• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2022

Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II.

 

 

Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952.

 

 

Nasa bansang Kenya si Elizabeth noon ng pumanaw ang ama kung saan ipinamalita ng kaniyang asawang si Prince Philip ang pag-upo nito sa trono.

 

 

Ang 99-anyos na si Prince Philip ay pumanaw noong 2021.

 

 

Hindi sana itinakda na maging reyna si Elizabeth mula ng isinilang subalit dahil sa kaniyang tiyuhin na si Edward VIII ay umalis sa puwesto at pinili na makasama ang asawang American na si Wallis Simpson.

Pinoy skier Asa Miller patuloy ang ensayo sa Beijing habang wala pang laban

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINASAMANTALA ni Filipino skiier Asa Miller ang pagsasagawa ng ensayo habang hindi pa nagsisimula ang mga laro kung saan ito lalahok sa 2022 Winter Olympics sa Beijing China.

 

 

Nakatapos na ito ng isang full routine training nitong Linggo ang kaniyang ika-limang ensayo mula ng dumating sa Yanquing, China noong nakaraang linggo.

 

 

Sinabi ng 21-anyos na si Miller na naging maganda ang takbo ng kaniyang ensayo dahil wala na itong naramdamang anumang pananakit sa katawan

 

 

Sa height kasi nito na 5-foot-8 ay isang hamon sa kaniya ang alpine skiing.

 

 

Isa ring naging problema dito ay hindi gaanong nag-yeyelo sa Beijing kaya kinailangan pa ng mga organizers na gumawa ng snow mula sa kanilang snowmaking equipment.

 

 

Magsisimula kasi ang pagsabak ng Portland-based at nag-iisang pambato ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Pebrero 13.

Diaz PSA Athlete of the Year uli

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA nang iba pang dapat gawaran ng 2021 Athlete of the Year award kundi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Igagawad kay Diaz ang nasabing para-ngal sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Marso 14 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

 

 

Binuhat ng Pinay weightlifter ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa matapos magreyna sa women’s 55 kilogram division at nagposte ng mga bagong Olympic records sa Tokyo Games.

 

 

Tinapos ng 30-anyos na si Diaz ang 97-taong pagkauhaw ng bansa para sa kauna-una-hang gintong medalya sa quadrennial event.

 

 

“Hidilyn Diaz winning the country’s first ever Olympic gold medal was definitely the highpoint of what had been a truly memorable year for Philippine sports,” ani PSA president at Tempo sports editor Rey C. Lachica. “The PSA was unanimous in its choice of Hidilyn as our Athlete of the Year for 2021.”

 

 

Nagtala si Diaz ng mga bagong Olympic mark na 127kg sa clean and jerk at 224kg sa total lift para talunin si Chinese record holder Liao Qiuyun sa finals.

 

 

Ang panalo ni Diaz ang naging inspirasyon nina national boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial para sumuntok ng dalawang silver at isang bronze medal sa Tokyo Games.

 

 

Ang tubong Zamboanga City ang ikalawang Filipino athlete na nanalo ng dalawang Olympic medals matapos si swimmer Teofilo Yldefonso (dalawang bronze medals).

 

 

Ito ang ikatlong PSA Athlete of the Year trophy ni Diaz matapos noong 2016 kung saan siya nag-uwi ng Olympic silver medal mula sa Rio de Janeiro, Brazil at noong 2018 kasama sina golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go at skateboarder Margielyn Didal dahil sa kanilang apat na gold medals sa Asian Games sa Indonesia.

 

 

Pamumunuan ni Diaz ang listahan ng mga top achievers noong nakalipas na taon na gagawaran ng parangal sa event na suportado ng mga major backers na Phi-lippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Cignal TV.

 

 

Ang annual awards night ay inihahandog ng Milo, 1Pacman, Philippine Basketball Association (PBA), Rain or Shine, ICTSI, Chooks To Go, Smart, Philippine Racing Commission (Philracom) at ng MVP Sports Foundation (MVPSF)

8 patay sa 3 insidente ng avalanche sa Austria

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO  na sa walong katao ang nasawi sa naganap na avalanche sa Australia.

