• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 11th, 2021

Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling ipatupad at pairalin ang polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque magpapalabas naman ang IATF ng final na desisyon sa usaping ito ng paggamit ng face shield.

 

 

“Sa Huwebes naman po iyan pag-uusapan. Dalawang tulog na lang po iyan, puwede na po tayong makaantay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa mga alkalde ng Metro Manila ay huwag magkanya-kanya at pairalin muna o ipatupad ang polisiya ng IATF sa paggamit ng face shield.

 

“Iyan nga po ang aking sinasabi, kapag nagkanya-kanya tayo eh mawawala po iyong ating tinatawag na kumbaga iyong ultimate executive power na ini-exercise po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Lahat naman ng lokal ng pamahalaan ay kabahagi  ng executive branch of government. So sa akin, kung ayaw niya talagang sumunod, siguro pagpapakita lang ng respeto sa proseso dahil pinakikinggan nama ang boses ng lahat,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, muling ipinaubaya ng Malakanyang sa DILG ang naging hamon naman ni Mayor Isko sa gobyerno na magtungo ng korte kung pipilitin nilang i-reimpose ang isang kontrobersyal na anti-pandemic policy na sa Pilipinas lang ipinatutupad sa buong mundo.

 

“Sa mula’t mula po hurisdiksiyon po iyan ng DILG,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, hinamon ni Domagoso ang national government na magtungo ng korte kung pipilitin nilang i-reimpose ang isang kontrobersyal na anti-pandemic policy na sa Pilipinas lang ipinatutupad sa buong mundo.

 

Sinabi ito ni Domagoso matapos banggitin ng Malacañang na DILG na ang bahala sa parusa ng alkalde sa pagtatanggal ng face shield requirement sa kanilang lungsod maliban sa medical setting. Wala pa kasing IATF resolution dito.

 

If they are not happy, they can go to court and ask for declaratory relief… Our decision [to remove the face shield policy outside medical facilities] will stay,” wika ni Domagoso.

 

“‘Yung hiling lang naman ng tao ang aming dinidinig.”aniya pa rin.

 

Habang pinag-uusapan pa ng mga eksperto at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang magiging kapalaran ng paggamit ng naturang protective equipment, required pa rin kasi ang lahat na suotin ito sa ibabaw ng face mask sa lahat ng  lahat ng “crowded,” “closed” at “close contact” (3Cs) areas. Gayunpaman, pwede na itong hindi suotin sa iba pang public areas.

 

Dahil dito, inilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque na “violation” ito ng isang “existing executive policy” na iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng police powers sa gitna ng COVID-19 crisis. May chain of command daw na dapat sundin ang mga city mayors kaysa magpatupad ng polisiyang mas maluwag sa ipinatutupad sa buong bansa. Kaso, hindi bumenta ang paliwanag na ‘yan kay Domagoso.

 

“When we speak of chain of command, it speaks of military. We are not uniformed personnel,” dagdag ng actor-turned-mayor kanina.

 

“Control is the power to reverse, supervise is the power to oversee… He (Duterte] has no control over the mayor. He has the power of supervision.”

 

Ilan sa mga gustong tugunan ni Domagoso sa pagpapatupad ng kanyang executive order 42 ay ang pagbawas sa araw-araw na gastusin ng kanyang mga nasasakupan. Matagal na rin kasing kwinekwestyon nang marami ang bisa ang face shields laban sa COVID-19.

 

Gayunpaman, dapat pa rin daw magsuot ng face masks at pagtuunan ng gobyerno ang pagbili ng mga gamot gaya ng Tocilizumab at Remdesivir laban sa COVID-19. Nangyayari itong lahat ngayong inirerekomenda na rin ng 17 mayors ng Metro Manila sa IATF na panatilihin na lang ang mandatory face shields sa mga ospital, pampublikong transportasyon atbp. “critical areas” habang bumababa ang mga kaso. (Daris Jose)

Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.

 

 

 

Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.

