• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 19th, 2022

13 babae patay matapos mahulog balon sa India

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang 13 babae matapos aksidenteng mahulog sa isang balon sa pagdiriwang ng kasal sa Northern India.

 

 

Nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nakatakip sa balon nang bumigay ito.

 

 

Sinabi ng Mahistrado ng Distrito na si S. Rajalingam na luma na ang balon at hindi nakaya ang bigat ng mga nakaupo sa pantakip nito.

 

 

Ang mga kababaihan at mga bata ay nagtipon upang makilahok sa isang ritwal ng kasal sa kanilang nayon.

 

 

Tinawag ni Prime Minister Narendra Modi ang aksidente ay “nakapanghihina ng loob”.

 

 

Nagtulungan naman ang local administration para sa biktima.

 

 

Ang mga kasal sa India ay madalas na mga engrandeng gawain na may malaking bilang ng mga bisita at marangyang mga seremonya na tumatakbo nang ilang araw.

 

 

Noong 2017, 24 na kasalan ang napatay sa hilagang-kanlurang estado ng Rajasthan nang bumagsak ang isang pader sa kanila habang may bagyo.

PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas.

 

 

“Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

 

Tinukoy ni Año ang report na isinumite sa kanya ng PNP kamakailan.

 

 

Gayunman, hindi naman nito binanggit kung ilang indibidwal ang mino-monitor ng PNP na sinasabing sangkot sa nasabing terror plot.

 

 

“The PNP Intelligence Group is into this, they’re monitoring the movement of these Filipinos who are reportedly (involved),” ani Año, sabay sabing nakipag-ugnayan na ang DILG sa Anti-Terrorism Council.

 

 

Habang naniniwala siya na ang terror plot ay na-preempt na, patuloy naman ang intelligence personnel sa kanilang pagmo-monitor at pangangalap ng mahahalagang impormasyon ukol sa nasabing bagay.

 

 

“There are no indicators that they are really on the verge of implementing it (plan to establish foothold). It’s still information that is being acted upon by the intelligence community,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa ulat, napigilan ng Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) ang planong paghahasik ng kaguluhan sa bansa ng Hamas, isang terrorist group na aktibo sa Gaza Strip at West Bank ng Palestine.

 

 

Sa report ni Intelligence Group director B/Gen Neil Alinsangan kay M/Gen. Michael John Dubria, PNP Director for Intelligence, plano ng Hamas ang pag-atake sa mga Israeli sa bansa, pagsagawa ng mga kilos protesta sa Israeli Embassy, at pagpapakalat ng mga propaganda materials laban sa Israel.

 

 

Natuklasan aniya ng IG ang ginagawang recruitment ng Hamas ng mga Pilipino mula sa mga local terrorist groups na siyang gagamitin para sa paghahasik ng  kaguluhan.

 

 

Sinabi ni Alinsangan na kinilala ng kanilang Pinoy source ang Hamas operative na si “Bashir” o Fares Al Shikli na umano’y nagtangkang mag-establisa ng foothold sa Pilipinas na nangakong magbigay suporta sa ilang mga local terrorist groups sa bansa.

 

 

Pinuno rin ito ng Hamas Foreign Liaison Section, at nakalista sa Interpol Red Notice dahil sa pagkakasangkot sa terorismo.

 

 

Babala ni Alinsangan sa mga terrorist groups, hindi sila magtatagumpay sa kanilang plano sa bansa dahil binabantayan na sila ng PNP at Armed Forces of the Philippines. (Daris Jose)

Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sabik na makasama ang 16-anyos Fil-Am na si Caelum Harris

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris.

 

 

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program.

 

 

Inaasahan na sa buwan ng Marso ay makikibahagi na si Harris sa mga ensayo ng national basketball team para sa paghahanda nila sa 2023 FIBA World Cup na isa ang Pilipinas sa magiging host.

 

 

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na nasa tamang landas ngayon si Harris sa pagsali niya sa Gilas Pilipinas program.

 

 

Mula sa Marigondon, Cebu si Harris na naninirahan na ngayon sa Nashville, Tennessee.