 

 

Sa loob kasi ng dalawang araw ay nagtala ng tatlong malawakang avalanche.

 

 

Unang nasawi ang 58-anyos na lalaki ng tumama ang avalanche sa bayan ng Schmirn.

 

 

Habang sa parehas rin na lugar ay nasawi ang 42-anyos na Austrian mountain and ski guide at ang apat na Swedish skiers.

 

 

Sa ikatlong insidente ay nasawi ang dalawang Austrian skiers.

 

 

Ayon sa mga otoridad na humingi ng tulong sa kanila ang mga kaanak ng mga biktima matapos na hindi na sila ma-kontak.

Mga estudyanteng babakunahan sa panahon ng school days, excused mula sa pagdalo sa klase— DepEd

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EXCUSED ang mga kabataang mag-aaral mula sa pagdalo sa klase na magpapartisipa sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination drive.

 

 

Tinukoy ng Department of Education (DepEd) ang mga kabataang mag-aaral na may edad 5 hanggang 11 na makikiisa sa nasabing vaccination drive.

 

 

Sinabi ni DepEd Bureau of Learner Support Services School Health Division Chief Dr. Maria Corazon C. Dumlao na ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatiba ng ahensiya para suportahan ang  pediatric vaccination ng pamahalaan para sa younger group na magsisimula ngayong araw, Pebrero 7.

 

 

Aniya pa, ang “learners vaccinated during school days shall be excused from attending classes as part of the miscellaneous provisions.”

 

 

Samantala, nilinaw naman ni Dumlao na ang mga magulang o guradian ng mga DepEd learners na isang empleyado na sasamahan ang kanilang mga anak sa  pediatric vaccination  sa workdays ay “shall not be considered absent from their work.” (Daris Jose)

Portugal niluwagan na ang travel restrictions ng mga pasahero na bumibisita sa kanilang bansa

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILUWAGAN  ng Portugal ang kanilang travel restrictions para sa mga pasahero na nagtutungo sa kanilang bansa.

 

 

Lahat aniya ng mga European COVID-19 certificates, EU digital pass o ibang mga kinikilalang vaccine passes ay hindi na kailangang magpakita pa ng negatibong test result sa pagpasok sa bansa.

 

 

Ang EU COVID-19 certificates kasi ay nagpapatunay na ang pasahero ay fully vaccinated na at tested negative o gumaling na sa COVID-19 infections sa loob ng anim na buwan.

 

 

Ipinatupad ang hakbang matapos na irekomenda ng European Council ang pagpaparehas na ng travel rules na hindi na gaanong hihigpitan ang mga fully vaccinated na pasahero.

 

 

Ang hakbang ay ipinatupad kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 25) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAGAN  ni Janine si Andrea upang kausapin ito subalit narinig niya ang mga paghikbi nito mula sa kabilang linya.

 

“Andrea, umiiyak ka na naman ba?”

 

“S-Sorry Janine…ba’t ka nga pala napatawag?”

 

“Lagi naman ako tumatawag sa’yo ng ganitong oras diba? Sabihin mo nga sa’kin, ano bang iniiyak mo?”

 

“Wala to…si Sir Jeff kasi…narinig kong sinabi niya ro’n sa babaeng isinama niya rito na, gusto na niya siyang pakasalan…”

 

“What? Ang bata bata pa niya kasal na agad ang nasa isip niya, alam mo feeling ko binobola lang niya yung girl, tas ikaw naman emo-emo ka d’yan!”

 

“Ewan ko ba, napakaiyakin ko lang siguro talaga. Kumusta ka naman?”

 

“A-Ayos lang ako…”

 

“Janine, ramdam kong may gusto kang sabihin sa’kin…sige na, makikinig ako kahit umiiyak ako rito.”

 

“O sige, bago ko sabihin sa’yo, magsmile ka muna d’yan.”

 

“O  sige na nga, ayan na, naka-smile na’ko. Ikaw naka-smile ka na ba?”

