• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 21st, 2021

CHRISTOPHER, ni-reveal na kinatakutang idirek sa pelikula ni Direk OLIVE

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY ni-reveal si Olivia Lamasan sa kanyang interview with Toni Gonzaga na may isang aktor niyang kinatakutan niyang idirek sa pelikula at ito ay walang iba kundi si Christopher de Leon.

 

 

Nakatrabaho ni Direk Olive si Boyet sa 1996 drama film na Madrasta na first movie sa Star Cinema ni Sharon Cuneta. 

 

 

Kuwento pa ni Direk Olive na sa sobrang takot niya kay Boyet noon ay hindi niya alam kung paano i-approach ito para i-motivate. Pero nagawa ring makausap ni Direk Olive ang aktor pagkatapos na maka-13 takes sila sa isang eksena with Patrick Garcia.

 

 

“Meron siyang eksena with his son. Pero parang iniisip ko, paano mo ba imo-motivate at ididirek ang isang Christopher de Leon? It took us 13 takes. Finally, pumunta ako kay Boyet.

 

 

“’Yet, how can I help? Sabi niya, ‘Naku, Direk, ang tagal kong hinihintay na kausapin mo ako.’ Sabi ko, sorry kasi sa totoo lang di ko alam paano ka ididirek,” sey ni Direk Olive.

 

 

Para kay Direk Olive, intimidating daw si Boyet bilang isang aktor kaya ilang beses daw niyang pinag-isipan ang lapitan ito.

 

 

“I shared with him na ‘I’m so intimidated with you. Can I direct you?’ Sabi niya, ‘Direk, hinihintay kita.'” 

 

 

Nung ma-motivate na niya si Boyet sa naturang eksena, nakuha raw nila ito agad in just one take.

 

 

After Madrasta, never pa raw ulit nagkakatrabaho sa isang malaking pelikula sina Direk Olive at Boyet.

 

 

***

 

 

BABAWASAN na raw ni Jak Roberto ang pagpapakita ng abs dahil natutuon na siya sa paggawa ng drama roles, tulad na lang sa pagiging leading man niya sa GMA teleserye na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

 

 

Sa kanyang role, nag-focus talaga si Jak sa kanyang mga natutunan sa mga acting workshops. Hindi raw kasi parating kailangan ipakita niya ang abs at gusto niyang makilala siya sa husay niya sa pag-arte.

 

 

“Matagal ko nang ini-aim na ma-prove ko ’yong acting skills ko sa drama. Kasi, most of the time, ang mga ginagampanan ko mga romcom, gag show. 

 

 

“Dumaan na ako noon sa Walang Tulugan, Dear Uge, nagba-Bubble Gang ako and Pepito Manaloto. And ’yong last show ko rin romantic-comedy din, ’yong Wagas namin ni Barbie Forteza. And nitong nakaraan, sa GTV naman, ‘yung Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose and David Licauco.

 

 

“Nu’ng binigay sa akin ’tong project natakot ako, kung mapu-pull off ko ba ’yong character ko or hindi dahil ito ’yong pinaka-heavy so far na isang buong series na gagawin ko. 

 

 

“Nu’ng binigay sa akin sabi ko, ‘All-in o go home’ ’tong show na ’to. ‘Pag hindi ko binigay dito ang lahat ng makakaya ko sa acting, kailan pa? Kailan pa ako mabibigyan ng chance? 

 

 

“Kasi before sa Magpakailanman, two days lang ang taping, nagagawa naman. And ’yong experience ko sa MPK ita-times ko s’ya sa 18 days na taping or ilang weeks na episode. So, grabe. Mabigat itong Never Say Goodbye.

 

 

“Sobrang thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng mga ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng role. Sa akin talaga, gusto kong ma-prove ’yong iba’t ibang klase ng pag-arte, sa comedy, sa drama. And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko.”

 

 

***

 

 

HINDI lang on-air dahil pati sa social media platforms ay talaga namang ‘sakalam’ o malakas ang award-winning Kapuso newscast na 24 Oras. 