 

 

 

Ang nasabing alyansa ay binubuo ng 25 organisasyon mula sa mga sektor ng OFW, Seafarers, Barangay Youth, Christian Churches, Loyalista, at mga Healthcare worker.

 

 

 

Sa isang simpleng seremonya, sinumite nila ang isang dokumento na tinawag nilang ‘Manifesto of Unity, Support, and Commitment to ‘Bring Back the Momentum’ To Our Country’s Progress and Development’ na malugod na tinanggap ng asawa ni Marcos na si Atty. Louise Araneta-Marcos.

 

 

 

“Believing in a unifying leadership, we, the leaders of the parallel groups and organizations, hereby coalesce and express our deep commitment and unwavering support to a TRUE PUBLIC SERVANT, A FORWARD-THINKING LEADER and a GENUINE MAN FOR THE PEOPLE, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,” ayon sa panimulang bahagi ng manifesto.

 

 

 

“We pledge to align all our efforts to work as one in campaigning and utilizing all means available – our manpower and resources – to achieve our unified goal of electing and installing BBM as the next President of the Republic of the Philippines,” dagdag pa ng nasabing manifesto.

 

 

 

Sa kanyang pahayag sa mga dumalo sa seremonya, nagpasalamat si Atty. Louise Araneta-Marcos sa suporta ng nasabing grupo.

 

 

 

“I know you have gone a long long way, my husband couldn’t be here dahil umiikot na kasi siya pero pinapasabi niya na maraming-maraming salamat.  It’s because of people like you na maski ano ang batikos nila sa amin, fight pa rind dahil sa inyo. Maraming salamat,” sabi ni Atty. Louise Araneta-Marcos.

 

 

 

Bukod dito, nagpahayag din ng suporta ang ilang kinatawan ng mga malalaking transport groups sa pagtakbo ni Marcos sa darating na 2022 elections. Ayon pa sa kanila, naniniwala sila sa plano ni Marcos para sa kanilang sektor at tiwalang maisasakatuparan niya ang mga ito sa oras na maihalal ng taong bayan.

 

 

 

Patuloy na bumubuhos ang suporta para sa kandidatura ni Marcos kasunod ng kanyang pangunguna sa mga online at tradisyunal na Presidential preference surveys.

 

 

 

Sa pinaka-latest ba survey na isinagawa ng  The Manila Times mula October 26 hanggang November 2,  naungusan ni Marcos ang iba pang kapwa kandidato matapos makakuha ng 68% na boto. Malayo sa 10.8% na nakuha ng sumunod sa kanya. Samantala ang iba pang kandidato ay nakakuha lamang ng single digit percentage.

 

 

 

Pinangako rin ng nasabing alyansa ang katapatan at pagtulong kay Bongbong dahil siya lamang ang may kakayahan na ibangon ang bansa.

 

 

 

“To remain steadfast to our duties and responsibilities and wholeheartedly dedicate our loyalty and service to BBM, as the one and only fit and capable man to build back a grappling nation to greatness,” ayon pa sa manifesto.

 

 

 

Sa huling bahagi ng manifesto hinikayat ng alyansa ang mga Pilipino na lumahok at sumuporta para maibalik ang liderato ng Marcos sa gobyerno. Dagdag pa nila, BBM, Ikaw ang Presidente ko!, sama-sama tayong babangon muli!

MARIAN, hoping na mabibigyan pa sila ni DINGDONG ng isang pang anak kahit happy na kina ZIA at ZIGGY

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAPUSO royalties, Dingdong Dantes and Marian Rivera are ready to have a third child.

 

 

Sa isang interview, sinagot ni Marian ang tanong na ito ng, “kung ano ang ibigay sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.”

 

 

      “Para sa amin ni Dong, ang dalawa ay okay sa amin, pero kung pagpapalain at bibigyan kami ng pagkakataon, why not,” sagot ni Marian.

