• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 4th, 2022

FINN WOLFHARD, NO STRANGER TO “GHOSTBUSTERS,” RELISHES “AFTERLIFE” ROLE

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FINN Wolfhard who is best known for his starring role as Mike Wheeler in the critically acclaimed Netflix Original Series Stranger Things and as Richie Tozier in the blockbuster horror feature IT, now stars in Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, openingexclusively in Philippine cinemas on February 16.

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/vstFiU4r-Cc]

 

Directed by Jason Reitman (Juno, Up in the Air) and produced by Ivan Reitman,Ghostbusters: Afterlifeis the next chapter in the original Ghostbusters universe.  In the film, when a single mom and her two kids arrive in a small town, they begin to discover their connection to the original ghostbusters and the secret legacy their grandfather left behind. The film is written by Gil Kenan & Jason Reitman.

 

Wolfhard joins Carrie Coon, Mckenna Grace and Paul Rudd in the lead cast.

 

“My daughter was thrilled when we cast Finn,” Jason says. “He captures a generation in the way he talks, the way he looks. He has an incredible vulnerability for being a teenage boy, and that is a very unusual characteristic. He also happens to be as obsessed with the nuts and bolts of filmmaking as any young man his age.”

 

Wolfhard says he’s been a Ghostbusters fan since a very young age. “I think they’re timeless movies, because they are characters that everyone can relate to, and they’re such iconic performances so they’re hard to forget,” he explains. “My parents showed me those movies at a really young age, so I was lucky. But, then again, I don’t know a kid that’s my age that doesn’t know what Ghostbusters is. It’s iconic.”

 

Wolfhard says that his character, Trevor, is “a normal, awkward teenager. He’s a city kid from Chicago who gets evicted and ends up in the middle of nowhere – Summerville, Oklahoma. He’s shell-shocked, there’s no cell service, he’s annoyed about everything – until he finds a girl he falls for, and it all becomes worth it to him.”

 

Trevor, who is still too young to drive but is obsessed with cars, is the one to discover the iconic but long-abandoned Ecto-1 covered under a sheet in the barn. At first, he is the only one who knows it exists and begins to tinker with it to bring it back to life.

 

Though he didn’t get to physically drive the car, Wolfhard says it was an honor to interact with the iconic machine. “In one sequence, Trevor is in the Ecto-1 ripping through this giant wheat field,” he says. “He loses control and flies off and hits the road.”

Ghostbusters: Afterlifeis distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Ghostbusters

 

(ROHN ROMULO)

DOTr: Subway Project 26% complete

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027.

 

 

 

“The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the completion of the subway,” wika ni DOTr assistant secretary Goddes Hope Libiran.

 

 

 

Samantala, ang detailed designs ay may 60 percent ng kumpleto habang ang replication at improvement ng mga facilities sa Veterans Memorial Golf Club kung saan itatayo ang MMSP’s North Avenue na estasyon, ay may 45 percent ng kumpleto.

 

 

 

Dapat sana ang target completion ng kauna-unahang underground train system ay sa taong 2027 subalit naantala dahil sa mga iba’t ibang issues.

 

 

 

Ang P357 billion na Metro Manila Subway project ay binubuo ng 36 kilometers na may 17 estasyon na dadaan sa pitong (7) local government units (LGUs) at babagtas sa Metro Manila’s business districts. Ito ang siyang isa sa pinakamaking proyekto sa programa ng pamahalaan sa ilalim ng Build, Build, Build.

 

 

 

Magsisimula ang station sa Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay City at FTI sa Taguig. Inaasahang magkakaron ng full operation sa darating na 2027.

 

 

 

Ang pondo sa pagtatayo ng MMSP ay mula sa isang loan na binigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

 

Ang unang 7-kilometer ng MMSP na siyang magdudugtong sa Philippine National Institute, East Valenzuela Station at train depot sa Valenzuela ay magiging operational ngayon 2022. Nakabili na rin ng 240 train cars na gagamitin sa partial na operasyon ng MMSP.

