• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 2nd, 2022

Quezon City University libre tuition fee

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  na magiging problema ang tuition fee ng mga graduating sa senior high school at papasok sa kolehiyo dahil libre ang tuition fee sa Quezon City University (QCU).

 

 

Ayon kay Theresita V. Atienza, Pangulo ng QCU, dapat na samantalahin ang libreng college education na ino-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod matapos na isinama ng Commission on Higher Education (CHED) ang unibersidad at mabigyan ng ‘Institutional Recognition’ noong nakaraang taon, para makapagbigay ng libreng ‘college education’ gaya ng iba pang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

 

 

Ang programang ito ng CHED ay hango at bunga ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education Act, o UniFAST, isang komprehensibong batas na Republic Act 106871, na naglalaan ng pondo at mekanismo upang makapagbigay ng libreng college education sa mga kabataang nagnanais magkolehiyo ngunit walang sapat na kakayahang tustusan ang kanilang pag-aaral, partikular na ang mga kapus-palad

 

 

Sa ngayon 10,425 college students na ang nakapag-enroll sa ilalim ng nasabing programa ng CHED para sa academic year na 2021-2022, at kumukuha ng iba’t ibang kurso gaya ng Bachelor of Science in Entrepreneurship, Information Technology, Electronics Engineering at Accountancy.

 

 

Bukod kasi sa libreng tuition fee, nagbibigay din ang QCU ng mga “top of the line’ laptop, ayon kay Atienza. May kasama pa itong ‘pocket Wi-fi’ para sa bawat estudyante.

 

 

Ang mga “gadgets” ani Atienza ay galing sa inisiyatiba ni Mayor Joy Belmonte na siya ring nagpursige upang mapapayag ang CHED na maisama ang QCU sa programa nitong UniFAST. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Kai Sotto pinagbidahan ang Adelaide 36ers

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagpasiklab si Kai Sotto upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 88-83 overtime win laban sa Melbourne United sa 2021-2022 Australia National Basketball League (NBL) kahapon sa Adelaide Entertainment Center.

 

 

Naging instrumento ang 7-foot-3 Pinoy cager para makuha ng 36ers ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang para saluhan sa No. 6 spot ang Sydney na may katulad na 4-6 baraha.

 

 

Lumasap naman ang Melbourne ng ikatlong kabiguan subalit sapat pa rin ang rekord nitong 8-3 para okupahan ang unang puwesto.

 

 

Kumana ang 19-anyos na si Sotto ng 12 puntos kabilang ang krusyal na jumper sa huling 34 segundo ng laro. Humatak din si Sotto ng apat na rebounds at isang assists sa 21 minutong paglalaro.

 

 

Dikdikan ang laban sa extra period kung saan nagtala ang Adelaide ng 86-83 kalamangan.

 

 

Subalit isinalpak ni Sotto ang huling basket ng Adelaide may 34.6 segundo na lamang ang nalalabi para tuluyang makuha ng kanilang tropa ang panalo.

 

 

Nanguna para sa Adelaide si Dusty Hannah na nagtala ng 19 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists habang naglista si Cameron Bairstow ng double-double na 16 markers at 12 boards.

 

 

May sariling double-double output na 12 points at 14 boards si Daniel Johnson para sa 36ers.

 

 

Nasayang naman ang pinagsikapan na 23 points at 12 rebounds ni Jo Lual-Acuil para sa Melbourne. Sunod na hahataw ang Adelaide laban sa Brisbane sa Pebrero 3.

DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million ang nakakumpleto na ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Cabotaje, kung umabot na ngayong Enero sa halos 60M ang fully vaccinated, nangangahulugan ito na sampung milyon na lamang ang kailangang makuha para sa vaccination.

 

 

Subalit, isa aniyang magandang development kung sakaling makamit na sa darating na buwan ng Pebrero ang target na 70M fully vaccinated individuals.

 

 

Dahil mas maagang maaabot ng gobyerno ang panibagong milestone pagdating sa vaccination program nito.

 

 

Gayunman, batid ani Cabotaje ng lahat na marami sa mga health care workers ng bansa ang nagkasakit, naka-quarantine o naka- isolate kaya’t bahagyang bumagal ang pagbabakuna ng pamahalaan.

 

 

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpatupad sila ng ibang mga istratehiya gaya na lamang ng pagbubukas ng mga pharmacies at mga piling private clinics para tumulong sa vaccination effort ng mga local government units o LGUs. (Daris Jose)

Matapos mag-rant sa kinalabasan ng interview kay VP LENI: RITA, hinangaan ng netizens sa pagri-reach out kay BOY

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

 

NAG-REACH out na si Rita Avila kay Boy Abunda after niyang mag-rant dahil hindi nagustuhan ang kinalabas ng interview ni King of Talk kay Vice-President Leni Robredo noong January 26.

 

 

Marami talaga ang nakapansin sa pag-i-interrupt at follow-up questions ni Kuya Boy kay VP Leni kaya hindi maibigay ang kanyang pinupunto dahil nauubusan na ng oras.

 

 

At dahil nga nagkausap na ang dalawa, nagkasundo sila na irerespeto kanilang mga paniniwala.

 

 

Post ni Rita, “For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often.

 

 

“We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues.”

 

 

Dagdag pa ng aktres, “of decency, I reached out to him and he called to return the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world.”

 

 

Sa Facebook post naman ni Rita, sinabi niya na walang nakikitang masama si Kuya Boy sa mga naging pahayag niya.

 

 

“Boy didn’t see anything wrong with my public opinion, you are free to think of what you want but what matters to me is Boy.

 

 

“I felt free to voice out in public because I have my own honest opinion about something I have witnessed. D lang ako ang nakakita at nakaramdam.

 

 

“I felt free to voice out because I know Boy will accept my honesty. I felt free to voice out because it was also the voice of many.”

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

 

“Kung hindi sya nag-reach out sa tingin nya kawalan sya? Daming friends nyan si Boy.”

 

 

“Hindi yan sa padamihan ng kaibigan gurl. respeto yan! na yong magkakaibigan minsan nagkakaroon ng ibang idea, ng ibang gusto, pero at the end of the day magkaibigan pa rin kayo.”

 

 

“It’s good that she reached out. I admire her bravery, this lady has principles. Minsan talaga, may oras na mas matimbang ang paninindigan mo kaysa sa pagkakaibigan. Not her fault. Basta panatilihin pa rin ang respeto okay lang naman.”

 

 

“Pwede naman talaga imaintain ang friendships across the fence. Sometimes we lose a bit of respect, a bit of trust, pero ultimately tayo tayo ang magkakasama sa buhay, hindi mga politiko, kahit gaano natin sila iadmire.

 

 

“I am a supporter of vp leni and I have family and friends who are supporters of lacson, isko, pacquaio and ping. Pero meron din akong friend na makamarcos na inunfriend ako at di na nagrereply sa gc. This is the beauty of democracy, people living with people with different beliefs.”

 

 

“For sure may bahid na ang kanilang friendship. andami talagang nasisira na pagkakaibigan dahil sa pulitika.”

 

 

“Kasi naman nagpo-post agad eh pde naman pala mag-reach out personally. padalos-dalos din eh.”

 

 

“Mag-isip muna bago magbitaw ng masasakit na salita. Hindi mo na kasi mababawi ito.”

 

 

“Walang dapat pagsisihan si ms rita! tama naman yong rant nya. but despite the differences she reach out to make sure the friendship is still there, no matter what political affiliation they have.”

 

 

“Wag kasing papadala sa bugso ng damdamin. She should’ve called Boy instead of posting her disappointment online.”

 

 

“True. Sa dami ba naman na gustong sumawsaw. It could have been a private matter since “friends” naman sila.”

 

 

“Pabida lang kasi si RA. Why not call BA in private para sabihin kung ano man ang gusto nyang sabihin? Mag-isip na lang sya ng mga bagay na pwede nyang gawing pink. Huwag sobrang oa sa pulitika ‘no.”

