• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 12th, 2022

MGA MALLS SA MAYNILA GAGAMITIN NA VACCINATION SITE NG PEDIATRIC

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na rin ang ilang mga malls sa Maynila para sa vaccination ng pediatric age mula 5 hanggang 11 taong gulang simula ngayong araw.

 

 

Sa ibinahaging impormasyon ng Manila Public Information Office (MPIO), maaari nang magtungo sa SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Manila, at Lucky Chinatown ang nasabing age group para magpabakuna gamit ang Pfizer vaccine .

 

 

Sisimulan ang bakunahan alas 10 ng umaga hanggang hangang maubos ang inilaang 500 doses.

 

 

Nauna nang binuksan para sa pagbabakuna ng 5-11 taong gulang ang Manila Zoo at Ospital ng Maynila.

 

 

Hindi lamang ang edad 5-11 ang maaring bakunahan sa nabanggit na vaccination sites kundi pati ang 12-17 taong gulang para sa kanilang 1st and 2nd dose vaccination.

 

 

Gayundin ang kabilang sa A1-A5priority groups at ang mga nais magpa-booster shot.

 

 

Dagdag pa rito, sinabi ni  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, sinimulan din ngayong araw ang pagbabakuna para sa booster shot sa dalawang kilalang fastfood chain sa lungsod ng Maynila na Mc Donalds at Jollibee.

 

 

Maaaring magpabakuna ng booster shot gamit ang AstraZeneca vaccine sa mga branch ng Mc Donalds sa P.Campa, Lepanto, Paco at Adriatico gayundin sa mga sangay ng Jollibee sa Legarda at North Harbor.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang 24/7 drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand para sa mga 4 wheels na sasakyan gayundin ang drive-thru sa Kartilya ng Katipunan para naman sa mga rider ng 2 wheels motorcycle at bisikleta, sa mga community vaccination sites at Health centers.

 

 

Maging ang door-to-door na pagbabakuna ni Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey”Lacuna-Pangan para sa mga bedridden citizen sa lungsod ng Maynila ay patuloy na isinasagawa.  (GENE ADSUARA)

SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady. 

 

 

The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta.

 

 

“Talagang hindi naman namin iniisip na magkakaroon ng book 2,” pagbabahagi ni Gabby.

 

 

“Although, ‘yung first book, talagang napakaganda. We have a good team that brought us to where we are right now.”

 

 

Inamin naman ni Sanya na ang pagbabago sa kanyang character ay, mas challenging po talaga ang maging First Lady.

 

 

“’Yung First Yaya kasi medyo malapit-lapit pa talaga kay Sanya ‘yung character eh. Unlike now, ‘yung pagiging First Lady inaaral ko po talaga. Of course, nandyan din naman po si Direk LA (Madridejos) to help me.”

 

 

Nagtapos nga ang First Yaya on a happy note with the fairytale romance of President Glenn and Melody.

 

 

This time around, the newlywed couple navigates new territory and delves into trust and doubt; change and tradition; and the line of clear communication that will challenge their marriage.

 

 

As Glenn seeks another term to his presidency, Melody needs to reassess and find her place once more in her husband’s ever-chaotic and busy life.

 

 

Playing important roles sa primetime series ay sina Pancho Magno bilang PSG Captain Conrad Enriquez, ang head of PGA’s security detail and the primary protector of the First Family; Ms. Pilar Pilapil bilang Blesilda, ang headstrong mother of PGA who will stop at nothing to protect the presidency; Boboy Garovillo bilang Florencio, Melody’s father who passed away but still appears to her visions; Maxine Medina bilang Lorraine, Assistant Secretary of the Presidential Communications and Head of the Speech Writers Group and Melody’s former rival turned “frienemy”; Thou Reyes bilang Yessy, Presidential Management Chief-of-Staff who also holds the post of Presidential Spokesperson; at si Ms. Sandy Andolong bilang Edna, and loving and streetwise mother of Melody.