 

“Ahm, eto, naka-smile na rin ako…”

 

“Sige sabihin mo na.”

 

“Si mama kasi…akala niya umaarte lang ako…akala niya gimik ko lang yung sakit ko…”

 

“Huh? May sakit ka? Palagi naman tayong magkausap pero ang sigla sigla mo lagi. Teka, ano bang sakit mo, trangkaso?”

 

“Kanser daw. Kanser sa dugo.”

 

Hindi nakakibo si Andrea sa kabilang linya. Ang ngiting pilit inilagay sa mga labi ay unti-unting napawi.

 

“Hoy Andrea, andyan ka pa ba?”

 

“Ang gara mo naman eh, ano ‘yon joke ba ‘yon, ‘wag mo ko i-prank please, ayoko ng mga ganyan!” inis na sabi ni Andrea.

 

“Hindi kita pina-prank. Totoo ang sinasabi ko.”

 

“Kung totoo ang sinasabi mo, sorry, pero hindi ko na kayang ngumiti pag ganyan…”

 

“O sige, pass muna tayo sa ngiti…Andrea, pwede bang ako muna ang umiyak ngayon?”

 

“Sige lang…lakasan mo, itodo mo, ibuhos mo. Nandito lang ako. “

 

Pero nung magsimula nang umiyak si Janine ay hindi rin napigilan ni Andrea ang sarili. Sinabayan niya ito sa pag-iyak. Nag-iyakan sila sa magkabilang linya. Mahigit isang oras pa silang nag-usap at dahil sa pag-uusap na ‘yon kahit papa’no ay lumuwag ang dibdib ni Janine. Ganoon din si Andrea na hindi maikubli ang labis na pag-aalala sa kaibigan.

 

Kumatok si Angela sa kuwarto ni Janine.

 

“Ma’am, tuloy ka po.”

 

“Nakaistorbo ba’ko?”

 

“Hindi naman po. Kakatapos lang po namin magkuwentuhan ni Andrea sa phone.”

 

Magkatabi silang naupo sa gilid ng kama ng dalaga.

 

“Janine, may hihilingin sana ko sa’yo eh…”

 

“Ano po ‘yon Ma’am Angela?”

 

“Can u call me mom?” walang pag-aatubiling tanong ni Angela.

 

“Po?”

 

Kinuha ni Angela ang isang kamay ni Janine.

 

“Kung nandito lang ang anak namin ni Bernard, kasing edad mo na rin siya at sigurado ako na maganda, mabait at masipag din siyang bata tulad mo. Ikaw ang nagpapaalala sa akin na meron akong anak. At ikaw din ang nagpaparamdam sa akin ngayon na gusto ko pa ring maging isang ina. Kaya sana hayaan mong maging ina ako sa’yo. Pwede ba?”

 

Hindi namalayan ni Janine ang paglalandas ng luha sa mga pisngi niya dahil sa sinabi ni Angela. Sa halip na sumagot ay isang mahigpit na yakap dito ang itinugon niya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

 

“Mom…” mahina ang pagkabigkas ni Janine ngunit labis na itong ikinatuwa ni Angela.

 

Umaga.

Nagulat si Bernard nang biglang sumulpot si Regine sa opisina niya.

 

“R-Regine!”

 

“My gosh, nakaka-bad trip yung secretary mo ha, ayaw akong papasukin kahit na sinabi ko na sa kanyang we’re very good friends!”

 

“Kung yung babae sa table na ‘yon ang sinasabi mo, she’s not my secretary, supervisor siya rito.”

 

“Whatever!”

 

“Ano nga palang ginagawa mo rito?”

 

“Kakamustahin ko lang sana ang anak kong si Janine.”

 

“Ba’t hindi ka sa bahay nagpunta, she’s there with Angela and Lola Corazon.” Ani Bernard habang binubuklat ang mga pinipirmahang dokumento sa table.

 

“Bernard, nakalimutan mo na ba kung paano tumanggap ng bisita, baka naman gusto mo muna akong paupuin?”

