• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2022

Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Pebrero 24-28.

 

 

Ito ang isiniwalat Martes ng gabi ng FIBA sa pool na buhat sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tatayong punong abala ng apat na araw na okasyon sa parating na Pebrero 24-28.

 

 

Bukod sa dalawang stalwart cager, swak din sa listahan ang mga taga-TNT ng PBA rin na sina Jayson William Castro, Kelly Williams, Jeth Troy Rosario, John Paul ‘Poy’ Erram, Ryan Jay Reyes, Jay-jay Alejandro, Gabriel ‘Gab’ Banal, Carl Bryan Cruz, Matthew Allen ‘Matt’ Rosser, Kib Montalbo, Brian Heruela at Glenn Khobuntin.

 

 

Ang iba pa ay kinabibilangan nina Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame, JBL campaigners Dwight Ramos ng Toyama Grouses at Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Lebron Lopez, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

 

 

Unang makakabangga ng Pinoy quintet and South Korea sa Peb. 24, India sa Peb. 25, New Zealand sa Peb. 27, at mga Koreano uli sa Peb. 28. (CDC)

Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot magpabakuna.

 

 

Sa ngayon aniya, umabot na sa 3,212 na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang Navobakunado na kontra Covid-19 sa lungsod.

 

 

Sabi pa niya, kung nabakunahan ang inyong anak noong nakaraang linggo, hintayin lamang po ang abiso mula sa pamahalaang lungsod kung kailan ninyo makukuha ang kanilang Happy Meal.

 

 

Muli niyang hinihikayat ang mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.

 

 

Noong nakaraang Linggo ay personal na sinamahan ni Congressman John Rey Tiangco, kasama ang kanyang misis ang kanilang tatlong anak na edad 8, 10 at 11 sa Navotas City Hospital para magpabakuna kontra sa nakakamatay na virus.

 

 

“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya panawagan ko sa mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang mga bata para sa kanilang proteksyon kontra sa naturang sakit at maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

ANGELICA, nagpasalamat pa sa basher na apektado sa pag-iingay ng isang ‘starlet’ at ipinagtanggol ng netizens

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa nag-viral na naman ang video ni Angelica Panganiban na tungkol pa rin sa pagiging wais na pagboto sa paparating na May 2022 national elections, may isang basher na tinawag siyang ‘starlet’.

 

 

Nagbabala kasi ang Kapamilya actress sa mga botante ng, “Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.”

 

 

Kaya ngayong eleksyon, mag-ingat daw tayo sa scammers dahil naglipana na ang mga yan, bukod pa yan sa mga fake bookings o manlolokong online sellers.

 

 

Sabi pa ni Angge, “Iwasan ang mga nangangako ng gold. Mambubudol yan. ‘Wag na tayong magpauto.

 

 

At higit sa lahat, “wag bumoto ng magnanakaw!” sabay sabi ng, “Cheers!”

 

 

Kaya naman, matapang na nilait ng netizen si Angge sa pag-repost na public service video ng kaibigan at direktor na Andoy Ranay sa Twitter account niya.

 

 

Ayon sa deleted tweet ng user na may name na @SunWiLd01 na kung saan naka-tag pa si Angelica, “Isang starlet Nanaman po Ang nag iingay @angelica_114 (laughing emojis).”

 

 

Tweet ni Angelica bilang sagot sa basher, “Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin. (heart emoji).”

 

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa sagot ni Angelica, na karamihan ay hindi matanggap na tinawag ang aktres na isang ‘starlet’ dahil kabilang nga siya sa mga A-lister actress.

 

 

Comments nila:

 

“Ha ha. Go Angge. Love your confidence.”

 

“If Angelica is called a starlet, ano na lang ang iba? Haha!”

 

“Paki define nga ang starlet, sunod paki define ang bitter hahahaha jusko barking at the wrong tree.”

 

“She’s not a starlet. Yung idol mo ang starlet. Don’t disrespect Becky like that. Hindi ka pa pinanganak, minamaltrato na sha Ni ms minchin lol.”

 

“Angge sometimes get on my nerves pero c’mon, she’s not a starlet. She practically grew up in the industry.”

 

“Kahit ano inis mo kay angge hindi mo maitatanggi na sya ay A lister at hindi starlet.”

 

“Angelica is an A-lister pinagsasabi mo jan, ang a lister tumatatak, yung isang indie movie nga nya kumita ng 250 million indie movie lang yan ha, kumikita ang movies nya at serye nya.”

 

“Ay naalala ko yung nagcomment ng “not interested” dun sa isang article dito. Secondhand embarrassment nung nabasa ko lol.”

 

“Alam ba ng basher yung definition ng starlet kasi, obviously, that word does not apply to Angelica. Marami na siyang napatunayan kaya nga kaya na niya mag retire sa teleseryes eh.”