 

 

“Sa totoo lang, I am hoping for one last child.  Kung bibigyan ulit, thank you na binigyan Niya ulit kami, pero kung dalawa lang talaga, sobrang thank you na sa dalawang anak namin.”

 

 

Thankful din si Marian na kahit working from home siya, nagagawa pa rin niyang fruitful ang mga days niya with their kids, lalo na kung may work si Dingdong.

 

 

Masaya raw siyang mas marami siyang time na natututukan niyang mabuti sina Zia at Ziggy, at natutulungan niyang mag-explore ang mga anak nila with other kids.

 

 

At kapag pareho silang may free time ni Dingdong, nagagawan nila ng paraan na makalabas sila for a vacation, like nang ginawa nila kamakailan lang, na nag-enjoy sila for a weekend beach vacation.

 

 

Ngayon ay abala rin si Marian sa pagti-tape niya ng mga spiels para sa mga new episodes ng docu-drama series ng GMA na Tadhana, na nagsi-celebrate sila ngayon ng 4th year anniversary nito.

 

 

Labis-labis ang pasasalamat ni Marian sa mga televiewers na patuloy silang sinasamahan sa bawat episodes nito tuwing Sababo ng hapon.

 

 

***

 

 

NOT this year, but next year na malamang ituloy ng newly weds Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang honeymoon.

 

 

Wala namang problem dahil pareho na silang tapos ng kani-kanilang serye sa GMA-7.

 

 

Napapanood na ngayon ang daily primetime series ni Carla with Rocco Nacino and Max Collins, ang To Have And To Hold at malapit na rin muling mapanood ang season two ng The World Between Us ni Tom with Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa GMA Telebabad this November.

 

 

Sa interview kina Tom at  Carla sa Chika Minute ng 24 Oras, definitely ay out of the country ang balak nilang honeymoon.

 

 

“Kasi ang tagal na rin naming hindi nakapag-travel together. Kaya we decided to go away naman, pero hindi pa this year, hopefully next year,” sabi ni Carla.

 

 

      “Ako na ang bahala dun,” sagot naman ni Tom.  “Ayaw kong mag-worry ka kaya ako na ang mag-aasikaso nun.  Checklist mo lang ang kailangan ko.”

 

 

Ayon pa sa mag-asawa, ready na rin silang magkaroon ng baby.

 

 

***

 

 

MARAMI nang excited  na televiewers, especially ang mga fans ni Kapuso Queen of Creative Collaboration Heart Evangelista, sa world premiere ng bago nitong serye sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon. 

 

 

First team-up ito ni Heart at ng new Kapuso leading man na si Richard Yap at ang muling pagtatambal nila ni Paolo Contis after ten years, pero ngayon ay magka-love team pa sila.    First team-up din ito ng young stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

 

 

Ang isang inaabangan ng netizens ay ang halos sa buong serye ay ipakikita nila ang kagandahan ng Sorsogon na sasabayan pa ng magandang theme song titled “Our Love” na isang composition ni The Clash finalist Garret Bolden.

 

 

Mapapanood na simula sa Monday, November 15, ang I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7 after ng 24 Oras.

(NORA V. CALDERON) 

ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram.

 

Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

 


      Si Mina naman ay magla-lock-in taping din ng bagong episode ng Stories From The Heart: End of Us kunsaan kasama niya ang mister na si Zoren Legaspi.

 


      Sa two short clips and three photos na pinost ni Mina, emosyal itong nagpaalam kay Cassy. In the first video.

 

      “Hotel quarantine/lock in tapings are emotionally and mentally tough. We will miss you baby girl @cassy Tatay and I will work first. See you on Dec. We love you @cassy missing kuya @mavylegaspi too,” caption ni Mina.

 

Si Mavy Legaspi lang ang maiiwan sa kanilang bahay dahil tapos na ito sa kanyang lock-in taping for I Left My Heart In Sorsogon noong nakaraang October pa.

 

Kaya sa December raw na ulit mabubuo ang Legaspi family.

