• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2022 polls: Presidential debate ng COMELEC, isasagawa sa Marso 19

INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate.

 

 

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo.

 

 

Sinabi ni Jimenez na lahat ng mga kandidato ay nagkumpirma na sa kanila na dadalo sa naturang debate.

 

 

Nilinaw naman niya sa mga kandidato na hindi magpapadala ang COMELEC ng anumang advance questions para sa mga kandidato.

 

 

Hindi rin aniya papahintulutan ang mga kandidato na magdala ng anumang gamit kapag sila ay aakyat sa podium sa debate. (Daris Jose)

Other News
  • Nietes sa Disyembre ang pagbabalik lona

    INAASINTA ni four-division men’s world professional boxing champion Donnie Nietes na muling umakyat ng lona sa darating na DisyembrE o sa papasok na taon.   Panibagong umpisa uli ng karera para sa 38-taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental, dahil sa bagong mamamahala sa kanya na MTK Global at D4G Promotions.   Masaya […]

  • PBA balik na sa Pebrero 11

    KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum.     Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga.   […]

  • Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown

    Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.   Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang […]