• June 22, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 19th, 2021

MAVY, parang inamin na may relasyon na sila ni KYLINE dahil sa kanyang pinost

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAG-POST ba naman si Mavy Legaspi ng picture ng isang mukha ng babae na kalahating lips at highlight ang dimples nito.

 

 

Hindi man kita ang buong mukha, e, makikilala naman talaga na walang iba ito kung hindi si Kyline Alcantara.

 

 

At ang pa-caption ni Mavy, “her. her smile. her dimples. Yup, that’s the post.”

 

 

So, ini-assume na nga ito agad, as in, agad-agad ng mga fan na pag-amin na ni Mavy sa kanilang relasyon. Na waley na, officially, sina Kyline at Mavy na.

 

 

At ang dami rin celebrities o mga kaibigan nila na nag-react talaga sa IG post na ito ni Mavy.  Una na ang kakambal niya na si Cassy Legaspi at nag-comment nang, “maverick peter! Ano nanaman to?”

 

 

Ni replayan siya ni Mavy nang, “maria Cassandra! Ako lang toh!”

 

 

     Si Rita Daniela ay napa- “Ayun na”. Si AC Bonifacio naman, “Mavy Ha.” Nagsipag-react din sina Rayver Cruz, Juancho Trivino, Mark Herras, Sam Cruz at Leon Barretto.

 

 

May mga nag-comment pa na ang tapang daw ni Mavy dahil nagawang umamin. At dahil umamin na nga raw si Mavy, sabihan din daw nito ang kapatid na si Cassy na umamin na rin sa totoong relasyon nila ni Darren Espanto.

 

 

So, sina Mavy at Kyline na nga ba?      Siyempre, nagtanong-tanong na kami.  At ang siste, pwede naman daw na may something nga ang dalawa. Pero ang mas sigurado, sobrang close nina Mavy at Kyline kahit na noon pa.

 

 

At ang another catch, eh, baka rin daw nagsisimula ng mag-ingay ang dalawa. Hindi pa nari-reveal, pero sina Kyline at Mavy ay dalawa sa cast ng magsisimula ng mag-taping na I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Yes, after ni Cassy, si Mavy naman nga ang papasok na rin sa pag-arte at serye. At ang balita namin, second week of July ay required ng mag-quarantine ang mga ito at kung negative naman ang magiging resulta ng PCR swab test, diretso na ng Sorsogon for the taping.

 

 

Makakasama nilang dalawa sa serye sina Heart Evangelista at Richard Yap.

 

 

***

 

 

MUKHANG kailangan nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na resolbahin na lang kung ano talaga ang totoong lagay ng marriage life nila in private.

 

 

Base sa mga comments na nababasa namin, hindi na natutuwa ang ibang netizens. May ibang ang feeling na raw, baka gawa-gawaan lang daw ng mga ito ang hiwalayan issue, huh!

 

 

Ilan sa comments ng netizens sa isang vlog; “Much better to manage it privately iho at iha. Anak nyo kawawa sa kakaganyan nyo sa socmed.”

 

 

“I do not understand how is this a public concern na need pa niya i broadcast. Family matters like this dapat privately nila ayusin.”

 

 

“Parehas sila, yung girl ayan may career na uli,public sympathy kasi.”

 

 

     “Imagine having family issues and sharing it to socmed world maya’t maya. Iba na talaga ngayon. I hope they don’t regret this socmed drama.”

 

 

     Posibleng naging ganito ang impression ng netizens dahil sa magkasunod na posting ni Alwyn sa kanyang Instagram account. Literal na ipinagsisigawan nito na mahal na mahal niya si Jennica at hindi niya susukuan.

 

 

Si Jennica naman, may mga Tiktok post na parang banking on her recent status na kesyo single na siya.

 

 

Well, tingnan na nga lang natin kung makakatulong nga sa kanila ang mala-social media serye ng marriage status nila.

 

 

***

 

 

HALATANG naging maingat sa pagsagot sina Rita Daniela at Ken Chan sa tanong na tila napaka-suwerte nila among Kapuso stars, parang ang ingat-ingat nilang sumagot.

 

 

Ang siste kasi, talagang ‘yung mga challenging roles, ‘yung mga pinapangarap lang halos ng karamihang artista na magampanang role, palaging sa kanila ipinagkakatiwala ng GMA Network.

 

 

Katulad nga ngayon sa bago nilang GMA Afternoon Prime, ang Ang Dalawang Ikaw kunsaan, sa trailer pa lang, kitang-kita na ang husay na ipinamalas ng RitKen sa first mature roles nila.

 

 

Kaya ang tanong nga namin sa kanila kung nararamdaman ba nila na may mga ibang Kapuso stars na rin na naiinggit o nagseselos sa kanila.