 

“Sorry Regine, have a seat, ang dami ko lang kasing trabaho na kailangang tapusin. Well, Janine is…” natigilan si Bernard nang maalala ang kalagayan ni Janine.

 

“Yes I know, alam ko na ang sakit niya. That’s why I’m here para makiusap sana sa’yo…”

 

Lumapit si Regine kay Bernard at pinalungkot ng todo ang mukha.

 

“Alam mo naman ang kalagayan namin diba…kaya sa inyong dalawa ni Angela, gusto ko sanang makiusap na tulungan nyo ang anak ko na mapagaling siya…”

 

“Hindi mo na kailangang makiusap. Tutulungan talaga namin si Janine.”

 

“Ang totoo niyan, hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo ‘to eh…I’m so far from her, gusto ko na umuwi siya sa akin para doon siya magpagamot, pero tumatanggi siya. Ayaw niya kasi kayong iwan lalo na si Lola Corazon. Kaya naisip ko, baka pwedeng makituloy muna ako sa inyo or magrent ako malapit sa inyo just to be with her and take care of her. I can’t afford to lose another love one, but I don’t know what to do…kaya nga ikaw muna ang pinuntahan ko because you know me very well. Alam mong hindi talaga ako sanay na mag-isip ng solusyon sa mga ganitong problema…” umiiyak na sabi ni Regine.

 

Hindi makasagot si Bernard sa sinabi ni Regine. Saglit siyang nag-isip.

 

“Don’t worry, I’ll talk to Angela about this.”

 

“T-Talaga?”

 

Tumango si Bernard.  Dahil doon ay biglang yumakap sa kanya si Regine.

 

“Thank you Bernard! Thank you!”

 

(ITUTULOY)

MALALAKING PAMILYA MULA SULTAN KUDARAT AT MAGUINDANAO SOLIDO ANG SUPORTA SA UNITEAM

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang malalaking pamilya mula sa Sultan Kudarat Province at Maguindanao Province sa tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte sa katatapos lang na pagdiriwang ng 5th Kudaraten Festival sa Sultan Kudarat.

 

 

Kabilang sa nasabing pagtitipon sina Maguindanao Governor Mariam Mangudadatu, Sultan Kudarat Governor Suharto ‘Teng’ Mangudadatu, Maguindanao Vice Governor Lester Sinsuat, Member of Parliament Datu Tucao Mastura, Sultan Kudarat Municipal Mayor Datu Shameem Mastura, Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang at ilang mga kasalukuyan at tatakbong mga opisyal sa dalawang probinsya.

 

 

Dumalo din sa pagdiriwang sina Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte na humalili sa kanyang kapatid na si Sara, Ilocos Sur Narvacan Mayor at LMP President Chavit Singson, dating presidential spokesperson at senatorial aspirant Harry Roque, at mga kinatawan ng Tingog Partylist.

 

 

Bawat isa sa kanila ay nagpahayag ng kanilang mga dahilan kung bakit buong-puso sila sumusuporta sa tambalang BBM-Sara UniTeam para sa darating na May 2022 elections.

 

 

Para kay Sultan Kudarat Governor Suharto ‘Teng’ Mangudadatu ang kanilang solidong suporta para kina Bongbong at Sara dahil matutugunan nila ang mga magagandang proyekto sa probinsya at mas mapapaigting nila ang pagkakaisa at kapayapaan sa rehiyon.

 

 

“Sa tulong-tulong ng family alliance ay nagkaroon po ng katahimikan ang Maguindanao. ‘Yung mga paghihirap ng mga kababayan natin na naging war zones at ngayon po ay tahimik na po,” ayon kay Gov. Mangudadatu.

 

 

“Ngayon ay lalo kaming umaasa sapagkat nagkaroon na magandang tandem na inaasam-asam po namin na pagkakaisa ng ating next president Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte-Carpio, makakaasa po kayo sa solidong suporta ng probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao,” ayon kay Gov. Mangudadatu.

 

 

Kabilang sa mga tinatawag na family alliance ang mga pamilya ng Midtimbang, Sinsuat, Mastura, Ampatuan at ilan pang mga maimpluwensyang pamilya sa dalawang probinsya.

