• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 24th, 2022

Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan.

 

 

Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong porsiyento na lang ng adult Filipinos ang duda sa immunization, kumpara sa 18 percent noong September 2021.

 

 

Ayon sa SWS, ang survey na isinagawa mula December 12 hanggang 16, 2021, lumalabas na mula sa eight percent na ayaw magpabakuna, isa ang nagsabi na siya ay posibleng hindi magpapabakuna, habang ang pito porshento ay nagsabing “surely not.”

 

 

Ang vaccine hesitancy ay bumaba ng nine percentage points sa Visayas, mula sa 24 percent noong September 2021 sa 15 percent noong December; at seven percentage points sa Luzon, mula sa 15 percent noong September 2021 sa eight percent noong December.

 

 

Lumalabas din sa survey na ang Metro Manila ang may pinakamababang vaccine hesitancy drop, mula sa seven percent noong September 2021 sa four percent noong December.

 

 

“Senyales ito ng matagumpay nating pagtutulungan, tayong lahat—kayo na nasa media na nagbibigay ng tamang impormasyon, and then of course government making sure na nandyan yung supplies sa lahat ng regions at ginagawa po natin ang lahat ng hakbang para maging accessible po ang bakuna sa lahat ng areas dito sa ating bansa, and of course, ang taong bayan,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Binigyang diin ni Nograles ang kahalagahan ng pagtutulungan at kooperasyon ng lahat sa pagkumbinsi sa mga natitirang unvaccinated population na magpabakuna laban sa Covid -19.

 

 

Hinikayat ni Nograles ang publiko na kumbinsihin ang mga taong personal nilang kilala na hanggang ngayon ay nag-aalinlangan na magpabakuna na magpabakuna na laban sa COVID-19.

 

 

“Malinaw po na habang dumadami po ang nagpapabakuna at nakikita ng ating mga kababayan na mabisa at ligtas ang mga ito, anuman brand ito, bumababa po ang tinatawag na vaccine hesitancy,” ani Nograles.

 

 

Ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, “as of January 20, 2022,” mahigit sa 56.8 milyong indibiduwal ang fully vaccinated na ngayon at 65 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna.

 

 

May kabuuang 122,321,531 vaccine doses naman ang naiturok sa buong bansa “as of January 20, 2022,” kabilang na ang 5.87 milyong booster doses ang naiturok.

 

 

Samantala, sa kabila ng availability ng mga bakuna sa bansa, may malaking bilang pa rin ng mga indibiduwal ang nananatiling unvaccinated, dahilan para ang national government at ilang local government units ay magpatupad ng mobility restrictions sa hanay ng mga unvaccinated, gaya ng “No Vax, No Ride policy.”

 

 

Inulit naman ni Department of Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., resource person sa isinagawang press briefing, ang No Vax No Ride policy ay ipinatutupad lamang sa Kalakhang Maynila habang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Alert Level 3, o kung ang isang lugar ay nasa Alert Level 4 o 5.

 

 

Binigyang diin ni Usec. Tuazon na ang mga unvaccinated workers na papayagan na sumakay sa public transportation ay kailangan na kabahagi o kabilang sa mga industriya na pinapayagan na mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3

 

 

Kaugnay sa nasabing polisiya, binalaan naman ng Malakanyang ang publiko sa false information hinggil sa tinatawag na COVID-19 “Vaccination Exemption Cards,” na di umano’y maaaring gamitin ng mga unvaccinated para maging exempted mula sa “stay-at-home orders” at payagan ang mga ito na gumamit ng public transportation.

 

 

“Hindi po totoo. Wala pong ganun. No document like this is being issued by government. Kung may mga taong mag-aalok sa inyo ng ganitong card, agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sa inyong lugar at isuplong ang ganitong gawain. Pwede rin pong tumawag sa hotline 8888 para isumbong ang ipinagbabawal na gawaing ito. Maliban sa peke, hindi po ito nakakatulong sa ating laban kontra COVID-19,” diing pahayag ni Nograles.

 

 

Idagdag pa, sinabi ni Nograles na sa halip na maghanap ng COVID-19 “Vaccination Exemption Cards,” hinikayat ng gobyerno ang mga unvaccinated individuals na magpabakuna.

 

 

“Ito ang alok sa inyo ng inyong pamahalaan: libreng bakuna kontra COVID-19. Dito ka na sa totoo. Dito ka na sa ligtas, epektibo, at libreng bakuna—anuman ang brand ng mga ito,” ayon kay Nograles.

