• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 14th, 2022

Pinagbigyan na rin ang request ng followers: BEA, umamin na siya ang nag-initiate ng ‘first kiss’ nila ni DOMINIC

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY pakilig si Bea Alonzo sa  bagong upload niya sa kanyang YouTube account.   Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscribers na interbyuhin si Dominic Roque.

 

 

Mas seloso daw si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung hindi oras.

 

 

So meaning, may time na kulang ba ang oras ni Dominic kay Bea?

 

 

     “Hindi kasi ako multi-tasker. So kapag may ginagawa ako, do’n lang ako, para ‘kong kabayo. Yun lang talaga ko.”

 

 

Pero inamin din ni Bea na selosa rin siya.  Hindi rin daw sa tao, pero nagseselos daw siya kapag may ibang pinagsisilbihan si Dominic.

 

 

     “Kasi feeling ko dapat ako lang, special dapat ako,” sey ni Bea.

 

 

Ang aliw, inamin nila na ang first kiss daw nila ay sa bahay ni Bea naganap. At si Bea ang nag-initiate.

 

 

“Hinatid niya kasi ako, eh, ang sakit ng paa ko no’n dahil maghapon akong naka-heels.  Ang ginawa niya, minassage niya ang paa ko.  Nakatayo na kami, kiniss ko siya. Parang nahiya pa siya, nagkatawanan kami.

 

 

      “Pero after, kiniss na niya ko ng totoo.  Oo na, ako ang unang nag-kiss! Ha ha ha!”

 

 

Ipinaliwanag din ni Bea kung bakit matagal bago nila isinapubliko na officially, sila na nga. Kahit daw sa mga closest friends nila, hindi rin pala ito agad sinabi ni Bea.

 

 

Ang dahilan, gusto rin daw niyang makasigurado na kaya niyang tayaan ang boyfriend.

 

 

Sey pa niya, “Actually,  napapagod na ‘kong magkamali sa harap ng publiko. Kasi parang paulit-ulit akong nakikita ng mga tao na nai-in-love, tapos magbi-break.

 

 

Masakit din na ‘yung mga tao, naba-bash ka. Masakit din na masabihan na maybe there’s something wrong with you kaya ‘di nag-work ang relationship. 

 

 

      “Ikaw pa ang mabi-blame.”

 

 

And it seems, posibleng kasalan na ang ending ng BeaDom talaga.

 

 

***

 

 

KAARAWAN ni Kris Aquino ngayon at Valentine’s Day at dahil alam na rin niya na siguradong marami ang magpapadala sa kanya ng mga materyal at  mamahaling regalo, kasama na ang sangkaterbang bulaklak, inunahan na ni Kris ang lahat.

 

 

At dahil nga sa sakit niya kunsaan, tutuloy na silang mag-ina sa U.S. para ipagpatuloy ang pag-konsulta sa kanyang autoimmune deficiency at sa rami raw ng mas may nangangailangan, nakiusap ito na kung may gustong iregalo sa kanya na prayer na lang.

 

 

      “Best birthday gift you can give me – please don’t spend more money on me, nakakahiya, and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos.”

 

 

      Pero ang palaisipan sa lahat, kung sino ang taong ipinapakiusap ng lahat na ipagdasal muna raw bago siya. Walang hint kung sino ang taong ito pero res    Petuhin na lang daw ang privacy ng taong ito at mas unang ipagdasal kesa sa kanya.

 

 

Marami naman ang nagsabing ipagdarasal nila ang request ni Kris pero may mga nagsabi rin dito na sana raw, sabihin na ni Kris kung sino ang taong ito dahil sa prayer naman daw, dapat ay specific talaga.

(ROSE GARCIA)

Ads February 14, 2022

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM NG EL SHADDAI

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.

 

 

Naganap ang pagtataas ng kamay sa pangunguna ni El Shaddai founder Bro. Mike Velarde sa prayer meeting ng grupo nitong Sabado sa Amvel compound, Parañaque City matapos isigaw ng mga dumalo ng misa ang “Brother Mike, the choice is yours!”

 

 

Ayon sa mga miyembro, ito ang unang beses na sa publiko mismo nagtaas ng kamay ang kanilang 82-year-old leader at televangelist.

