• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 11th, 2022

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 28) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA MAPAGKALINGANG kandungan ni Lola Corazon, sa gitna ng mga magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ng hardin, ay namaalam si Janine.

 

Sa Bela’s restaurant. Nabitawan ni Angela ang basong hawak niya at nabasag.

 

“Diyos ko…sana naman ay wala itong masamang ibig sabihin.” Naisip niya.

 

Dadamputin sana niya ang basag na baso nang pigilan siya ng isa sa kanyang mga staff.

 

“Ma’am, ako na po.” anang waiter na si Jared.

 

“S-salamat Jared.”

 

Biglang tumunog ang cellphone ni Angela.

 

“Lola Corazon?”

 

“Tawagan mo si Bernard at umuwi na kayo…si Janine…”

 

“Lola, ano pong nangyari kay Janine?” kumakabog ang dibdib na tanong ni Angela.

 

“Ang bilin niya, palagi raw tayong ngumiti…”

 

Naintindihan na iyon ni Angela.

 

“Lola…” hindi na niya napigilan ang umiyak.

 

Napatingin sa kanya ang mga staffs ng restaurant. Lahat ay nasa mukha ang pakikisimpatya sa kung anuman ang dahilan ng kanyang pagluha.

 

Natigilan si Bernard nang matanggap ang tawag ng asawa. Napaupo siya sa swivel chair sapo ang kanyang noo habang nakatuon ang dalawang siko sa mesa.

 

“Janine, bakit ngayon pa, kung kailan napamahal ka na sa amin…kung kailan naging masaya na ulit si Angela sa pagkakaroon ng panibagong anak na tulad mo?” isip ni Bernard.

 

Hindi naman makapaniwala si Regine na sa morgue na niya aabutan ang anak.

 

“NO, NO, THIS IS NOT TRUE!” pasugod niyang nilapitan si Janine.

 

“JANINE!” niyakap niya ito nang mahigpit.

 

“Janine, not now please, not now, I thought na kasama lang ito sa mga plano natin, bakit hindi mo sinabing totoo na palang may sakit ka?” umiiyak pa niyang sabi.

 

Sunday.

Masayang masaya si Andrea sa kauna-unahang pagkakataon na makikita niya si Janine. Paikot-ikot pa siya sa harap ng malaking salamin habang isinasayaw ang kanyang saya bago tuluyang umalis.

 

“Hello Janine, Andrea is coming!”

 

Si Mang Delfin ang naabutan niya na naglilinis ng kotse. Pinagbuksan siya nito ng gate.

 

“Anong kailangan mo miss?” tanong ni Mang Delfin.

 

“Ako po si Andrea. Matalik na kaibigan ni Janine Mondezo. Ito po ang ibinigay niya sa aking address, andyan po ba siya?” nakangiting tanong ng dalaga.

 

“Huh? Eh…”

 

“Sige na naman po manong, pakisabi sa kanya nandito na po ako.”

 

“E, pero…”

 

“Maghihintay lang po ako rito, hindi po ako papasok promise hangga’t hindi nyo po ako pinapapasok!”

 

“E, miss, ano kasi, si Janine nasa chapel na siya.”

 

Natigilan si Andrea.

 

“S-sa chapel po? S-sino pong pinuntahan niya ro’n, ang sabi niya dito ko siya puntahan eh?”

 

Nilapitan ni Mang Delfin ang dalaga at saka malungkot na sinabi…

 

“Ang kaibigan mong si Janine, wala na siya, nasa chapel na siya ngayon kung saan nakalagak ang kanyang mga labi .Wala na siya hija, kahapon pa…”

 

Natigalgal si Andrea.

 

“M-manong, huwag naman po kayong magbiro ng ganyan…”

 

“Mukha ba akong nagbibiro hija? Sandali, dito ka lang at isusulat ko ang address ng chapel. Doon ka na lamang pumunta.”

 

Agad inayos ng mag-asawang Bernard at Angela ang burol ni Janine. Pumayag si Regine na sila na ang mamahala rito. Basta mananatili lang siya sa tabi ng kabaong nito. Wala siyang ibang gustong gawin kundi masdan at bantayan sa huling sandali ang kanyang anak.