 

 

Ang 24 Oras lang naman kasi ang kauna-unahang newcast sa bansa na may local livestream sa Tiktok.

 

 

Ibig sabihin lang nito, napapanood na rin sa video-sharing app ang nasabing programa. Nagsimula ang livestream nitong October 11.

 

 

Last month lang opisyal na ipinakilala sa TikTok ang account nitong @24Oras pero humatak agad ito ng 691,000 followers habang may more than 5M likes at 276.5 million views na ito as of October 14.

 

 

Patok din sa netizens ang #24OrasChallenge kung saan may chance kang maka ‘duet’ o makasama ang iyong favorite 24 Oras anchors sa paghahatid ng balita. Humigit 47.7 million views at more than 21,000 duets ang nagawa sa mga published challenge videos. Ilan sa mga Kapuso personalities na naki-join sa challenge ay sina Mariz Umali, Drew Arellano, Joseph Morong, Oscar Oida, Victoria Tulad, Aubrey Carampel, at pati na si Jessica Soho—na mayroong pinaka viral na duet na may 1.2 million views at 164,300 likes and counting!

 

 

Patunay lang ito sa galing ng 24 Oras na gamitin ang mga nauusong social media platforms para maghatid ng balita at impormasyon sa mas nakararami lalo na sa mga Gen Z na laging online.

(RUEL J. MENDOZA)

Ayuda imbes na fare hike sa PUVs, isinusulong ng LTFRB

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binabalangkas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga programang magbibigay tulong, suporta at ayuda sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

 

 

Tugon ito ng ahensiya sa petisyon ng transport group na magtaas ng P3 sa minimum na pasahe sa passenger jeepney  dulot nang serye ng oil price hike .

 

 

Sumulat na umano ang LTFRB sa Department of Energy upang pag-aralan ang uniform fuel subsidy ng mga pampublikong sasakyan sa lahat ng gasoline stations sa buong bansa.

 

 

Inerekomenda rin ng ahensiya sa IATF na dagdagan ang umiiral na 50 percent passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng pagluluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa LTFRB,  maghahanap ng alternatibo ang gobyerno upang tugunan ang request ng transport group na hindi maaapektuhan ang mga commuters.

 

 

Una nang sinopla ng DOTr ang P3 fare increase petition ng transport groups dahil sa mas maraming maaapektuhang mamamayan kung aaprubahan ito ng ahensiya. (Daris Jose)

Alert Level System ipatutupad na rin sa labas ng NCR

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipatutupad na rin ang COVID-19 Alert Level System sa labas ng National Capital Region, ayon sa Malacañang.

 

 

Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na simula, Oktubre 20, 2021 ay sisimulan ang pagpapatupad ng Alert Level System na tatagal hanggang sa Oktubre 31, 2021.

 

 

Iiral ang Alert Level 4 sa Negros Oriental at Davao Occidental.

 

 

Inilagay naman sa Alert Level 3 ang Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte, habang nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon ­Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.

 

 

Sa indoor dine-in services, 10 porsiyento lamang ang pinapayagan sa Alert Level 4;  30% sa Alert Level 3; at 50% sa Level 2, samantalang 100% sa Alert Level 1.

 

 

Pero agad ding nilinaw ni Roque na ang indoor dining ay para sa mga bakunadong indibiduwal lamang at lahat dapat ng mga manggagawa sa indoor dining ay bakunado rin.

 

 

Ang take-out delivery ay 100% kahit anong alert level.

 

 

Pinapayagan na rin ang mga fitness gyms, studios at  venues para sa non-contact sports ­exercises sa indoors pero dapat bakunado ang mga nasa gym at walang group activities. Ang venue capacity sa mga nabanggit na lugar ay 10% sa Alert Level 4; 30% sa Level 3 at 50% sa Level 2. (Daris Jose)

Ads October 21, 2021

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lalaki todas sa aksidente sa trabaho sa Navotas

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang 34-anyos na lalaki dahil umano sa isang labor accident makaraang maiulat sa pulisya mahigit 24-oras matapos ang insidente.