 

 

“First time niya magtaas ng kamay. Noon hindi iyan nagtataas ng kamay iniimbitahan lang niya pero ngayon dalawa pang kamay ang itinaas niya in public,” ayon sa mga miyembro.

 

 

Sa isang panayam sa mga reporter, sinabi ni Velarde na oras na para magkaisa ang mga Pilipino kaya’t ang BBM-Sara UniTeam ang kanilang napili.

 

 

“After all, napagbigyan na natin ‘yung mga kalaban ni Marcos baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them,” sabi nito.

 

 

“Open-minded sila (UniTeam). Panahon na para magkaisa tayong Pilipino,” dagdag pa niya.

 

 

Ayon kay Velarde, ang lahat ng kanilang chapters sa labas at loob ng bansa ay susuporta at tutulong sa UniTeam.

 

 

Nilinaw din niya na hindi sila umaasa ng kahit anong kapalit sa kanilang pag-endorso kung sakaling mahalal ang UniTeam kundi ang kanilang nais ay ang kaunlaran ng bansa.

 

 

“Kailangan masolusyonan nila kaya lang hindi pwedeng gawin ‘yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo na suportahan ang namumuno sa atin,” sabi ni Velarde.

 

 

Para kay Marcos, ang mensahe ng pagmamahal na itinuturo ng El Shaddai ay kaakibat ng kanilang mensahe ni Sara ng pagkakaisa.

 

 

“We are always very grateful to Brother Mike for all his support and help through the years. Actually this is not the first time. Napakalaki ng utang na loob ko, ng aming grupo, si Inday Sara kay Brother Mike at sa lahat ng kasama ng El Shaddai sa kanyang pag-endorso sa amin,” sabi niya.

 

 

“He sends a message of love, and ours is a message of unity. It works very well together,” dagdag ni Marcos.

 

 

Sa harap ng libo-libong miyembro ng El Shaddai na masayang naghihiyawan ng makita ang UniTeam, sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng pagmamahalan, makakamit ang pagkakaisa.

 

 

“Pinapakinggan ko ang leksyon ngayong araw na ito, kasama ninyo, at ang utos sa atin ng Panginoon is love each other. ‘Yan po ang magsisimula sa ating pagkakaisa,” sabi niya.

 

 

“Kaya po, sana po, hinihingi po ang inyong tulong na ipagpatuloy itong kilusan na ito. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa isa’t isa, sa ating pagtulong sa isa’t-isa hanggang tayo ay magtagumpay hindi lamang sa darating na halalan sa Mayo kung hindi ang tunay na tagumpay ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino,” dagdag niya pa.

 

 

Para kay Marcos, pagkakaisa ang instrumento upang malagpasan ng mga Pilipino ang lahat ng hamon na kakaharapin ng bansa.

 

 

“Nakita na po natin ‘yan sa lahat ng pangyayari sa  kasaysayan ng Pilipinas na ang ating pagkakaisa ay naging dahilan kung paano tayo nakaraos sa lahat ng hamon ng panahon, lahat ng sakuna, lahat ng giyera, lahat ng bagyo, lahat ng lindol, at ngayon itong pandemya, ngayon itong ekonomiya, mahaharap natin basta tayo ay nagkakaisa,” sabi niya.

 

 

“Ito po ang aming layunin, ito ang aming pangarap. Kaya po ay pagkaisahin natin, sundan po natin ang leksyon, ang turo ng ating Maykapal: Love each other and as we love each other, we will come together as one nation. Sa pagkakaisa na iyon, sama-sama tayong babangon muli,” giit pa niya.

 

 

Samantala, nagpasalamat naman si Sara sa buong El Shaddai group sa kanilang suporta sa UniTeam.

 

 

“Nagpapasalamat po kami kay Brother Mike Velarde at sa buo pong church ng El Shaddai sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ko at ni Apo BBM. Nagkausap po kami and nagsabi po siya na i-endorse niya kami as president and vice president,” sabi niya.

 

 

Bilang pagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng lahat ng miyembro ng El Shaddai group, kumanta si Bongbong at Sara ng “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Gaano Ko Ikaw Kamahal”.