 

Marahan ang mga hakbang na nilapitan ni Angela ang labi ng dalaga. Nakaalalay sa kanya si Bernard. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang coffin ng dalaga.

 

“Janine…Janine…” pakiramdam ni Angela ay nawalan ulit siya ng anak. Muli niyang naramdaman ang sakit at pait na dulot ng pagkawala ni Bela. Parang hindi na niya makakaya pa. Ang luha sa mga mata ay nag-unahan sa pag-agos sa kanyang pisngi.

 

“Angela, sweetheart…alam ni Janine kung anong lugar niya sa puso natin. Alam na niya kung gaano natin siya kamahal. Kaya huwag na nating pabigatin ang paglalakbay niya. Tanggapin natin ng maluwag sa puso ang kanyang pamamaalam…”

 

“Paano ko matatanggap ng ganoon kadali Bernard, paano?”

 

“Bernard, hindi ba natin deserve magkaroon ng anak? Bakit palagi na lang tayong pinagkakaitan?”

 

Isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Bernard. Dahil hindi rin niya alam kung ano ang sagot at tamang salita para mapaluwag ang damdamin ni Angela. Kung meron mang nakakaintindi sa damdamin nito ay siya dapat ‘yon.

 

Pinuntahan ni Andrea ang chapel na isinulat ni Mang Delfin sa kapirasong papel. Pero hindi siya pumasok. Nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ng isang puno ng mangga di kalayuan doon. Mula roon ay tanaw niya ang malaking larawan ni Janine sa may pintuan. Isang katibayan na naroon nga ang kanyang kaibigan.

 

Gustuhin man niyang humakbang papasok sa loob ay ayaw kumilos ng kanyang mga paa. Napipigilan ito ng bigat ng kanyang damdamin.

 

“Janine hindi ko kaya…hindi ko kayang makita ka sa kauna-unahang pagkakataon…sa ganyang kalagayan…ang daya mo Janine, ang daya mo…sabi mo magkikita na tayo at pareho tayong ngingiti…paano ako makakangiti ngayon…hindi ko kaya…hindi ko kaya Janine, patawad…”

 

Unti-unting pumatak ang ulan. Pero hindi iyon alintana ni Andrea na nanatiling nakasandal sa puno habang nakatanaw sa chapel.

 

Nanginginig na binitawan niya ang kanyang bag at saka naupo. Hinayaan niyang sabay na umagos sa kanyang pisngi ang ulan at luhang kanina pa pinipigilan.

 

Ang mahinang ulan ay nagsimula nang lumakas. Subalit hindi pa rin niyon natinag ang dalaga. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.

 

“Janine…” mahina niyang bigkas habang patuloy ang pag-agos ng luha.

 

Nagulat siya nang may payong na tumakip sa kanyang ulunan. Tumingala siya at nakita ang nakangiting mukha ng isang lalaki. Marahan at magalang siya nitong itinayo saka inabutan ng asul na panyo.

 

(ITUTULOY)

Pagpapatuloy ng face-to-face classes sa 39 Metro Manila schools ‘generally smooth’- DepEd

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Overall assessment was smooth and learners are excited to go back to schools,” ayon kay DepEd Human Resource and Organizational Development Officer-in-Charge (OIC) Wilfredo Cabral.

 

 

Si Cabral, nagsisilbi bilang Regional Director of DepEd-NCR, ay nagpahayag na 39 na eskuwelahan ang nagpatuloy ng face-to-face classes, araw ng Miyerkules kung saan “the 28 are the original pilot schools.”

 

 

Tinukoy ang updates mula Navotas, sinabi ni Cabral na ang pagpapatuloy ng face-to-face classes ay “generally smooth” dahil ang lahat ng nagpartisipang eskuwelahan ay binigyan ng Safety Seals ng Department of Interior and Local Government (DILG).

 

 

Aniya pa, ang “perfect attendance was noted” sa mga paaralan na nagpatuloy ng limited face-to-face classes.

 

 

Sinabi pa rin ni Cabral na ang “overwhelming support from stakeholders” ay kinabibilagan ng mga guro at personnel ng nagpapartisipang eskuwelahan, magulang, mag-aaral, LGUs at iba pa.

 

 

Aniya pa, ang DepEd ay magpo-provide ng updates “from the rest …of the NCR schools once available.”

