• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 11th, 2021

Anti Terrorism Act, pinagtibay ng SC

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinagtibay ngayon ng Korte Suprema ang RA 11479 o Anti Terrororism Act of 2020.

 

 

Pero mayroong ilang probisyon dito ang idineklarang labag sa batas.

 

 

Sa inilabas na abiso ng Supreme Court en banc, kabilang sa mga idineklarang labag sa batas ay ang Section 4 tumutukoy ito sa Terorismo.

 

 

Sa botong 12-3 ay idineklara itong labag sa batas dahil umano sa pagiging overbroad at nilalabag nito ang freedom of expression.

 

 

Samantala sa botong 9-6 naman ay idineklara ring unconstitutional ang Section 25 o ang Designation of Terrorist Individual, Groups of Persons, Organization or Associations.

 

 

 

Hindi naman idineklarang unconstitutional ang karamihan sa mga inihihirit ng mga petitioners na ideklarang unconstitutional ang Section 29 o ang Detention Without Judicial Warrant of Arrest.

 

 

Pero sa botong 10-3 ay idineklara namang constitutional ang naturang batas.

 

 

Kung maalala, nasa 37 petisyon ang inihain sa Supreme Court (SC) ng iba’t ibang grupo para kuwestiyun ang ligalidad ng naturang batas.

 

 

Karamihan sa mga petitioners ay naghain noon ng petition for certiorari and prohibition para hilingin sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng Status Quo Ante Order o Temporary Restraining Order laban sa Anti-Terrorism Law.

 

 

Respondents sa petisyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Sec. Salvador Medialdea, Senate President Tito Sotto at House Speaker Alan Peter Cayetano. (Daris Jose)

Omicron wala pa rin sa Pinas – DOH

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wala pa ring natutukoy na Omicron Covid-19 variant sa Pilipinas, batay sa pinakahuling whole genome sequencing na isi­nagawa nitong Miyerkules.

 

 

Sa 48 samples na isinailalim sa sequencing, 38 o 79.17% ang Delta variant o B.1.617.2 habang ang iba pa ay non-VOC lineages o walang lineages na natukoy.

 

 

Ayon sa DOH, ang latest sequencing run ay binubuo ng 12 Returning Overseas Filipinos (ROFs) at 36 local cases mula sa mga lugar na may high-risk average daily attack rates (ADAR) at case clusters.

 

 

Sa karagdagan namang 38 Delta variant cases, 31 ang local cases at pito ang ROFs.

 

 

Dalawa umano sa ROFs ang may travel histories mula sa Turkey habang ang iba pang ROFs ay mula naman sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama, at Peru.

 

 

Sa 31 local cases, anim ang may address sa Cagayan Valley Region habang limang kaso ang mula sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR), tig-3 mula sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at National Capital Region (NCR), tig-2 mula sa Central Luzon at CALABARZON, at isa mula sa Davao Region.

 

 

Base sa case line list, isang local case ang nananatiling aktibo, 27 local cases at lahat ng pitong ROF cases ay nakarekober na habang inaalam pa ang kinahinatnan ng tatlo pang local cases.

 

 

Ayon sa DOH, dahil sa naturang update, ang total Delta variant sa bansa ay nasa 7,886 na sa kasalukuyan. (Daris Jose)

Sa Christmas concert special nila ni MATTEO: SARAH, matutupad na ang dream na maka-duet si JOSE MARI CHAN

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATUTUPAD na ang matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo na maka-duet si Jose Mari Chan sa magaganap na Christmas concert special nila ng mister na si Matteo Guidicelli na Christmas With The G’s.

 

 

Ayon kay Sarah, paborito niyang Christmas song ang “Christmas In Our Hearts” noong bata pa siya kaya lagi niya itong kinakanta sa mga Christmas parties noon.

 

 

Ngayon ay may katuparan na ang matagal nang wish ni Sarah na maka-duet sa favorite Christmas song niya ang tinaguriang “The Father of Christmas” sa Pilipinas.

 

 

Ang ilang pang mapapakinggan na Christmas songs sa Christmas With The G’s ay ang “Jingle Bells”, “O Holy Night”, “Ang Pasko ay Sumapit”, at “Sana Ngayong Pasko”.

 

 

Sa December 18 na ito mai-stream sa ktx.ph at Vivamax Plus.  Si Louie Ocampo ang musical director, si Paolo Valenciano ang direktor, at produced ito ng Viva Live at ng G Productions nina Sarah at Matteo.

 

 

***

 

 

NILINAW ni Benjamin Alves na hindi pa sila kinasal ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato.