 

 

Kasama pa rin to showcase more spark and fun sina Cassy Legaspi bilang Nina Acosta, the eldest daughter of PGA who is also running for a position in her school government; at JD Domagoso bilang Jonas, Nina’s boyfriend who also joins the school campus elections but ends up competing against her.

 

 

Nagbabalik din sa serye sina  Clarence Delgado bilang Nathan, the second child of PGA whose resolve is tested when his family is besieged by challenges to their stability and security; at si Patricia Coma bilang Nicole, the youngest child of PGA who is closest to Melody.

 

 

Mas magiging exciting ang serye sa pagpasok ng seasoned actress na si Alice Dixson bilang Atty. Ingrid Domingo, a political strategist that eventually gets hired by President Glenn Acosta’s (PGA) campaign team to be the political director of his presidential bid. Na-reveal na rin na siya ang former serious girlfriend ni Glenn.

 

 

May very special guest appearance naman ang award-winning actor and one of GMA’s prime leading men na si Rocco Nacino bilang Mayor Moises Valentin, a rising political star and young hotshot Mayor of “Magat” City. He is suave and good-looking, and develops a “special” friendship with Melody even when he is allied with the opposition party.

 

 

Dagdag din sa powerhouse cast sina Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad, Francine Prieto bilang Soledad Cortez, at si Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar, na pare-parehong former first lady.

 

 

Pasok din sa serye sina Shyr Valdez bilang Manang Sioning, a veteran staff of the Presidential palace; John Feir bilang Teddy, President Glenn Acosta’s Campaign Manager; at Divine bilang Bella, Yessy’s office assistant and Ingrid’s double-agent.

 

 

Nagbabalik din sa serye ang well-loved characters nina Kakai Bautista bilang Pepita; Analyn Barro bilang Gem Rose Reyes-Agcaoili; Glenda Garcia bilang Marni Tupaz; Cai Cortez bilang Norma; Thia Thomalla bilang PSG Lt. Val Cañete; Anjo Damiles bilang Jasper Agcaoili; Jon Lucas bilang Titus De Villa; Jerick Dolormente bilang Lloyd Reyes;  Muriel Lomadilla bilang Bevs; Kiel Rodriguez bilang PSG Paul Librada; Atak bilang Impak; at Cecil Paz bilang Jesse.

 

 

Catch the highly-anticipated world premiere of First Lady – na mula sa direksyon ni LA Madridejos at ng associate director na si Rechie del Carmen – simula ngayong Lunes, February 14, weeknights, on GMA, GTV and Heart of Asia.

 

 

Viewers abroad can also catch the program via GMA Pinoy TV. For more stories about the Kapuso Network, visit www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.

 

 

Ang nasabing pagkilala ang pangatlong sunod na taon para sa lalawigan na nakuha ang ikawalong pwesto noong 2020 at ikasiyam na pwesto noong 2019.

 

 

Malaking pagsulong ito sa Bulacan na nasa ika-49 pwesto noong 2018, ika-48 noong 2017, ika-24 noong 2016, at ika-44 noong 2015. Pinatutunayan din nito ang epektibong istratehiya sa ekonomiya ng Bulacan sa ilalim ng administrasyon ni Fernando.

 

 

Higit pa sa pagkilala, naniniwala ang gobernador na maaaring masukat ang tagumpay ng pagiging palaban ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng kasiyahan na natatanggap ng mga Bulakenyo sa mga programa, plano at proyekto para sa mga tao.

 

 

“Ipinapakita po sa nakamit nating ito na tagumpay ang ating lalawigan sa pangangalaga sa ating ekonomiya kabilang na diyan ang mga maliliit na negosyo at pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho. Pinilay man ng pandemya ang ating ekonomiya, hudyat ang pagkilalang ito ng unti-unting pagbangon ng ating lalawigan,” ani Fernando.