 

 

 

Sa initial na operasyon ng MMSP, ito ay inaasahang makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa 17 estasyon nito na siyang magdudugtong sa mga lungsod ng Pasig, Makati, Taguig, Paranaque at Quezon.

 

 

 

Kapag operasyonal na ang MMSP, ang travel time ay mababawasan at mula sa dating isang (1) oras, ito ay magiging 35 minuto na lamang mula sa lungsod ng Quezon papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.

 

 

 

Ayon rin sa DOTr, ito ay idudugtong rin sa North-South Commuter Railway Project (NSCRP) na isang148 kilometrong railway line mula Clark sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

 

 

 

Noong nakaraang February 2019 ay nagkaron ng groundbreaking ceremony para sa subway project at nilagdaan rin ang design at contract ng unang tatlong (3) stations sa pangunguna ng joint venture na Shimizu Corp., Fujita Corp., Takenaka Civil Engineering Co. Ltd., at EEI Group.

 

 

 

Ang joint venture ay silang mamahala sa design at construction ng subway’s partial operability section na binubuo ng unang tatlong (3) underground stations ng Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue; tunnel structures; Valenzuela depot at building; at facilities para sa Philippine Railway Institute. LASACMAR

RIDING-IN-TANDEM KALABOSO SA SHABU

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KULUNGAN  ang bagsak ng dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina John Lester Lato, 19 at Vince Russell Fule, 20, kapwa ng San Jose Delmonte, Bulacan.

 

 

Base sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-5:30 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Tamaraw Hills, Brgy., Marulas, ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Tessie Lleva nang parahin nila ang mga suspek dahil kapwa walang suot na helmet habang magkaangkas sa isang motorsiklo.

 

 

Sa halip na sumunod, pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo na naging dahilan upang habulin sila nina PCpl Reymon Evangelista at Pat John Noe Martirez hanggang sa maaresto kung saan napag-alaman na walang driver license si lato.

 

 

Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga, isang weighing scale at itim na motorsiklo na may susi.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience), RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009) habang dagdag na ksaong paglabag sa Sec. 19 of RA 4136 (Failure to Carry Drivers License) ang kakarapin ni Lato. (Richard Mesa)

SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras. 

 

 

Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila at gumaling na.  Nagtaka raw lamang sila ni Carlo kung kanino nahawa dahil hindi naman sila madalas lumabas ng bahay.

 

 

Kuwento pa ni Luane, naka-isolate sila sa kani-kanilang room at dinadalhan lamang sila ng pagkain na nakalagay na sa disposable  na lalagyan para pagkatapos nilang kumain, diretso na sa trash bin ang mga ginamit nila.

 

 

Dagdag pa ni Luane parang nakatanggap siya ng special gift noong January 25, dahil birthday niya, na gumaling na siya at nakalabas na sa room kung saan siya naka-isolate at nakasama ang kanyang mag-ama.

 

 

***

 

 

“ONE take actress” ang tawag ni Sunshine Cruz kay Barbie Forteza na first time lamang niyang nakasama sa GMA Telebabad, ang primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune, a co-production venture ng GMA at Regal Entertainment.

 

 

Inamin ni Sunshine na matagal-tagal na rin siya sa showbiz, pero kinakabahan pa rin siya, lalo na kung nakakaeksena niya ang mga veteran actresses na tulad nina Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, Almira Muhlach at Maricel Laxa. 

 

 

“Kaya during takes, I always give my best effort in everything that I do,” saad ni Sunshine sa isang interview.

 

 

“At napahanga rin ako nang makasama ko rito si Barbie Forteza, na kinilala nang Best Actress in the 2016 Fantasporto International Film Festival held in Portugal. Dito sa serye namin, she is Steffi Dy, perfect sa kanya ang role bilang trusted kong secretary, ang galling niya kahit puro monologues, ha, I am really impressed sa kanya.”

 

 

Kaya nagpasalamat si Sunshine, sa isang virtual conference para sa serye, dahil nakasama niya rito ang mga veterans at young co-stars na pawang mga mahuhusay din.