 

 

“Ok naman interviews ni Boy. Sadya lang nasaktan si Rita kasi di nila nakuha ang results na gusto nila para sa kandidato nila.”

 

 

“Not just that. I’m not biased, napanood ko. Masyadong naging maraming interruptions si Boy instead of listening first what Leni has to say. Sayang yung oras.”

 

 

“He is no good. He talks too much about his opinion. He is the interviewer. He needs to ask questions and listen for the answers and do a follow up questions if necessary. Gets mo.”

 

 

“Rita has balls!”

 

 

“I get Rita. Yung nga lang, posting it in socmed for me was not necessary. Pero agree ako sa sinabi nya.”

 

 

“Kung wala sigurong time limit in each question, I won’t mind BA giving follow up questions as many as he like. It didn’t feel na paliguy-ligoy si Leni. She just have detailed answers which gave more room for BA to give follow up questions. Leni has so much to say kaya lang napuputol yung thought nya when Boy interrupts her.”

(ROHN ROMULO)

Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.

 

 

Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong 20 mga pangalan sa mens’ at womens’ volleyball ang inilabas na nila na sasabak sa SEA Games bukod pa sa 16 sa beach volleyball.

 

 

Dagdag pa nito na inirekomenda ng mga coaching staff ang pagdagdag ng mga manlalaro dahil may ilang collegiate players ang hindi available sa training period at sa torneo na magsisimula sa Mayo 12 hanggang 23.

Dahil hindi pa makalibot sa buong bansa: HERBERT, nakiuso na rin sa pagkakaroon ng sariling YouTube channel

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JOIN na rin si Senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista sa uso and that is having his own You Tube channel.

 

 

Maganda ang ginawang ito ng former Quezon City Mayor dahil mas maraming pwedeng na siyang ma-reach na voters via his YouTube Official Channel, lalo na at palapit na ang campaign period.

 

 

Hindi man siya masyadong makalibot ng buong Pilipinas kung sakaling maghigpit muli ang alert levels in case mayroon na naman surge sa Covid-19 cases, pwedeng puntahan ng mga botante ang You Tube Channel ni Bistek to get updates about his activities as well as the batas na pwede niyang isulong in case he makes it to the Senate.

 

 

Compared naman sa ibang senatorial wannabees, mas may K (Karapatan) naman maging senador si Bistek dahil sa kanyang impressive record as a public servant.

 

 

***

 

 

EXCITED si John Gabriel dahil kasali siya sa First Lady, ang Book 2 ng First Yaya.

 

 

Ito ang unang TV show ni John sa GMA 7 kaya very happy ang newcomer. Ang show rin ang dahilan kung bakit nagpagupit ng buhok si John kasi he is playing the role of Gabby Concepcion’s PSG.

 

 

Kinabahan nga raw si John nang malaman na magiging part siya ng isang TV series sa GMA. That time ay hindi pa niya na kasali siya sa First Lady.

 

 

“Kinakabahan ako kasi I will be working with a veteran actor tulad ni Gabby Concepcion who is a superstar,” wika ng baguhang alaga ni Daddie Wowie.

 

 

Napapanood lang niya si Gabby noong bata pa siya pero this time ay kasama na niya ito sa isang TV series at maganda pa ang role niya.

 

 

First time din niya na makakasama si Sanya Lopez sa show kaya lalong doble ang excitement ni John.

 

 

Nasa lock-in taping na si John at excited siya na makaharap sina Gabby at Sanya dahil first niyang mami-meet ang mga ito sa location nila.

 

 

***

 

 

SABI ni Ayanna Misola, mas malamang daw na she will fall in love with a guy na mas matanda sa kanya.

 

 

Ito kasi ang tema ng launching film niya na Kinsenas, Katapusan.

 

 

“I find older guys responsible and mature,” wika ng bagong sexy star ng Viva.

 

 

Pag bata raw kasi ay medyo immature at hindi pa responsible. Pero kung may makilala raw siyang young man na mature at responsible, pwede rin naman daw siyang ma-in love dito.

 

 

Agresibong babae ang role ni Ayanna sa Kinsenas, Katapusan pero hindi naman daw siya ganito in real life.

 

 

Kahit na sexy ang role ni Ayanna, may tiwala naman siya kay Direk GB Sampedro na the sexy scenes will be handled well.

 

 

Si Joko Diaz leading man ni Ayanna sa isang sexy-psycho-thriller na ipalalabas via streaming sa Vivamax on February 4.

 

 

Kasama rin sa cast ng Kinsenas, Katapusan sina Kier Legaspi, Janelle Tee, Angela Morena at Jamilla Obispo.

(RICKY CALDERON)

Ads February 2, 2022

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PNP iniimbestigahan na ang umano’y ‘death threat’ kay former senator Bong Bong Marcos

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y natanggap na death threat ni Presidential aspirant Bong Bong Marcos.

 

 

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.

 

 

Humingi kasi ng tulong mula sa PNP ang kampo ng dating senador hinggil sa umano’y death threat sa kaniya.

 

 

Ayon kay Gen. Carlos, may tinanggap siyang text message mula sa isang Liaison sa kampo ni Marcos hinggil sa nasabing impormasyon.

 

 

Agad nila itong isasailalim sa validation kung may katotohanan.

 

 

Bahagi umano ito ng kanilang naisin na lahat ng mga kandidato sa May, 2022 election ay protektado.

 

 

Una nito ay nabulgar ang umano’y death threat kay dating senador Marcos na nabuking umano ng kanyang mga supporters sa pamamagitan ng Social Media Platform na TIKTOK.

 

 

Sinabi ni Carlos na nais nilang magkaroon ng payapayang halalan sa Mayo kaya’t sino mang aniyang pulitiko ang nakakatanggap ng banta sa buhay ay kailangang tulungan.

 

 

Binigyang-diin pa ni PNP Chief na nananatiling apolitical ang PNP ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho.

 

 

Bukod sa PNP, nag iimbestiga na din ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI). (Gene Adsuara)

DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw.

 

 

Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing.

 

 

Subalit, ayon kay Vergeire, dapat paring tandaan ng lahat na hindi lamang mass gatherings ang dahilan ng pagtaas ng kaso kundi pati narin ang galaw o mobility ng mga tao.

 

 

Kahit hindi kasi aniya magkaroon ng mga pagtitipon pero kung hindi naman nasunod ang mga health protocols sa paglabas ng bahay, malaki parin ang tsansang makapitan ng virus o ng Omicron variant na mabilis makapanghawa.

 

 

Kaya ang payo ng health official, patuloy na isaalang alang ang pagtalima sa mga components ng minimum public health standards para tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso na unang namataan sa NCR.

 

 

Habang sa mga unvaccinated naman aniya, tiyakin na makakapagpaturok ng ng bakuna para masiguro ang proteksyon at kaligtasan laban sa virus.

Ramirez maayos na iiwan ang PSC

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA HUNYO ay magtatapos ang termino ni William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa kanyang apat na Commissioners.

 

 

Kaya naman nagpaalam na siya kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin pati na sa Philippine Olympic Committee (POC), mga sports associations at mga national athletes. “I’ve been 15 years and I take that spirit that both sacrifices and successes I have and I take pride,” ani Ramirez. “That’s why I said there is a song that goes like it’s really time to go, it’s really time to go.”

 

 

Si Ramirez lamang ang tanging PSC chairman na dalawang beses nagsilbi sa sports agency.

 

 

Sa pamumuno ng dating men’s basketball team head coach at Athletic Director ng Ateneo de Davao University ay dalawang beses naghari ang Team Philippines sa Southeast Asian Games noong 2005 at 2019.

 

 

At sa kanyang liderato ay nakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal sa pamamagitan ni national weightlifter Hidilyn Diaz. “Beautiful to win medals, gold, silver and bronze, but there is no exchange of values, character, that is the fire brand of humanity to make this country strong. And it’s important that our youth will see that among the national elite athletes and our leaders.”