 

 

Maliban sa BBM-Sara tandem, inendorso rin ng grupo si UniTeam Senator Mark Villar. Ayon kay Velarde, 14 na mga kandidatong pagka-senador ang kanilang i-endorso para pagpilian ng kanilang mga kasamahan.

 

 

Milyong tao din ang nakasaksi sa kaganapan dahil ipinakita ito nang live sa pamamagitan ng kanilang mga online platform at napakinggan sa pamamagitan ng kanilang DWXI 1314 radio station.

 

 

Noong 2016, si Marcos din ang inendorso na vice-presidential candidate ng El Shaddai group.

Mga nabigong maghain ng kanilang Income Tax Return, maparurusahan- Sec. Dominguez

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaari nang parusahan ang mga taong nabigo na maghain ng kanilang income tax returns sa ilalim ng umiiral na tax regulations.

 

 

Matatandaang, inalis lamang noong 1992 ang probisyon ukol sa pag-exempt na maparusahan o pagmultahin ang mga taong nabigong makapaghain ng income tax returns.

 

 

Ang paglilinaw na ito ng Kalihim ay matapos na may isang bahagi sa Commission on Elections’ First Division ruling ang nagbabasura sa disqualification cases laban kay Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na umiikot sa social media.

 

 

Ang nasabing bahagi ng ruling na isinulat ni Commissioner Aimee Ferolino ay nagsasaad ng “the failure to file tax returns is not inherently wrong in the absence of a law punishing it.”

 

 

Upang bigyang linaw ang nasabing usapin, tinukoy ni Dominguez ang Batas Pambansa 135, inamiyendahan ang Section 73 ng 1977 National Internal Revenue Code.

 

 

Ang naturang seksyon ay nagsasaad na may multa na P2,000 at pagkakakulong ng hindi lalagpas sa anim na buwan ang mga taxpayers na nabigong maghain ng kanilang tax return o nakapagbayad ng kanilang buwis.

 

 

Ang amiyenda sa naturang batas ay mayroong probisyon na nasasaad na “that an individual with compensation income taxable under Section 21 (a) of this Code and where the tax withheld from such compensation income is final shall be exempt from the penalty for failure to pay the tax on such compensation income and to file a return thereon at the designated period.”

 

 

“This is the law applicable during the 1983-85 taxable years,” ayon kay Dominguez.

 

 

Ang petisyon para idiskuwalipika si Marcos Jr. ay nag-ugat mula sa naging hatol ng Quezon City court laban kay Marcos dahil sa hindi paghahain ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

 

 

Ang hatol kay Marcos Jr. ay pinagtibay ng Court of Appeals subalit inalis naman ang imprisonment sentence.

 

 

Sinabi ni Dominguez na “the provision making the non-filing of ITR not punishable “was removed only in 1992.”

 

 

Dahil dito, umapela ang Kalihim sa mga mamamahayag na “please help educate the public when asked about the confusion that the lifted Comelec ruling’s portion might cause about tax compliance.” (Daris Jose)

Saso dadalaw sa ‘Pinas

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SASAMANTALAHIN ni Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso ng Japan ang pagdayo ng  ng 73rd LPGAT 2022 Leg 4-5 sa Marso sa Southeast Asia sa papasok na buwan sa Singapore at Thailand. Kaya maaga siyang aalis sa pinagbabasehang Estados Unidos sa pagbisita muna sa sa mga kamag-anak, tagasuporta’t kaibigan sa ‘Pinas sa buwang ito bukod pa sa makapag-inspirasyon at motibasyon sa mga Pinoy.

 

 

“I will be spending some time in the Philippines before heading to Singapore and Thailand,” pahayag ng 20-taong-gulang, isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na Fil-Japanese pro, na napanatili ang No. 7 sa latest world ranking kahit na-cut sa third leg Drive On Championship sa Florida noong Pebrero 3-5.

 

 

Hahambalos ang nakadakdang dalawang abahagi ng world premier women’s pro circuit – HSBC Women’s World Championship – at – Honda LPGA Thailand – sa Singapore sa Mar. 3-6 at sa Thailand sa Mar. 10-13. (REC)

Concepcion, muling itinulak ang Alert Level 1 sa NCR para sa susunod na buwan

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukala nito na ide-escalate ang quarantine status sa National Capital Region sa mas mababang Alert Level 1.