 

 

Inamin niyang ang dami pa pala niyang kailangan i-improve when it comes to acting, na bawat eksenang gawin niya ay isang learning process para sa kanya, kaya lagi niyang pinagbubutihan ang acting niya sa bawat project na gawin niya.

 

 

Ang Mano Po Legacy: The Family Fortune ay napapanood gabi-gabi at 9:35 PM.  Pero ibinalita na ni Sunshine na simula sa Monday, February 7, malilipat sila sa mas maagang time slot, 8:50PM, bilang Chinese New Year treat para sa mga avid viewers nila.    Papalitan nila ang iiwanang timeslot ng I Can See You: AlterNate na magtatapos na ngayong gabi, February 4.

 

 

Ang serye ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes in a dual role, with Beauty Gonzalez, Jackie Lou Blanco, actor-director Ricky Davao, with the special participation of Kapuso actor Dion Ignacio, na stand-in actor ni Dingdong as Nate and Michael.

 

 

***

 

 

NASA bubble taping pa si Kapuso actor Mark Herras at ang buong cast ng bagong GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247, kaya na-miss niya ang first birthday celebration ni Corky, ang panganay nila ng wife niyang si Kapuso actress Nicole Donesa. 

 

 

Kaya si Mark, nag-post na lamang sa kanyang Instagram ng pagbati sa anak: “Sorry wala si Daddy, nasa work, pero alam mo naman na para ito sa inyo ng mammeeh mo.  Syempre nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil dumating ka sa amin! We love you so much Corky, wala na kaming pwedeng hilingin pa! Love you ‘nak!!”

 

 

Siguradong babawi na lamang si Mark sa anak kapag nakalabas na sila sa bubble taping ng serye na nagtatampok din kina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Kris Bernal.

 

 

Malapit na ring mapanood ang Artikulo 247 sa GMA-7 this February.

(NORA CALDERON)

NTF, kumbinsido na maitatama ang US CDC advisory ukol sa pagbiyahe sa Pinas

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na ang kamakailan lamang na advisory mula sa US Centers for Disease Control and Prevention na nagpalabas ng babala laban sa pagbiyahe sa bansa ay maitatama sa oras na ang ahensiya ay makatanggap ng pinakabagong COVID-19 data ng Pilipinas.

 

 

“I’m sure maco-correct nila ‘yan as soon as they get the new data… I’m sure ang binasehan nila diyan ay lumang data natin,”  ayon kay Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing, araw ng Miyerkules.

 

 

Ani Herbosa, tila hindi aware ang US CDC na ang bansa ay nakapagtala ng 9,000 cases, araw ng Martes at ang alert level at risk classification, ay bumaba na sa National Capital Region.

 

 

Sinabi ng US CDC na ang Pilipinas ay kasama sa listahan ng mahigit 100 bansa sa ilalim ng “Level 4: COVID-19 Very High” category, na ang ibig sabihin ay mayroong mahigit sa 500 cases kada 100,000 residente sa nakalipas na 28 araw. (Daris Jose)

PDu30, bumisita sa Cardinal Santos Medical Center

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang na bumisita si Pangulong   Rodrigo Roa Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa  San Juan para lamang sa kanyang  routine medical check-up.

 

 

Hindi naman malinaw kung may kinalaman ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing ospital matapos na ma- exposed siya  kamakailan lamang  sa kanyang  household staff na nagpositibo  sa COVID-19.

 

 

Kaagad namang ginawan ng  COVID-19 test ang Pangulo.

 

 

Sa kabila ng nag-negatibo ang  resulta ng Covid 19 test ng Pangulo ay kasalukuyan pa rin siyang naka- mandatory quarantine protocols.

 

 

Sinabi  ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang huling araw ng  exposure ng Pangulo sa COVID positive case ay noong nakaraang Linggo, Enero 30, 2022.