 

 

Nabigong maproseso ng rumespondeng homicide investigators at mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar kung saan naganap ang nasabing labor accident na nagresulta sa pagkamatay ni Marjun Rafael, rigger sa container yard at residente ng Blk. 20, Lot 100, Dalagang Bukid St. Brgy. Longos, matapos nilang madiskubre na ang crime scene ay contaminated na.

 

 

Sa inisyal imbestigasyon ni Navotas police homicide investigators P/SSgt. Levi Salazar at P/Cpl. Reysie Peñaranda, naganap ang insidente dakong 1:45 ng madaling araw noong October 17, 2021 sa loob ng Sea Box Container Yard, B-1 Area, Tower B, na matatagpuan sa H. Lopez Blvd. Brgy. NBBS Proper.

 

 

Kasama ni Rafael ang tower crane operator na si Joseph Nudo, 48 at nakakatandang kapatid ng biktima na si Marlon, 40, sa paglilipat ng 40-footer reaper container nang isa sa angle support hooks ng container ay aksidenteng bumaba at tumama sa ulo ng biktima.

 

 

Isinugod ng mga tauhan ng Container Yard ang biktima sa Tondo Medical Center sa tulong ng Navotas Action Command Center subalit, idineklara itong dead on arrival.

 

 

Sinabi ni Col. Ollaging na patuloy ang imbestigasyon habang hinihintay ang resulta ng autopsy examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. (Richard Mesa) 

 

Jason Momoa Confirms He Suffered Multiple Injuries While Filming ‘Aquaman 2’

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MEGA-STAR Jason Momoa confirms he suffered multiple injuries while filming Aquaman and the Lost Kingdom. 

 

 

Momoa stars as Arthur Curry, better known as Aquaman, in the upcoming DC Comics sequel. Momoa’s character is a half-Atlantean/half-human king who can communicate with fish and swim at supersonic speeds.

 

 

The action star first took on the superhero role in 2016’s Batman v Superman: Dawn of Justice. Since then, Momoa has played the character in 2017’s Justice League and 2019’s The Lego Movie 2. He also starred as the titular character, Aquaman, in his own movie in 2018’s film of the same name, which brought in a whopping $1.148 billion at the box office worldwide.

 

 

Momoa is no stranger to action sequences, having cut his teeth in films such as Conan the Barbarian and Once Upon a Time in Venice. Though a brief role, Momoa is perhaps best known for playing the powerful warlord, Khal Drogo, in the first season of HBO’s incredibly popular series, Game of Thrones.

 

 

Additionally, Momoa has seen violence first hand in his personal life when he was slashed across the face with a broken beer glass during an altercation in 2008. The cut resulted in 140 stitches and reconstructive surgery that left a permanent scar through his left eyebrow.

 

 

Now, it appears Momoa has some more injuries to deal with. According to ComicBook, that while sitting down with Ellen DeGeneres for a virtual interview, Momoa confirms he suffered multiple injuries during the filming of Aquaman and the Lost Kingdom.

 

 

While he wouldn’t go into detail how the injuries occurred, the list of injuries Momoa mentions includes a hernia, pushed ribs, and several eye injuries. All of these will require the actor to undergo surgery at some point.

 

 

Calling himself an “aging superhero,” the 42-year-old actor also quickly assured fans his injuries were worth it, since the sequel’s “gonna be a great movie.

 

 

Momoa’s explanation about of his injuries: “I’m getting old. I messed up my eyes. I just got something in it that kinda cut it up, and then I’ve gotta get surgery, I have a hernia, I’ve got ribs out. I’m just getting beat up.”

 

 

 

Despite his injuries, Momoa doesn’t cite Aquaman and the Lost Kingdom as a brutal film in his career. This is due to the fact that he goes “hard” in every role he takes, to which he explains, “I love my job and I get a little too excited, then the age thing.”