 

 

Layon nito na palakasin ang economic recovery ng bansa.

 

 

“We recommended moving to Alert Level 1, sana by March. Matagal na ang sitwasyon na on-and-off ang ating ekonomiya,” ayon kay Concepcion.

 

 

“Dapat Alert Level 1 na tayo. Nakikita natin per trajectory talagang bumababa na ang mga kaso, bumabagsak na siya. Dito sa NCR at iba pang lugar sa bansa na mababa na talaga ang kaso ng COVID-19, dapat ilagay na sa Alert Level 1 o new normal,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ng OCTA Research na ang kaso ng COVID-19 ay bababa ng 1,000 sa buwan ng Marso.

 

 

Ani Concepcion, kung ang Kalakhang Maynila ay ibababa sa Alert Level 1 sa Marso, ang first quarter gross domestic product ng bansa ay lalago ng 6%.

 

 

Ang gross domestic product ng Pilipinas ay tumaas ng 7.7% sa fourth quarter ng 2021, dahilan para maging 5.6% ang full-year growth.

 

 

Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mas gagaan ang NCR sa susunod na buwan, “which could translate to over P11 billion in income, and over 191,000 jobs to the economy.”

 

 

Ang Kalakhang Maynila ay na- upgrade sa Alert Level 3 noong Enero 3, 2022, at kalaunan ay na-downgrade sa mas pinagaan na Alert Level 2 simula noong Pebrero 1, 2022.

 

 

Ipinanukala ni Concepcion na bawasan ang five-level COVID-19 alert system sa tatlo, at kailangan na gumana gaya ng tropical cyclone warning system.

 

 

Aniya, ang panukalang alert level system ay ilalagay lamang kapag mayroong surge ng Covid-19 cases.  (Daris Jose)

[ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.

 

 

Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong  Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief system, walang ibang intelligent beings na nabubuhay sa labas ng planet Earth.

 

 

Isa sa pundamental na katanungan na kung ang creation ay sumasaklaw sa 125 billion galaxies na may hundreds of billions  na Stars (Araw), paano kung ang ilan sa mga planetang naroroon ay may advance civilization?

 

 

At kung tunay ngang umiral si Kristo sa daigdig bilang anak ng Diyos na nagkatawang-tao, bakit mas pinili ng Diyos Anak na bumaba sa planet Earth manaog bilang tao upang iligtas ang mga Earthlings? Paano naman ang kapakanan ng ibang alien race mula sa planet Andromeda, halimbawa lang?

 

 

Nagpanukala ang philosophy professor na si Christian Weidemann ng Ruhr-University Bochum sa Germany na maaaring ang mga extraterrestrial beings ay “hindi nagmana ng kasalanang original” tulad ng mga Earthlings, ng kainin ng mga unang nilikhang sina Eva at Adan ang “makasalanang prutas”. Samakatuwid, ang mga nilalang sa ibang planetary system ay hindi nangangailangan ng kaligtasan sapagkat higit na “mas mataas ang kanilang kamalayan at kaisipan”.

 

 

Gayunpaman, ang mungkahi ni Weidemann ay walang lohikal na basehan, lalo na at wala pa naman talagang natutuklasang extraterrestrial beings. Samakatuwid, wala sa atin ang paghatol kung sila ba ay makasalanan o hindi sapagkat ni wala nga tayong katiting na ideya sa paraan ng kanilang pamumuhay, uri ng kanilang emosyon at paraan ng pag-iisip.

 

 

Kung may extraterrestrial intelligent beings man, mas ligtas sabihin na maaaring sila ay makasalan o nakagagawa rin ng kasalanan tulad ng mga Earthlings.

 

 

Isa pa sa panukalang sinabi ni Weidemann ay ang posibilidad na si Kristo ay nabuhay o nag-incarnate na nang maraming ulit sa iba’t ibang planetary system sa yugto ng kanilang kasaysaysan kung saan ang nilalang na nananahan rito ay “nangangailangan ng kaligtasan”.