 

 

“His RTPCR Negative test result was last Monday, January 31, 2022, and tested negative again for the second time on Tuesday, February 1, 2022,” ayon kay Nograles.

 

 

Ang Chief Executive ay patuloy na nagta-trabaho habang naka-  quarantine, at patuloy ang komunikasyon sa mga miyembro ng gabinete upang tiyakin na ang mga “urgent matters” ay natutugunan.

 

 

Bukod pa sa, para ma-monitor ang implementasyon ng kanyang mga direktiba partikular na hinggil sa COVID-19 response ng gobyerno. (Daris Jose)

CHRISTOPHER, magdudugtong sa movie at tv series: All-star cast na ‘Cattleya Killer’ na pagbibidahan ni ARJO, ipinakilala na

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKILALA na ng ABS-CBN ang all-star cast ng Cattleya Killer, ang pinakabagong international project ng Kapamilya Network na pagbibidahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde.

 

 

Makakasama ni Arjo sa thriller-drama series na pang-international release sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo, at Zsa Zsa Padilla. 

 

 

Ayon sa naging pahayag ng aktor, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board.

 

 

“I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.

 

 

Tuwang-tuwa naman si ABS-CBN International Production and Co-Production division head Ruel S. Bayani dahil nakuha nila si Bro. Bo, ang premyadong aktor na naging bahagi ng 1996 Star Cinema movie na Sa Aking Mga Kamay kasama si Aga Muhlach na kung saan in-adopt ang Cattleya Killer. 

 

 

Pahayag ni RSB, “We’re lucky that Boyet (Christopher) is here to join us dahil to me, wala nang mas inspiring pa to have Boyet on our set. To know na may nagdudugtong from the movie to this series, at sa bagong creative energy natin sa pagku-kwento nito.

 

 

“We’re also joined by the most professional, most talented, and most creative people in the industry,” sabi pa ng executive producer ng Cattleya Killer ay ididirek ni Dan Villegas, at mula sa panulat ni Dodo Dayao.

 

 

Magsisimula na ang production nito ngayong Pebrero at nakatakdang nga itong i-release sa international audiences.

 

 

Ang Cattleya Killer ang kasunod ng Almost Paradise, ang kauna-unahang American TV series na filmed entirely in the Philippines, na kung saan nakipag-co-produce ang ABS-CBN sa Hollywood’s Electric Entertainment.

(ROHN ROMULO)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 22) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABUHAYAN ng loob si Bernard nang muling makatanggap ng pag-asa tungkol kay Bela mula kay Marcelo. Pero nagdesisyon siyang huwag na lang muna itong ipaalam kay Angela.

 

Si Angela naman ay nawiwili na sa pakikipaglapit kay Janine. Ikinuwento niya sa dalaga ang buong love story nila ni Bernard habang sabay silang nagkakape sa hardin.

 

Agad din namang ikinuwento ni Janine sa kaibigang si Andrea ang lovestory ng kanyang mga amo.

Nakadapa siya sa kama habang kausap ito sa cellphone.

 

“O ‘yan ha, may inspiration ka na. Pero huwag ka rin masyadong umasa na magiging tulad din kina Ma’am Angela at Sir Bernard ang ending ng love story nyo. Baka masaktan ka lang.”

 

Subalit napansin ni Janine ang katamlayan ng kaibigan sa kabilang linya.

 

“O, ang ganda ganda ng kinuwento ko sa’yo, wala ka man lang bang reaksyon d’yan?”

 

“Pa’no kasi si sir…nag-uwi siya ng babae kagabi…di hamak namang mas maganda ako ro’n sa babae na mukhang pagod na tutubi.”

 

“Hay naku, kalimutan mo na nga ‘yang sir mo na ‘yan, I’m sure iba na naman ang inuwi niyan, hindi yung kasama niya nung isang araw noh?”

 

“Oo…iba na naman. Kung magpalit siya ng babae para lang siyang nagbibihis ng damit…”

 

“Buti pa kalimutan mo na lang siya. Kalimutan mo na lang din ang love story nina Ma’am Angela at Sir Bernard dahil baka ma-inspired ka pa sa kanila!”