 

 

Sa kabilang dako, agbigay din ang DepEd ng updates ukol sa unang araw ng expanded face-to-face classes sa ilang Metro Manila schools gaya ng naka-post sa kanilang Facebook page.

 

 

Kabilang sa mga eskuwelahan na nagpatupad ng expansion phase ng limited face-to-face classes ay ang Ignacio B. Villamor Senior High School (IBVSHS) sa Sta. Ana, Manila kung saan ang nagpartisipa ay ang Grade 12 Technical-Vocational Livelihood (TVL) – Information Communication and Technology students.

 

 

Ang lahat ng mga estudyante at guro na nakiisa sa limited face-to-face classes ay pawang fully vaccinated laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ang mga mag-aaral ay binigyan ng consent o pinahintulutan ng kanilang mga magulang na magpartisipa sa in-person classes.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng IBVSHS ang mahigpit na implementasyon ng safety protocols para sa proteksyon ng mga sasali sa face-to-face classes.

 

 

“Overall, the expanded face-to-face class (hybrid set-up) at our school was smooth and successful,” ayon kay IBVSHS teacher Aljohn Cueva.

 

 

“Innovation in the education system like the hybrid setup will also help address some of the problems in other types of learning modalities like online and modular,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

US Sec. of State Blinken nasa Australia para patatagin ang relasyon sa mga Asia-Pacific allies

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA Australia ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa Asia-Pacific allies.

 

 

Isa sa posibleng tatalakayin nito ay ang patuloy na pagpapalakas ng China ng kanilang militar.

 

 

Kabilang sa pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng Japan, Australia at India.

 

 

Itinaguyod noon pang 2007 ang Quadrilateral Security Dialogue o Quad na sinimula sa pamamagitan ng US-India-Japan naval exercise sa Indian Ocean o tinawag na Malabar Exercises.

 

 

Sinabi ni Marise Payne ang minister for foreign affairs ng Australia na nakatuon din ang pagpupulong sa vaccine distributin, cyber and critical technology, countering malicious disinformation, counterterroirism at climate change.

Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’

 

 

May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward.

 

 

“PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.”

 

 

Dagdag pa ng aktres, “Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.

 

 

“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!” kasunod ang tatlong praying hands emojis.

 

 

Sagot ng netizen sa kanyang IG account, “Naging Leni lang din naman kayo kasi gusto mo maibalik ang network nyo, network na kumikita kayo ng milyon milyon, network ninyong manloloko, network ninyong fraud, small business nga dyan pag may maling nagawa o di nakapag-comply close agad tapos yang network ninyo harap-harapang nanggagago. #neveragain.”

 

 

Sagot naman ni Angel na lantaran nama nang pagsuporta kay VP Leni Robredo, “wala pa akong binabanggit na pangalan.”

 

 

Comment ng netizens, “ang daming trolls. Point ni Angel bumoto kayo ng maayos na candidates. If ayaw nyo sa choice niya, go lang. @therealangellocsin you deserve to state your views and people should respect that.”

 

 

“Never Again? Para kanino.”

 

 

“Susme. kala mo eh namilit yung tao or nag-endorse. Ni walang name drop. Bato bato sa langit talaga. Tamaan… GUILTY!”

 

 

At kahit nga marami naman ang nag-agree at naniniwala sa gustong ipaglaban ni Angel na maging wise lang sa pagboto, meron talagang malakas ang loob na mam-bash.

 

 

Sabi ng basher, “Huwag niyo bulahin ang tao! Gusto niyo sumama tao sa inyu dahil gusto niyo lang naman interest niyo para muling kumita ng pera! Nakakasuka kayu (vomiting emoji).”

 

 

Naging malumanay naman ang sagot ni Angel at nakikiusap na intindihin ang gusto niyang iparating sa ating mga kababayan.

 

 

Pahayag ng misis ni Neil Arce, “please read my post carefully. Yung statement na ganito ay hindi pagkakakitaan.

 

 

“Eto’y para sa lahat. stop the hatred, hindi tayo magkaaway at hindi dapat mag-away.”

 

 

Na sinagot naman ng netizens, “stop the hatred pero bakit puro negative adjectives nakalagay sa caption mo Angel.”

 

 

Pagtatanggol pa ng isang netizen, “Lahat may karapatan bumoto kaso hindi lahat nag-iisip. Kaya nga hanggang ngayon di na nakabangon ang Pilipinas. Nasadlak na sa kahirapan. Pero ilang bilyong buwis ang nakukuha natin. Mayaman tayo dapat.

 

 

“Imbis na buong bansa ang makinabang napunta na lang sa bulsa ng iilan. Kaya dapat sa mga bobotante wala ng K bumoto! Sabagay sila naman un madalas matokhang at maoplan sita. Balanse lang din!”
(ROHN ROMULO)

Kaya masayang-masaya ang AlDub fans: ALDEN at MAINE, muling nagkasama bilang endorsers at nag-shoot din ng TVC

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA at labis ang pasasalamat ng mga fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na after ng huling endorsement nila na isang delivery service, ay muli silang magkasama ngayon. 

 

 

Naging endorser din sila ng isang selling app, pero photo shoots lamang iyon at minsan silang nagkasama sa monthly live presentation nito.

 

 

But this time, ikinatuwa ng AlDub fans nang pagsamahin sila ng Vivo Philippines as their new endorsers at magkasama sila sa shoot ng TV commercial ng Vivo V23 Series 5G.

 

 

Magkakaroon sila ng grand digital launch this Saturday, February 12, 7PM as a Valentine’s Day treat sa mga fans nila.  Mapapanood ito sa facebook.com live/vivo Philippines.

 

 

Marami na raw ang nag-advance orders ng unit na sabi’y may four colors, na makukuha na rin nila this Saturday sa distributor nito.

 

 

***

 

 

FINALE night na ngayon ng romantic-drama series na I Left My Heart in Sorsogon.  

 

 

Starring Heart Evangelista (Celeste), Richard Yap (Tonito) at Paolo Contis (Mikoy), may nabuong Team Tonito at Celeste at Team Mikoy at Celeste.

 

 

Pero malakas ang clamor ng Team Tonito dahil mas mahal daw talaga ni Tonito si Celeste kaysa kay Mikoy.  Nagparaya si Tonito kung ano raw ang gusto ni Celeste, pero siya ay laging magmamahal sa kanya, sundin daw nito kung sino talaga ang mahal niya.

 

 

At siguro ay magkakaroon na rin ang linaw sa relasyon nina Sebastian (Mavy Legaspi) na brother ni Celeste at ni Tiffany (Kyline Alcantara), ang anak naman ni Tonito.

 

 

Ngayong finale na ng romantic series, tiyak na may time nang mangampanya si Richard next month na tumatakbong Congressman sa North District, ang first congressional district ng Cebu Province.

 

 

***

 

 

BACK to work na si Kapuso actor Mikael Daez pagkatapos siyang mapanood sa primetime top-rating drama series na Love of My Life na nakasama niya sina Carla Abellana, Rhian Ramos,  Tom Rodriguez at si Ms. Coney Reyes.

 

 

Si Mikael ang napiling mag-host ng The Best Ka! na magpapakita ng mga kahanga-hanga at mga world’s record-holders na ikaaaliw ninyong panoorin. Magsisimula na itong mapanood sa Sunday, February 20, 3:30 PM sa GMA-7.

 

 

Sa ngayon ay napapanood si Mikael sa replay ng Ang Lihim ni Annasandra, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Little Princess.

 

 

Very soon ay isang singing competition na iho-host nila ng asawa na si Megan Young.

 

 

***

 

 

MAS masama ang character ni Aiko Melendez as Kendra, na napapanood muli sa Prima Donnas, ngayong nasa second season na sila ng top-rating afternoon prime last year.

 

 

Kung masama na ang character niya noon, mas matindi pa ang character niya ngayon, kaya ang mga televiewers, nagbalik lalo ang galit sa kanya.

 

 

Kaya pala nagsabi na agad siya na abangan ang bagong Kendra, dahil makikita na ang pasabog ni Aiko sa transformation ng character niya bilang bagong Kendra, sa tulong ni Bethany (Sheryl Cruz).

 

 

Ang Prima Donnas ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM, after Eat Bulaga.

(NORA V. CALDERON)

MANILA HEALTH WORKERS, BUWIS-BUHAY PERO…

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPARA sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa, hindi nabibigyan ng tamang kalinga at malasakit aqng mga barangay health workers ng Maynila.

 

 

“Naririnig natin, maayos daw ang honorarium at benefits ng health workers natin, pero kabaligtaran ito. Hindi siya nabibigyang halaga ng city government, pati ang ating mga barangay tanod na palaging nakaumang sa panganib subalit hindi sila nabibigyan ng sapat na honorarium at benepisyo,” sabi ni Atty. Alex Lopez,

 

 

Tanong niya, bakit idinadaing ng mga barangay health workers na wala silang natatanggap na honoraria mula sa Manila City hall.

 

 

Kung  may nabibibigay, ang honoraria ay galing mismo sa sariling pondo ng barangay.

 

 

“Bakit po hanggang ngayon, wala silang natatanggap, kailangan po ng honoraria ang ating  mga frontliner, tulad ng barangay health workers. Ilang taon na ang Covid-19, wala pa rin,” sabi ng mayoralty candidate ng PFP.

 

 

Nalulungkot siya, sabi ni Lopez na napag-iiwanan ang health frontliners ng Maynila.

 

 

“Bakit ang Quezon City, may honoraria at kahit ang maliliit na bayan, pero bakit wala sa Maynila?” tanong ni Atty. Lopez.

 

 

Kung ang ibang bayan at lungsod ay nabibigyan ng sapat na benepisyo ang mga nagtataya ng buhay laban sa Covid-19, bakit hindi  magawa sa Maynila.

 

 

“Napakalaki ng pondong pumapasok sa lungsod. Napakarami pong pera, umutang pa nga ng bilyon-bilyong piso,  nakakalungkot po, talagang hindi ko maintindihan kung saan dinadala ang pera ng Manilenyo,” sabi ni Atty. Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

South Korea planong payagan ang mga COVID-19 positive na bumoto sa halalan

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP  na ng paraan ang parliamento sa South Korea para payagan ang mga mamamayan nila na nagpositibo sa COVID-19 na makaboto.

 

 

Isasagawa kasi ang presidential election sa nasabing bansa sa Marso 9.

 

 

Kasabay ng nasabing halalan ay nahaharap sa hamon ang kanilang gobyerno dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron coronavirus variant.

 

 

Plano rin ng election watchdog na maglatg ng proposal sa National Assembly na baguhin ang Public Official Election Act na nagpapayag ng in-person voting ng COVID-19 patient mula ala-6 ng gabi ng Marso 5 at 9.

 

 

Sa kasalukuyan kasi ay ipinagbabawal ang mga nagpositibo ng COVID-19 na bumoto.

LTFRB: Walang magaganap na pagtaas ng pamasahe

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  idiin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe ngayon panahon ng pandemya kahit na tumataas ang presyo ng produktong gasolina.

 

 

Naghain ng petition sa LTFRB ang mga drivers ng public utility vehicles (PUVs) para sa pagtaas ng pamasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa loob ng magkakasunod na anim (6) na linggo.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na nagaalinglangan ang Department of Transportation (DOTr) na pagbiyan ang petisyon na inihain ng mga drivers dahil siguradong mahihirapan ang mga pasahero.

 

 

“What we are doing is we’re addressing the concerns of transport operators without having much more negative impact on commuters. We are looking at another round of financial assistance to help PUV drivers and operators to cope with higher fuel prices,” wika ni Delgra.

 

 

Noong nakaraang Martes, ang mga kumpanya ng mga langis ay nagtaas ng presyo sa loob lamang ng sunod-sunod na anim na linggo. Tumaas ang gasoline ng P1.05 kada litro at ang diesel naman ay tumataas ng P1.20 kada litro, samantalang ang kerosene ay tumaas ng P1.25.

 

 

Sa kabilang dako naman, inutusan ng LTFRB ang ES Consortium na magpaliwanang kung bakit ang mga drivers at conductors ay hindi pa nabibigyan ng kanilang sayod na umabot na ng P20 million. Isa ang ES Consortium sa mga nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero sa EDSA Carousel.

 

 

Sinabi ni Delgra na nakapagbigay na ng P1.6 billion para sa mga sahod at sweldo ng mga drivers at conductors ang pamahalaan sa ilalim ng programang “Libreng Sakay” para sa EDSA Carousel.