 

 

At just 42-years-old, Momoa is hardly the oldest action star to get in front of the screen, especially considering Harrison Ford‘s latest outing as Indiana Jones at age 79. However, it seems Momoa’s dedication to his role may be finally catching up with him. Although that won’t stop him from acting.

 

 

Aquaman and the Lost Kingdom is currently in production, which means Momoa will have to wait to get the rest he needs for his injuries.  Though he may be getting older, Momoa is still in top shape, meaning nothing can stop the king of Atlantis.

 

(ROHN ROMULO)

JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.

 

 

Kuwento nang muling tumatakbo bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque para sa ikatlong termino, “interactive kami ni Andre. Nag-umpisa na siyang mag-pictorials, interviews at nagti-taping na rin para teleserye.

 

 

“Yung communication namin is all about, paggising niya sa umaga, tinuturuan ko siya about his preparations.  At bago siya matulog sa gabi, kung ano yun dapat homework niya.

 

 

“’Yung approach niya sa tamang oras pagdating sa set, para hindi siya nagagahol. Yung passion sa work, ‘yun kasi ang natutunan ko and I’m passing it on.

 

 

“So, every now and then, nagkukuwento si Andre na meron siyang taping at interview. Isang beses siya na ang nag-make up sa sarili niya para sa interview sa PEP.”

 

 

Aminado naman ang dating aktor, na hindi pa niya napapanood umarte si Andre sa ‘Di Na Muli, although nasusubaybayan naman niya mga highlights sa Instagram na pino-post ng anak at ng TV productions.

 

 

Alam din ni Jomari ang pinagdaraanan ng mga artista sa lock-in tapings at kasama na nga si Andre.

 

 

“Nagkukuwento sila ng lock-in taping nila, parang napakahirap talaga. Pambihira talaga ang situasyon, kasi ila-lock in sila before shooting or taping days.

 

 

“I think that’s the worse, yung quarantine time ang pinakamahirap para sa kanilang lahat  and a big big challenge.

 

 

“Kaya ang madalas kong tinatanong sa kanya, kung ano yun breakfast, lunch at dinner niya.  Pag nagsasawa na siya, pinadadalhan ko siya ng foods, para naman maiba at maging healthy pa rin.

 

 

“Kaya doon ako nag-focus, kasi yun ang kailangan ng bata.”

 

 

Tulad ni Jomari, minana ni Andre ang hilig nito sa kotse at car racing.

 

 

“Sumasali na rin siya sa drag racing events.  I actually, prepared a car for him, kasi naghahanda na siya.

 

 

“Meron kasi siyang karera na tinitingnan na baka puwede niyang salihan kung matutuloy yun event. Kami dalawa, we’re working on it together.

 

 

“Kaya kung sasalang siya sa doon sa karera, meron siyang kotseng prepared na puwede niyang gamitin.”

 

 

Samantala, aminado naman si Konsi Jomari sa napag-uusapan ng partner at ‘lucky charm’ niya na si Abby Viduya ang pagpapakasal dahil hindi na sila bumabata at iniisip din ang magiging future nila.

 

 

At siyempre, pangarap din nilang magkaroon ng sariling anak, “gusto talaga namin ng kids, magkaroon ng baby pa.

 

 

“Pero hindi namin alam kung kaya pa ng mga katawan namin.  Pero kung mabibigyan pa ng pagkakataon, yes, gusto talaga namin ni Abby,” pagtatapos pa ni Jomari na ngayon ang nasa puso’t-isipan ay ang paglilingkod sa kanyang nasasakupang distrito sa Paranaque.

(ROHN ROMULO)

League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila.

Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, pag-aralan ang guidelines para sa enforcement nito, at maipabatid din sa kanilang mga nasasakupan ang tungkol dito.

 

 

Kaya naman ay aapela aniya sila sa IATF para ipagpaliban ang Alert Level System expansion na magsisimula sana ngayong araw, Oktubre 20, hanggang Oktubre 31.