 

 

“Ano ba ‘yun,” ang tila mas kinabahan pang reaksyon ni Rita.

 

 

“Wala naman, honestly,” sey naman ni Ken.

 

 

“At ang nakakatuwa, hindi namin naramdaman ‘yun sa mga kapwa artista namin dito sa GMA. Never. Actually, lahat sila nagko-congratulate sa amin, lahat sila nagpi-PM sa amin.

 

 

    “Kahit sina Kuya Tom Rodriguez, ate Carla Abellana, minessage nila ko. Sina Kuya Dennis Trillo, sina Barbie Forteza, sina Julie Anne San Jose.

 

 

“Ang sarap sa pakiramdam na napaka-supportive nila at hindi ko nararamamdaman ang selos o ingot, wala po talaga.”

(ROSE GARCIA)

‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo.

 

 

Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian.

 

 

Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang red alert sa linggong papasok o sa Hunyo 24 at maaaring abutin ito hanggang week 30 o hanggang sa susunod na anim na linggo.

 

 

Base umano sa nakuha nilang datos sa National Grid Corporation ay magsasabay-sabay ang maintenance ng mga planta ng mga kuryente.

 

 

Kapag red alert ay nanganganib ang brownout, subalit nilinaw ni Marasigan na hindi nila agad sinasabi na potensyal ang mga brownout dahil mayroon naman silang ginagawang mga mekanismo. (Daris Jose)

New Posters of ‘Hotel Transylvania: Transformania’ Unveils Monster & Human Mashups

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TRANSFORM your year with the Drac Pack as Columbia Pictures launches two new posters for the highly awaited comedy-adventure Hotel Transylvania: Transformania.  

 

 

Check out the one-sheet artworks and watch the film in Philippine cinemas soon.

 

 

See the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=2fIBGNbgKrI

 

 

Drac and the pack are back, like you’ve never seen them before in Hotel Transylvania: Transformania. Reunite with your favorite monsters for an all-new adventure that presents Drac with his most terrifying task yet. When Van Helsing’s mysterious invention, the “Monsterfication Ray,” goes haywire, Drac and his monster pals are all transformed into humans, and Johnny becomes a monster! In their new mismatched bodies, Drac, stripped of his powers, and an exuberant Johnny, loving life as a monster, must team up and race across the globe to find a cure before it’s too late, and before they drive each other crazy. With help from Mavis and the hilariously human Drac Pack, the heat is on to find a way to switch themselves back before their transformations become permanent.

 

 

For the final chapter of the Hotel Transylvania film series, franchise creator Genndy Tartakovsky returns as screenwriter and executive producer. Selena Gomez will also serve as executive producer, while reprising her role as Drac’s daughter, Mavis, alongside Andy Samberg, returning as Johnny.

 

 

The film also features Kathryn Hahn, Keegan-Michael Key, Steve Buscemi, David Spade, Brian Hull, Asher Blinkoff, Brad Abrell, Fran Drescher, Jim Gaffigan and Molly Shannon.

 

 

Directed by Jennifer Kluska and Derek Drymon, executive produced by Michelle Murdocca and produced by Alice Dewey Goldstone, Hotel Transylvania: Transformania opens soon in Philippine cinemas.

 

 

Hotel Transylvania: Transformania will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #HotelTransylvania

(ROHN ROMULO)

BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.

 

 

Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay.

 

 

“We extended the city government’s vaccination services to bedridden Navoteños, most of whom are senior citizens, to ensure they are protected against the deadly virus,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Sinimulan na rin ng lungsod ang pagbabakuna sa mga residente na kabilang sa A5 category o indigent population kung saan nasa 160 mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Pfizer sa Tumana Health Center.

 

 

Hanggang June 16, 56,673 mga residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap na ng kanilang unang jabs habang 14,667 naman ang nakakumpleto na ng kanilang pangalawang doses ng bakuna. 1,052 dito ang frontliners, 5,322 ang senior citizens, 8,240 ang persons with comorbidities, at 53 ang essential workers. (Richard Mesa)

SHARON, binuweltahan ang mga bashers na nanglait at nandiri; proud bilang Carmela sa ‘Revirginized’

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ngang pinag-uusapan ang ‘tequilla body shot’ scene nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao para sa Revirginized ng Viva Films na mapapanood ngayong Agosto sa Vivamx.

 

 

Noong isang araw lang, nag-trending ng almost six hours ang ‘Mega is Revirginized’ na umabot sa Top 9, kaya pinasalamatan ng Megastar ang kanyang mga Sharonians.

 

 

Samantala, sa rami ng natanggap na panglalait ni Sharon dahil sa still photos na pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account, may buweltang post siya sa kanyang mga hater at basher.

