang tatlong rail lines sa Metro Manila ay pansamantalang wala munang operasyon ngayon mahal na araw upang magsagawa ng maintenance activities sa mga coaches at facilities ng mga railways.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay sarado mula March 30 hangang April 4 at magbubukas ng operasyon sa April 5.

 

 

Ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ay wala rin operasyon mula March 31 hangang April 4 at magkakaron ng regular na operasyon sa darating na April 5.

 

 

Sa March 29, ang unang commercial trip ng LRT 2 ay magsisimula ng 5 a.m. habang ang huling commercial trip sa araw na yon ay 9 p.m. mula Recto station at 8:30 p.m. mula naman sa Santonal station.

 

 

Samantala ang Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ay hindi rin magbubukas ng operasyon mula March 31 hanggang April 4 at babalik ang regular na operasyon sa March 5.

 

 

Simula March 29 hanggang March 30, ang LRT Line 1 ay magkakaron ng unang commercial trip ng 4:30 a.m. at ang huling commercial ay sa ganap na 10: p.m. na manggagaling sa Baclaran at mula sa Balintawak ay 10:15 ng gabi.

 

 

Habang ang Philippine National Railways (PNR) ay sarado mula April 2 hanggang April 3. Sa April 1 ay wala rin operasyon maliban sa Calamba-Tutuban trip.

 

 

Mayron naman ibang ruta sa April 4 ang PNR na magbubukas ng operasyon tulad ng Tutuban-Alabang, Tutuban-Calamba, Tutuban-Gov. Pascual, Gov. Pascual-Bicutan, at Naga-Sipocot.

 

 

Sa April 5 naman  magsisimulang magkaron ng operasyon ang PNR sa mga dating ruta nito.  (LASACMAR)

PSC, CHED kapit-kamay para sa collegiate sports

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AAYUDAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED) upang maiangat ang mga coach, sports official at collegiate athlete.

 

 

Kapopormalisa lang kamakailan ang isang Memorandum of Agreement (MoA) na nilagdaa nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at CHED Chairperson J. Prospero De Vera III.

 

 

“We at PSC, are very happy with this historic MoA signing,” lahad ni Ramirez Miyerkoles. “CHED is your Kuya, and is important just like with our partnership with Philippine Olympic Committee (POC), National Sports Associations ( NSAs) and Local Government Units (LGUs). This is one missing link to the professional development of all in sports, and a lead to educational aspects and improvement of the community.”

 

 

Kumpiyansa naman si De Vera na responsibilidad ng bawat ahensya na makipagkaisa sa PSC para sa sports din ng mga ito nang umunlad pa ang larangang nabanggit sa bansa. (REC)

Marvel Reveals New ‘Black Widow’ Poster, Will Release In Theaters & Disney+ Streaming This July

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY announced that once again the studio is pushing the theatrical release of Marvel’s Black Widow from May 7 to July 9, and also streaming on Disney+ with Premier Access on the same day

 

 

Marvel Studios has also released a new poster for the film due to the newest playdate.

 

 

Black Widow was originally planned to come out on May 1, 2020, but has moved several times over the last year.

 

 

As the first film in the Marvel Cinematic Universe’s Phase Four, Black Widow’s move has also caused Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings to shift to a September 3 release date.

 

 

Black Widow was originally going to be the beginning of Phase Four, but with a theatrical release uncertain, Marvel has begun this latest phase through several Disney+ series, including WandaVisionThe Falcon and The Winter Soldier, as well as the upcoming Loki, which will also premiere prior to Black Widow’s release.

 

 

Black Widow is a prequel set between Captain America: Civil War and Avengers: Infinity War, and will feature Scarlett Johansson reprising her role as Natasha Romanoff, also known as Black Widow.

 

 

The Marvel film will also introduce David HarbourRachel Weisz and Florence Pugh (Little Women) as Yelena Belova into the MCU, and will feature another appearance by Robert Downey Jr. as Tony Stark.

 

 

Pugh is also reported to be taking over the mantle of Black Widow in the Disney+ series, Hawkeye, also scheduled for release later this year.

 

 

Prior to Black Widow, filmmaker Cate Shortland directed the films Berlin Syndrome and Lore, among other internationally acclaimed features. The films is written by Eric Pearson, who also co-wrote the upcoming Godzilla vs. Kong.

 

 

Marvel has made it clear through Black Widow’s changing release date that this film is important to the films coming up in the MCU, ensuring that Johansson’s film is the first in this latest phase. (ROHN ROMULO)

Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’

Posted on: March 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters  Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.

 

 

Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa mga karangalan ng pinakamatagal na media organization sa bansa sa tradisyunal na taunang okasyon na hatid ng San Miguel Corporation (SMC).

 

 

Babalikatin din ang pagtitipon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV, katuwang ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine.  Ang mga host ay sina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.

 

 

“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated more than 5,000 kilos of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide,” pahayag Miyerkoles ng Chook-to-Go.

 

 

Ipapalabas ito sa Marso 28 sa OneSports+ simula sa ala-7:00 nang gabi hanggang alas-8:30 nang gabi. Mangunguna sa event ang pangulo ng PSA na si si Manila Bulletin Sports Editor Eriberto ‘Tito’ Talao. (REC)