 

“Starlet ba yung naglelead role sa mga teleseryes at movies.”

 

“Love Angge. Just clever.”

 

“Dont like Angge sometimes pero aminin naten she’s a top celeb. Her tax can tell!”

 

“Kahit naman di ko bet yang si Angelica, very wrong na tawagan syang starlet. Bagets pa yan sikat na yan at may ibubuga sa aktingan.”

 

“She’s not a starlet and she’s not a superstar but she’s definitely a big star!”

 

“Kahapon lang ata pinanganak yung basher lol. And agree ako sa iba, kahit di mo gusto si Angelica… she’s not a starlet and definitely an A-lister.”

 

“She’s one of the biggest stars of her generation, award winning comedy and drama actress sya, kumikita rin ang mga movies nya, may 300M 350 M 200M 250M sya na kita ng movies.”

 

“Realtalk lang: NEVER naging starlet si Angelica. Child star pa lang pero superstar na sya, sila ni Camille actually. Joker yata yang nagcomment na yan.Hindi sya starlet, hello. May starlet ba na may acting awards, commercials, lead roles sa serious movies and seryes?”

 

“Angelica knows that she will be bashed by doing the 2 videos on educating the people as to whom to elect this coming May. This is her small contribution to wake up people who get’s manipulated by fake news and trolls. I applaud her on doing this risky deed.”

(ROHN ROMULO)

NATO duda na umalis na ang mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUDA si North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg na pinaatras na ng Russia ng ilang sundalo nila na unang itinaglaga sa border nila ng Ukraine.

 

 

Sinabi nito na patuloy ang kanilang gagawing defensive strategy sa ilang bahagi ng Europe.

 

 

Hindi rin aniya sila nagsasawa na hikayatin ang Russia na makipag-usap sa kanila at idaan sa diplomatic solution ang nasabing problema nila sa Ukraine.

 

 

Nauna rito sinabi ni Russian President Vladimir Putin na kanilang pinabalik sa base nila ang mga sundalo dahil natapos na umano ang isinagawa nilang military exercise sa Belarus.

 

 

Pinabulaanan naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang sinabi nito na Putin dahil wala silang nakikitang pagbawas ng mga sundalo sa kanilang border.

2 seniors, 7 pa, kalaboso sa P694K shabu sa Malabon

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinabagsakan ng siyam na bagong identified drug personalities, kabilang ang 63-anyos na lola at 61-anyos na lolo matapos makuhanan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, alas-2:40 ng madaling araw isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ang buy bust operation sa Womens Club St., Brgy. Hulong Duhat matapos ang natanggap na impormasyon mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Lynne Matin-ao alyas “Maya”, 21 ng Navotas City.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang P3,500 marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic schet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama sina Coney Soria, 46 at Raymond Gaspar, 28, na kapwa nakuhanan ng tig-isang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

 

 

Ani PMsg Randy Billedo, tumitimbang ng humigi’t kumulang sa 65.20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P443,360.00 ang nakumpiska sa mga suspek at buy bust money.

 

 

Nauna rito, alas-11:30 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Lapu- Lapu Avenue corner Dalagang Bukid St., Brgy. Longos sina Lorena Estavillo alyas “Daisy”, 63, Arjay Ungui alyas “RJ”, 28, Reynaldo Castillo, 41, Albert Desabille, 39, at Zaldy Manio, 61.

 

 

Sinabi ni PSSg Jerry Basungit , tinatayang nasa 29 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php197, 200.00 ang narekober sa mga suspek, kasama ang P500 marked money.

 

 

Nasa 8 grams naman ng hinihinalang shabu na nasa P54,400.00 ang halaga at P500 buy bust money ang nasamsam ng mga operatiba kay Pol Bryan De Jesus, 35, matapos madakma sa buy bust operation sa Rizal Ave. Extention Brgy.Tañong alas-2 ng madaling araw.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng  Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona.

 

 

Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort sa Muntinlupa City.

 

 

“It’s going to be an exciting leg again for our viewers and to our women basketball players,” paninigurado Martes ni WNBL commissioner Haydee Ong sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum.

 

 

Hinirit pa niyang ‘di di lang korona at premyong cash kundi ang points na rin para sa International Basketball Federation (FIBA) ranking na maaring magpalahok Pinay dribblers para sa hinaharap na Summer Olympic Games. (CDC)

BE THE FIRST TO WATCH “THE BATMAN”: MIDNIGHT SCREENINGS NATIONWIDE ON MARCH 2

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
THE wait is almost over.  
Batman fans across the Philippines have a chance to be one of the first people in the world to see The Dark Knight’s next big screen adventure.

 

 

Warner Bros. Philippines has just announced that tickets to the nationwide midnight screenings of “The Batman” on March 2 at 12:01AM are now available.  Fans may check the social pages of Warner Bros. Philippines for updates on participating cinemas.