 

 

Ngunit, kung ibabase ito sa scientific guesses kung ilan nga ba ang sibilisasyon na maaaring umiiral sa buong kalawakan, at kung gaano katagal umiral ang mga sibilisasyong ito sa iba’t ibang planeta bago ang mga ito magunaw, si Kristo ay maaaring nabuhay sa iba’t ibang bersiyon sa 250 planeta, simultaneously, sa parehong timeline ng history. Ito ay lubhang imposible.

 

 

Sa kabilang banda, ayon sa theologist na si Michael Waltemathe mula rin sa Ruhr-University Bochum, ang pagkakatuklas ng extraterrestrial beings ay magiging problema lamang ng Christian world, at hindi ng ibang relihiyon.

 

 

Ibinigay na halimbawa ni Walthemathe ang Islam. Ayon sa kaniya, ang propetang si Muhammad ay hindi reincarnated version ng Diyos. Siya ay isang tao na naging mensahero lamang ng Diyos. Samakatuwid, kahit saang planeta pa sa kalawakan, ang Diyos ay maaaring magsugo ng isang propeta.

 

 

Tunay na sensitibo ang usapin pagdating sa relihiyon. Katunayan, halos lahat ng digmaan sa mundo ay nag-ugat sa relihiyon. Ang tanging magagawa na lamang natin sa ngayon ay hintayin nating may matuklasan talagang sibilisasyon sa ibang planeta. Saka na lamang pagtalunan kung sino ang kinikilala nilang Creator at Tagapagligtas kapag nakausap na natin sila.

‘American Pie’, isa sa inspirasyon ng ‘coming-of-age’ movie: WILBERT, pinahanga si Direk VICTOR dahil sakto sa na-invision nila na maging ‘Boy Bastos’

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Direk Victor Villanueva na nakilala sa award-winning at cult-favorite na Patay na si Hesus, na ang American Pie ang peg niya sa Boy Bastos na pinagbibidahan ni Kenkoy Heartthrob Wilbert Ross.

 

 

Say ng young direktor, “aware naman ako. I think, siguro in every film, may manggaling sa different medium.

 

 

“But I’m happy to say na, that’s one of the inspirations, but you know, there a lot of inspirations na nilagay ko sa film na ‘yan, para bagay sa 2020s.”

 

 

Dagdag pa ni Direk Victor, “ang nakita ko naman kay Wilbert, hindi ko siya kilala, kaya nung nakita ko siya, to be honest, I was worried.

 

 

“Kasi sa ‘Boy Bastos’, may naisip kami ng writer na si Joma, na ang comedy na gusto naming gawin, tapos si Wilbert parang nagta-transform into that vision.

 

 

“Na parang oo nga, siya ‘yun naisip namin na ‘Boy Bastos’.  Kaya na-surprise kaming lahat, kasi meron comic timing si Wil, tapos yun editor, tawa nang tawa, parang natural daw niya.

 

 

“Pero sa tingin ko, nahirapan si Wil, kaya kailangan ko siyang kausapin na ‘wag maging stiff but slowly nagta-transform siya.

 

 

“That’s why, I’m so proud of him, kasi siya ‘yung ‘Boy Bastos’ na na-invision namin. Kakaibang Wilbert Ross ang mapapanod nila.”

 

 

Patok na patok nga sa netizens ang trailer ng newest coming-of-age comedy film ng Viva Film na tungkol sa ma-el na teenager at sexy teacher magsasama sa iisang bahay?

 

 

Base nga ito sa internet sensation noong early 2000s. Si Felix (Wilbert) ay binansagang “Boy Bastos” sa kanilang eskwelahan, na virgin na mahilig mag-drawing ng kabastusan sa kanyang notebook.

 

 

Si Cathy (Jela Cuenca) naman ay ang kanyang girlfriend na handa nang ibigay ang kanyang virginity sa kanyang nalalapit na birthday. Hindi niya talaga type si Cathy, kaya naman mahihirapan siyang ma-arouse nang subukan nilang mag-sex.

 

 

Makikilala naman ni Felix si Katey (Rose Van Ginkel). Siya ang Substitute Teacher nila sa Biology, na nagkataong magiging housemate niya pala. Ipapaalala ni Katey na wala dapat makaalam sa campus na sa iisang bahay lang sila nakatira.

