• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 9th, 2021

P3.4-B halaga ng illegal drugs nasabat ng PDEA at PNP sa ikinasang buy-bust ops sa Zambales; 4 Chinese patay

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patay ang apat na Chinese drug personalities matapos makipagsagupaan sa mga operatiba ng pamahalaan sa ikinasang buy-bust operation na pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA, PNP-DEG, ISAFP at NICA kaninang alas-11:30 ng umaga sa Noah’s Place, Barangay Libertador, Candelaria, Zambales, kung saan nasabat ang nasa P3.4 Billion halaga ng iligal na droga.

 

 

Kinilala ni PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva ang apat na nasawing Chinese nationals na sina: Gao Manzhu, 49 years old, taga Fujian, China; Hong Jianshe, 58 years old, taga Fujian, China, Eddie Tan, 60 years, Fujian, China; Xu Youhua, 50 years old.

 

 

Nakumpiska sa kanilang posisyon ang mga sumusunod: MOL 500 kls. of Shabu na may market value na P3.4 billion; Four (4) firearms; One (1) Toyota Fortuner; Three (3) Basic phone (Chery Mobile, Samsung and Philips); One (1) Android Phone (MI); at Two (2) Chinese Passports.

 

 

Ayon kay Villanueva ang mga nasawing Chinese ay kabilang sa bigtime-illegal drugs syndicate na nag-ooperate sa bansa partikular sa Zambales.

 

 

Batay naman sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group ang mga nasawi ay mga kilalang distributors ng illegal drugs sa Luzon partikular sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4.

 

 

Ang nasabing operasyon ay resulta ng cooperation and information-sharing ng PNP, ISAFP, NICA sa pamumuno ni Director General Alex Paul Monteagudo, Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, at PDEA na siyang lead agency.

 

Sinabi ni Villanueva ang kumpiskasyon ng nasabing shabu ay siyang biggest drug haul for this year.

 

 

Dagdag pa ni Villanueva nag ugat ang kanilang operasyon mula sa isang mahabang surveillance matapos nila ma track down ang galaw ni Xu Youha.

 

 

Si Xu alias taba ang isa sa mga tinaguriang key players ng illegal drugs activities sa bansa na huling namonitor na may kausap na contact sa abroad ayon kay PDEA Deputy Director General for Operations Gregorio Pimentel.

 

 

Ibinunyag ni DG Villanueba na ang mga nasabing iligal na droga ay inismuggle sa bansa sa pamamagitan ng international waters gamit ang mga maliliit na mga barko at tina transport sa mga coastal waters ng bansa at saka ipick-up ng kanilang local illegal drugs distributor.

 

 

Sa ngayon mayruong ginagawang pursuit operation ang PNP at PDEA laban sa ilan pang mga sindikato.

 

 

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, kaniya ng inatasan ang deployment ng kanilang PNP helicopters at speedboats para tumulong sa pursuit operation lalo na sa mga barko na ginagamit sa pag transport ng mga iligal na droga.

 

 

Sa ngayon ongoing ang pagpapatrulya ng mga fastcrafts ng Maritime Group sa karagatan ng Central Luzon at nagsasagawa din ng aerial patrol ang helicopter ng PNP.

 

 

“This operation was a result of the whole-of-government approach in our campaign against illegal drugs. Our coordination and cooperation with other government agencies, particularly with the PDEA, is now stronger than before so we are confident that this will be our strong point in our successful campaign to put an end to the threats of illegal drugs in the country,” pahayag ni Gen Eleazar.

Pliskova pasok na sa quarterfinals ng US Open

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa quarterfinals ng US Open si Karolina Pliskova.

 

 

Ito ay matapos na talunin si Anastasia Pavlyuchenkova ng Russia sa score na 7-5, 6-4.

 

 

Sa unang set pa lamang ay hawak na dominado na ng Czech player ang laro.

 

 

Mayroong kabuuang 58 aces ang kaniyang nagawa sa laro.