 

 

Labis naman na ikinatuwa ng mga kaanak nito sa Cebu ang pagsali ni Harris sa Gilas Pilipinas basketball team.

DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.

 

 

Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.

 

 

Inatasan din ni Sec Año ang Philippine National Police (PNP) na agad arestuhin ang mga lumalabag na patuloy na iginigiit ang pagbebenta ng mga gamot lalo na yung mga peke.

 

 

Sisiguraduhin din ng PNP na kanilang imomonitor ang mga tindahan na nagbebenta ng mga gamot.

 

 

Ayon kay Sec. Año dapat protektahan ng mga LGUs ang health and welfare ng kanilang mga constituents, kaya dapat siguraduhin ng mga ito na hindi nagbebenta ng mga gamot ang mga sari sari stores dahil sa ilalim ng batas hindi sila otorisado.

 

 

Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act (RA) No. 10918 ang Philippine Pharmacy Act, only Food and Drug Administration (FDA)-licensed retail drug outlets or pharmacies ang pinapayagang magbenta ng gamot para sa consuming public.

 

 

Siniguro ni Año ang suporta sa FDA at maglalabas ng Memorandum Circular (MC) sa mga LGUs para itigil na ang pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores at iba pang outlets other outlets without FDA authorization.

 

 

Panawagan naman ng kalihim sa publiko na bumili ng gamot sa mga drug store o pharmacies na otorisadong magbenta.

 

 

Ayon kay Año nakakatakot at delikado ang mga pekeng gamot lalo at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.

 

 

Ang mga mahuhuling nagbebenta ng mga pekeng gamot ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA No. 8203 or the Special Law on Counterfeit Drugs.

NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na  truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi.

 

 

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang  biktimang sina   Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron Justine Bagay y Legaspi, 19; Francis Aala y Anacay, 19; at Cedrick Javier y Delos Reyes,  18, pawang residente ng Brgy Kaybagal, Tagaytay City; dahil sa tinamong sugat sa katawan mula sa saksak ng suspek na si  Silvestre Pelayo y Tiquin,  41, isang truck driver.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Archie Paclibar ng Tagaytay City Police, alas-9:45 kamakalawa ng gabi habang kapwa naglalakad ang suspek at Javier sa Purok 63, Brgy Kaybagal Central, Tagaytay City nang nagkasigaan ang kanilang balikat.

 

 

Dahil nakainum ang suspek, nagalit at kinompronta nito si Javier at dahil malapit lang ang bahay ng kaibigan na pupuntahan nito, nagsumbong ang huli  kaya  sumaklolo ang apat.

 

 

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at suspek  hanggang sa nauwi sa suntukan at dahil may dalang balisong ang suspek, mistulang naghuramentado ito at iwinasiwas sa mga biktima na dahilan ng kanilang mga  sugat.

 

 

Matapos lapatan ng lunas sa ospital, pinauwi rin ang mga biktima dahil hindi naman malala ang kanilang mga sugat  bukod kay Jorgie habang ang suspek matapos na nagtago ay kusang loob din  sumuko sa awtoridad. (GENE ADSUARA)

Matanggap na kaya ng AlDub fans?: ARJO, bali-balitang anytime soon ay magpo-propose na kay MAINE

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG tama ang nakarating sa aming balita, posible raw na anytime soon ay mag-propose na si Arjo Atayde sa girlfriend na si Maine Mendoza.

 

 

Dinismiss agad ng source namin ang thought na baka kaya lang magpu-propose na si Arjo kay Maine dahil tumatakbo ito ngayon bilang Congressman ng Quezon City.

 

 

So, para mas bumango sa kampanya.

 

 

Hindi raw ‘yon ang reason. Talagang plano na raw ni Arjo na mag-propose kay Maine. In-love raw talaga ang dalawa sa isa’t-isa at siguro naman nga, sa ilang taon na nila in a relationship, napatunayan na nila na seryoso talaga sila sa isa’t-isa.

 

 

‘Yun lang, can’t imagine the AlDub fans na muling nabuhayan ng loob nang makitang magkasama muli sina Maine at Alden Richards sa isang endorsement shoot.