 

 

“The agency disbursed P672.69 million to ES Consortium while Mega Manila Consortium received P559.52 million under the DOTR’s service contracting program, which aimed to help transport workers affected by the pandemic,” saad ni Delgra.

 

 

Ang Mega Manila Consortium ay nakapagbigay na ng mga sayod at sweldo sa kanilang mga drivers at conductors samantalang ang ES Consortium ay nanatiling walang binibigay na sahod at sweldo.

 

 

Naghain na ng formal complaint ang mga drivers at conductors ng ES Consortium sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

“The employer should be the one answerable here as the LTFRB could not intervene in labor issues of their company,” dagdag ni Delgra.

 

 

Mariin naman na tinangi ni Delgra ang alegasyon na ang LTFRB ay nakikipagsabwatan sa mga transport consortium kung kaya’t hindi nababayaran ng sahod ang mga drivers at conductors.

 

 

Sinabi naman ni LTFRB executive director Kristina Cassion na hindi nila mapipilit ang mga transport operators na magbayad ng sweldo at ang kanila lamang magagawa ay mabigyan ng kaukulang sanctions ang mga ito.

 

 

Inamin naman ng ES Consortium kung bakit naaantala ang pagbibigay ng sahod sa mga drivers at conductors at ayon sa kanila ito ay dahil na rin sa pabago-bago ng alert level status sa Metro Manila at ang pagkakaron ng bureaucracy sa loob ng consortium.  LASACMAR

DepEd, nire-require ang mga hindi bakunadong guro, personnel na magpakita ng negatibong COVID test results habang may onsite reporting

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN munang magpakita ang mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel ng negatibong resulta ng coronavirus test bago pa payagan ang mga ito na makapasok sa school premises para sa onsite reporting.

 

 

Sa pagsisimula ng rollout ng expansion phase ng limited face-to-face classes ngayong buwan, pinaalala ng DepEd sa mga guro at iba pang personnel ang pangangailangan na sumunod sa national policies na sinusunod ng lahat ng public institutions kabilang na ang guidelines hinggil sa unvaccinated individuals.

 

 

“If they don’t want to, they don’t have to because vaccination remains voluntary,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

 

 

“But if they go to school, and we have said that time and again, they need to show [negative] result of RT-PCR [Reverse transcription polymerase chain reaction] or antigen so we can also protect those who are vaccinated,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa panahon ng face-to-face classes, sinabi ng DepEd na tanging ang mga guro na bakunado lamang laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang pinapayagan ang magpartisipa.

 

 

Tinukoy ang Department Order 11, s. 2020, muling inulit ni Cabral na ang kumbinasyon o pinagsama-samang Skeleton Workforce, Work-From-Home, 2-Week o Weekly Rotation, at Work Shifting arrangements ay maaaring i-adopt para sa mga hindi bakunadong guro at personnel. (Daris Jose)

Obiena tama ang pagpayag

Posted on: February 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

 

 

Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at Senate Committtee on Finance para sa dalawang partido na dinaluhan din ng mga magulang ng reigning World Athletics No. 5 at Asian record holder noong Lunes.

 

 

Ugat ng iringan ni Obiena at PATAFA na pinmumunuan nina chairman Rufus Rodriguez at president Philip Ella Juico ang mali umanong paggamit ng pondo ng atleta na mula sa kaban ng bayan o PSC.

 

 

Bago ang pagsang-ayon, dalawang ulit tinanggihan ng kasalukuyang kampeon sa Universiade, Athltics Championships at Southeast Asian Games  ang mediation na gusto ni PSC Chairman William Ramirez para matapos na rin ang bangasan sapul pa noong Nobyembre na sumisira sa imahe ng bansa  bansa sa international sports community.

 

 

Para sa OD, tama ang iyong pagbabago ng pasya EJ.

 

 

May isang tama, may isa ring mali. Pero gaya nang giniit ni Chairman Ramirez na magpaka-ama sana si Juico at si EJ magpakaanak.

 

 

Maging maginoo rin ang dalawa, magpatawaran upang matapos na ang gusot at para sa kapakanan ng PH sports.

 

 

***

 

 

Salamat po sa ating mga boss sa pagpapabalik upang makapagsulat na muli ako sa People’s BALITA mula sa limang buwang pagtigil. Salamat po uli.