 

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/4T7J-U0lacY]

 

 

About “The Batman”

 

 

From Warner Bros. Pictures comes Matt Reeves’ “The Batman,” starring Robert Pattinson in the dual role of Gotham City’s vigilante detective and his alter ego, reclusive billionaire Bruce Wayne.

 

 

Two years of stalking the streets as the Batman (Robert Pattinson), striking fear into the hearts of criminals, has led Bruce Wayne deep into the shadows of Gotham City.  With only a few trusted allies—Alfred Pennyworth (Andy Serkis), Lt. James Gordon (Jeffrey Wright)—amongst the city’s corrupt network of officials and high-profile figures, the lone vigilante has established himself as the sole embodiment of vengeance amongst his fellow citizens.

 

 

When a killer targets Gotham’s elite with a series of sadistic machinations, a trail of cryptic clues sends the World’s Greatest Detective on an investigation into the underworld, where he encounters such characters as Selina Kyle/aka Catwoman (Zoë Kravitz), Oswald Cobblepot/aka the Penguin (Colin Farrell), Carmine Falcone (John Turturro), and Edward Nashton/aka the Riddler (Paul Dano).  As the evidence begins to lead closer to home and the scale of the perpetrator’s plans becomes clear, Batman must forge new relationships, unmask the culprit, and bring justice to the abuse of power and corruption that has long plagued Gotham City.

 

 

Starring alongside Robert Pattinson (“Tenet,” “The Lighthouse”) as Gotham’s famous and infamous cast of characters are Zoë Kravitz (“Big Little Lies,” “Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald”); Paul Dano (“Love & Mercy,” “12 Years a Slave”); Jeffrey Wright (“No Time to Die,” “Westworld”); John Turturro (the “Transformers” films, “The Plot Against America”); Peter Sarsgaard (“The Magnificent Seven,” “Interrogation”) as Gotham D.A. Gil Colson; Jayme Lawson (“Farewell Amor”) as mayoral candidate Bella Reál; with Andy Serkis (the “Planet of the Apes” films, “Black Panther”); and Colin Farrell (“The Gentlemen,” “Fantastic Beasts and Where to Find Them”).

 

 

Reeves (“The Planet of the Apes” franchise) directed from a screenplay by Reeves & Peter Craig, based on characters from DC.  Batman was created by Bob Kane with Bill Finger.  Dylan Clark (the “Planet of the Apes” films) and Reeves produced the film, with Michael E. Uslan, Walter Hamada, Chantal Nong Vo and Simon Emanuel serving as executive producers.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents a 6th & Idaho/Dylan Clark Productions Production, a Matt Reeves Film, “The Batman.”  The film is set to open in Philippine theaters on March 2; it will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheBatman

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads February 18, 2022

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Malaking sunog naitala sa New York matapos ang pagbangga ng oil tanker sa gusali

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGDULOT ng malawakang sunog ang pagbangga ng oil tanker sa isang gusali sa Long Island, New York.

 

 

May laman na 9,200 gallons ng gasolina ang truck ng mawalan ng control ang driver at ito ay bumangga sa Rockville Center.

 

 

Bumaligtad ang truck bago bumangga sa bakanteng establishemento.

 

 

Umabot pa sa 10 oras bago tuluyang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.

 

 

Nakarinig ng mahigit limang pagsabog ang mga nakasaksi sa insidente kung saan hindi bababa sa 10 katao ang nasugatan na agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan.

 

 

Nawalan ng suplay ng kuryente ang mga residente sa lugar dahil sa nangyaring malaking sunog.

Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette.

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima ng bagyong “Odette” hanggang sa ang mga ito ay ma-classify bilang fully recovered mula sa bagyo na tumama sa bansa noong nakaraang Disyembre 16.

 

 

“It is the government’s top responsibility to provide quality and immediate relief assistance to guarantee food stability during trying times and catastrophes. We are giving away what we have to make sure that no one goes hungry,” ayon kay Bautista sa isang mensahe.

 

 

Ang DSWD ay isa sa mga “member agencies” ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na nangunguna sa fifth key result area para tiyakin ang “sustainable food systems, resiliency and food stability for emergencies.”

 

 

Sa nagpapatuloy na isinasagawang assessment nito, may 116,000 katao ang nananatili sa evacuation centers o nakikitira sa kanilang host families — kamag-anak o kaibigan, May walong linggo na simula nang rumagasa at manalasa ang bagyong Odette sa central at southern regions.

 

 

Samantala, may kabuuang 3,024,398 pamilya o 10,993,939 katao ang apektado ng bagong “Odette” sa 10,131 barangays sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Central Mindanao, Mimaropa, at Caraga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)