Matapos maglahad ng kanilang damdamin tungkol kay TONI: Matatapang na reaksyon nina DIONNE at DAWN, pinupuri ng netizens

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG mga dating Pinoy Big Brother Housemates na sina Dionne Monsanto at Dawn Chang ay hind puwedeng bansagang the WHO times dahil biglang silang naging relevant matapos ilahad ang kanilang damdamin tungkol sa former PBB house na si Toni Gonzaga.

 

 

Isang Mala-Maleficent ang impakta paghalakhak ni Monsanto sa opisyal na pahayag ni Gonzaga at kay Chang naman ay Ingliserang aria ang kinana para sa “unbothered” na si Gonzaga.

 

 

Nasa demokrasya tayo at democracy in progress ang nangyayari at ang mga reaction nina Diane at Dawn ay nasa katwiran. May katwiran rin ang katwiran ni Celestine kung bakit niya pinili ang maging host sa katatapos lang na presidential proclamation.

 

 

Sa mga nagsasabing hindi deserved nina Mrs. Paul Soriano ang mga bashing at hating na ipinupukol sa kanya, na ito ay pangmalakasang halimbawa ng tinatawag nilang “cancel culture,” may mainam na paliwanag si Ginoong Ogie Rosa, isang Palanca award winning writer at political observer tungkol dito:

 

 

“Stop cancel culture? Meaning kunsintihin ang kasinungalingan at kawalang pakialam? Payagan ang pambabaluktot at pambabastos sa kasaysayan? Hindi ba dapat itigil yung pagbubulag-bulagan?”

 

 

Kaya nga ang reaksyon nina Diane Monsanto at Dawn Chang ay isang buhay na patotoo na hindi sila bulag, pipi at bingi sa katotohanan. Kapuri-puri sila sa kanilang matatapang na deklarasyon at reaksyon sa mga kaganapan sa kasalukuyan.

 

 

***

 

 

BIDA na si Wilbert Ross sa bagong comedy movie Boy Bastos, mula kay Direk Victor Villanueva, gumawa ng critically-acclaimed na Patay na si Hesus.

 

 

Ginagampanan ni Wilbert ang role ng isang horny virgin na magbabago ang takbo ng buhay dahil tumira sa bahay nila ang kanyang sexy teacher. Ang pelikula ay base sa isang trending internet sensation noong early 2008.

 

 

Ito ang biggest break ni Wilbert at napasabak siya sa matinding aktingan sa comedy together with his co-stars Rose Van Ginkel at Jela Cuenca.

 

 

Felix ang name niya (Wilbert) pero tinawag siyang Boy Bastos ng mga kaibigan niya dahil sobrang horny niya at mahilig siyang magdrawing ng porn images sa notebook niya. Kahit na may maganda siyang gf (Jela), hindi naman niya ito masyadong gusto kaya di siya naa-arouse pag sinusubukan nila mag-sex.

 

 

Magbabago ang ihip ng hangin nang makilala ni Felix si Katey (ang kanilang substitute Biology teacher) na tumira sa bahay nila. Siyempre, Felix will fall in love sa teacher niya, na magiging personal teacher niya sa life and sex.

 

 

Get your dose of sexy fun and humor with Boy Bastos on February 18, streaming online on VIVAMAX

 

 

***

 

 

PUNO ng kilig ang mararamdaman ng mga Kapamilya sa bawat Sabado ng Pebrero sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig na handog ng MMK. 

 

 

Isang kwento ng pagmamahalan na nagsimula sa Facebook ang pagbibidahan nina Kit Thompson at Jane Oineza sa Pebrero 12 na idinerehe ni Jerome Pobocan.

 

 

Hindi na nag-alangan si John (Kit) na mag-add ng mga babaeng di niya kilala sa kanyang Facebook account sa pag-asang mahahanap ang kanyang true love.  Hindi naman siya nagkamali dahil makikilala niya rito si Jane na siyang magiging nobya niya. Alamin kung ano-anong pagsubok ang kanilang haharapin.