 

 

Mababatid na kahapon lang inanunsyo ng Malacanang ang expansion ng Alert Level System.

 

 

Una itong ipinatupad sa Metro Manila noon pang Setyembre 16 sa ilalim ng pilot test basis.

 

 

Base sa anunsyo ng Malacanang kahapon, ang Negros Oriental at Davao Occidental ay ilalagay sa ilalim ng Alert Level 4.

 

 

Alert Level 3 naman ang nakataas sa Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte.

 

 

Samantala, nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental. (Gene Adsuara)

80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

 

 

Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at matatagalan pa bago makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

 

 

Dahil dito, plano aniya ng pamahalaan na pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila upang maabot ang target na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng kanilang target population pagsapit ng Pasko.

 

 

“Ngayon dito sa Metro Manila nasa 80% na tayo. ‘Yung ibang probinsya outside NCR, nasa 18%, nasa 30% so malayo pa,” ayon pa kay Año.

 

 

Kaugnay nito, sinabi rin ng DILG chief na bukas, Biyernes, ay magdaraos sila ng pulong, kasama ang mga regional directors mula sa mga concerned government agencies at mga piling alkalde at go­bernador, upang talakayin ang pagpapaigting pa ng vaccination program sa mga probinsiya.

 

 

Aniya, palalawakin pa ng pamahalaan ang vaccination sa Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Davao, at ma­ging sa iba pang lugar sa bansa.

 

 

Una nang iniulat ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na hanggang noong Oktubre 14, umaabot na sa halos 24 milyong katao o halos 32% ng target population ang fully-vaccinated na sa CO­VID-19.

 

 

Sinabi na rin naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes na hindi na problema ng bansa ang paghahanap ng suplay ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ngayon aniya ay mayroong mahigit 38 milyong doses ng bakuna sa mga bodega ng pamahalaan na handa nang maiturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa virus.

PDu30, hindi naging pabaya sa pag-iimbestiga sa drug war killings

Posted on: October 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang pagpapalabas ng impormasyon ng  52 kaso ng police anti-drug operations na nagresulta sa pagpatay sa mga  drug suspects  ay nagpapakita lamang na hindi naging pabaya si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa kanyang obligasyon  na imbestigahan ang human rights violations sa panahon ng kanyang termino.

 

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos ipalabas ng  Department of Justice (DOJ) ang  “an information table” na nagpapakita ng detalye ng  52 insidente gaya pangalan ng nga napatay na suspects at lugar at petsa ng kanilang pagkamatay.

 

 

“I can only commend the DOJ for this conclusion because this proves that the President has not been remiss in his obligation to investigate perpetrators of these crimes,” ayon kay Sec. Roque sa isang panayam sa Kapihan sa Manila Bay news forum.

 

 

Aniya, ang impormasyon ng  52 insidente ay nagpakita na ginagampanan ng estado ang obligasyon nito na protektahan at i-promote ang  karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga biktima ng epektibong
domestic remedy sa pamamagitan ng paghahain ng kaso upang matiyak na ang mga “guilty” ay mauusig.

 

 

“I think these findings of the DOJ will belie all claims that the President is responsible under the principle of command responsibility because on the contrary, it proves that the Philippine state has in fact investigated and prosecuted individuals for these extralegal killings,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Binanggit pa rin ni Sec. Roque na si Pangulong Duterte ay  “discharged of his obligation as chief implementer of the law” dahil siya ang naging dahilan ng pagsasampa ng kaso sa mga sangkot.

 

 

Kumpiyansa rin si Sec. Roque na malilinis ng Pangulo ang kanyang pangalan  sa oras na bumaba na siya  mula sa kapangyarihan.

 

 

“I don’t think it says anything about the culpability of the President because in the 52 cases there’s not been an instance where there’s been a determination that the President ordered the killing or that the President did not do anything to punish those who committed criminal acts,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)