 

 

Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Felix kay Katie na siyang magiging teacher niya sa life at sa sex 101. Panoorin ang mga sexy at funny misadventures ni Felix.

 

 

Kasama niya sa kalokohan ang kanyang mga kaibigan na sina Garfield (Andrew Muhlach) at Layno (Bob Jbeili) na gaya ni Felix, ay mahilig din sa porn at sa mga kalokohan.

 

 

Sa February 18 streaming online na ang Boy Bastos sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East Europe, Canada at America.

 

 

Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days!

 

 

At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

 

(ROHN ROMULO)

Magsayo, PH 11 pasiklab sa Enero

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINA professional boxer Jessel Mark ‘Magnifico’ Magsayo at national women’s football team ang mga nagpasimula sa pasiklab ng mga atletang Pinoy sa 2022 nang maghati sa karangalan sa Enero.

 

 

Ipinagpatuloy nila ang malalaking tagumpay ng mga kapwa manlalaro sa nakaraang taon makalipas masikwat ni Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight title sa Atlantic City, New Jersey habang nagtala ng kasaysayan ang PH 11 sa pagkubra ng unang tiket sa sa 9th International Football Federation  (FIFA) Women’s World Cup 2023 sa Australia at New Zealand sa Hulyo-Agosto.

 

 

Kaya sinaluduhan noong Biyernes ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang dalawa.

 

 

Sinilat ni Magsaso si Gary Russell Jr.  ng Estados Unidos via majority decision, 114-114, 115-113, 115-113 noong January 22 para humanay sa mga kampeong Noypi sa larangan sa mundo kina Jerwin Ancajas (International Boxing Federation super flyweight), Rene Mark Cuarto (IBF minimumweight), John Riel Casimero (World Boxing Organization bantamweight), at Nonito Donaire, Jr. (WBC bantamweight).

 

 

Binulaga rin ng  Pinay booters noong Jan. 31 ang Chinese Taiper sa penalty shootout  4-3 sa 20th Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup sa Pune, India.

 

 

Kuminang din si cue artist Roland Garcia at mga rower sa pangunguna ni Tokyo Olympian Chris Nievarez. Pumangalawa si garcia sa Arizona 10-Ball Open sa Tucson sa likod ni Russian Fedor Gorst, na napanaitli ang korona sa iskor na 4-3 at 4-2.

 

 

Segunda rin si Nievarez sa U23 2,000-meter event ng Asian Rowing Virtual Indoor Championships para mamuno sa anim na silver at dalawang bronze medal na koleksiyon ng Team Pilipinas.

 

 

Sa golf, namayagpag si Bianca Isabel Pagdanganan sa 73rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2022 Leg 2 Gainbridge LPGA at Boca Rio driving distance sa Florida noong Jan. 27 sa tiniradang 283-yard average.

Obiena sumungkit ng ginto sa Poland

Posted on: February 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOSTE si Ernest John ‘EJ’ Obiena ng season best 5.81 meters sa pangatlong torneo ngayong taon upang mahagip ang gold medal sa men’s pole vault event ng Orlen Cup sa Poland Biyernes (Sabado sa ‘Pinas).

 

 

Sinilat ng 26 na taon, may taas na 6-2 Pinoy mula sa Tondo, Maynila ang training partner at 2016 Rio de Janeiro Olympic champion na si Thiago Braz ng Brazil.

 

 

Pero hindi sumali rito sina world record holder at 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Armand Duplaintis ng Sweden at KC Lightfoot ng USA na mga nagpahinga pagkawagi sa unang dalawang torneo sa kasalukuyang taon.

 

 

Ineklipsehan ni Obiena ang dalawang pinosteng 5.70m sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany kung saan saan siya pumang-apat, at sa Beijer Stavhoppsgala Uppsala 2022 sa Uppsala, Sweden na rito’y pumangwalo siya.

 

 

Nagsumite si Braz ng 5.71m para sa silver at gaya ring taas si Piotr Lisek ng host country upang mapasakamay ang bronze medal.

 

 

Pang-apat hanggang pampito sina si Matvey Volkov ng Belarus (5.61), Pole Paweł Wojciechowski (5.61), Bokai Huang ng China (5.51) at local bet Robert Sobera (5.41). (CEC)