 

 

Marami kasing nagpadala ng congratulations at best wishes greeting sa pinost na photo ni Benjamin sa Facebook na nasa simbahan sila ni Chelsea at mukhang kinasal sila dahil sa ayos at pananamit nila.

 

 

Sey ni Benjamin na kasal daw iyon ng pinsan ni Chelsea at nagpa-picture lang daw sila sa aisle papunta sa altar.

 

 

“I’m not married yet. I’m still single but I’m in love,” sey ng Kapuso actor.

 

 

Nagulat din daw si Benjamin sa mga nag-like at nag-congratulate sa kanila ni Chelsea.

 

 

“We will let everyone know kung magpapakasal kami. Marami kaming kailangang pagpaalamanan before we tie the knot. Kailangan ko magpaalam sa mommy ko, sa parents niya at sa mga nanay ko sa GMA at pati na rin kay Mama Jonas (Gaffud). Kaya don’t worry guys, we didn’t get married yet.”

 

 

Napag-uusapan naman daw nila ni Chelsea ang tungkol sa pagpapakasal.

 

 

“We’ve been talking about it and if the right moment comes for us, it will happen. Malalaman din ninyo kung ikakasal na kami,” diin pa niya.

 

 

Nag-renew ng kontrata si Benjamin with GMA Artist Center at mapapanood siya next year sa teleserye na Artikulo 247 with Mark Herras, Rhian Ramos and Kris Bernal. 

 

 

***

 

 

NI-REVEAL ni Martha Stewart na meron na siyang dine-date.

 

 

Sa programang Watch What Happens Live with Andy Cohen, inamin ng 80-year old Lifestyle Queen na may special someone asa buhay niya ngayon.

 

 

“I shouldn’t say no. I mean yes, but I’m not going to tell you,” pabiro pang pag-amin ni Martha.

 

 

Naging makulay ang buhay pag-ibig ni Martha at noong single pa siya, may mga celebrities din siyang naka-date. Isa na rito ay ang the late Larry King.

 

 

Pag-recall ni Martha: “I thought we were just talking about journalism etc. etc., and then he sort of got a little amorous. Everybody was noticing I was out with Larry King, and Larry King was not my type romantically, if you get what I mean.”

 

 

Kasal si Martha for 29 years kay Andrew Stewart mula 1961 hanggang mag-divorce sila in 1990.

(RUEL J. MENDOZA)

P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

 

Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup.

 

 

Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagdaraos sa 3×3 grand finals sa Araw ng Pasko sa pagitan ng dalawang laro ng reinforced conference bago ito iniurong sa Disyembre 29.

 

 

Paparada sa grand finale ang top 10 teams base sa kanilang accumulated points at rankings mula sa kabuuang anim na legs.

 

 

Ang runner-up ay magbubulsa ng P250,000, habang ang second runner-up ay tatanggap ng P100,000.

 

 

Ang TNT Tropang Giga ang naghari sa first leg kasunod ang Meralco sa second leg, ang Sista Super Sealers sa third leg at ang Purefoods TJ Titans sa fourth leg.

 

 

Nangunguna ang Bolts sa team standings sa itaas ng Tropang Giga, TJ Titans at guest team Platinum Karaoke.

 

 

Ngunit maaari pa itong magbago sa pagsasagawa ng fifth at sixth legs sa Disyembre 11 at 12 at sa Disyembre 18 at 19, ayon sa pagkakasunod, na didribol sa alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year.

 

 

May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya.

 

 

Kuwento ng controversial sexy star, “Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado.

 

 

”Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year.

 

 

“I’m planning po, kasi last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun.

 

 

“Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.

 

 

”Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious.

 

 

Next year, gusto rin ma-achieve ni AJ na magkaroon ng smooth and flawless skin, na tama lang naman dahil isa na sikat na artista at hinahangaan ng marami.

 

 

“Kung may ipapabago po ako, yung skin ko po, kasi sobrang conscious po ako sa skin ko,” pag-amin ng anak ni Jeric Raval.

 

 

Malikot po kasi ako noong bata ako. Lagi po akong nadadapa tapos ngayong age ko po na ito, mahilig ako sa mga activity, jetski, Muay Thai, ATV… lagi po akong nasusugatan. Lagi po akong nagkakaroon ng pasa.

 

 

Kaya gusto ko po ipa-enhance yung skin ko.

 

 

Samantala, makikilala na ang “makipot, never pakipot, and always kulot” na vlogger na si Elle ngayong December 17, 2021 sa Vivamax.     Muli na namang masisilayan ang kaseksihan ni AJ sa bagong niyang karakter sa Crush Kong Curly.

