• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 3rd, 2021

Bong Go, atras sa presidential bid sa Eleksyon 2022

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Senador Bong Go ang kanyang pag-atras na tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

 

Ang desisyon ni Go na bawiin ang kanyang kandidatura ay matapos ang isang linggong pag-amin na nananatili siyang naghihintay ng  “sign from God”  kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid o hindi na.

 

Sa isang panayam sa San Juan City, ipinaliwanag ni Go na hindi pabor ang kanyang pamilya na tumakbo siya sa pagka-pangulo.

 

Bukod pa sa ayaw niyang ilagay sa mahirap na sitwasyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aniya’y higit pa sa isang ama ang pagmamahal niya rito.

 

“Ayoko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte. Higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya,” ani Go.

 

Muling inulit naman ni Go ang kanyang kahandaan na maging “supreme sacrifice for the good of our country and for the sake of unity”.

 

“In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,” ayon kay Go.

 

“Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” dagdag na pahayag ni Go.

 

Kaya ang pakiusap naman ni Go sa mga presidential aspirants ay iprayoridad ang kapakanan ng bansa at interest ng mga mamamayang Filipino.

 

Matatandaang bago pa nahalal na senador si Go noong 2019, nagsilbi siya bilang Go special assistant ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, sa Viber message, sinabi ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez na hindi maaaring tanggapin ng law department ng Comelec ang anumang paghahain noong araw ng Martes dahil holiday, dahil ipinagdiriwang ang 158th birth anniversary ni Gat. Andres Bonifacio.

 

Hindi na rin aniya masa-substitute si Go dahil ang kanyang kaso ay voluntary withdrawal.

 

Ang period ng substitution for candidates sa 2022 elections o boluntaryong iwi- withdraw ang kanilang kandidatura ay nagtapos na noong Nobyembre 15.

 

“To formalize any candidates’ withdrawal,they need to personally appear before the Comelec,” ayon kay Jimenez. (Daris Jose)

Mini-movie nina JOHN LLOYD at BEA, trending at kinakiligan ng netizens

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINAKILIGAN ng netizens ang mini-movie na One True Pair na hatid ng Jollibee Studios na balik-tambalan ng isa sa pinakasikat at pinakaminahal na loveteam ng bansa na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

 

 

Pansin na pansin na very personal sa kanila ang script na sinulat ni Joler Mijares, kaya naman marami ang nagri-react sa linyahan nina Lloydie at Bea, dahil alam natin kung ano ang nangyari sa kanilang past relationships.

 

 

Ang ganda rin ng pagkakadirek ni JP Habac na ang huling film project ay Dito at Doon nina Janine Gutierrez at JC Santos, na pinalabas during pandemic. Nakaka-LSS din ang ginamit na kanta ‘Pasalubong’ na collab ng Ben & Ben at ni Moira dela Torre.

 

 

Milyun-milyon na agad ang Facebook views ng One True Pair na loob lang ng ilang oras at nasa more than 100k naman sa youtube na sa #13 on trending.

 

 

Kitang-kita at lumabas na pa rin na perfect pair talaga sina JLC at Bea forever.

 

 

Isa sa tumatak sa amin ang linyahan tungkol sa pagpapapatawad.

 

 

Say ni Gela na character na pino-portray ni Bea, “may pagpapatawad na kahit walang humihingi, kailangan mong ibigay. At may mga sorry na kahit hindi mo narinig kailangan mong tanggapin.”

 

 

Ang mini-movie na ito dahil talagang mararamdam at tatagos sa puso ng mga makapapanood.

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

 

“Close to real life yung script nila. May chemistry pa rin talaga.”

 

 

“Jusko ang ganda! The chemistry is still very strong and ang natural ng batuhan ng linya.”

 

 

“Jusko, tinginan at mga ngiti pa lang talaga iba na! Kakilig pa rin.”

 

 

“Ang lakaaaaaaas ng kilig koooooowwwww. Super Bea and JLC fan here! ANG LAKAS NG CHEMISTRY NILA!”

 

 

“Love it!!! Movie please.”

 

 

“There are loveteams na maski matagal na sila, may kilig at spark pa rin maski alam mo reel lang sila. Although a part of you wishes sana maging real.”

 

 

“Iba talaga tandem nila!!!! Kilig parin!!! Bea and John lloyd forever!!”

 

 

 

“Hoooii… ba’t ako kinilig?

 

Akala ko wala na… pero meron! meron! meron pa pala!”

 

 

“Sila talaga yung best example na ang magkaloveteam hindi kailangan maging magjowa in real life para mag-work ang tandem.”

 

 

“May talent kasi si Bea and John unlike sa iba. Kaya para bumenta idadaan na lang sa pagpapa-cute.”

 

 

Sa banda huli ng mini-movie, winner din sa amin ang batuhan ng characters nina JL at Bea para sa isa’-isa.

 

 

“Ikaw ang ningning sa aking bituin.”

 

 

“Ikaw ang sandalan sa aking upuan.”

 

 

“Ikaw ang chicken joy sa aking spaghetti.”

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, todo-depensa sa desisyon ng IATF na manatili ang NCR at iba pang lugar sa alert level 2 status

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 status.

 

“Right now, hindi pa tayo handa na mag-declare ng any Alert Level 1 sa ngayon, ” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Aniya, isinasapinal ng IATF-EID ang parametro sa posibilidad na i- deescalate ang Metro Manila sa pinaka-mababang Alert Level 1 sa pamamagitan ng pag-assess sa average daily attack rate (ADAR) at health care utilization rate.

 

Gayunman, sinabi ni Nograles na kailangan pa rin na maging handa ang mga lokal na opisyal na magdeklara ng granular o localized lockdowns sa oras na tumaas ang Covid-19 cases sa isang partikular na lugar.

 

“Lahat ng mga LGUs (local government units), local chief executives lalo na mga mayors, mga governors, dapat nakahanda sila mag granular at localized lockdown kung kinakailangan. Reminder lamang, that’s part of Door No. 4 sa ating Four-Door strategy para mabantayan na hindi makapasok yung Omicron at iba pang mga variants of concern dito sa ating bansa,” ani Nograles.

 

“The Four-Door Policy covers border control, active surveillance including test and trace, early isolation and treatment of all those who tested positive, and the vaccination program,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

Ang Omicron variant, na unang natuklasan sa Botswana, Southern Africa, ay idineklara bilang variant “of concern” ng World Health Organization.

 

Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat ang Pilipinas ng kaso ng Omicron variant of Covid-19 subalit kaagad namang nagpatupad ng travel restrictions sa 14 na bansa na mayroong “high risk of infection.” (Daris Jose)

Ads December 3, 2021

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Modified coding binalik ng MMDA

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling pinatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding o ang tinatawag na Volume Reduction Program (UVVRP) sa rush hours na magsisimula ng 5:00 hanggang 8:00 ng gabi.

 

 

 

Ang mga Metro Manila mayors na siyang mga miyembro ng Metro Manila Council (MC) ay nagkaisang aprobahan ang isang resolusyon na magbabalik ng pagpapatupad ng UVVRP ng walang pagbabago.

 

 

 

“Under modified number coding, the MMDA will prohibit motor vehicles from plying the throughfares from 5:00 to 8:00 in the evening,” wika ni MMDA Chairman Benhur Abalos.

 

 

 

Ang nasabing UVVRP ay ipapatupad lamang sa weekdays maliban kung holidays at ang kasama lamang dito ay ang mga pribadong mga sasakyan.

 

 

 

Hindi kasama ang mga public utility vehicles, transportation network vehicle services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks at mga sasakyang nagdadala ng mga kailangan at nabubulok na mga kalakal.

 

 

 

Dahil ang mga PUVs ay hindi pa pinapayagan na magkaron ng 100 percent capacity, nirekomenda ng MMDA na hindi muna sila isama sa number coding scheme.

 

 

 

“Stickers shall be issued to TNVS as they could not be easily identified while traversing the streets and we are in coordination with the TNVS on the implementation of rules and regulations regarding this concern,” dagdag ni Abalos.

 

 

 

Kasama rin sa ban ang mga trucks upang mas maging maluwag ang trapiko sa National Capital Region.

 

 

 

Ipatutupad din muli ang uniform light truck ban na may modification. Ang light trucks ay ang mga sasakyan na pang commercial na gamit o kahit hindi man na may gross capacity na 4,500 kilograms o mas mababa pa dito at may anim (6) o higit pa na gulong at may payload area na maaaring bukas o sarado man.

 

 

 

Depende sa UVVRP motor vehicle plate endings, ang mga light trucks ay pinagbabawalan na dumaan sa EDSA sa pagitan ng Magallanes at Makati City at North Avenue, Quezon City sa parehas na northbound at southbound mula sa 5:00 hanggang 9:00 mula Lunes hanggan Biyernes maliban kung holidays.

 

 

 

Ayon sa MMDA, lumalabas sa kanilang datus na may 403,000 na sasakyan na ngayon ang mga nasa lansangan ng Metro Manila kumpara sa 405,00 na sasakyan noong nakaraang January 2020 at kahit pa bago ang pandemya.

 

 

 

“More vehicles are traversing EDSA everyday. We are not yet in December but the way it is going the traffic situation is approaching pre-pandemic levels,” saad ni MMDA Traffic Engineering Center chief Neomie Recio.

 

 

 

Kung mas dadami pa ang volume ng sasakyan katulad ng bago pa ang pandemya, mapipilitan ang MMDA na ipatupad ang number coding scheme ng buong araw.  Subalit sa ngayon, ang pagsisikip ng trapiko ay nangyayari sa peak hours tuwing gabi lamang.  LASACMAR

Malakanyang, pinaboran ang pahayag ng NEDA na kakayaning makamit ng Pinas ang 2021 Economic Growth Target

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PABOR ang Malakanyang sa naging pahayag ng National Economic Development Authority ( NEDA) na makakamit ng bansa ang 2021 Economic Growth kahit pa manatili sa alert level 2 ang National Capital Region (NCR) hanggang Disyembre 15.

 

Sinabi rin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsalita na ang NEDA at ang mga economic manager ng gobyerno hinggil sa bagay na ito.

 

Kaya aniya, tiwala rin ang Malakanyang na mararating ng bansa ang economic growth targets nito ngayong taon.

 

Sinabi ni Nograles na kahit may mga hindi inaasahang pangyayari, kung patuloy namang bababa ang Covid-19 cases, kabilang na ang pagbaba ng Average Daily Attack Rate (ADAR) at ng two-week growth rate na sasabayan pa ng patuloy na safe reopening ng ekonomiya, malaki ang posibilidad na makuha ng Pilipinas ang target nitong paglago Ng ekonomiya bago matapos ang 2021.

 

Dahil dito, nananawagan ang pamahalaan sa mga hindi pa rin natuturukan ng vaccine na magpabakuna na dahil kapag mas marami aniyang nakatanggap na ng bakuna, mas magiging kampante ang lahat, gaya ng negosyo, livelihoods, trabaho, lalo na ang ekonomiya. (Daris Jose)

NO ONE IS SAFE AS GHOSTFACE RETURNS IN THE ALL-NEW “SCREAM”

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GHOSTFACE is back and it’s scary as ever.  Watch the featurette that’s just been released by Paramount Pictures and discover what brings the legacy and new cast together in the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/j2zJEwVTT6g 

 

 

[Check out the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0]

 

 

About Scream

 

 

Twenty-five years after a streak of brutal murders shocked the quiet town of Woodsboro, a new killer has donned the Ghostface mask and begins targeting a group of teenagers to resurrect secrets from the town’s deadly past. Neve Campbell (“Sidney Prescott”), Courteney Cox (“Gale Weathers”) and David Arquette (“Dewey Riley”) return to their iconic roles in “Scream” alongside Melissa Barrera, Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jack Quaid, Marley Shelton, Jasmin Savoy Brown, and Sonia Ammar.

 

 

Scream is directed by Matt Bettinelli-Olpin & Tyler Gillett of the filmmaking group Radio Silence (Ready or NotV/H/S), executive produced by Kevin Williamson, Chad Villella, Gary Barber, Peter Oillataguerre, Ron Lynch, Cathy Konrad, Marianne Maddalena; produced by William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein.

 

 

The film is written by James Vanderbilt & Guy Busick, based on the characters created by Kevin Williamson.

 

 

Scream is a long-running genre-busting horror franchise which generated four feature films including Scream (1996), Scream 2 (1997), Scream 3 (2000) and Scream 4 (2011). Directed by famed “maestro of horror,” the late Wes Craven, the films went on to gross more than $600 million in worldwide box office receipts.  Williamson wrote the original film as well as Scream 2 and Scream 4

 

 

Scream is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #ScreamMovie and tag paramountpicsph

MARIAN, balitang handpicked ng Miss Universe organization para maging hurado; magkakahiwalay uli sila ni DINGDONG

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘PAG nagkataon, baka ilang araw lang pagbalik ni Dingdong Dantes mula sa kanyang lock-in taping at quarantine ay magkakahiwalay silang muli ng misis na si Marian Rivera.

 

 

Usap-usapan na nga na isa si Marian sa magiging judge ng Miss Universe 2021 na gagawin sa Israel. Sa December 12 ang coronation night, pero siyempre, marami pang activities before the actual pageant kaya mas maaga itong lilipad kasama ang kanyang glam team.

 

 

Sa ngayon, wala pa rin official na confirmation mula kay Marian, maging sa Triple A Management, pero may nakapagsabi sa amin na handpicked daw talaga si Marian ng Miss Universe organization na maging isa sa mga judge.

 

 

December 5 na yata ang alis niya pa-Israel kasama ang kanyang glam team. Sa totoo lang, nae-excite kami sa ipapakitang looks ni Yan at sigurado, magsa-shine siya sa Miss U.

 

 

***

 

 

 

TATLONG buwan talaga na walang labasan at hindi nakasama ng Kapuso actor na si Wendell Ramos ang kanyang pamilya.

 

 

At dumating pa sa punto na nanganak ang kanyang misis at may bago siyang baby pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito nakikita other than video and pictures.

 

 

Pero nakikita namin ang mga Instagram posting ni Wendell at puro gratefulness o pasasalamat ang mga postings niya, kaya positibo lang talaga ito sa lahat ng nangyayari sa kanya, lalo na nga naman at pandemic pa.

 

 

Sa recent IG post ni Wendell, mixed emotion daw ang napi-feel niya. Excited siya na makikita at makakasama na niya ang pamilya, lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, pero siyempre, nami-miss na rin niya ang Prima Donnas family na talagang naging close naman sila sa loob ng tatlong buwan na magkakasama sila.

 

 

Teka, naalala namin kamakailan lang na may lumabas na blind-item na may actor raw na lumabas ng lock-in taping ng Prima Donnas, may balita kami kung sino ito, pero mukhang hindi naman daw gano’n ang nangyari at mali ang lumabas na balita.

 

 

Pero ang sigurado, hindi ito si Wendell na tatlong buwan ngang hindi talaga lumabas, huh.

 

 

***

 

 

BATA pa lang ang Kapuso actress na si Bianca Umali ay Kapuso na siya at ngayon nga na muli siyang nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center, 14 na taon na raw na Kapuso ang magandang actress.

 

 

`Nang tanungin namin kung paano siya bilang Kapuso na sa network na lumaki, nagdalaga, “Hindi ko alam kung paano ko ide-describe. Pero siyempre, I’m very lucky to be a Kapuso since I started.

 

 

      “I feel flattered, honored and very thankful.”

 

 

Dramatic actress talaga si Bianca pero recently, pinapasok na rin niya ang singing. Kaya tinanong namin ito kung sa pag-sign-up niya ngayon, may mga request siya sa network at GMAAC na mga gusto naman niyang gawin.

 

 

     “Yes, I am very open, me and my team and the whole network po, napag-uusapan namin kung ano pa ang gusto kong gawin.

 

 

Nasasabi ko rin naman po kung ano ang mga gusto kong magawa at kung ano pa ‘yung mga gusto kong roles and so far naman po, hindi pa po ako dumarating sa situwasyon na kailangan kong sabihin kung ano ang gusto kong gawin dahil lahat po ng naibibigay sa akin consistently, lahat po ay gusto kong gawin.”

 

 

Hindi na raw niya kailangang mag-request dahil naibibigay naman sa kanya, gaya nga ng last teleserye niya, ang Legal Wives.

 

 

Natawa naman si Bianca nang kamustahin namin siya at ang puso niya. May nasulat kasi na diumano’y break na sila ng boyfriend at kapwa Kapuso na si Ruru Madrid.

 

 

      Pero sey ni Bianca, “My heart is very okay and happy po. Masaya po ako sa lahat-lahat.”

(ROSE GARCIA)

Private hospitals naghahanda na sa Omicron

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda na ­ngayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) sa posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring idulot ng Omicron variant.

 

 

Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng PHAP, na tinitiyak nila ngayon na may sapat na suplay ng oxygen at bakanteng higaan ngayong labis na bumaba na ang mga aktibong kaso sa bansa.

 

 

“Handa po ang mga private hospitals kung magkaroon man ulit ng mga bagong surge o bagong cases ng COVID,” ayon kay De Grano.

 

 

Nasa 1,116 sa 1,291 health facilities sa bansa ang kasalukuyang nasa ‘safe level’ o mas mababa sa 60% ng kanilang kapasidad ang okupado. Higit sa 7,000 pasyente na may COVID ang kasalukuyang naka-admit sa mga pribadong pagamutan.

 

 

Nais din ng mga tagapamahala ng mga pribadong pagamutan na manatili sa Alert Level 2 ang bansa hanggang sa magtapos na ang taon.  Kasalukuyang epektibo ang Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.

“Siguro ang pagbababa sa [Alertl] Level 1 hindi pa po dapat natin gawin right now,” giit ni De Grano. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan

Posted on: December 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muli na namang pumalo ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19).

 

 

Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre.

 

 

Ito na ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas, mas malaki pa sa P11.9 trilyong marka noong Setyembre.

 

 

“Sa buwang ‘yon, tumaas nang bahagya ang kabuuang utang ng pambansang gobyerno ng P54.48 bilyon o 0.46% primarya dahil sa net issurance ng domestic securities,” paliwanag ng Treasury, Miyerkules, sa Inggles.

 

 

Nalampasan na nito ang inaasahang P11.73 trilyong pagkakautang na itinakda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang 2021.

 

 

Binubuo ang naturang pagkakutang ng:

  • P8.47 trilyon (domestic debt)
  • P3.5 trilyon (external debt)

 

 

Ang mga pagkakautang sa loob ng bansa ay nadagdagan ng P80.65 bilyon. Mas mataas ito ng 0.96% kumpara sa kinalagyan nito noong Setyembre dahil pa rin sa “net issurance” ng government securities.

 

 

“Simula 2021, lumundag ng P1.77 trilyon o 26.49% ang utang panloob [ng gobyerno],” patuloy ng BTr.

 

 

Obligasyon sa mga dayuhan lumiit

 

 

Sa kabila ng record-high debt ng national government, mas mababa ng P26.17 bilyon (0.74%) ang external debt ng bansa kumpara noong buwan bago nito.

 

 

Iniuugnay ang mas mababang bilang na ito sa epekto ng local at foreign currency exchange rate adjustments na umabot ng P22.68 bilyon at P8.45 bilyon. “Sobra-sobra na ito para ma-offset ang net availment ng external obligations na aabot sa P4.96 bilyon,” dagdag pa ng BTr.

 

 

Halos buwan-buwang nakababasag ng historical records ang gobyerno pagdating sa paghiram ng pera habang gumagawa ito ng paraan upang pondohan ang COVID-19 response measures. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng pagpasok ng heaviliy mutated Omicron variant.

 

 

Aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng nasabing virus, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health nitong Martes. Sa bilang na ito, patay na ang 48,545 katao.