 

 

Hindi naman makakalimutan ni Member of Parliament Datu Tucao Mastura ang kanyang karanasan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagtiwala sa kanya na pamunuan ang Sultan Kuldarat matapos tumiwalag sa pagiging rebelde at magbalik-loob sa pamahalan para sa kapayapan ng bansa.

 

 

“Napakalaki ng utang na loob natin sa kanya, sa kanyang pamilya at sa kanyang tatay. Bakit po? Ako’y isang dating rebelde at ilang taon din akong namundok upang ipaglaban ang Bangsamoro,” wika niya.

 

 

“Pero napag isipan ko at napag-isipan din nila, na the only way ay lumabas ako. Nung ako’y lumabas, ako’y ini-appoint ni dating Pagulong Marcos bilang alkalde ng Sultan Kuldarat. Simula po ng 1976 wala na pong naging putukan dito sa Sultan Kudarat sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at mga rebelde,” kwento pa ni Datu Tucao.

 

 

Ikinatuwa naman ni Bongbong ang pakikipag-isa ng tinatawag na family alliance ng probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao sa panawagan ng BBM-Sara UniTeam.

 

 

Ito aniya ay pagkakaisa para sama-samang pagbangon ng Pilipinas at pagbubukas ng pantay-pantay at maraming oportunidad sa bawat rehiyon ng bansa.

 

 

“Iton’g ating kilusan ng pagkakaisa ay nasimulan ninyo na rito, with the family alliance that has been formed, this is showing that here in Sultan Kudarat [municipality], in the Province of Maguindanao, the Province of Sultan Kudarat, you have begun to understand the importance of unity. You have begun to understand that alliances are what make us strong and unity is the way forward, then that is when we can see the opportunities that will arise.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Malakanyang, no comment pa kung dadalo si Pangulong Duterte sa proclamation rally ni Mayor Sarah Duterte- Carpio

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na aalamin muna niya ang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong, Pebrero 8.

 

 

Ito’y upang malaman kung kasama ba sa itinerary ng Chief Executive ang pagdalo para sa proclamation rally ng anak niyang si Davao city Mayor Sarah Duterte – Carpio.

 

 

Sinabi Nograles, titingnan muna niya sa appointment’s office ang nakalinyang aktibidad ng Punong Ehekutibo bukas at mula duon ay madetermina kung sasaksihan ng Pangulo ang opisyal na pagkandidato ng alkalde.

 

 

“We’ll have to ask the Appointment’s Office with regard to that,” ayon kay Nograles.

 

 

Si Mayor Sarah ay matatandaang inadopt ng PDP-Laban Cusi wing bilang vice presidential candidate na siya ring partido ng Pangulo.

 

 

Gagawin ang proclamation rally ng Bongbong- Sarah tandem sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan bukas na siya ding opisyal na pangangampanya para sa mga tumatakbo sa national post. (Daris Jose)

Give it your best shot- Malakanyang

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GOOD LUCK!

 

 

Ito ang mensahe ng Malakanyang sa mga bar takers ngayong taon sabay sabing “give it your best shot.”

 

 

“We wish good luck and godspeed to the more than 11,000 barristers taking the bar exams being held today and on Sunday February 6,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Karlo Nograles.

 

 

“Give it your best shot and make your family, your alma mater, and your community proud. This is indeed your moment,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinuri naman ni Nograles ang Korte Suprema, Metropolitan Manila Development Authority, local government units, at school authorities, para maging posible ang bar examinations ngayong taon.

 

 

Ito ang kauna-unahang bar exam simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

 

 

May ilang daan sa Kalakhang Maynila ang isinara para sa bar exams.

 

 

Pinaikli naman ng Mataas na Hukuman ang pagssuuri sa dalawang araw, Pebrero 4 at Pebrero 6.

 

 

Nauna rito, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang bar exams na dapat ay idinaos noong Nobyembre ng nakaraang taon upang tiyakin ang kaligtasan ng  bar applicants at personnel sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)