 

 

Bilang dating ugly duckling na na-bully ng kanyang mga kaklase, inayos ni Elle ang kanyang sarili hanggang sumikat siya bilang vlogger. Naniniwala siyang sex is power kaya dito umiikot ang kanyang mga vlogs.

 

 

Lagi siyang trending dahil kasing-kulot ng kanyang buhok ang kanyang imahinasyon at passion for sex positivity. Lahat ng pagsisikap niya ay para sa kanyang pamilya at gusto niyang bigyan sila ng dream house. Suportado naman ng mga kaibigan niya ang kanyang kabaliwan.

 

 

Minsan nang na-heartbroken si Elle, ngunit handa naman siyang buksan ang puso para sa “the one”. Habang hindi pa dumadating ang lalaking iyon, open legs na lang muna si Elle sa kanyang mga videos. At sa ganong itsura nga siya unang nakita ni Peter.

 

 

Si Wilbert Ross ay gumaganap bilang Peter, isang architect na bagong kapitbahay ni Elle. Dati siyang seminarista. Malapit siya sa kanyang ate na si Pia at sa mga pamangkin niya.

 

 

Ang rason kung bakit niya natagpuang nakahilata at nakabukaka si Elle ay dahil nagiba ang dingding na sinasandalan nito. Noon pa lang ay naging malagkit na ang tinginan nila. Agad-agad ay kinuha ni Elle ang serbisyo ni Peter sa mga house repairs. Naging malapit ang kanilang loob hanggang sa may nangyari na nga sa kanila.

 

 

Ginising ni Elle ang natatagong landi ni Peter. Nagsimula sa lust at nauwi sa love ang feelings para sa isa’t-isa, ngunit may pasabog si Peter. Naglagay ito ng hidden camera upang i-live stream ang kanilang lovemaking na naging trending. Parang gumuho ang mundo ni Elle. Bakit nagawa ito ni Peter?

 

 

Natanong din si AJ kung darating ba siya sa pagkakaroon na magkaroon ng Only Fans account na usung-uso ngayon at malaki ang kinikita ng mga nagpapa-sexy.

 

 

Sagot niya, hindi naman siya aabot sa ganun, dahil maraming trabaho na binibigay sa kanya ang Viva Films na bukod sa movie, ay gagawa na rin siya ng teleserye.

 

 

Hindi rin niya alam gagawin, dahil sakaling makunan siya ng palihim habang nagla-lovemaking tulad nang nangyari sa pelikula.

 

 

Anyway, ang Crush Kong Curly ang first rom-com movie ni AJ matapos ang tagumpay ng pinagbidahan niyang psychedelic, erotic thriller na Taya, at comedy na Shoot! Shoot! ni Andrew E na kung saan nakasama rin niya si Wilbert at ngayon silang dalawa na ang bida.

 

 

Si Wilbert ang kumanta ng Crush Kong Curly theme song. Ito ay mula sa direksyon ng award-winning director na si GB Sampedro at sa panulat ni Conn Escobar. Silang dalawa rin ang mga utak sa likod ng sexy comedy film na Kaka.

 

 

Kasama sa movie sina Maui Taylor bilang Pia, Gina Pareño bilang Lola Elvie, Chad Kinis at Loren Mariñas bilang mga kaibigan ni Elle, Andrew Muhlach bilang kaibigan ni Peter, Jao Mapa bilang bayaw ni Peter, Madelaine Red bilang kapatid ni Elle, at Gab Lagman bilang first love ni Elle.

 

 

Para mapanood ang Crush Kong Curly, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.

 

 

Mapapanood rin ang Crush Kong Curly sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada na rin ang Vivamax.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

 

 

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million.

 

 

Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging turnout ng pagbabakuna sa pagdalo nito sa Bayanihan, Bakunahan event.

 

 

Malaking tulong na rin dito ang tatlong araw na national vaccination day na isinagawa noong katapusan ng buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2.

 

 

Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DLIG) na nasa 23 highly urbanized cities na karamihan ay matatagpuan sa NCR ang bakunado na ng second dose ang 70 percent ng kanilang target population.

 

 

Ipinagmalaki rin ni Abalos ang maagap na hakbang ng pamahalaan kaya na-control ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

 

 

Patuloy naman ang paghimok ng pamahalaan sa mga hindi pa bakunadong mga Pinoy na magpabakuna na sa susunod na vaccination drive ng pamahalaan.

 

 

Sa mga gustong magpabakuna ay mayroong mga malls na bukas sa ilang lugar para doon magpabakuna.

 

 

Ang susunod na malawakang bakunahan ay isasagawa sa Disyembre 15 hanggang 17. (Daris Jose)

MARIAN, hectic ang schedules sa ‘Miss Universe’ kaya imposibleng makapunta sila ni DINGDONG sa Holy Land

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CHANCE na sana ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapasyalan ang Holy Land since first time lamang nilang nakapunta sa Israel dahil naimbitahan nga si Marian na maging isa sa mga judges ng 70th Miss Universe sa Eilat, Israel.

 

 

Pero mukhang hindi sila makakasingit sa hectic schedules ni Marian, pagdating pa lamang nila roon, sumabak na siya sa mga activities ng pageant.

 

 

Malayo raw kasi ang venue sa Eilat sa Jerusalem or Holy Land.  For sure, right after ng coronation ng Miss Universe, evening of December 12, mas gusto nilang bumalik agad sa Pilipinas dahil first time lamang nilang iniwanan ang mga anak nilang sina Zia at Sixto

 

 

Sa morning of Monday, December 13 naman mapapanood ang Miss Universe beauty pageant sa TV5, at sa A2Z channel.

 

 

***

 

 

GUSTO nang malaman ng mga fans ng bagong Kapuso leading man na si John Lloyd Cruz kung sino ang leading lady niya sa sitcom na Happy ToGetHer sa GMA Network.

 

 

Sa ipinakitang teaser ng GMA-7, sabi ni Lloydie ay first time daw niyang magpapakilala ng kanyang girlfriend sa kanyang family.  Pero natapos ang teaser na hindi niya ipinakita kung sino ang girlfriend na sinabi niya.

 

 

Napanood lamang sina Ms. Carmi Martin, Miles Ocampo, Ashley Rivera at Kapuso star Jenzel Angeles.

 

 

Sabi ay walang definite leading lady si Lloydie, at balitang dalawa nang Kapuso actresses ang kinu-consider ng show na i-guest every week, si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at si Jasmine Curtis-Smith. 

 

 

Si Rabiya ay kasama ni Sen. Bong Revilla sa ipapalabas na book two ng Agimat ng Agila, samantalang si Jasmine ay napapanood gabi-gabi sa The World Between Us, sa GMA-7, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

***

 

 

SAD ang mga fans nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa balitang totoo na raw break ang dalawa nilang idolo.

 

 

Pero may nagsasabi naman na friends pa rin sila, dahil nakita nila si Bianca sa birthday ni Ruru at sinamahan itong mag-entertain ng mga guests niya.

 

 

Magku-concentrate daw muna ang dalawa sa kani-kanilang career. Si Bianca ay naging regular na sa cast ng gag show na Bubble Gang every Friday at sa All-Out Sundays every Sunday.  Busy rin si Bianca sa shoot ng TV show niya for HBO.

 

 

Pero tingin naman ng mga closed friends nila, magkakabalikan din ang dalawa dahil wala namang nali-link sa kanila.

(NORA V. CALDERON)

Donaire all-set na sa laban sa kapwa Pinoy boxer na si Gaballo

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr sa pag-depensa ng kaniyang WBC-118 world title laban sa kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo.

 

 

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 11 sa Carson, California.

 

 

Ito ang unang pagsabak ni Donaire ngayong taon matapos na hindi matuloy ang laban sana nito kay Johnriel Casimero.

 

 

Nakuha ng the Filipino Flash ang WBC bantamweight belt ng patumbahin si Nordine Oubaali.

 

 

Mayroong record si Donaire na 41 panalo, anim na talo at 27 knockouts habang ang Polomolok South Cotabato native na si Gaballo ay mayroong record na 24 panalo, walang talo at 20 knockouts.

PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, pinaiiwas nila ang mga tao sa pagdaraos ng tradisyunal na pagtitipon tulad ng Christmas party sa family reunion, trabaho at mga kaibigan bilang pag-iingat sa nakakamatay na virus.

 

 

Gayunman, kung hindi ito maiiwasan ay puwedeng limitahan na lamang ang pagtitipon sa maliit na pamilya at mga kaibigan na bakunado na laban sa COVID-19.

 

 

Muling nagpaalala ang PNP chief sa publiko na sumunod sa health protocol.

Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis

Posted on: December 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida.

 

 

Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3.

 

 

Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon.

 

 

Maglalaro pa si Eala sa womens’ doubles kung saan makakasama naman nito si Solana Sierra ng Argentina.

 

 

Pasok ang dalawa sa susunod na round kung saan tinalo nila sina Krystal Blanch at Madeleine Jessup sa score na 6-2, 6-1 sa unang round.

 

 

Susunod na makakaharap ng dalawa sina Mirra Andreeva ng Russia at Katja Wiersholm ng USA.