 

 

Kung sakali at engaged na sina Maine at Arjo, matatanggap na kaya ng ilan pa rin sa AlDub fans na it’s really ArMaine in real-life?

 

 

***

 

 

TAMA nga kami nang kumpirmahin namin kay Direk Jerry Sineneng kung sa buong TV career niya as a director, sa ABS-CBN lang talaga siya gumawa.

 

 

True enough, after 30 years, ngayon lang siya nangibang bakod.

 

 

At unang project niya bilang Kapuso ang bagong series na Widows Web na pinangungunahan ng apat na Kapuso ladies na sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Vaness del Moral at Carmina Villarroel.

 

 

      “Napakasarap, napakagaan lang po. Mahirap kasi malaking project, pero naramdaman ko na agad ang suporta at pag-welcome sa akin na ako’y bahagi na ng pamilyang ito.

 

 

      “Wala po akong mahihiling, masayang-masaya po ako, sa totoo lang,” ang obvious naman nga na masayang sabi ni Direk Jerry.

 

 

Inamin naman ni Direk na sa loob ng 30 years niya as Kapamilya, there are times din daw na napapaisip siya dati kung paano nga if lilipat siya ng ibang network. Pero binigyang-diin din niya na habang buhay siyang magpapasalamat sa former network.

 

 

     “I’m forever grateful to ABS-CBN for my 29 years of my career. And yes, it has crossed my mind many times and I never closed my door to any possibility in life.

 

 

      “Noong nangyari siya, sobra po akong saya. I’m not saying hindi ako masaya sa dati, pero ang saya rito. ‘Yung pagtanggap na naranasan ko, ‘yung pag-embrace, it made me feel that I’m part of my new home.

 

 

      “May bago na ako agad na bahay. Sobra akong masaya, sobra akong thankful, sobra akong grateful. Wala, masayang-masaya talaga ‘ko. And I’m very honored and very grateful as Kapuso.”

 

 

Sa isang banda, makikita na agad ang “touch” ng isang Direk Jerry Sineneng sa trailer pa lamang ng bagong serye na ito ng GMA-7.

(ROSE GARCIA)

Channing Tatum Says His New Movie Was Inspired By Road Trip With His Dying Dog

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMERICAN actor and producer Channing Tatum said that his new film, Dog, was inspired by the last road trip he took with his dying dog, Lulu. 

 

 

Dog is an American comedy, now showing in theaters, and will mark Tatum’s directorial debut.  It also marks his return to acting, after he stepped out of the spotlight for several years to recharge. Tatum is best known for his roles in Magic Mike21 Jump Street, and Step Up.

 

 

Dog follows U.S. Army Ranger Jackson Briggs (Tatum) who is tasked with bringing a dog, Lulu, down the Pacific Coast to attend her handler’s funeral. Lulu is a Belgian Malinois military dog, whose owner is a fallen soldier. However, Briggs and Lulu don’t exactly get along and manage to wreak quite some havoc on their road trip together.

 

 

The film also stars Jane Adams, Kevin Nash, Q’orianka Kilcher, Ethan Suplee, and Emmy Raver-Lampman. As reviews start to come in for Dog, Tatum is opening up on what inspired his road trip drama.

 

 

In his interview with Yahoo!, he revealed that Dog was inspired by the loss of his own dog, Lulu, and their last road trip together.

 

 

In 2018, Lulu, a pit bull Catahoula mix, was diagnosed with cancer, causing Tatum to head out for one last road trip with her. The road trip served as his acknowledgement that there wasn’t anything he could do, besides soak up every last moment he had left with Lulu.

 

 

While it was his loss that inspired Dog, Tatum chose to make a film that focused on the beginning of an owner’s relationship with a dog and the creation of lasting memories.

 

 

The popular actor says: Developing it [Dog] and really talking about what dogs mean and what dogs mean to specifically me, or to soldiers, or to anyone really, and primarily we landed on this word ‘surrender’. And that was to me really what I had to learn. When I went on my last road trip with my puppy, [I experienced] that feeling of, ‘There’s nothing I can do. There’s nothing left to do.’ You just have to accept it and be thankful for the time that you did get and know that they’re not supposed to be here forever. I’m supposed to go on and she has to go someplace else.