 

 

Samantala, para makatulong na matugunan ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa, hinikayat ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na maayos na magsuot ng face mask upang mabigyan ang magsusuot nito ng “maximum protection,” pumili ng face masks na makapagbibigay ng maximum filtration, tiyakin na ang face mask ay “properly fitted,” regular na palitan ang face mask at alamin ang tamang impormasyon sa pagsusuot ng face mask. (Daris Jose)

Sekyu kalaboso sa panghahablot ng cellphone

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang security guard matapos hablutin ang bag na may laman cellphone ng 18-anyos na binata sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ang naarstong suspek na si Reynaldo Catada, 45, security guard at residente ng Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday na nahaharap sa kasong Robbery Snatching.

 

 

Sa imbestigayon ng pulisya, habang nakatayo malapit sa kanilang bahay sa Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday ang biktimang si John Lei Espenida, 18, (pwd), dakong alas-11 ng gabi nang sapilitang agawin ng suspek ang kanyang bag na may laman cellphone na nasa P7,900 ang halaga.

 

 

Tinangkang manlaban ng biktima para mabawi ang kanyang bag subalit, hindi niya kinaya ang lakas ng suspek at nauntog sa pader na naging dahilan upang magkaroon siya ng minor injury sa braso.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek dala ang bag habang nireport naman ang insidente kay PSMS Roberto Santillan at Pat Dina ng Sub-Station 6 na nagsasagawa ng Oplan Gaulagad sa lugar, kasama ang Barangay Tanod ng Malanday.

 

 

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis sa pangunguna ni PSMS Santillan ay agad namang naaresto ang suspek at nabawi ang bag at cellphone ng biktima. (Richard Mesa)

Higit P5.1- M halaga ng ecstasy tablets nasabat ng PDEA sa QC; 2 babae arestado

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA mahigit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Quezon City nitong gabi ng Sabado.

 

 

Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang babaeng drug suspek.

 

 

Ikinasa ang operasyon matapos sabihan ng mga custom official mula China ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) tungkol sa package galing Netherlands na hinihinalang may laman na ilegal na droga.

 

 

Nang isailalim sa examination noong Enero 20, nakita ng mga awtoridad ang hinihinalang ecstasy sa package.

 

 

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueba ang dalawang babae na inaresto na sina Evelyn Sotto alias Jennica Abas at Genevie Abas na kapwa nakatira sa 66 Agno Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman umano ng 3,034 tablets ng MDMA (Ecstacy) na may street value na Php 5,157, 800.00. (Gene Adusara)

No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.

 

 

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, No Ride policy” na naglilimita sa paggamit ng public transportation para sa fully vaccinated individuals at iyong mga unvaccinated o partially vaccinated ay magkakaroon ng access sa essential goods at services.

 

 

Umapela si Nograles sa publiko na huwag i- entertain ang mga indibidwal na pagala-gala at nag-aalok ng COVID-19 vaccination exemption cards.

 

 

Ang nasabing cards ay sinasabing naglalayong i-exempt ang mga unvaccinated na manatili sa kanilang bahay at payagan ang mga ito na sumakay sa mga public transportation.”

 

 

“Hindi po totoo. Wala pong ganoon. No document like this is being issued by government,” aniya pa rin.

 

 

“Maliban sa peke, hindi po ito nakakatulong sa ating laban kontra COVID-19,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Kaya ang panawagan ni Nograles sa publiko ay kaagad na isumbong sa mga awtoridad ang kahit na sinumang indibidwal na mag-aalok ng card sa kanila.

 

 

“Agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sa inyong lugar at isuplong ang ganitong gawain. Pwede rin pong tumawag sa hotling 8888 para isumbong ang ipinagbabawal na gawaing ito,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa halip na maghintay o maghanap ng exemption card, hinikayat ni Nograles ang unvaccinated population na magpabakuna, tiniyak niya sa mga ito na ang lahat ng bakuna na ituturok ay ligtas.

 

 

“Ito ang alok sa inyo ng inyong pamahalaan: Libreng bakuna laban COVID-19,” diing pahayag ni Nograles.

 

 

“Dito ka na sa totoo. Dito ka na sa ligtas, epektibo, at libreng bakuna anuman ang brand ng mga ito,” dagdag na pahayag nito.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 13) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINUBAD ni Roden ang kuwintas na nakasuot kay Angela at pinalitan iyon ng bagong kuwintas na binili niya para rito. Siya mismo ang nagsuot sa leeg nito.

Unti-unting namang bumaba ang tingin ni Angela mula sa pagtanaw sa labas ng bintana hanggang sa nakalapag na kuwintas sa papag. Tila ba may nais itong ipaalala sa kanya. Kung ano ay hindi pa niya mahanap sa puso niya.

 

“Tingnan mo Angela, napakaganda, nagustuhan mo ba?” tuwang tanong ni Roden.

 

Hindi sumagot si Angela. Ang mga tingin niya’y napako sa kuwintas na inilapag lang ni Roden sa papag. Hindi iyon nagustuhan ng lalaki.

 

“Angela, ang mahal ng bili ko sa kuwintas na’to, kaya pwede ba pansinin mo naman!”

 

Lumipat ang tingin ni Angela sa mukha ng binata.

Ginagap ni Roden ang palad niya.

 

“Makinig kang mabuti Angela. Susubukan ko pa rin na lagi kang unawain. Pero sana naman huwag mong ubusin ang pasensya ko.” pagkasabi niyon ay pabagsak na binitawan ni Roden ang kamay ng babae at tinalikuran na ito.

 

Habang lumilipas ang mga araw ay patuloy namang nahuhulog ang loob ni Cecilia kay Bernard.

Sa guest room na ipinagamit sa kanya ni Lola Corazon. Humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang sarili.

 

“Cecille…huwag…huwag kang mahulog…pakiusap…hindi ikaw ‘yan…hindi ang tipo mo ang mahuhulog sa tipo niya…” paalala ng dalaga sa sarili.

 

Pero tila walang balak makinig sa mga paalala niya ang kanyang puso.

 

Nagpulbos siya, nagkilay at nagpahid ng konting lipstick saka inilugay ang nakapuyod na buhok na hindi niya dating ginagawa.

 

“Bernard, magugustuhan mo kaya ako kung sakaling hindi na siya magbalik sa buhay mo?” kausap ni Cecilia sa sarili sa harap ng salamin.

 

“Maganda ka naman pala Cecille, pero huwag kang masyadong umasa…sa pag-ibig na malabo pa sa tubig baha…”

 

Ilang saglit pang tinitigan ni Cecilia ang sarili sa harap ng salamin sa ganoon niyang ayos bago nagpasyang burahin ang mga kolereteng inilagay sa mukha.

 

“Hindi bagay sa’yo ‘yan. Huwag mo ng uulitin.” muli niyang paalala sa sarili.

 

“Cecilia!” narinig niyang tawag ni Lola Corazon kaya’t nagmamadali siyang lumabas ng silid.

 

Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit tila magnet na laging nais niyang mapadikit kay Bernard. Pero para naman itong estatwa na ni hindi niya makausap man lang. Kaya’t ganoon na lang ang pagkabigla niya nung araw na iyon nang magpatimpla sa kanya ng kape si Bernard. Dinala niya ito sa hardin kung saan namamahinga ang lalaki at sinabihan siyang maupo muna roon at samahan siyang magkape.

 

“Po?”

 

“Ang sabi ko maupo ka muna diyan.”

 

Marahang naupo ang dalaga sa katapat na upuan ni Bernard.

 

“Cecilia, matanong nga kita, nawalan ka na ba ng mahal sa buhay?”

 

“A-Ang mama ko, bata pa po ako nung mag-abroad na siya at madalang pa sa patak ng ulan ang komunikasyon namin. Si papa, may iba ng pamilya. Kaya silang dalawa, tinanggap ko ng wala na sa buhay ko.”

 

“Sorry to hear that. Pero, I mean, ‘yung tao na nakakapagpasaya sa puso mo, boyfriend, asawa?”

 

Umiling ang dalaga.

 

“Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend…”

 

“What? Well, I guess hindi mo maiintindihan ang mga pinagdaraanan ko ngayon.”

 

“Sir, kahit hindi ko po kayo maintindihan, handa po akong makinig…”

 

“I’m sorry. Hindi tama ito. Hindi tamang idamay pa kita sa nararamdaman ko. Sige na, iwan mo na’ko.”

 

Malungkot na tumayo si Cecilia at humakbang na palayo sa lalaki.

 

Lugmok pa rin sa kabiguan si Bernard. Hindi pa rin niya masumpungan ang kapayapaan sa puso hangga’t hindi niya natatagpuan ang kanyang mag-iina. Si Bela, si Angela at ang nasa sinapupunan nito.

 

Isang gabi. Mula sa trabaho ay muli siyang nagpakalunod sa alak sa loob ng isang bar.

Habang minamaneho niya pauwi ang kotseng pansamantalang ipinagamit sa kanya ng kumpanya, dala ng kalasingan ay hindi niya napansin ang isang papatawid na matanda.

 

SKREEETCH!

 

“Shit!”

 

Huli na para maiwasan ito. Dahil sa nangyari ay nawala ang kalasingan ni Bernard. Agad niyang sinaklolohan ang matanda at dinala sa pinakamalapit na ospital.

 

Mabuti na lamang at hindi niya ito napuruhan. Matapos tingnan ng doktor ay nilapitan niya ito para kausapin.

 

“Kumusta na ho ang pakiramdam nyo?”

 

“Hijo, salamat…salamat at nadala mo ako agad sa ospital.”

 

“Hindi ho kayo dapat magpasalamat. Nasagasaan ko po kayo. Pero huwag kayong mag-alala, akong bahala sa lahat ng gastos nyo rito.”

 

“Teka, sino ho bang kamag-anak nyo ang pwede kong kontakin?” tanong ni Bernard.

 

“Ah, eh…wala eh…wala akong kasama sa bahay ngayon…”

 

“Gano’n po ba? E sige po uuwi muna ko. Babalikan ko na lang kayo bukas after ng work ko. Patawagan nyo na lang po ako sa number na iniwan ko sa nurse  just in case na kailangan nyo akong kontakin.”

 

Tumango ang matanda. Palabas na ng silid si Bernard nang muli niya itong tawagin.

 

“B-Bernard…”

 

Lumingon si Bernard.

 

“Kilala nyo po ako?”

 

Marahang tumango ang matanda.

 

“Ako ang ama ni Roden…”

 

“Si Roden?…Yung dating ka-officemate at kaibigan ko?”

 

“Oo, siya nga.”

 

(ITUTULOY)

Mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway noong 2021 umabot na sa mahigit 47 million – DOTr

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 47,104,197 ang bilang ng mga pasaherong naitala na sumasakay noong taong 2021 sa EDSA Busway na mas kilala rin bilang EDSA Carousel.

 

 

Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa mahigit 2 million na mga commuter ang kanilang naitatala sa unang tatlong buwan ng taong 2021.

 

 

Noong isinailalim kasi sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila ay nakapagtala pa rin ang kagawaran ng dalawang milyong mga pasahero noong buwan ng Enero, 2.3 million noong buwan ng Marso, habang 1.6 million naman ang naitala noong buwan ng Abril, at muli naman itong tumaas nang sumapit an buwan ng Mayo kung saan ay umabot sa 2.6 million ang bilang ng mga commuters na kanilang naitala.

 

 

Samantala, sa pagtatapos naman ng unang phase ng Service Contracting Program noong June 30, 2021 ay nakapagtala naman ng kabuuang 4.6 million na bilang ng mga pasahero ang sumasakay EDSA Busway.

 

 

Habang pumalo naman sa 3.6 million at 2.2 million ang bilang ng mga pasaherong naiulat na sumasakay dito noong buwan ng Hulyo at Agosto noong nakaraang taon.

 

 

Nasa 3.8 million na mga mananakay naman ang kanilang naitala sa pagpapatuloy ng naturang programa noong buwan ng Setyembre.

 

 

Dumoble naman ang bilang ng mga pasahero ng busway na naitala sa mga natitira pang mga buwan ng taong 2021, kung saan ay nasa 6.4 million ang naiulat noong Oktubre, 7.4 million noong buwan ng Nobyembre, at nasa 7.6 million naman noong buwan ng Disyembre na may pinakamaraming bilang na naitala noong nakaraang taon.

 

 

Ang EDSA Busway o EDSA Carousel ay isang bus lane service na isang collaborative project ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) na layon na tumulong na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapaikli sa oras ng byahe ng mga pasahero upang mabawasan na ma-exposed ang mga ito sa nasabing nakakamatay na virus.

Daily attack rate ng COVID-19 sa NCR, bumaba na – OCTA

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA  sa 93.82 percent ang  average daily attack rate (ADAR)  ng  COVID-19 sa National Ca­pital Region (NCR).

 

 

Gayunman, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Reserch Team na  bagama’t bumaba ang ADAR ay  nananatili pa ring nasa severe level ang NCR sa ngayon.