 

 

Makaka-relate naman ang mga kabataan sa classic love story ni Natasshia (Eliza Pineda) at ng kanyang crush. Kahit walang karanasan sa relasyon, gagawin ni Natasshia ang lahat para mapansin ng kanyang minamahal. Alamin kung magtagumpay siya rito sa Pebrero 19.

 

 

Bibida naman ang kinagigiliwang loveteam na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa MMK sa Pebrero 26 bilang sina Theza at John. Idinerehe ni Raz dela Torre, magsisilbing inspirasyon sina Theza at John na hindi hadlang ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay para sila ay magmahalan.

 

 

Panoorin ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

(RICKY CALDERON)

Disqualification cases vs BBM, ibinasura ng Comelec First Division

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA nang hadlang sa pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Sen. Bongbong Marcos.

 

 

Ito’y makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang lahat ng natitirang disqualification cases na isinampa laban sa kanya.

 

 

Sa 44-pahinang resolusyon na pinonente ni Commissioner Aimee Ferolino ng First Division at sinang-ayunan ni Commissioner Marlon Casquejo, ibinasura ng poll body ang tatlong natitirang petisyon dahil sa kakulangan ng merito.

 

 

At upang maalis ang pagdududa kung ang kabiguang maghain ng income tax ay isang krimen na kinasasangkutan ng mor turpitude, tinukoy ng poll body ang pronouncement ng Supreme Court (SC) sa kaso ng Republic of the Philippines vs. Ferdinand R. Marcos II at Imelda R. Marcos.

 

 

Ang pasya ng high tribunal dito na ang kabiguang maghain ng tax return ay hindi krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude. (Daris Jose)

PBA balik-aksiyon na sa Araneta

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mga laro :

(Araneta Coliseum)

3:00 pm – Meralco vs NLEX

6:00 pm – Magnolia vs TNT

 

 

ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito sa bansa.

 

 

Kahapon ay naglaro si Jayson Castro  sa Tropang Giga (2-2) ang Magnolia (3-0), alas-6:00 ng gabi sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

 

 

Bago hininto ang hostilidad ng import reinforced conference dahil sa pagsirit ng COVID-19 noong Enero 5, umalpas ang TNT kontra Rain or Shine noong Disyembre 26 sa bisa ng  95-92 panalo.

 

 

Nasa landas din ng Tropa ang Phoenix Super LPG sa Linggo, Pebrero 13, San Miguel Beer  sa Miyerkoles, Peb. 16 at Barangay Ginebra San Miguel sa Biyernes, Peb. 18.

 

 

Didribol naman ang Gilas Pilipinas sa FIBA window sa Big Dome rin kung saan makakatapat ang South Korea, New Zealand at India.

 

 

Buo na ang lineup ni coach Vincent Reyes sa pagbabalik sa team nina Jeth Troy Rosario at Kib Montalbo na galing sa mga pilay. Malamang na kabisado na rin ng bagong import na si Aaron Fuller ang TNT sa pangalawang salang.

 

 

Makakatuwang nina Fuller at Castro sina Mikey Williams, Kelly William ar Roger Ray Pogoy.

 

 

Dagdag naman sa Pambansang Manok Hotshots ang mga bagong saltang sina Adrian Wong na galing free agency nang pakawalan ng RoS  at James Laput.

 

 

Sasandal pa rin ang Magnolia kina Mike Harris,  Paul John Lee, Ian Sangalan, Mark Barroca, Jiovanni Jalalon at Calvin Abueva. (CEC)

DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.

 

 

Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para sa mga pasahero mula sa Cavite, Paranaque at Las Pinas.

 

 

“20 years ago, the government had a vision of putting Cavite extension for the LRT -1 line. This was just a dream 20 years ago. Completing the milestone plays a huge part in addressing mobility, connectivity and convenience for Cavite and southern part of Metro Manila,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na ang pagtatapos ng Phase 1 viaduct ay pagpapakita sa bayan na ang proyekto ay totoo at parating na upang matapos.