 

Natapos ang usapan nila na ramdam ni Janine ang bigat ng kalooban ni Andrea.

 

Habang tumatagal ay lalong napapalapit ang loob ni Angela kay Janine.

 

“Hays…magka-bonding na naman sila.” sa isip ni Bernard nang masulyapan sa bintana ang dalawa na  masayang nag-aayos ng mga halaman sa hardin. Nagtatawanan pa ang mga ito.

 

Nang magpunta sila sa mall ni Bernard ay naisip niya na ipamili ng mga damit ang dalaga.

 

“Look at this sweetheart, mukhang bagay kay Janine, bibilhin ko ito para sa kanya!”

 

Isang magandang dress na kulay peach ang hawak ni Angela.

 

“Ikaw ang bahala sweetheart.”

 

“Ay nakalimutan kong itanong kay Janine kung ano yung brand ng pabango niya. Nung isang araw kasi nakita kong sinasaid na lang niya ‘yon.”

 

“Kaya naman gusto mo siyang bilhan ng bago tama ba?”

 

Nakangiting tumango ang babae.

 

Pagdating nila sa bahay ay nadatnan nilang malungkot na nakaupo sa sofa si Janine.

 

“Janine, may problema ba?” tanong agad ni Angela.

 

“Ahm…ma’am, sir…kailangan ko muna po kasing umuwi sa amin. S-Si papa po kasi…inatake raw po sa puso at hindi na umabot sa ospital. Kailangan po ako ni mommy…”

 

Nagkatinginan sina Bernard at Angela. Agad na rumehistro sa mukha nila ang lungkot.

 

“I’m sorry to hear that Janine. Pero sige, umuwi ka na muna at bumalik ka na lang kung okay na ang lahat sa family mo.”

 

Nilapitan ni Angela si Janine. Tinabihan ito sa sofa at hinawakan ang mga kamay nito.

 

“Janine, huwag mo sanang kalimutan na meron kang pamilya rito na babalikan.”

 

“Po?”

 

“Pamilya mo na rin kami Janine, ako, si Bernard at si Lola Corazon.”

 

“Salamat po Ma’am Angela.”

 

Mabigat ang dibdib ni Angela sa pag-alis ni Janine at damang dama iyon ni Bernard.

 

“Sweetheart, ilang araw na mula nang umalis si Janine, nalulungkot ka pa rin ba?” tanong ni Bernard habang nag-aalmusal sila.

 

“Pakiramdam ko kasi nawalan na naman ako ng anak.”

 

“What? Hey babalik pa siya rito kaya nothing to worry about. And please sweetheart, tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa’yo, huwag mong ibuhos ang atensyon at pagmamahal mo sa kanya dahil meron siyang magulang, hindi tayo.”

 

Hindi na kumibo pa si Angela at ipinagpatuloy na lang ang matamlay na pagkain. May naisip si Bernard.

 

“Wait, what if puntahan natin siya?”

 

Napatunghay si Angela.

 

“T-Talaga?”

 

“Tapos mamasyal na tuloy tayo sa Baguio!”

 

“Good idea sweetheart, salamat!” nayakap ni Angela ang asawa sa sobrang tuwa.

 

Kontra si Bernard sa patuloy na paglapit ng loob ni Angela kay Janine pero ayaw naman niya itong nakikitang malungkot.

 

Samantala. Sa bahay nina Janine.

 

“Ma, lasing ka na naman…” anang dalaga habang inaayos ang ina sa pagkakahiga nito sa sofa.

 

“So what? May mangyayari bang maganda kapag hindi ako lasing, wala diba?”

 

“Naiintindihan kita ma. Alam ko ang mga pinagdaanan nyo ni papa mula nang malugi ang negosyo ni lolo sa America…at ngayong wala na si papa, nakadagdag pa ito sa bigat ng damdamin mo. Pero nandito pa’ko ma, hindi kita iiwan.”

 

“Ikaw? At anong ipagmamalaki mo sa’kin, yung pagiging nurse mo sa isang matandang malapit ng mamatay? Ni hindi ko nga alam kung sino yung pinagsisilbihan mo eh tapos ngayon sasabihin mo sa akin na nandito pa’ko ma?”

 

“Ma, ayoko lang naman kasing maulit yung dati. Yung nauna kong inalagaan, nakipaglapit kayo at inutangan nyo nang inutangan hanggang sa hindi na tayo nakabayad at muntik pa tayong mademanda. Buti na nga lang po at napakiusapan ko yung amo kong ‘yon.”

 

“Ah, bakit para saan ba yung mga inutang ko? Diba ginamit ko para makabangon tayo sa negosyo, diba?”

 

Hindi na umimik pa si Janine. Ganito naman talaga ang mama niya mapalasing man o hindi, iba mag-isip. Iba sa kanila ng papa niya.

 

Nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat si Janine nang buksan ang pinto.

 

“Ma’am Angela, Sir Bernard!”

 

“Pwede bang tumuloy?” tanong ni Angela.

 

Nilingon ni Janine ang ina na lasing na nakahandusay sa sofa.

 

“Janine, sinong mga ‘yan?” tanong ng mama niya sa mahina at lasing na boses.

 

“Ahm, ma’am, sir, pasensya na, nakainom kasi si mama, tuloy po kayo.”

 

Tahimik na pumasok ang mag-asawa. Gayon na lang ang gulat nila nang mapagsino ang mama ni Janine.

 

“Bakit po?” nag-aalalang tanong ng dalaga.

 

Nagkatinginan ang mag-asawa at hindi makasagot.

 

(ITUTULOY)

Mas malupit na cybersecurity vs banking hacks iginiit ni Bong Go

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Senator Bong Go na dapat magkaroon ng mas malupit na cybersecurity at digital protection para sa mga Filipino laban sa online scams o banking hacks kasabay ng pagtiyak na hahabulin ng gobyerno ang mga salarin sa likod nito.

 

 

Kasunod ng ­kamakailang online banking scam at hacking incidents na nakabiktima sa ilang indibidwal, kabilang ang public school teachers, tiniyak ni Go sa publiko na hahabulin ng gobyerno ang mga salarin at kakasuhan, alinsunod sa cybercrime laws.

 

 

“Sa mga manloloko, maawa naman kayo sa kapwa ninyo Pilipino. Nasa gitna tayo ng krisis, gamitin n’yo sana ang oras ninyo para tumulong kaysa gumawa ng kalokohan,” ayon sa senador.

 

 

“Hindi po titigil ang gobyerno hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga kriminal na ito,” dagdag ni Go.

 

 

Nangako ang senador na susuportahan ang agarang pagpasa ng SIM Registration Act na naglalayong magbigay sa publiko ng proteksyon laban sa mga ilegal na aktibidad tulad ng pandaraya, text scam, terorismo, malalaswang mensahe, at disinformation.

 

 

Sinabi ni Go na ang sistema ng pagbabangko at sektor ng pananalapi ay dapat na patuloy na mamuhunan sa cybersecurity at mapanatili ang mga pinakamahusay na kasanayan sa IT. (Daris Jose)

Nagpaalala sa isyu ng mental health: CATRIONA, ‘di pa rin makapaniwala sa biglaang pagpanaw ni CHESLIE KRYST

Posted on: February 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin makapaniwala si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang biglaang pagpanaw ni Miss USA 2019 Cheslie Kryst noong nakaraang January 31 dahil sa pagtalon nito mula sa high rise apartment building sa New York City.

 

 

Malalim daw ang pinagsamahan nila ni Cheslie dahil isang taon silang naging roommates sa Miss Universe NYC apartment noong 2018 hanggang 2019.

 

 

Tawag ni Queen Cat kay Cheslie ay “Mama Bear of the house” at sibrang sipag daw nito sa pagtulong sa maraming charitable organizations. Pero kapag nasa apartment na raw sila, para raw siyang big sister ni Cat na maasikaso at nagbibigay ng advise.

 

 

Kaya sa kanyang IG post, pinaalala rin ni Catriona na importanteng kumustahin ang mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin alam kung sino ang nagsa-suffer sa mental health na siyang puwedeng magtulak sa isang taon na mag-suicide.

 

 

“Ches…I can’t believe the news. Rest in peace angel. The world will miss your light. @chesliekryst. If you or someone you know is considering suicide, please contact the National Suicide Prevention Lifeline at 1-800-273-TALK (8255), or go to suicidepreventionlifeline.org.

 

 

Also, let’s reach out to friends and loved ones. These continue to be isolating times, mental health is so important, let’s not downplay its importance in the lives of every individual,” caption ni Catriona.

 

 

Bukod sa pagiging abogado at nakoronahang Miss USA, na-nominate pa for an Emmy Award si Cheslie sa kanyang pagiging correspondent sa show na Extra. Nag-serve din siyang National Board of Directors for Big Brothers Big Sisters of America.

 

 

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Cheslie noong umaga ng January 31 sa sidewalk outside Orion Condominium Building kunsaan ito naka-reside. Her death was confirmed as “death by suicide”.

 

 

***

 

 

NAIIYAK pa rin daw si Boobay tuwing tinatanong siya tungkol sa kanyang lovelife.

 

 

Inamin ng host ng The Boobay and Tekla Show na hindi pa rin siya nakaka-move on sa dati niyang relasyon.

 

 

Hindi raw niya kasi basta-basta na lang makakalimutan ang siyam na taong pagsasama nila ng ex-boyfriend niyang si Kent Resquir.

 

 

“Hindi pa ako naka-move on, pero in a way na tanggap ko na na hindi na siguro puwede maging kami. Pero ‘yung move on na kahit papaano sana na personal, malaman ko ‘yung dahilan talaga,” maluha-luhang kuwento pa ni Boobay sa programang Mars Pa More.

 

 

July 2021 noong pormal na maghiwalay sina Boobay at Kent. Hindi na raw nila parehong kaya ang LDR (Long Distance Relationship). Naka-base na kasi si Kent sa Australia kunsaan nagtatrabaho ito bilang Physiotherapist.

 

 

***

 

 

ANG country singer na si Mickey Guyton ang siyang aawit ng National Anthem sa Super Bowl LVI on February 13.

 

 

Ang 38-year old ‘Black Like Me’ singer ay nag-share ng video on social media kunsaan masayang-masaya siya sa natanggap na balita.

 

 

“Look at God. I am shook, I am grateful, I am praise dancing… So excited to be singing the national anthem at #SBLVI on February 13th! @nfl @nbcsports. Oh my god, what is my life right now? I need to do, like, a praise dance or something,” caption pa ni Mickey.

 

 

Nag-audition si Mickey noon sa American Idol Season 8 pero hindi siya pinalad na makapasok sa Top 24. Pero dahil sa audition niyang iyon kaya siya pinapirma ng recording contract with Capitol Records Nashville. Naging first single niya ang ‘Better Than You Left Me’.

 

 

Si Mickey ang kauna-unahang black singer na ma-nominate sa Country Music Awards for Best Country Solo Performance para sa hit single niyang ‘Black Like Me’. Naimbitahan na mag-perform si Mickey sa finale ng American Idol Season 19.

 

 

Ngayon ay susunod siya yapak ng mga famous singers na nag-perform ng National Anthem sa Super Bowl tulad nila Whitney Houston, Mariah Carey, Jennifer Hudson, Garth Brooks, Demi Lovato, Cher, at Carrie Underwood. 

 

 

The 2022 Super Bowl will take place at the SoFi Stadium in Inglewood, California. Ang mag-perform naman sa Pepsi Halftime Show ay sina Dr. Dre, Snoop Dogg, Eminem, Mary J. Blige, at Kendrick Lamar.

 

(RUEL J. MENDOZA)