 

***

 

HINDI nagpaliguy-ligoy si Rocco Nacino nang tanungin siya sa segment ng ng The Boobay and Tekla Show na “Sasagutin o Kakainin”.

 

Tinanong kasi ang To Have and To Hold actor kung sino sa mga naka-kissing scene niyang mga Kapuso actresses ang pinakamasarap humalik?

 

May choice si Rocco na hindi niya sasagutin, pero kailangan mamili siya ng inumin na nasa harapan na may kakaibang lasa. Kung sasagutin naman niya, pipili siya mula sa mga taga-Mema Squad kung sino ang iinom.

 

Sa pambubuyo ng Mema Squad na huwag nang sagutin ni Rocco dahil baka magalit daw ang misis nitong si Melissa Gohing. Pero nagdesisyon ang aktor na sagutin ang tanong at ang pinakamasarap daw kahalikan sa teleserye ay si Max Collins.

 


      Ipinaliwanag naman ni Rocco na parte raw ng trabaho nila ni Max bilang mga artista na husayan nila ang pagganap sa kanilang roles, kasama na raw doon ang mga intimate scenes para magmukha raw makatotohanan.

 

Matagal na raw magkakilala sina Max at Rocco kaya wala na raw ilangan sa kanila pagdating sa mga gano’ng eksena. Yun daw ang tinatawag na professional sa trabaho.

 

***

 

PAGKATAPOS na maging isang box-office superstar dahil sa Marvel film na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, ang next project ni Simu Liu ay isang romantic film na ang title ay One True Loves.

 


      Sa pelikulang ito na based sa 2016 novel ni Taylor Jenkins, nais ipakita ni Liu na hindi lang siya pang-superhero roles kundi puwede siyang maging isang romantic leading man sa pelikula. Makakasama niya rito ay sina Phillipa Soo at Luke Bracey. Mula ito sa direction ni Andy Fickman.

 


      Ang One True Loves ang napiling script ni Liu na gawin dahil na-challenge siyang gumawa ng pelikula na hindi kailangan ng mga special effects at mga big action scenes.

 

Sey ni Liu: “I knew that much of the world was going to expect me to do more Kung Fu films. It’s always been important to me to constantly challenge people’s perceptions of myself, as well as of Asian people as a whole. While I celebrate legendary actors such as Jackie Chan, Jet Li and Bruce Lee, I know that my path is very different. I am not a master of Kung-Fu, after all; I am an actor who trained very hard to embody the character that I was hired to play. As such, I’m beyond excited to step into Sam’s shoes for this movie that I am deeply in love with.

 


      “I want to play characters that people can connect to, and that continue to challenge people’s expectations of what Asian people can be. It sounds strange, but sometimes it feels like the most avant-garde thing I can do as an Asian actor is to play a human being. No martial arts, no stereotypes, no accent… just a flawed, messy, insecure human.”

(RUEL J. MENDOZA)

Ads November 11, 2021

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

COVID-19 vaccination para makakuha ng Christmas bonus, legal- Roque

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus.

 

Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni Acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully vaccinated ang mga ito laban sa COVID-19.

 

“Wala po akong nakikitang pagkakamali diyan kasi Christmas bonus po ang pinag-uusapan. Hindi naman po requirement ng batas na magbigay ng Christmas bonus ,” ayon kay Sec. Roque.

 

“What our laws require for government workers is provision of 13th and 14th month pay. Granting Christmas bonus is discretionary, and as such, requiring a COVID-19 vaccine for that as an incentive is allowed,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Gayundin, sinabi ni Sec. Roque na ang naging panukala ng Metro Manila Council na imandato ang COVID-19 vaccination para sa mga nagtitinda sa Christmas bazaars ay katanggap-tanggap din.

 

“Mandating COVID-19 vaccine among their ranks is a matter of general welfare. This is a valid exercise of [the state’s] police power,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Sara Duterte ‘tatakbo talaga sa pagkapangulo’

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tutungo na raw talaga sa pagtakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pagbabahagi ng isa niyang kaalyado sa pulitika.

 

 

Martes kasi nang umatras si Duterte-Carpio sa kanyang re-election bid sa 2022 sa Davao, dahilan para lumakas ang ugong-ugong na tatakbo siya sa pagkapresidente sa pamamagitan ng substitution bago ang deadline nito sa ika-15 ng Nobyembre.

 

 

“She’s running for president. All this political gyration just shows that she’s moving towards the presidency,” sambit ni Rep. Joey Salceda (Albay) sa panayam ng ANC, Miyerkules.

 

 

Paniwala ni Salceda, miyembro ng PDP-Laban at kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte (ama ni Inday Sara), na “malaki ang posibilidad” na sumali ang presidente sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni House Majority Leader Martin Romualdez.

 

 

Una nang sinabi ni Lakas-CMD secretary general at Rep. Prospero Pichay Jr. (Surigao del Sur) na nag-field sila ng “placeholder” candidate na pwedeng palitan ni Sara oras na mapagdesisyunan niyang tumambo sa pagkapangulo.

 

 

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, tanging mga kapartido lamang ng original na kandidato ang pwedeng mag-substitute. Si Duterte-Carpio ay hindi pa miyembro ng Lakas-CMD at pinamumunuan naman ang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

 

 

“She wanted to be president since May… There were just stumbling blocks towards it,” dagdag pa ni Salcedo sa interview. Ang mga naturang “complications” ay nangyayari sa loob ng PDP-Laban.

 

 

Una nang itinulak ng Cusi faction ng PDP-Laban na patakbuhin si Digong sa pagkabise presidente, ngunit ayaw ni Inday Sara tumakbo sa ilalim ng Duterte-Duterte tandem. Kalaunan, umatras si Digong sa kanyang VP bid. Nahati rin sa dalawang paksyon ang naturang ruling party.

 

 

As of press time, hindi pa naman kinukumpirma ni Sara ang planong pagtakbo sa pagkapresidente.

 

 

Inisantabi naman ng Albay lawmaker ang mga tsismis na tatakbo si Sara sa pagkabise presidente sa ilalim ni dating Sen. Bongbong Marcos, na kumakandidato sa pagkapresidente sa 2022.

 

 

Si Marcos, na anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, ay kaalyado ni Digong.

 

 

Matatandaang sinabi ni Bongbong na nakausap niya noon si Sara Duterte tungkol sa pulitika ngunit wala raw silang natalakay na “specifics” pagdating sa eleksyon.

 

 

Sina Marcos at Inday Sara ay parehong nasa mga pinakamalakas na posisyon sa Pulse Asia election surveys pagdating sa presidential post next year  (Daris Jose)

Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns.

 

 

Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang publiko sa oras ng kanilang mental at psychological distress.

 

 

Ayon kay Deped Sec. Leonor Briones, priority ng kanilang kagawaran ang ma-promote at maprotektahan ang mental health at general welfare ng kanilang mga nasasakupan lalo na sa panahon ngayon kung saan ay kumakaharap ang bansa sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic. Dagdag naman ni DRRMS Director Ronilda Co, ang mga nasabing helplines ay makapagbibigay ng mental health at psychosocial support services sa mga kabataan at iba pang nasasakupan ng Deped.

 

 

Narito ang mga sumusunod na helpline numbers ng mga organisasyon na maaring tawagan:

 

• Circle of Hope Community Services, Inc. : ‎(+63) 917 882 2324, ‎(+63) 908 891 5850, ‎(+63) 925 557 0888

• Hopeline PH: ‎(02) 8804 46 73, ‎(+63) 917 558 4673, ‎(+63) 918 873 4673, Globe/TM toll-fee 2919

• The 700 Club Asia: ‎(+63) 949 889 8138, ‎(+63) 943 706 7633, ‎(+63) 0943 145 4815, ‎(+63) 917 836 1513, ‎02 8737 0700, ‎1-800-1-1888-8700

 

 

Naglaan na din ng mga posters na may kumpletong listahan ng contact informations at helplines ang kagawaran sa iba’t ibang mga tanggapan nito.

 

 

Maaari rin makita ang mga ito online sa official Facebook page at website ng Department of Education.

 

 

Ia-update naman ng kagawaran ang lahat ng numero ng helpline tuwing Marso at Oktubre ng taon.

 

 

Ang nasabing issuance ng mga mental health helplines ay bilang pagtugon sa probisyon ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) sa DepEd Order No. 14, s. 2020 o ang ‘Guidance on the Required Health Standards in Basic Education Offices and Schools.

JOHN KRASINSKI SAYS “A QUIET PLACE PART II” IS BEST SEEN ON THE BIG SCREEN

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures Philippines has just released a short video of John Krasinski, director and writer of A Quiet Place Part II inviting audiences to watch the film in theaters.  The film opens exclusively in select Philippine cinemas on November 10.

 

 

A Quiet Place Part II was made for the big screen so I hope you enjoy the theatrical experience,” says Krasinski in the video which may be viewed below.

 

 

YouTube: https://youtu.be/mI9n1QSwXj8

 

 

[Watch also the film’s “Quiet Far Too Long” featurette at https://youtu.be/BvjMBXMfRqA]

 

 

Garnering a 91% Fresh Rating at Rotten Tomatoes, critics applaud the film as “A nerve-wracking continuation of its predecessor, A Quiet Place Part II expands the terrifying world of the franchise without losing track of its heart.”

 

 

The film’s Audience Score of 92% from over 5,000 verified ratings is also a testament to the film’s high entertainment value, with the most consistent comment being “Almost as scary and intense as the original, A Quiet Place Part II will leave audiences on the edge of their seats — and waiting for Part III.

 

 

About A Quiet Place Part II

The second chapter of 2018’s A Quiet Place which became a startling hit and cultural phenomenon, A Quiet Place Part II takes moviegoers deeper into a terrifying world, and the stakes have never been higher. The film is directed, written and produced by John Krasinski and starring Emily Blunt, Cillian Murphy, Millicent Simmonds, Noah Jupe, Djimon Hounsou, and John Krasinski.

 

 

In the film, following the deadly events at home, the Abbott family (Emily Blunt, Millicent Simmonds, Noah Jupe) must now face the terrors of the outside world as they continue their fight for survival in silence. Forced to venture into the unknown, they quickly realize that the creatures that hunt by sound are not the only threats that lurk beyond the sand path.

 

 

A Quiet Place Part II is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/ and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #AQuietPlace and tag paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, dito.

 

 

Naka-post ang registration form sa Bulacan Tourism Facebook Page kung saan may 600 slots ng Pfizer vaccines ang nakareserba para sa mga indibidwal na may edad na 18 pataas, kung saan matapos mag-register, isang confirmation text message ang ipadadala sa kanila.

 

 

Kinakailangan ding magdala ng valid ID, sariling ballpen, face mask at face shield ng mga nagparehistro; kung walang valid ID, maaaring dalhin ang birth certificate, student ID o barangay clearance, habang ang mga indibidwal na buntis o may comorbidity ay kinakailangang magdala ng medical clearance.

 

 

Sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na malakas ang kanyang paniniwala na muling makakabangon ang lalawigan mula sa pandemya.

 

 

“Hindi po ako mapapagod na magpaalala sa inyong lahat na magpabakuna kung ang kapalit naman nito ay ang immunization na ninanais natin mula ng magsimula ang pandemyang ito. Hangga’t patuloy po ang pagbabakuna sa ating lalawigan, tumitibay po ang aking paniniwala na tayo ay makababalik sa normal nating mga pamumuhay,” anang gobernador.

 

 

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang mga walk-in at ipinagbabawal rin sa mga nagparehistro ang pag-inom ng kahit anong uri ng alak isang araw bago ang pagpapabakuna.

 

 

Para sa iba pang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office sa 09190793526.