 

 

Magugunitang nabigo si Pliskova sa Madrid Open ngayon taon at 2020 Australian Open.

 

 

Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwawagi sa pagitan nina Maria Sakkari ng Greece at Bianc Andreescu ng Canada.

Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.

 

Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM na nagpapakita na may meeting si Chinese businessman Michael Yang at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pharmally officials.

 

Si Yang ay dating presidential adviser on economic affairs.

 

Sa kabilang dako, tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang records mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website, kung saan si Pharmally’s chairman Huang Wen Lie, o mas kilala bilang Tony Huang, ay “wanted” para sa “securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.”

 

Makikita rin listahan ng nasabing website ang pangalan ng anak ni Huang na si Huang Tzu Yen — na nakaupo bilang incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. — bilang wanted person para sa stock manipulation.

 

“Wala kaming kaalam alam po diyan,” ayon kay Galvez.

 

“It was crunch time and all we can think about is to save lives since doctors, nurses are dying due to lack of PPE (personal protective equipment). We just did our part,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

Inulit din ni Galvez ang sinabi ni Presidential spokesperson
Harry Roque ang kakayahan ng Pharmally na makapag-deliver ng high-quality supplies sa abot-kayang halaga, sa tamang oras at hindi nagpapabayad hangga’t hindi naide-deliver ang mga pandemic supplies.

 

Sa kabilang, sinabi naman ni Galvez na handa niyang harapin ang Senate inquiry sa usaping ito sa Setyembre.

 

“Yes , I will attend because we have to be given time to respond. To conclude this is plunder is very insensitive.”

 

Matatandaang sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan na magsagawa ng background check sa Pharmally dahil ang kompanya ay hiwalay na entity mula sa pesonalidad na nasa likod nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’ struck big at the box office, setting new records

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings smashed box office expectations and even set a new labor day box office record, revealing a new box office normal.

 

 

While the box office isn’t what it once was, and may never fully recover, the post-pandemic box office shows big blockbuster movies still have a future on the big screen.

 

 

After an abysmal 2020 box office, 2021 has shown some promise for the theatrical box office, with some big hits like F9 and Black Widow, but their total hauls are still a bit muted from pre-pandemic levels, and despite some big wins, there’s still massive stumbles like The Suicide Squad or Space Jam: A New Legacy.

 

 

Theatergoing had been on the decline for 20 years before the pandemic, so even a full box office recovery would still see diminishing returns.

 

 

Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings shows Marvel still packs a punch at the box office but also reveals the ceiling on post-pandemic box office performance. While its $75 million opening weekend is a huge win, even breaking pre-pandemic labor day records, that doesn’t mean the box office has actually returned to or exceeded pre-pandemic levels.

 

 

The next highest-grossing labor day movie was 2007’s Halloween, which brought in just $30.6 million. The next biggest movie to see a labor day release is Tenet‘s, and that was during the middle of major 2020 pandemic shutdowns. Outside of Tenet, the Transporter or Jeepers Creepers franchises are the next biggest properties to release on labor day, so a Marvel movie would have broken the holiday weekend’s box office record in any pre-pandemic year, too.

 

 

What’s still not totally clear is what exactly that new box office normal is. The fact Shang-Chi is an origin story for a new MCU character with no major Marvel characters joining the main cast makes it hard to compare to something like Black Widow, not to mention Shang Chi and the Legend of the Ten Rings also didn’t get a streaming release on Disney+ Premier Access, making it even harder to compare; however, Shang-Chi‘s opening is the MCU’s lowest since Ant-Man in 2015, barely coming in under Ant-Man and the Wasp.

 

 

Even without the likely steep second-weekend drop (as has been the case for almost every post-pandemic release), Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings will likely end up a lower-than-average MCU earner at the box office.

 

 

Overall, this is still a huge win for Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Marvel, Disney, and theaters. Most of the factors impacting Shang-Chi’s box office were out of the studio’s control, proving blockbuster movies like this are still a viable business.

 

 

Unfortunately, the future is still uncertain for more divisive movies like Dune, but Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings proves at least Marvel’s box office dominance survived the pandemic.

 

(source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

PBA tatapusin ang elims sa Pampanga

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ng PBA ma­nagement na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.

 

 

Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.

 

 

Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa oras na maging maayos na ang lahat.

 

 

“Kapag okay na sa NCR babalik tayo doon, that’s the original plan,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Nagsimula ang liga sa NCR sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

 

Subalit napilitan itong huminto nang ilagay ang rehiyon sa mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) matapos lumobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Inilipat ito sa Bacolor, Pampanga.

 

 

Sa kasalukuyang protocols ng liga, sumasai­lalim ang lahat ng players, coaches, officials at staff sa RT-PCR test tuwing Lunes bago maglabas ng weekly schedule tuwing Martes.

 

 

Nagkakaroon din ng antigen test tuwing umaga kada playdates.

 

 

Wala pang anunsiyo ang PBA kung ito rin ang parehong ipatutupad ng liga sa oras na bumalik ito sa NCR.

KELOT TIMBOG SA SHABU NA PINALAMAN SA PANDE COCO

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-kulungan ang isang lalaki na dadalaw lang sa kanyang dating kapwa mga inmates matapos makuhanan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 ng 1346 DM Cmpd. Heros Del 96, Brgy, 73 na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Rafael Tuballes, habang naka-duty sina PCpl Sarjhun Bello at PSSg Erikcson Lising sa West Grace Park Police Sub-Station (SS3) dakong alas-9:20 ng gabi nang dumating ang suspek para bumisita at magdala ng pagkain sa kanyang dating kapwa mga inmates.

 

 

Bilang parte ng standard operation procedure at existing policies, kinapkapan ni PCpl Bello ang suspek saka sinuri ang dala nitong pagkain at napansin ng pulis ang isa sa mga tinapay (pande coco) ay kahina-hinala dahil sa maliit na butas.

 

 

Nang tignan sa harap ng suspek at iba pang naka-duty na mga pulis, nakuha sa loob ng tinapay ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P816 ang halaga na naging dahilan upang arestuhin si Paquiado.

 

 

Ayon kay Col. Mina, dating nakulong ang suspek sa SS3 mula June 20, 2021 hanggang September 2, 2021 dahil sa paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz). (Richard Mesa)

KYLIE, bigay-todo at hahangaan sa ‘The Housemaid’; happy sa pagiging supportive ni JAKE

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG ika-10 ng Setyembre, kakaibang Kylie Verzosa ang mapapanood sa The Housemaid, ang erotic thriller mula sa Viva Films, dahil ilalabas nito ang pagiging inosente, mapusok, kalmado at palaban.

 

 

Si Miss International 2016 ay gumaganap bilang Daisy, kinuhang taga-pangalaga ng isang batang si Nami (Elia Ilano), anak ng bilyonaryong si William (Albert Martinez), at Roxanne (Louise Delos Reyes) na may kambal sa sinapupunan.

 

 

Nakuha naman ni Daisy ang loob ni Nami, at hindi lang ‘yon. Pati si William ay naging malapit sa kanya sa paraang hindi nararapat. Inakit ni William si Daisy sa pasimpleng pagbigay ng mamahaling alak at pagtugtog ng piano hanggang naging magkasiping na ang dalawa.

 

Nananatiling palakaibigan si Daisy kay Roxanne kaya naman hindi siya nito pinagdududahan. Ngunit may isang tao sa mansyon ang hindi maiwasan ni Daisy, si Ms. Martha (Jaclyn Jose) ang Mayordoma na nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa mansion.     Walang nakatatakas sa kanyang obserbasyon. May tinatago siyang hinanakit sa kanyang mga amo pero tuloy pa rin ang mahusay niyang serbisyo simula pa nang bata si Roxanne. Makasasama ba kay Daisy ang loyalidad ni Ms. Martha sa asawa ni William?   Maliban kay Ms. Martha, dapat rin mag-ingat si Daisy kay Madam Ester (Alma Moreno), ang ina ni Roxanne. Tulad ng kanyang anak, sunud-sunuran lang din si Madam Ester kay William, pero may panahon para protektahan niya ang kanyang anak.

 

 

Ano ba ang inaasahan ni Daisy na mangyayari sa kanila ni William? Ano ang kabayaran ng kanyang pakikipagrelasyon sa isang makapangyarihan at may-asawang lalaki?

 

 

Ang The Housemaid ay adapted sa South Korean film na Hanyo na ipinalabas noong 1960, at nagkaroon ng remake noong 2010, nagkamit ng parangal sa iba’t-ibang international film festivals, kasama na ang Fantasporto sa Portugal, Oslo Film From the South Festival, at sa sarili nating Cinemanila International Festival.

 

 

Na-nominate din ito sa Palme d’Or, ang highest prize award sa prestihiyosong Cannes Film Festival.  Ayon pa kay direk Roman Perez ay pinanood niya ang dalawang Korean versions, at pinilit nilang maging malapit sa orihinal na kuwento pero pasok sa panlasa ng mga Pinoy.

 

 

Ayon pa kay Direk Perez, “This is a very timely film. And yes, this can also join film festivals abroad eventually.”

 

 

***

 

 

SAMANTALA, sino kaya ang tinutukoy na nakarelasyon noon ni Kylie Verzosa na hindi ganun ka-supportive sa kanyang career kumpara sa boyfriend niya ngayon na si Jake Cuenca.

 

 

Kuwento nga ng former beauty queen na first time na bibida na hahangaan daw sa pinakitang pag-arte sa The Housemaid“si Jake kasi, very professional pag gumagawa ng intimate scenes, naka-work ko na rin siya sa ganung ka-daring na eksena at naramdaman ko talaga na professional talaga siya.

 

 

“Trabaho talaga yun ng isang actor, pero hindi ‘yun ang highlights kung ano ang mangyayari after, pero journey yun ng character na kailangan pagdaanan, siguro yun ang natutulong niya sa akin sa mga daring scenes.

 

 

“And happy ko na suportive ang boyfriend ko dito sa project na ito, kasi naranasan ko na rin na kapag hindi supportive, mahirap talaga yun pag-uwi mo sa bahay.

 

 

“Kaya happy talaga ako na supportive si Jake and in this industry you really really need someone and a good support system, pag-uwi mo sa bahay, kasi mabigat na nga ‘yun eksena, tapos mabigat pa sa bahay, so, alam mo yun.

 

 

“Kaya happy talaga ako, na very supportive siya sa career ko.”

 

 

Mapapanood na nga ang The Housemaid sa September 10 sa Vivamax.

 

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei App Gallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at makaka-unli watch ka na for 3 days.

 

 

Bukod sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, mapapanood din ang The Housemaid sa Vivamax Middle East!

 

 

Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

JOHN, mukhang susunod nang magpapaalam sa ‘Ang Probinsyano’; magko-concentrate na lang sa ‘It’s Showtime’

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG si John Prats na kaya ang bagong malalagas sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Isa si John sa members ng Task Force Agila pero sa isang teaser ipinakitang duguan ito at naghihingalo habang tinatawag si Cardo.

 

 

Nabaril si John matapos na mapagtripan ng ilang kalalakihan.

 

 

Hindi naman bago sa FPJAP na may nawawalang cast member to give way to new characters.

 

 

Isa pa, baka mas gusto ni John na mag-concentrate sa trabaho niya bilang bagong director ng It’s Showtime kaya magpapaalam na ang kanyang karakter sa action serye ni Coco Martin.

 

 

Tiyak naman suportado ni Coco ang pagdidirek ni John kasi director din siya.

 

 

Samantala nakaabang pa rin ang mga fans ni Sharon Cuneta sa official announcement from Dreamscape Entertainment tungkol sa special guest appearance ng Megastar sa highly-popular action drama series.

 

 

***

 

 

NAKAKIKILIG daw ang pakiramdam sa naging pagtanggap sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Sunshine Dizon na lumipat sa ABS-CBN matapos ang mahabang panahon na ito ay isang loyal Kapuso.

 

 

It was in the Kapuso network kung saan maraming memorable TV projects na ginawa si Sunshine, tulad na lamang ng Encantadia.

 

 

Nagpapasalamat si Sunshine sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang bagong Kapamilya.

 

 

Ang seryeng Marry Me, Marry You ang unang show ni Sunshine sa brand new network niya.

 

 

Masaya rin si Sunshine kung paano sila inalagaan ng Dreamscape during their lock-in taping.

 

 

Dahil pandemic, lahat ng artista at production team ay sumusugal just to make sure na safe sila sa lock-in taping.

 

 

Lahat naman daw sila ay nag-take ng necessary precautions and lahat naman sila ay lsa trabahong inalok sa kanila.

 

 

Big deal para kay Sunshine na ipinaramdam sa kanila ng Dreamscape na safe sila sa lock-in taping.

 

 

Itong Marry Me, Marry You and unang project ni Sunshine as a Kapamilya talent. Starting September 13 ay mapapanood na ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

 

 

***

 

 

VERY generous naman si Gretchen Barretto.

 

 

Hindi lang members ng entertainment press ang binigyan niya ng food ayuda kundi pati mga press photographers at ibang colleagues sa entertainment industry nakasalamuha man niya ang mga ito o hindi.

 

 

Malaking bagay ang ipinadalang ayuda ni Gretchen sa mga natanggap nito, considering ang ibang sa mga ito ay walang inaasahang trabaho sa kanila dahil sa nangyaring pandemya.

 

 

Kaya naman lubos ang kanilang pasasalamat sa food ayuda galing sa dating Seiko contract star.

(RICKY CALDERON)

COVID-19 cases sa PNP tumataas

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.

 

 

Aminado si Eleazar na nababahala siya sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa kanilang hanay na sumampa na sa 108 ang kanilang fatalities.

 

 

Aniya,  inatasan niya si PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magsagawa ng imbentaryo sa mga gamot at iba pang mga kagamitan para sa medical needs at proteksiyon ng mga kapulisan.

 

 

Sinabi ni Eleazar na kailangan na lagi silang handa sa mga worst-case lalo pa’t mahigit na sa 100 pulis ang namamatay dahil sa COVID. Dapat din aniyang mag-ingat ang mga pulis kahit na bakunado na ang mga ito.

 

 

Pinaalalahanan niya ang mga police unit heads at mga comman­ders na istriktong ipatupad ang minimum public health standards sa kanilang mga respective offices at police stations para maiwasan ang transmission ng Covid.

 

 

Sa huling datos ng  PNP kahapon, nasa 2,181 ang active cases habang ang nasawi ay nasa 108.

NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na

Posted on: September 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isinailalim sa CO­VID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.

 

 

“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern had been detected across all areas in the National Capital Region,” pagkumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ayon kay Vergeire, ang NCR ay nakapagtala rin ng positive 2-week growth rate, high-risk ave­rage daily attack rate (ADAR) at high-risk case classification.

 

 

“The regional health systems capacity is at high-risk with ICU utilization at 74 percent,” dagdag pa niya.

 

 

Ang Quezon City ay nakapagtala ng aktibong kaso na 7,800 kasunod ang Maynila, 5,005; Caloocan City, 3,826; Pasig City, 3,561 at Makati City, 3,529.

 

 

Sa Maynila, bagama’t mataas din ang naita­lang mga bagong kaso, ay itinaas lamang ito sa Alert Level 3, dahil ang bed utilization rate nito ay nasa 65.47% lamang at ang ICU utilization rate ay nasa 61.75%.

 

 

Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay itinataas sa isang lugar kung uma­bot na sa 70% pataas ang hospital bed capa­city at nasa ilalim ng mo­derate hanggang critical risk. Ang Alert Level 3 ay nasa moderate hanggang critical risk at hindi pa umaabot sa mahigit 70% ang ICU utilization rate.