 

 

Ito ay indikasyon anya na ang NCR ay may  ‘high’ reproduction number na 1.38.

 

 

Ang ADAR ng NCR  na  93.82% nitong nagdaang Biyernes ay mas mababa sa datos ng  ADAR ng rehiyon noong Miyerkules.

JOLLIBEE BINONDO, NILOOBAN

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILOOBAN  ng hindi nakilalang salarin ang isang sangay ng fast food chain sa Binondo, Maynila kamakalawa ng kagabi.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 11, alas 11:30 ng gabi ng pasukin ng suspek ang Jollibbee fastfood chain sa Quintin Paredes St., Binondo, Maynila.

 

 

Nakasuot ang suspek ng facemask, short, T-shirt ,may katamtamang pangangatawan at may taas na 5’4.

 

 

Sa imbestigasyon, natuklasan ang panloloob sa Jollibbee kaninang umaga lamang ganap na alas 7  nang pumasok ang store manager na si Hasnah Ali.

 

 

Agad umanong napansin ni Ali na bukas na ang kanilang opisina at nang silipin ang kuha ng CCTV sa loob ng establisyimento, nakita ang suspek na sapilitang binuksan ang fire-exit Kung saan siya pumasok.

 

 

Agad na nagtungo sa opisina at pwersahan din itong binuksan at naghanap ng maaring makukulimbat pero iniwan ang cash vault ng buo saka umalis.

 

 

Gayunman, nang magsagawa ng inventory ang general manager at store manager, nadiskubre na may limang coin bags ang nawawala.

 

 

Tinatayang aabot sa P37,500 ang nawawalang pera o kinita ng tindahan.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at follow up operation para sa ikadarakip ng suspek. GENE ADSUARA

PSC hahanap ng dagdag na pondo para sa paglahok ng Team Philippines sa Vietnam SEAG

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGHAHANAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng karagdagang pondo para sa national delegation na isasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

 

 

Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Team Phi­lippines Chef De Mission Ramon Fernandez sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala na hihingi sila ng tulong kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

“We’ll see where we can source out the others (funds) with the help of Cong. Bambol,” ani Fernandez. “Maybe hopefully we can request for contingent or more funds from DBM (Department of Budget and Management) as we will be able to compute how much it will cost.”

 

 

Mula sa dating P200 milyon ay P71 milyon na lang ang natira sa pondo ng PSC para sa national delegation na ilalahok sa Hanoi SEA Games.

 

 

Nabigyan ang sports agency ng Kongreso ng dagdag na P50 milyon.

 

 

Dahil sa kakapusan ng pondo ay napilitan ang POC na bawasan sa 584 ang bilang ng mga national athletes na isasalang sa b­iennial event na nakatakda sa Mayo 12-25.

 

 

May 80 pang atletang hindi naisama sa 584 at posibleng gamitin ang ‘have money, will travel’ policy ng POC para makasali sa Hanoi SEA Games.

 

 

Idedepensa ng Team PHL ang overall cham­pionship na nakamit noong 2019 Manila SEAG.

Ex-Pope Benedict XVI itinangging pinabayaan ang mga child-abuse case na kinasangkutan ng mga pari nito sa Germany

Posted on: January 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA umanong ginawang hakbang si dating Pope Benedict XVI sa apat na kaso ng child abuse na kinasangkutang ng pari noong ito ay nakatalaga bilang arsobispo ng Munich, Germany.

 

 

Sa lumabas na ulat ng German law firm na Westpfahl Spilker Wastl na commissioned ng Simbahang Katolika Dalawa sa nasabing kaso ay naganap noong nanunungkulan pa si Pope Benedict o Josef Ratzinger.

 

 

Naging arsobispo kasi si Ratzinger sa Munich mula 1977 hanggang 1982.

 

 

Sinab ni Atty. Martin Pusch na nabigyan na ang dating Santo Papa ng kopya ng kanilang pagsisiyasat.

 

 

Itinanggi rin ni Pope Benedict na wala siyang ginawang anumang hakbang sa reklamo ng child abuse na kinasasangkutan ng kaniyang mga pari.

 

 

Tiniyak naman ng Vatican na kanilang pag-aaralang mabuti ang detalye ng ulat kapag ito ay tuluyan ng nailathala.

 

 

Magugunitang nagbitiw si Ratzinger bilang Santo Papa noong 2013 dahil umano sa kapaguran.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa Vatican ang 94-anyos na si Ratzinger bilang pope emeritus.