 

 

Kasama sa post niya ang isang video na kuha sa movie nila ni Marco, na marami na talaga ang excited na mapanood ang kabuuan ng movie na kung saan proud na proud siya sa character na ginampanan sa Revirginized.

 

 

Sa simula ng kanyang IG post, “In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in ‘Revirginized.’

 

 

“Thank you for her, Direk Darryl. Thank you Marco my Pawi – though short, really sweet – for helping me to relive my 20s in our scenes.

 

 

“Thank you, dearest CARMELA – my alter-ego/Sasha Fierce – for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s!

 

 

“I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha!

 

 

“At sorry po Direk Darryl!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabao.marco.”

 

 

Buwelta pa niya, “At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

 

 

Samantala, aliw na aliw naman si Sharon sa viral na ‘cartoon face art’ na ginawa ng mga Sharonians na kanyang ni-repost, meron pa ngang buong pamilya ang ginawa ng nakakaaliw na face art.

 

 

Post nga ni Sharon, “Am so aliw with these apps that I wanna be in a cartoon hahaha!”

 

 

***

 

 

PARA sa virtual Pelikulaya: LGBTQIA+ Film Festival sa taong ng Film Development Council of the Philippines, handog nito ang PLUS sa LGBTQIA+ sa pagbibigay ng marami pang films na magha-highlight ang beauty and strength of this colorful community.

 

 

Kahapon, June 18, 2021, napapanood na ang pelikula ni Adolfo Alix Jr.’s: 4  Days, Daybreak, Porno, at Muli sa ilalim ng SUBSCRIPTION tab.

 

 

Mapapanood din for free ang short film nina Janina Gacosta at Cheska Marfori na, Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert, under the BASIC tab.

 

 

Panoorin ang eleven (11) promising and critically acclaimed LGBTQIA+-centric films for only Php99.00/month; and since we love the diversity here, you can watch five (5) films for free.

 

 

Available pa rin ang Cannes Film Festival 2019 Best Screenplay and Queer Palm awardee, Portrait of a Lady on Fire, sa halagang Php220.00/7-day access and will expire 48 hours after its first play.

 

 

Let us continue to promote inclusivity and diversity through PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival. 

 

 

Mag-register na at mag-subscribe sa WWW.FDCPCHANNEL.PH.

 

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

(ROHN ROMULO)

Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager.

 

Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group.

 

Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno para matustusan ang 20 billion peso budget na halagang kakailanganin para sa mga menor de edad.

 

“”Yeah, we estimate that will cost another 20 billion pesos but we have enough reserves to cover that amount of money. So we have enough. Tamang-tama, sapat po ‘yong ano, ‘yong pera natin para sa vaccination. So we don’t have to worry. The money is there and we will certainly be able to vaccinate the entire adult population plus the teenagers who are I think around 15 million, right? Around 15 million Filipinos. So total 85 million Filipinos,” lahad nito.

 

Kaya nga aniya, walang dapat na ipag- alala dahil naririyan aniya ang pera na magagamit sa lahat ng mga Pilipinong kailangang mabakunahanan.

 

Sinasabing, 12 to 15 ang age group ng Pfizer na kaya nitong bakunahan habang ang Sinovac naman ay nasa 12 to 17. (Daris Jose)

POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang?

 

 

After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7.

 

 

Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga bagong Kapuso.

 

 

Kabilang din sa bagong Kapuso ang former Hashtag member na si Luke Conde.

 

 

Nag-renew naman ng kanyang GMA Network contract si Yasser Marta na huling napanood sa seryeng Bilangin ang Mga Bituin bilang partner ni Kyline Alcantara.

 

 

***

 

 

MAY bagong movie si Direk Erik Matti titled A Girl and A Guy na ipalalabas sa Upstream.ph bilang bahagi ng Upstream Original.

 

 

Tungkol daw sa Generation Z ang pelikula at bida rito sina Candice Ramos, Sarah Holmes, Alexa Miro at Rosh Barman. 

 

 

Makilala raw natin ang Gen Z thru this movie at ang kanilang pagiging reckless. Pero hindi raw niya ipinasok sa movie ang kanyang opinion about Gen Z kundi ipinakita lang niya ang mundo ng mga kabataan ngayon, na ibang-ibang sa nagdaang henerasyon.

 

 

Hindi rin hinuhusgahan ni Direk Erik ang Gen Z kundi ginawa niya ang pelikula pero ipahayag ang kwento ng mga ito. In the process, naunawaan niya how different the Gen Z people are. Mas naintindihan daw niya ang mga ito.

 

 

“I also didn’t put my own words into their story, na parang I am apologizing for them. I accept them and I don’t want to judge them. Kung ano ang makita ninyo sa movie, that’s how the Gen Z’s are. Ganyan sila mag-isip. I can tell the movie this way,” pahayag pa ni Direk Erik.

 

 

Ang mahirap lang daw sa movie, marami raw itong sex and nudity, graphic sex. Pero kailangan daw ni Direk Erik na mag-balancing in dealing with the sexy scenes and nudity. Kung may nudity ang babae, may nudity rin ang lalake. The last film na ginawa niya with nudity was Rigodon.

 

 

“If you want to tell the story of Gen Z, dapat walang censorship,” sabi pa ng award-winning director.

 

 

Puring-puri rin niya ang kanyang amazing cast na buong-buo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

 

 

“I told what I need for the roles. Pero sinabi ko rin sa kanila na, in terms of nudity, I can’t tell them what will be seen. Are they ready for it? Lahat naman sila said yes and they trust me.”

 

 

Naintindihan naman daw ng cast ang intention niya sa pelikula. “My cast are made up of actors who are raw but they are instinctive. They easily get what I want and they are intelligent actors kaya it was such a delight to work with them.”

 

 

Needless to say, naibigay ng kanyang cast kung ano ang kailangan niya sa pelikula and Direk Erik couldn’t be happier.

 

 

“It’s a brave movie but you have to see beyond the nudity. The nudity is secondary to the whole movie. After watching the film, you will fall in love with this generation,” pagwawakas pa ng premyadong director.

 

 

A Girl and A Guy will be streamed sa Upstream.ph simula June 24.

(RICKY CALDERON)

Ads June 19, 2021

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 – SWS

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang 12.2 milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 sa panahong nararanasan ng bansa ang pandemic.

 

 

Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng 2020.

 

 

Gayunman, ang latest figure ay may 8.3 percent na kataasan kumpara sa 17.5M adult joblessness noong December 2019 bago magkaroon ng COVID-19 crisis sa bansa.

 

 

Sa mga jobless, kabilang dito ang mga taong nag-resign sa trabaho, naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

 

 

Ginawa ang survey sa pagitan ng April 28 at May 2. Ang pinakamaraming jobless ay mula sa Metro Manila (30.8%), sinundan ng Visayas (28.7%), Balance Luzon (24.2%), at Mindanao (23%). (Daris Jose)

PDu30, handang pondohan ang imbensyon ng oral COVID-19 vaccine

Posted on: June 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensiyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay tutulong sa ngayon ang Deartment of Science and Technology (DoST) para pondohan ang clinical trial para sa oral vaccine at ang clinical studies ay isasagawa ng mga nangungunang unibersidad.

 

” Well, I’m sure kung mari-recognize po talaga na epektibo at ligtas itong ating vaccine na dinivelop nila Fr. Austriaco eh mayroon pong ibibigay talagang prize ang ating Presidente dahil mayroon naman po siyang pinangako na prize para doon sa mga magkakaroon ng imbensyon na makakatulong sa laban natin sa COVID-19. Pero sa ngayon po ang matutulong ng gobyerno, ang DOST po, Fr. Austriaco, I’m sure you know already can fund a clinical trial for the oral vaccine that you have ‘no. We can even fund it using government money and the clinical studies would be conducted by leading universities ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

At sa tanong naman kung batay sa mga naunang pahayag nito ay aabot lamang sa P35 ang halaga ng inyong yeast-based oral—vaccine laban sa Covid-19 ay sinabi ni “We have built the vaccine delivery system; I built it with my students in the United States. It took us 3 months. We are now assembling a scientific team here at UST to undertake the animal studies that we will need in order to apply for clinical trial permissions from the national government of the Philippines.”

 

Sa pagkakataong to aniya, ang animal trials ay tatagal ng ilang buwan at muli ay ilang buwan naman para sa clinical trials.

 

“So the earliest, probably it will be second generation vaccine, the middle of next year. But we do hope that it will be successful – only God knows at this time – and my goal is this vaccine is for the poor of the Philippines. So we would like to make it as cheap as possible,” anito.

 

“I have a vow of poverty myself; I do not have a salary so I’m doing this as my students will say – for God, for the Philippines and for UST,” dagdag na pahayag ni Fr. Austriaco.

 

Samantala, sinabi pa ni Fr. Austriaco na gumamit sila ng pribadong pondo para sa development ng oral vaccine sa Estados Unidos.

 

“In anticipation of doing that research here in the Philippines, we did not use any NIH funding for the development of this vaccine in the United States. So we used private funds and right now I am going to—I’m in conversations with UST to begin the process of patenting the oral vaccine here in the Philippines,” aniya pa rin. (Daris Jose)