 

 

Tatum’s return to acting in Dog has received praise from critics, who said that his five years away from leading roles hasn’t diminished his acting ability at all.

 

 

The film also received some criticism for being misguided and not adequately investigating various military-related issues, despite diverting from the comedic tone to touch on them briefly. The sentiment Dog captures on the companionship between a dog and man, still serve to create several touching and powerful moments in the film.

 

 

Dog‘s themes on the bond between a dog and its owner are made more powerful with Tatum’s story in mind. While there are plenty of feel-good stories out there about dogs, few truly examine the loss of a dog or the loss of a dog’s owner. However, these losses do occur, and the grief that dog owners experience is very real and painful. What Tatum’s film Dog does, is offer healing without making owners relive the grief and loss.

 

 

Dog allows viewers to reminisce on their own fun adventures and the friendships they built with their dogs. For both those who own dogs or have lost dogs,  the film is a celebration of a dog’s life and relationship with humans that is made all the sweeter with Tatum’s story of his own Lulu. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).

 

 

Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.

 

 

“The Commission thanks our outgoing Commissioners Perfecto Alibin and Lilian De Las Llagas for showing outstanding leadership and for contributing to the effective governance of the governing boards of their respective State Universities and Colleges (SUCs),” ayon kay CHEd chairman Prospera De Vera sa isang kalatas.

 

 

“I now welcome our two new Commissioners and I am confident that we all continue to learn and educate as one,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni De Vera na si Libre ay dating nagsilbi bilang Vice President for Communications and External Affairs sa Jose Maria College Foundation, Inc. sa Davao City.

 

 

Habang si Canapi naman ay pangalawang pangulo ng University Of Rizal System (URS) at nagsilbi rin bilang Vice President ng Academic Affairs sa University of Makati.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang Vice President for Academic Affairs ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

 

 

Sina Libre at Canapi ay kapuwa sumama kina De Vera at Commissioners Ronald Adamat at Aldrin Darilag sa CHEd. (Daris Jose)

5-milyong target sa ‘Bayanihan Bakunahan’ di naabot

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang gob­yerno na mahirap nang maabot ang target na 5 milyon na mababakunahan laban sa COVID-19 sa isinasagawang ‘Ba­yanihan Bakunahan 3’ na pinalawig hanggang ngayong araw.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hanggang kahapon ay nasa 2.6M pa lamang ang nababakunahan.

 

 

“Medyo matumal pa rin… Kailangan paspasan pa. Baka hindi natin maabot iyong ating 5 million na target,” saad ni Cabotaje.

 

 

Sinabi ng opisyal na hindi na mabilis ang pagtanggap ng publiko sa bakuna lalo na sa booster. Alam naman umano ng tao na importante ito ngunit walang pagmamadali sa kanilang parte na mabakunahan nito.

 

 

Sa unang round ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ noong Nobyembre 29-Disyembre 3, 2021, umabot sa 10.2M doses ang kanilang naiturok habang noong Disyembre 15-22, 2021, umabot sa 6.4M doses ang naibigay.

 

 

Dahil dito, gumagawa na ng ibang diskarte ang National Vaccination Operations Center tulad ng pagpapalapit sa mga vaccination ­centers sa mga komunidad habang ang ibang lokal na pamahalaan ay nagbabahay-bahay na.

 

 

Ipinunto rin ni Cabotaje na nasa 68 porsiyento lamang ng mga senior citizens ang kumpleto na ang bakuna.

 

 

Posible aniyang ­maglunsad ng bakunahan para lamang sa mga senior citizens.

 

 

Nasa 61.9 milyon pa lamang ang kumpleto na ang bakuna sa 109 milyong populasyon ng bansa habang 9.3 ­milyon ang nakatanggap na ng booster shots. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

11th ASEAN Para Games gaganapin na sa Indonesia

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAGANAPIN na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.

 

 

Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.

 

 

Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.

 

 

Huling ginanap sa Indonesia ang Para Games noong 2011.

 

 

Gaganapin ang Para Games mula Hulyo 23 hanggang 30.