 

 

Naantala ng mahigit kumulang na 20 taon ang pagtatayo ng nasabing 11.7 kilometro na rail line kung saan ito ay ginagawa ngayon bilang isang joint-project ng DOTr, Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corp. (LRMC).

 

 

Mayron itong walong (8) estayon na magdudugtong sa Baclaran sa Paranaque patungong Bacoor, Cavite. Ang walong estasyon ito ay ang Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.

 

 

Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer Baclaran-Bacoor, Cavite segment mula sa dating 18. kilometer train line.

 

 

Ang unang phase ng extension ay may pitong (7)-kilometro na may limang (5) estasyon sa pagitan ng Redemptorist Church sa Baclaran at Dr. Santos sa Paranaque. Samantalang ang tatlong (3) estasyon ay inaasahang matatapos ngayon 2022.

 

 

Kapag natapos ng tuluyan, ang LRT 1 Cavite extension, ito ay inaasahan ng DOTr na magkakaron ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000.

 

 

Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay magiging  45 na minuto na lamang at mula Bacoor ay isang (1) oras at 10 minuto naman papuntang estasyon ng Roosevelt sa Quezon City kahit na rush hours.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.  LASACMAR

12 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy., 178 na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual (HVI) na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340, 000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-3:25 naman ng madaling nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue, harap ng Paradise Village Brgy. Tonsuya sina JC Christopher Dagoy, 35, Sarah Jane Malate, 31, at Alfredo Cruz Jr, 32.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php122, 400.00 at P500 marked money.

 

 

Sa Valenzuela, alas-5 ng madaling araw nang madakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P300 marked money, P140 cash at dalawang cellphones.

 

 

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.

 

 

Sinabi ni PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.

 

 

Nakuhanan naman ng nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P8,160 ang halaga sina Jyette Railey Avila alyas “Dayet”, 18, Jacqueline Espinosa, 35, online seller, at 17-anyos na binatilyo matapos madakip sa buy bust operation ng Navotas Police SDEU sa Tawiran 5, Brgy. Tansa 1, Navotas City dakong alas-5:10 ng madaling araw. (Richard Mesa)

“THE LOST CITY” REVEALS BIG GAME SPOT AND PAYOFF POSTER

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
BULLOCK. Tatum. Are they taken? Are they took-en
Find out in Paramount Pictures’ new comedy adventure The Lost City, starring Sandra Bullock, Channing Tatum & Daniel Radcliffe. Check out the film’s newly launched Big Game Spot and main poster below.  The Lost City opens exclusively in Philippine cinemas April 22.

 

 

YouTube: https://youtu.be/-nn29xvqa4M

 

About The Lost City

 

Brilliant, but reclusive author Loretta Sage (Sandra Bullock) has spent her career writing about exotic places in her popular romance-adventure novels featuring handsome cover model Alan (Channing Tatum), who has dedicated his life to embodying the hero character, “Dash.” While on tour promoting her new book with Alan, Loretta is kidnapped by an eccentric billionaire (Daniel Radcliffe) who hopes that she can lead him to the ancient lost city’s treasure from her latest story. Wanting to prove that he can be a hero in real life and not just on the pages of her books, Alan sets off to rescue her. Thrust into an epic jungle adventure, the unlikely pair will need to work together to survive the elements and find the ancient treasure before it’s lost forever.

 

The Lost City is directed by Adam Nee and Aaron Nee, with screenplay by Oren Uziel and Dana Fox and Adam Nee & Aaron Nee, story by Seth Gordon.  The film is produced by Liza Chasin, Sandra Bullock, Seth Gordon; executive produced by JJ Hook, Dana Fox, Julia Gunn, Margaret Chernin.

 

The cast is led by Sandra Bullock, Channing Tatum, Daniel Radcliffe, Da’Vine Joy Randolph, Oscar Nuñez, Patti Harrison, Bowen Yang.

 

The Lost City is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.
Connect with #TheLostCity and tag paramountpicsph

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads February 12, 2022

Posted on: February 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments